EIGHT. TWO

2596 Words
Me? I even told my mother na makakasali ako ulit sa dance group at singing group. Kaya dapat lang na gawin ko ang best ko para makuha ako ulit. Kahit na may parang hindi tama. Yumuko muna ako at inisip ang mali. But still, I don't know what it is. "The audition for singing will start now, I exchanged with my brother as what we've been planned. Siya ang bantay sa mga waiting na sasali sa dance group while I'm assigned in singing," lumibot ang mata niya sa buong silid at napahinto ito sa 'kin. Meron itong nakakaattract na ngiti. Kinikilig ako, inaamin ko. Sino bang magiging hindi kung ang mismong taong gusto mo na ang ngumingiti sa iyo. "I know you'll still do great Ms. Ricalde," ngisi niya na agad namang ikinantyaw sa akin ng katabi ko. Mukhang okay na siya. Hindi na siya mukhang badtrip dahil sa pangyayari kanina. Kung ano-ano na ang ibinubulong sa akin ni Ally dahilan kung bakit nakatingin halos lahat ng babae sa akin. Maybe they are thinking why Reed told me that. I mouthed him a thank you. Agad naman niya iyon nakuha. Inexplain niya sa 'min ang mga gagawin. Wala namang pinagbago iyon. Pareha lang ng sinabi ni Ma'am Valencia kanina. He even told us na inuulit niya lang iyon dahil sa mga contestant na sa singing lang talaga nag audition. "Cath Renne Cruz, you may go to the audition place now," sabi niya ng hindi lumilingon sa ibang direksyon. Nakaramdam ako ng taong tumayo mula sa likuran ko. Kaya pala. Lumabas agad ang babaeng iyon ng hindi manlang tumitingin kahit kanino. Mukhang nag mamadali rin siyang lumabas. She looks nervous. I shook my head and continued to play the guitar. Something is still missing. "Nervous?" umupo si Reed sa harap ko habang may sinenyas siya sa sekretarya niya dahilan kung bakit nanatili iyon sa harapan at nagsulat sa papel na nasa lamesa. Panong hindi ako kakabahan gayong nasa harapan ko siya? Silly Reed. "A bit, something seems wrong sa ginagawa ko, and I don't know what it is," patuloy pa rin ako sa pagtugtog ng gitara habang ang mga paningin ko ay nakatuon sa lalaking nasa harapan ko. Di kaya dahil hindi si Reed yung nandoon mamaya? Ano ba 'yan Celestine, over sa kalandian 'yang iniisip mo. "You'll be fine, believe me when I tell you." Huminga ako ng malalim at tumango bago sinubukan muling ibaling ang atensyon ko sa gitara. "Don't you have anything else to do?" tanong ko kay Reed habang ang mga mata ko ay nasa gitara pa rin. Ilang minuto na akong hindi nakakapag-concentrate dahil dama ko ang kanyang paningin sa akin. Bakit ko pa inasahan na makakapag-practice ako sa harapan ni Reed? "Oh sorry, sige tuloy mo lang 'yan do'n lang ako sa harap," lingon ko sa kanya at sabay turo niya sa bandang likod niya kung nasaan ang lamesa at ang sekretarya niya, "call me if you need anything," tumango ako at ibinalik na ang paningin sa ginagawa ng nawala na siya sa harapan ko. "Tawagan mo na, tapos sabihin mo siya lang ang kailangan mo," nabigla ako ng biglang may mag salita sa gilid ko. Hindi ko napansin na nandito pa rin si Ally dahil kay Reed. Talaga namang mga mata ito, siya lang nakikita. "Stop being silly Ally, baka may makarinig dyan sa kabaliwan mo." "Kabaliwan ko? O kabaliwan mo? In case you forgot you're the one who's obsessed with him Celestine, not me," hawi niya sa mahabang niyang buhok. Nabaling ang buong atensyon ko ro'n sa sinabi niya. Really? She thinks of me that way? I like Reed, but I'm not obsessed! "Hindi ako obsessed Ally, okay? I'm just into him that's all," lapag ko sa gilid ng gitara dahil alam kong hindi na ako makakapag practice nito. "Same difference," kibit balikat niya at tumayo para dumiretso sa labas ng silid na iyon. Umiling ako at uminom na lang ng tubig dahil sa sinabi at ginawa ni Ally. What if she's right? Hindi ko lang napapansin because its part of myself. Ugh, Ally look what you've done to me! Tumayo ako na agad namang ikinabaling ni Reed sa gawi ko. Nakalikha kase ako ng ingay dahil natamaan ko ang silyang malapit sa akin. Lumikha ito ng isang malakas na ingit. "You okay? Where are you going?" Ramdam ko na ang lahat ng atensyon ay nasa akin. Dang it Celestine! Bakit hindi ka kase nag iingat? "I'll just going to practice my vocals at the back." Agad naman nabawasan ang pagaalala sa mukha nito. Nabawasan lang marahil may bakas pa rin ng konting pag aalala sa kanyang mukha. Dumiretso ako sa likod at nag lagay na ng earpiece. "Celestine, ikaw na raw," kalabit sa akin ng sekretarya ni Reed kaya na patayo ako at napatanggal sa earphones na gamit ko. I already practiced my voice for the third time at mukhang magiging maayos pa rin naman ang magiging performance ko kahit mukhang may mali sa pag eensayo ko kanina. Huminga ako ng malalim bago lumapit sa harapan ng silid kung nasaan si Reed. "Contestant number 5, Celestine Ricalde," banggit ni Reed sa akin bago ako pinalabas at pinadiretso sa AVR. Wala kaming imikan, mukhang hanggang ngayon ay badtrip pa rin ito dahil sa sagutan nilang magkapatid kanina. Sinisisi niya ba ako sa nangyari? Hindi ko naman kasalanan yon. Sila 'tong nag away na lang bigla sa harapan ko. Nabadtrip nanaman siguro. Pero dahil kanino? Nasalubong ko pa ang kaibigan kong si Ally sa daan, may kakwentuhang iba. Nihindi ko man lang nakitang lumabas ng computer laboratory iyon. O sadyang busy lang talaga ako sa pag pra-practice kanina kaya hindi ako gaanong nag bibigay atensyon sa paligid ko. Medyo matamlay kong tinahak ang daang papuntang AVR habang bitbit ang hiniram kong gitara na gagamitin ko sa audition. Marami ring tumitingin sakin habang nag lalakad ako papunta sa gym, some of them waved at me, but mostly they're just busy to what they're doing. Umingit ang pintuan ng AVR dahilan lahat ng nasa loob niyon ay nakatingin sa akin. "Miss Ricalde? Contestant number 5 right?" sabi ng matandang babae na nakaupo sa gitna ng dalawang batang mga professor. Hindi niya manlang tinanggal ang pag kakatingin sa papel na nakapatong sa lamesang nasa harapan nito. "Yes po, from section Luke," ngumiti ako sa mga taong naroon. Again, ginawa ko iyon para sa magandang panimula. "Hindi ka pa nakakapag simula pero matunog na ang pangalan mo kanina pa lang," bahagyang humalakhak ang batang professor na ngayon ko lang nakita. Mukhang bago ito. "As I can see mukhang tutugtugin mo ang kakantahin mo," pinutol ng isang babae ang isipan ko. Mukhang nasa early 30's lang ito. "Yes ma'am, that's how talented she is." Napansin ko naman ang pag kakangiti nila at lahat sila ay nak tingin na sa bandang likuran ko. May ngiti silang hindi ko matukoy kung natutuwa ba sila sa kanilang nakikita. Lumingon na rin ako at sakto namang nasa likod ko na si Ryder. "Here's your mic, Miss Ricalde," kumindat pa ito bago ako laharan rin ng upuan upang doon tumugtog. Tinulungan niya akong ayusin ang mic na nilagay niya sa mic stand. Nakaupo na ako sa aking pwesto at hinahanda na ang aking sarili. Pagkatapos ng mga iyon ay bigla na lang niya akong nilapitan ng pagkandalapit lapit. Like 5 inches away from each other's faces. At doon niya binagsak ang kanyang killer smile na may kasama pang pagkindat. Inirapan ko siya ng umalis na siya at kumuha pa ng panibagong mic at isang upuan, umupo ito sa tabi ko at itinutok ang hawak na mic sa gitarang gagamitin ko. "You may start." Tumikhim pa ako bago simulang kantahin ang kanta ni Usher na, 'My Boo.' "There's always that one person That will always have your heart You'll never see it coming 'Cause you're blinded from the start..." Ramdam ko ang paninitig ni Ryder sa akin pag buka palang ng labi ko para maikanta ang kantang napili. Tilang may sinasabi ang paninitig nito. Dahilan kung bakit nailang ako ng konti at ngumiti na lang habang kumakanta. "Know that you're that one for me It's clear for everyone to see Oh baby ooh you'll always be my boo..." Ikinagulat ko ang pag sabay ni Ryder sa akin sa linyang iyon ng mahina. Mahina ang pagkakakanta ngunit dinig pa rin ang magandang pagbitiw sa kantang iyon. At mukhang ako lang nanaman ang nakarinig. Tinignan ko siya at ang mga hurado. Ang ibinibigay lang sakin ni Ryder na reaksyon ay ang nakakamatay niyang ngisi. Habang ang mga hurado naman ay nananatiling seryoso. Kakantahin ko na ang chorus na part ng pinatigil ako ng lalaking hurado. "You're missing something, hindi ba ay pangdalawahan ang kantang iyan?" tinuro niya pa ako habang siya ay nanatili sa kanyang pwesto. Hindi naman ako kinabahan marahil nakangiti naman ito sa akin. "Yes po, but wala po akong kilala sa mga mag o-audition para maikanta 'to ng sabay," pag rarason ko na hindi naman nag tutunog nag rereklamo. Still, I have to remain calm para matanggap ulit ako. Hindi kaya ito ang sinasabi kong parang kulang? Wala akong ka-duet? Kaya kulang ang emosyon na naibibigay ko sa performance ko? "Then why didn't you pick a solo kind of song?" dagdag naman ng isa pang hurado. "Nag co-cover po kase ako ng song at ang kanta po na ito ang huli kong ni-record," magalang na pag rarason ko. "Ako na lang ang magiging ka-duet," sabi ni Ryder at bigla na lang itong tumayo upang kumuha ng isa pang mic. "Its settled then, kakantahin niyong parehas iyan," ang matandang babae ang nag sabi nito habang nag titingin nanaman sa papel. Walang sali-salita ng dumating si Ryder at maupo siya ulit sa upuan na nasa tabi ko. Seryoso ito habang inaayos ang sarili. "Lets sing Jason and Fatima's version of this," bulong niya. Nagulat ako dahil alam niya ang kantang iyon. Mas ikinagulat ko pa roon, ay ang pagkakaalam niya sa dalawang paborito kong youtuber na nag co-cover rin ng mga kanta sa youtube. Tumango ako roon at hinarap na ang mga taong hahatol sa gagawin namin. Sumenyas na ang pinakamatanda sa hurado dahilan kung bakit nag bagsak na ako ng tunog galing sa gitara. "There's always that one person That will always have your heart You'll never see it coming 'Cause you're blinded from the start..." Kinanta ko yon ng puno ng damdamin. Dinama ko rin ang ang pagkaka-strum sa gitara. Banayad lang para sa umpisang parte nito. "Know that you're that one for me It's clear for everyone to see Oh baby ooh you'll always be my boo..." Bigla kaming nag sabay sa parte na ito. Tinignan ko si Ryder kung ano ang emosyon na pinapakita nito. Nang tignan ko siya ay laking gulat ko na nakatingin na pala ito sa akin. Sakto na sa mata ko pa siya nakatingin. Hindi ko maintindihan kung anong emosyon ang ipinahihiwatig niya sakin. Naguguluhan ako. Tinuon ko ang paningin ko sa mga hurado. "Do you remember girl I was the one who gave you your first kiss 'Cause I remember girl I was the one who said put your lips like this..." Hindi pa ako nagkakaroon ng first kiss. But I hope it will be great with the one I love. "Even before all the fame and People screaming your name Girl I was there and you were my baby..." Sa parteng ito hindi ko napigilang tignan ulit si Ryder. Hindi ko alam kung kita ba sa aking mukha ang pagkagulat ng makitang nakatingin nanaman ito. Tilang sinasabi niya sakin ang mga liriko na binibitawan niya. "It started when we were younger "Its started when we were younger You were mine (my boo) Now another brother's taking over But its still in your eyes (my boo) Even though we used to argue it's alright I know we haven't seen each other In awhile but you will always be my boo..." Habang nag se-second voice para sa kanya ay nilabanan ko na ang paninitig niya. Siguro naman naiparating ko sa tingin na iyon ang tanong ko kung bakit ganyan ang emosyon na binibigay niya, lalo na sa akin. "I was in love with you when we were younger You were mine (my boo) And I see it from time to time I still feel like (my boo) And I can see it no matter How I try to hide (my boo) Even though there's another man who's in my life You will always be my boo..." Ako naman ang kumakanta sa parteng iyon at siya naman ang nag bibigay ng pangalawang boses para sakin, pero sa huling mga salita ay nag sabay na kami roon para sa pag tatapos ng kanta namin. Hindi ko siya matignan ng nag papalakpakan na ang mga taong naroon dahil sa pag tatapos ng kanta. "What a wonderful duet!" "May spark ang performance niyo. Tilang may mensahe sa likod nito." "Nag uusap pa ang mga mata habang kumakanta." "Konti na lang maiisip kong kasali rin si Ryder sa nag o-audition." Puro salamat at awkward na ngiti ang mga natamo nila mula sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang hindi ko pa yata nagustuhan ang kinalabasan ng ginawa namin gayong mukhang sobra pa nga iyon base sa mga naging reaksyon ng mga hurado. Agad akong tumayo at nag bow. Ramdam ko ang presensya ni Ryder sa aking gilid. Hinawakan niya ang nanginginig na kamay ko na nilagay ko sa aking likod dahil sa kaba. "Relax, you did great. Tinapatan ko lang ang galing mo dahil ayokong ma-disappoint ka. Your reaction is much more mean to me than theirs, Celestine," bulong niya sa kanang bahagi ng ulo ko. Sa buhok ko siya bumulong. Ano ang pinagsasabi mo? Bakit mo kailangang gawin at sabihin iyon? Nang nagsabi na sila ng mga komento nila tungkol sa performance na ginawa namin ay bigla na lang akong umalis pagkatapos kong sabihin ang aking pasasalamat sa kanila. Mabilis akong nag lakad palabas ng AVR ng biglang may humigit sa braso ko. Pinipigil ako sa pag lalakad ng mabilis pabalik sa computer lab. "Bakit ka nag mamadali?" Hindi na kagulat gulat pa ng makitang si Ryder iyon. May hawak itong asul na energy drink sa kaliwang kamay. Nakahawak ang kanang kamay nito sa kaliwang braso ko habang ang isa naman ay may bitbit. "Iniisip ko lang yung pinaghiniraman ko nitong gitara baka sila na ang susunod o di kaya ay mag prapractice pa ulit sila bago sumalang," mabilisang pag dadahilan ko. At tsaka totoo naman ang sinabi ko baka sila na nga ang sunod o di kaya ay hinahanap na nila itong hiniram kong gitara. "Oh come on Celestine, we all know that everybody here admires you. Paniguradong hindi sila magagalit kung maglalakad ka lang ng normal pabalik sa computer lab," ngumisi ito at hinagis sa ere ang bote ng energy drink bago ito ilahad sa akin. "Here, have an energy alam ko naman na nawalan ka ng lakas dahil sa akin," inabot ko ito ng naka nganga dahil sa sinabi niya. Ano? Energy? For me? Mukha ba akong nanglalata gayong nag mamadali ako kanina? At anong pinagsasabi niyang nawalan pa ako ng energy ng dahil sa kanya? Sino ba siya? Ngumisi sa 'kin si Ryder bago mayabang na nauna sa akin sa pag lalakad pabalik ng computer lab. At sa anggulong iyon, makikita mo rin ang maraming mga babae na nag aadmire sa kanya mula sa malayo. I'm just speechless of the way he's acting right now. Is he the weird one or me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD