EIGHT

3432 Words
Audition "Ayos! Mukhang handang handa ah?" akbay naman sakin ni Ally nang makarating na siya sa sala ng bahay namin. Nakita niya kasi ang damit kong ipangsasayaw ko mamaya. Handa pa ba ako nito? Gayong wala naman akong naihandang kanta para sa audition mamaya para sa singing group. Umiling ako at itinuon na lang sa ibang bagay ang atensyon. Inilagay ko na ang stilettos, tanktop, at ang leggings na pinong itim na gagamitin ko mamaya sa audition sa isang paper bag. Ayoko namang malate ngayong araw. Dahil panigurado, yung bwiset na si Ryder ang mang huhuli ngayon ng mga late dahil busy si Reed ngayong araw dahil sa magaganap na audition. And besides, alam ko schedule ni Reed for this whole week. Dahil tinanong ko yung secretary nila. "Bakit nga ba ako lang ang nag kakaganito? Hindi magkandamayaw sa pag hahanda. Bakit hindi ka sumali sa pag audition, Ally?" I turn to her as we're about to enter her car. Nag aantay na rin ang driver niya sa loob. Na pag desisyonan ko na kay Ally na lang sasabay, ayoko kasing abalahin si mang Edong dahil panigurado ay pagod pa iyon dahil sa pag tulong sa kanyang asawa kahapon. Inutusan kase nila dad si manang Gretha kaya hindi magkanda ugaga ang mga iyon sa pag sunod kahit wala naman sa bahay ang aking mga magulang. "You see Celestine I don't have a talent, what do you want me to do? Do some volleyball thing and spike every judges' face?" humalakhak siya habang inaayos ang sarili ng makapasok na siya sa loob ng sasakyan. Nasa passenger seat siya habang ako at ang mga gamit ko naman ay nasa backseat. Inirapan ko na lang sarili kong kaibigan bago tumingin sa bintana at mag-antay sa pagdating namin sa eskwelahan. As we arrived at school, tinignan ko ang wristwatch ko at nakitang malapit nang magsimula ang edition. Hinarap ako ni Ally at hinila niya na ako sa restroom ng school na malapit lang sa computer laboratory kung saan kami mag-aantay para sa audition. Nagulat pa nga ako sa ginawang galaw ng sarili kong kaibigan. Pag pasok pa lang kasi namin sa loob ng restroom ay tinatanggalan na niya ako ng damit! Tinapik ko ang mga kamay niyang iyon habang nakakunot ang noo. Pinakita ako rito na bahagya akong nairita sa kanyang biglaang pag kilos. Ngumiti lang naman ng bahagya sa 'kin si Ally bago ako sigawan ulit. She knows I can't just hold my anger. "Magpalit ka na! Dahil sa pagkakakita ko sa listahan ng mag o-audition sa sayaw, ikaw ang una!" tinulak niya pa ako sa loob ng isa cubicle para pwersahang magmadali. Sinunod ko naman ang kanyang sinabi at dali daling nag palit ng damit. "Nakita ko rin na panglima ka sa kakanta, kaya may oras ka pang mag-isip kung ano ang kakantahin mo. Wow lang talaga Celestine, confident na makukuha sa singing group, ha." tawa niya sa akin na alam mong inaasar ka sa tawang iyon dahil sa tono palang noon at ang paraan nang pagtingin nito. "Shut it, Ally! You're not helping!" sabi ko pagkatapos kong ilagay ang huling pares ng stilettos sa aking paa at lumabas na ng cubicle para makita ang sarili sa salamin. Agad na lumapit si Ally sa aking likod at pinusod ng isang mataas na pony tail ang maalon at purong itim kong buhok. Habang siya ay abala sa aking buhok, ako naman ay nag lalagay ng bahagyang kolorete sa aking mukha para madepina ang mga bagay na mero'n ako. Mascara, to make my lashes longer and thicker, then tint and lip gloss to make my lips looks more healthy. Nag lagay na rin ako ng powder sa aking mukha for the final touch. I really hope I still can do great this time. Heck! Mas kinakabahan pa ako sa mga ganito kesa sa mga pageant na sinasalihan ko rito sa school. Ngayon, ay nag-aantay na kami ng aking kaibigan sa computer room. Doon kasi nila kami ipinuwesto para raw malapit sa AVR; kung saan magaganap ang audition. Kinuha ko ang phone ko at ang earphones ko para makasabay sa pag pra-practice ng iba. Nasa kalagitnaan na ako ng pag pra-practice ko nang dumating ang vice president at ang treasurer ng student government ng school. Agad namang napako ang mata ni Ryder sa akin nang mamataan niya ako. Really? Mang bu-bwiset nanaman itong lalaking ito. Pero, nang maalala ang sulat na nakalagay sa dogtag ni Ashy, nawala ng parang bula ang pag-iisip ko na baka kaya siya nakatingin ng ganyan ay para asarin ako sa mangyayaring audition ngayong oras. Huminga na lang ako nang malalim at tumalikod sa kanila para ipagpatuloy ang pag pra-practice sa sayaw. Dahil nandito lang naman si Ally para tulungan ako, siya na lang ipagpapakinig ko sa kanila habang nag pra-practice ako. Tinignan ko si Ally. Agad niya namang nakuha ang ibig kong sabihin sa mga titig kong iyon. Nang matapos na ang tugtog sa huling beat ng kanta ay itinaas ko ang dalawang kamay ko sa ere, habang magkapatong ito at ang kanang paa naman ay nakahawi sa gilid. Habang nakatingkayad ang mga daliri nito. Sa kaliwang paa naman ay bahagyang nakabaluktot tuhod nito. Nakatingala ako habang bahagyang hinihingal pa. "Are you listening Miss Celestine? Kanina ka pa sayaw nang sayaw d'yan habang tinatawag kita, ni hindi ko pa nasisimulan ang anunsyo ko ng dahil sayo," nilingon ko si Ma'am Velencia na nasa harap habang natatanaw ko ring nakahalukipkip ang mga bisig nito. May galit ata ito sa mga magaganda. "At ikaw Miss Dominique," nilingon ng lahat ang babaeng nasa harapan nila Miss Velencia. "Stop whispering! You're already acting like this when we don't know yet if you're accepted! Gumanyan ka kung alam mong may ibubuga ka sa audition na ito!" doon ko rin napagtanto na siya ang magiging adviser ng Teatro De'elegaza. Mapasinging group or dancing. Nakita ko ang pag pipigil ng tawa ng iba. Ang iba naman ay naiinis kay Ma'am Valencia dahil sa pag papahiya sa 'min. Pero ang tanging nakapukaw ng atensyon ko ay ang nakakunot noong ekspresyon ni Ryder habang nakatingin sa ibang direksyon. Kita ko rin mula rito ang pang gigigil ng panga niya mula rito. Dahil siguro pinahiya ni Ma'am Valencia ang nobya niya kaya ganoon na lang kung manggigil. Pero, I thought nag hiwalay na sila? Lumunok ako bago hungi ng pasensya kay Ma'am Valencia. Bahagya pa nga akong yumuko upang maipakitang sinsero ako sa paghihingi ng tawad. Nang matapos ako sa aking ginagawa ay agad rin naman akong umupo sa katabing upuan kung nasaaan si Ally. I sat there properly at ibinaba muna ang mga bagay na nakakabit sa akin. "Kung sumabog sa harapan natin, no? Sabagay, tumandang dalaga e. Mahirap pag walang lalaking kakalinga sa pag tanda mo," bulong sa akin ni Ally. Agad ko naman siyang binatukan at itinuon ang atensyon sa mga taong nasa harapan. Nakita kong nakatingin lang sa gawi ko si Ryder habang salita naman nang salita si Ma'am Valencia tungkol sa mangyayari sa audition. Hindi ako sigurado kung sa akin ba nakatuon ang mga madidilim na matang iyon o sadyang nag a-assume lang ako ngayon. Nakumpirma lang ang aking isipin ng tumawa siya ng mahina at itinuro ako bago kumindat sa akin. Ano nakakatawa ro'n? Tama bang pag tawanan ako habang nalilito kung sino tinititigan niya? "Iyon lang, mag sisimula na ang audition in fifteen minutes. The audition will start with Ms. Ricalde," tumango lang si Ma'am Valencia kila Ryder bago umalis sa silid na iyon. Agad naman akong kinabahan ng mapagtantong ako nga pala ang una sa sasayaw. Tumayo ako at nagtungo sa likuran para magpractice pa. Tatapusin ko ito at pagkatapos niyon ay mag-iisip na ako ng kakantahin para naman sa singing group. Nag practice ako sa pamamagitan ng kamay lang ang gumagalaw. Pinakinggan ang bawat beat. Sinisigurong walang makakaligtaan roon. Nang matapos ko na ay bigla naman ang paglapit sa akin ni Ryder at Ally. Tinignan ko silang dalawa pero iba ang ngiti na ginagawad sa akin ni Ally, mapang asar iyon. Ano meron? Tsaka ko lang nalaman nang biglang naglabas ng gatorade na kulay asul si Ryder sa harapan ko. May sticky note rin na nakalagay roon. An energy for you! Drink me. Good luck miss It Girl.           Bakit may paganto pa? Ano bang pakulo ito Azucena? This is unnecessary! Bulungan ang nanaig sa buong silid nang dahan-dahan ko nang inaabot ang inuming iyon. What? Is it a big of a deal to accept an encouraging gift from a frienemy? Maraming bulungan, keshyo ano raw kami ni Ryder. Bakit niya raw ako tinatratong ganito. Ako na raw ba ang ipinalit niya kay Dominique. Meron pang naawa kay Abegail. Why pity her? May nakakaawa ba sa kanya? Sabagay, she's been played. Poor Abby. At bakit hindi sumagi sa isip nila na kaya lang ginagawa sa 'kin ni Ryder ito ay napag utusan siyang bantayan ako. Sumusobra naman na yata si Ryder sa mga ganitong galawin? Takot lang talaga siguro siya sa sasabihin nila mom. I shook my head as I realized that, I too is over reacting. Masyado kong pinupuna ang mga asar nila. "Thanks," abot ko roon sa asul na inumin. Ngumisi lang siya sa 'kin bilang sagot kaya naman iniwas ko na ang paningin ko mula sa kanya. Para naman masimulan ko na ang pag inom sa inumin na kanyang binigay. "Celestine Ricalde, proceed at the AVR now, the audition will start," silip ng isa sa mga senators ng Student Government. Tumango ako at inihanda na ang sarili. "Kaya mo 'yan girl! Ikaw pa!" Masahe sa 'kin ni Ally sa aking likod, habang ako naman ay kinakalma ang sarili. Nakabalik na si Ryder sa harapan habang kinakausap niya ang treasurer nila. May tinuturo siya doon sa papel na iyon habang nagsusulat naman yung babaeng treasurer nila. Habang nag she-shake ako ng katawan ko, ay bigla na lang lumingon sa 'kin si Ryder at ngumiti habang nakataas naman ang hinlalaki niya sa mga kamay. Tumango ako at naglakad na patungong AVR. I even told Ally to wait for me there, sa computer laboratory, habang sumasayaw ako. Nang makarating na roon, tatlong judges ang nag-aantay para sa akin. Si sir Jethro, teacher namin si P.E, si Ma'am Esternon ang principal namin, at si ma'am Valencia. Papasok pa lang ay nag pakita na ako ng mga maganda ngiti sa kanila. For a good impression. Ramdam ko naman ang tingin at ngiti sa akin ni Reed sa gilid kung saan kasama niya rin ang sekretarya niya na babae. Todo pa nga kung makadikit kay Reed ang babaeng kasama nito. Come on Celestine, wag mo nang pansinin iyon. Mawawala ka lang sa konsentrasyon pagpinuna mo pa ang makating iyon. "You may proceed, bigay mo na yung audio mo kay Mr. Santos," tukoy ni Ma'am Esternon sa studyanteng nakatayo sa gilid kung saan nakapwesto ang malalaking speaker na gagamitin para sa audition. I did what she say. Ibinigay ko sa lalaking nabangit ang aking piece at binigyan ito ng instruction kung kelan ito maaaring pindutin. Bumalik ako sa gitna at huminga ng malalim. Ngumiti ako sa kanila at tumayo ng maayos para sa magandang postura. I can feel his stare. He's watching me. And that makes me uneasy. You're professional when it comes to this Celestine, right? Don't mimd Reed. He's just an audience. Now playing: River choreographed by Galen Hooks Pagbagsak pa lang ng unang beat ay nag-iba na agad ang ekspresyon ng aking mukha, mula sa pagkakangiti patungo sa seryoso at walang emosyon na itsura. Dinama ko ang bawat kumpas ng musikang iyon. May mga pagkakataong tinitignan ko si Reed dahil lang sa hindi mapigilan ng aking mga mata na dayuhin ang pwesto kung nasaan niya. I don't know what is the meaning of my stare for him but I can tell, he's about to smile. Tinatakpan lang iyon ng kanyang mabibigat na mga tingin. Bawat patak ng kumpas na iyon, ay sabay ng pagbuhos ng pawis ko at ang pagbigay ng makakaya ko sa pag sayaw. Natapos ang pag sayaw ko sa pamamagitan ng pagtayo at pag-akto ng kamay ko na parabang naninigarilyo sa han gin. "Great job Miss Ricalde! Kahit kelan ay wala ka pa ring kupas pag dating sa pag sasayaw," ani ni Ma'am Esternon. "I can tell, you're feeling it," sabi naman ni Sir Jethro. "Bawat pitik ng musika ay ang pagpitik rin ng iyong katawan," utas ni Ma'am Valencia. "Hindi naman po halatang tatanggapin niyo agad siya. Sabagay maski nga ako hindi na natanggal ang paningin mula nang magsimula na siya sa pag sasasayaw," tawa ni Reed sa gilid na ikinapula lang naman ng mukha ko. Yeah Reed, hindi ko lang kita ang pagtitig mo. Ramdam ko pa iyon! And hell! Hindi nanaman ako mapakali dahil sa ginawa mo! "Ikaw talaga, Reed hijo, konti na lang ay maiisipan ko ng may pagtingin ka kay Miss Ricalde," sabi ni Ma'am Esternon na agad namang ikinatawa ng iba pang mga taong naroon. Umiling ako habang nakatingin kay Reed na hindi rin naman tinatanggal ang paningin sa 'kin. "Nako po Ma'am she's just like a younger sister to me, I care for her like that," lumapit siya sa akin at inakbayan pa ako para lang ipakitang mali ang mga iniisip ng mga ito. "Right Celestine?" lahat ng atensyon nila ay nasa akin na pagkatapos niya akong tanungin. "Yes po!" wala sa sariling wisyo kong sagot. Isa-isa nila kaming binigyan ng mga tingin na ani mo'y hindi naniniwala sa mga katagang binitawan namin. "Okay! If you say so. We'll let you know Miss Ricalde if you passed. Again," pagkasabi ni Ma'am Esternon sa huling salita ay agad nanaman napuno ng halakhak ang AVR. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit nararamdaman ko ang pag galaw ng katawan ni Reed sa gilid ko. Kaya heto nanaman ako at hindi magkandamayaw ang puso sa kakatibok. "Humayo na kayo at tawagin mo na Reed ang susunod na mag o-audition," sabi ni Ma'am Valencia. "Hay nako, nakakapagod nang mag-judge sayo lagi ka namang pasado e," 'yan ang huling narinig kong pabirong sabi ni Sir Jethro bago ako makalabas ng AVR kasama si Reed. Habang naglalakad ay binabalot naman kaming dalawa ni Reed ng katahimikan. Dapat ko ba siyang kausapin? Pero ano naman sasabihin ko? Hayaan ko na nga lang at nakababatang kapatid lang naman ang turing niya sa akin. Pinangunahan ko siya sa paglalakad pabalik ng computer lab. Napagdesisyonan ko rin na huwag na lang muna siya kausapin dahil lang sa aking naisip. Pero mukhang napansin niya ang pag-iwas ko nang tawagin niya ako nung bubuksan ko na ang pintuan ng silid na sasadyain ko. "You okay? May problema ba?" "Wala, napagod lang sa audition," ngumiti ako sa kanya at agad nang pumasok sa loob nang hindi ko manlang inaantay ang sagot niya. Umupo ako sa tabi ni Ally nang mapansing nando'n na ulit siya. Hinablot ko pa nga ang orange juice niyang kakabukas niya lang dahil lang sa tensyon na natamo ng puso ko kanina. "Okay ka rin teh no? Daig mo pa si Julia Barreto sa pang aagaw," irap niya na ikinatawa rin naman namin pagkatapos. Pagkatapos kong uminom ay nakita kong palapit na sa amin si Ryder, samantalang si Reed naman ay kinakausap ang treasurer na kasama ni Ryder kanina sa harapan. Nakangisi lang ang kurimaw habang unti-unti itong lumalapit sa akin. Hindi ko gusto ang pag lapat ng ngiti sa kanyang mga labi. Iba ang ibig sabihin nito ngayon. Hindi siya nakakatuwa. Pa'no nag-iba ang ibig sabihin noon kung gayong hindi pa rin naman nakakatuwa para sa akin ang dating noon? "Mukhang gumana ang energy drink na bigay ko sayo ah? Sabi ni Reed mukhang pasado ka na raw agad," humalukipkip pa ito sa harapan ko habang nakangisi pa rin. "Nako! Ryder hindi ba pwedeng likas na magaling na talaga itong kaibigan ko? Bakit? May magic ba yang gatorade mo? Di porket ang lakas maka-Alice in Wonderland ng peg mo e, may mahika na talagang taglay 'yon," asar niya sa lalaking nakatayo sa aming harapan. Ibinaling ko na sa iba ang atensyon ko dahil malamang sa malamang ay mag aaway lang itong dalawang ito sa harap ko. I'm too tired to join their stubbornness. Napansin ko ang isang grupong naroon. Mukhang kakanta ang mga ito dahil sa dalang mga gitara. Masaya silang nag tutugtugan roon sa gilid. Hindi alintana ang audition na magaganap. Ngumiti ako sa kanila nang pamansin nila ang paningin ko, kayanaman ay ginantihan nila ako ng mga ngiti at kaway. "Reed, hindi ba tatawigin mo lang ang susunod na contestant? Bakit ka pa lumapit rito at nag tatagal?" hindi ko napansing pati si Reed ay nasa harapan ko na. Tilang kanina pa nakatayo sa harapan ko. "I'm just going to check if she's fine," lalapit pa sana lalo si Reed nang biglang hinawakan ni Ryder ang upuan na nasa gilid lang ng hita ko, dahilan kung bakit naharangan ang direksyon ng sarili nitong kapatid. Bahagyang nayuko si Ryder patagilid dahil sa ginawang paghawak nito sa mababang upuan. Dinayo ng aking paningin si Reed at doon ko nakitang hindi manlang gumagalaw ito sa kanyang pwesto. Maski nga ang kanyang mukha ay hindi gumagalaw. Dapat ko ba silang pigilan? O manood na lang ako? Mukhang magandang debate ito. "No need for your checkings," bulong pa ni Ryder sa kanyang nakakatandang kapatid. Binulong mo pang kurimaw ka! Rinig ko naman rito sa pwesto ko. "Hindi ko rin kailangan pang humingi ng permiso sa iyo little brother," ngumisi ito dahilan ng pagkakunot ng noo ni Ryder. Umawang na ang labi ni Ryder para sagutin ito ngunit bigla na lang sumingit si Ally sa usapan. Saver! "Tumigil na nga kayong mag kapatid, magsialis na kayo sa harapan namin. Gawin niyo na lang ang mga dapat niyong gawin. Bigyan niyo naman ng oras magpahinga ang babaeng 'to," turo niya sa 'kin na walang ibang ginawa kung 'di tignan lang ang magkapatid habang nag-aaway na mismo rito sa harapan ko. "Fine/Whatever," sabay nilang binitawan ang mga salita na ito bago tumalikod at umalis para gawin ang mga kanilang gawain. Bakit kailangan pa nilang umasta ng ganoon? "Sherilyn Berjindo, sumunod ka sa 'kin at ikaw na ang susunod na sasalang," rinig sa tonong iyon ang pagkairita sa boses ni Reed. Tinignan ko silang magkapatid. Si Reed na nakahawak sa bukas na pinto at pinapaunang lumabas ang babaeng may maikling buhok. Samantalang si Ryder naman ay nakakunot lang ang noo sa harapan, nakatayo ito habang ang kasama niyang SG officer ay walang ibang ginawa kung 'di ay daldalin siya. Hiniram ko ang ekstrang gitara ng kabilang grupo. Well, luckily pinahiram naman nila ako dahil tapos naman na raw silang mag practice. Kinalabit ko ang bawat strings para masiguradong nasa tamang tono ito. Ayoko namang sa mismong performance ako mag tatama ng tono. That would be a big no for me. We still have twenty minutes to prepare. Sa kalagayan ko, I still have more time than that dahil pang lima ako sa sasalang. Tinugtog ko ang bawat piyesa habang kinakanta sa isip ang mga bawat liriko. Pinikit ko ang mga mata ko at itinuon ang atensyon sa tinutugtog. I hum the lyrics. Yung mahina lang. Hindi rin naman napapansin ng iba iyon dahil busy sila sa pag pra-practice. "Mamaya na rin raw ilalabas yung results ng mga nakapasa sa sayaw," lapag ni Ally sa mga pinamili niya sa canteen. Juice at chips ang mga iyon. Pero karamihan sa binili niya, chips. And I know for sure na sa kanya ang karamihan sa mga iyon. Baka nga isa lang binili niya para sa akin. I said my thanks to her at ipinagpatuloy ang pagtutugtog sa gitara. Tama naman ang mga ginagawa kong pag kalabit sa gitara, tama rin naman ang mga liriko na sinasabi ko sa isip ko, lalo na ang tono ng kanta ko. Pero bakit parang may kulang pa? Bumuntong hininga ako at ipinahinga muna ang sarili. Baka pagod lang 'to. "Bakit mukhang problemado ka?" nguya ni Ally sa chips na kakabukas niya pa lang. "Parang may kulang pa sa kanta ko e. Hindi ko matanto kung ano. I played the guitar right, even the lyrics and the tone of my voice. Hindi ko alam kung ano ang mali," hilot ko sa sentido ko at nagbukas ng juice na dala niya. I can't do this right if this is what I'm feeling. Hindi ako kuntento. Hindi ako mapakali. "Sa pagkakarinig ko naman sa pag huhuni at tugtog mo diyan, I bet you'll be accepted again," kindat niya sa 'kin sabay bukas nanaman ng panibagong chips. "I wish Ally, I wish."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD