Isn't
"Lumabas kanina. May aasikasuhin ata," abot ko sa gamot at tubig na agad ko namang ininom at inubos ang laman ng bote na iyon.
Ramdam ko ang kaba ng dalawang babae habang gulat pa rin na nakatingin sa akin.
Meron ng ngiting hilaw ang babaeng may maikling palda. Siya yata iyong Chloe. Habang ang babae namang isa ay nakatingin lang sa ibang direksyon.
They really are shocked when they found out that I'm here.
Surprise?
"What are you looking at? You're not paying attention to what I'm saying," humalukipkip si Ryder sa harapan ko at hinarangan niya ang paningin ko na nakapukol sa dalawang babae.
Nilingon naman ni Ryder ang tinitignan ko. Nang mapagtantong ang dalawang babaeng iyon ang tinitignan ko ay napabuntong hininga siya.
"Are you two sick?" tanong niya sa mga iyon.
I even saw their hands shaking. Hindi mo na rin mawari ang ngiti ng dalawa.
Tinignan muna ako ng dalawa bago binalingan ulit si Ryder at sagutin.
"No we're not, we're totally fine," ngiti sa kanya nung Chloe.
"Gano'n ba? Then why are you here? Ditching class?" ngayon ay nakatingin ng mabuti si Ryder sa dalawa at nakatayo sa kanilang harap.
Ibang department siguro ito kaya may pasok sila. Kada building kase ay may tatlong strands. At sa building namin ay HUMSS, ABM, AT TVL lang ang naroon. Mapa-grade 11 or 12.
Hindi ko rin naman sila pansin doon sa building kaya malabo talagang sa department namin sila.
"You two either going back to your room, or spend the last hours of your day in detention?" bagamat nakaharap sa akin si Ryder, nakapukol ang paningin niya sakin at kung ano-anong pag pupunas ang ginagawa sa aking mukha gamit ang wet wipes, masasabi mong naiirita siya sa presensya ng dalawang tao na nasa kanyang likod.
"Babalik na lang kami sa room namin, we're sorry."
Yumuko pa si Chloe habang hinihila na siya nung isa palabas. Alam kong kabado na sila dahil kung paano sila mag madali lumabas.
Sabagay, hindi malabong gawin nga iyon ni Ryder dahil vice president siya ng student government sa school. Its easy for him to throw some students in detention. Gustuhin man nila o hindi.
Tumayo si Ryder sa harapan ko ng mabuti habang ang mga kamay ay nasa bulsa na.
"So tell me, ano ang ginawa ng mga babaeng iyon para hindi mo 'ko pansinin habang kinakausap kita?" iba nanaman kung tumingin ang mga mata niya, iritang irita iyon.
"Ano naman iyon sayo?" tumayo ako at lalabas na sana ng clinic nang maramdamang hindi pa talaga nawawala ang sakit ng ulo ko. Pero hindi ko iyon pinahalata kay Ryder baka hindi na ako palabasin nito.
"Celestine, it's bothering me that I'm on your front while talking and all, but then your attention is somewhere else! Naiirita lang ako!"
"Kelan ka ba hindi nairita sakin, ha?" lingon ko sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay. Lagi naman siyang ganito. Ano pa ba ipagtataka ko?
Hinawakan ako ni Ryder sa braso at hinarap ako sa kanya. Ngayon ay wala na ang bakas ng iritasyon sa mga mata niya.
"Just take a rest, baka mapano ka pa. You heard nurse Chen, kailangan mo magpahinga."
Hindi na ako tumutol pa ng hatakin na niya ako pabalik sa kama. Humiga ako roon at tumingin sa kaliwa ko kung saan pader na ang kaharap ko at ang aircon ay nasa itaas lang niyon.
Tahimik ang paligid pero malalaman mong nasa likod mo pa rin siya. Wala naman kase akong narinig na nag lakad palabas bukod sa mga buntong hininga na pinaakawala nito.
Huminga ako ng malalim bago siya lingunin ulit nang may maalala na meroon nga pala akong dapat bigyang diskusyon pag nakita at nakasama ko siya.
"Bakit mo ginawa yon?" tanong ko sa kanya na agad naman nag pakunot sa noo niya.
"Natural aalagaan kita, pagalitan pa ako nila tita dahil sa katigasan ng ulo mo," humalukipkip siya at sumandal sa kinauupuan niya. Mukhang tamad na tamad siya sa pag babantay sa akin.
"Hindi iyon ang tikutukoy ko, Azucena," binibigyan ko na siya ng masamang tingin ngayon.
How could he forget what he did? Baka nag mamaang maangan lang ito. Sa kanya ko kaya ipaasikaso yung tuta na iyon? Mamaya hindi naman sa kaniya 'yon eh.
"Kung hindi iyon, ano?" tinataasan na niya ako ng kilay.
Ikaw pa talaga may ganang tarayan ako?! Kahit kelan talaga nakakainis kang kurimaw ka! Bakit pa kase ako pumayag na ikaw mag bantay sa 'kin dito.
"Hoy bakla! Baka nakakalimutan mong nilagyan mo ng tuta yung bag ko kagabi?!" umupo na ako sa pag kakahiga dahil sa inis ko sa kanya.
Lalong nag dudugtong ang mga kilay niya dahil sa sinabi ko.
"Wag mong sabihin sakin na ikaw pa itong galit, gayong ikaw naman yung may pakana sa pag lagay ng tuta sa bag ko!"
Feeling ko maha-highblood na ako sa lalaking ito. Hindi ata init ng panahon nakakapag pasakit ng ulo ko e. Kung hindi ang lalaking 'to dahil sa inis ko sa kanya. Sino ba naman kase hindi maiinis sa mga pinaggagawa ng lalaking 'to?
Syempre yung mga taga hanga niya.
"What did you say? You said I'm gay?"
Hindi niya man lang pinuna yung hinanaing ko sa kanya! Talagang yung salitang "BAKLA" lang yung pinansin!
"Wag mong ibahin yung usapan! Bakit mo nilagyan ng tuta yung bag ko, Azucena?!" pinalo ko na sa kanya yung unan na ginagamit ko kanina. Sabay no'n ay ang pagsunod ng palad ko sa mismong nilapagan ng unan sa kanya. Punyetang lalaking 'to!
"Aray! It's not my fault that you're stupid enough for not checking your bag before leaving your house! And besides, its suppose to be surprise, gusto lang kita bigyan ng tuta!" himas niya sa braso niya na akala mo namang nasaktan talaga. OA!
Surprise? Well good for him! Nasurpresa ako kaninang umaga na may tuta sa school bag ko! At ang malala pa roon, kung kelan na kita ko ay nasa room na ako!
"Ang galing mo Azucena, nasurprise talaga ako. Hindi ko aakalain na mag kakaroon ako ng isang cute na tuta sa loob ng school bag ko habang nasa loob ng class room," sumadal ako habang humahalukipkip at umiirap sa kanya.
"You're welcome."
Ilang katahimikan pa ang nanatili bago ito sirain ng tunog na nilikha ng kama dahil sa pag upo ni Ryder sa aking tabi.
Nagulat na lang ako ng ilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng mga braso ko. Unti-unti niya namang inilapit ang mukha niya sa 'kin. Nang isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin ay bigla siyang ngumisi nanaman ng makitang hindi ako nag re-react.
Mukha na siguro akong tanga na hindi alam kung paano ba huminga.
"Lets get back what you said earlier," tinignan niya ang mga parte ng mukha ko. Tatagal siya sa pisngi ko then sa labi tapos babalik ulit sa mata ko.
Naramdaman ko ang init sa aking mukha. Sa inis ko ay nag iinit na ang mga pisngi ko dahil sa kanya!
"You said I'm gay, right?" ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko.
Holy mother of cheese! Ang bango nung hininga kahit sa kurimaw nang gagaling iyon!
Napalunok ako sa laway ko at kumurap ng maraming beses bago ko siya sagutin.
"O-oo! To-totoo naman ah?!" umiwas ako ng tingin pero ang ulo ko ay nananatili sa ganoong posisyon. Nakaharap sa kanya. Takot na baka mag dampi ang labi o ang ilong namin dahil lang isang munting kilos.
"How could you tell Celestine? Have you ever tried me?"
Ano ba 'yang pinagsasabi mo kurimaw! Sinabihan lang naman kitang bakla ah?! Bakit ganito yung ginaganti mo?! Lugi ako!
"I don't h-have any plans to try you R-ryder," humihigpit ang kapit ng mga kamay ko sa sarili kong mga braso!
Ano ba 'to?! Bakit ako kinakabahan ng ganito?!
Hinawakan niya ang kanang pisngi ko at lalong inilapit ang mukha.
Isang daliri na lang ang layo ng mukha niya sa akin! Halos maduling na ako sa lapit.
He's looking into my eyes, akala mong nakikipag usap ito doon.
"Really? But your eyes are telling me otherwise," ngisi niya ulit at binasa ang ibabang parte ng labi gamit ang kanyang dila.
"Wag ka ng-ngang mang a-asar dyan! H-hindi nga sabi!" tumingin na ako sa kanan at pumikit para hindi ko na makita pa ang mukha niya.
Lalo ko lang nadiinan ang pagpikit ng aking mga mata nang maramdaman ang konting pag daplis ng labia t ilong nito sa aking pisngi.
Now that I can feel his lips, I can tell that he's smirking! I really can tell!
Damn you Ryder! Just, damn you!
Lumapit siya sa tenga ko dahilan kung bakit lalong tumaas ang tempo ng paghinga ko at ng dibdib ko.
"Try me then, I'm willing to prove to you that I am not gay as you think, Porschia," ngayon ay seryoso na ang kanyang pagkakasabi habang nasa magaspang na tono.
Hindi pwedeng ganito! Ano ba nangyayari sakin bakit nag papatalo ako sa pang aasar nito? Nakakinis na siya ha!
Lumayo ako at nilingon ko siya gamit ang nakakunot kong noo.
Ganoon pa rin ang posisyon niya, kaliwang kamay na lang ang naka tukod sa unan habang ang kanang kamay naman nito ay nasa kaliwang tagiliran ko. Dumapo naman ang aking paningin sa naka ngisi pa rin niyang mga labi. Ang angas pa rin ng dating niya sa awkward na posisyon na iyon. Kung ako gumawa ng ganoong posisyon ay magiging awkward iyon tignan sakin.
"Try mo mukha mo! Dyan ka na nga!" tinulak ko siya at naglakad na paalis roon sa clinic.
Sumigaw pa nga siya na kailangan ko pang magpahinga e. Pero sa pangiinis niya ay parang hindi na ako makakapag pahinga pa.
"Sabihin mo na lang kay nurse Chen na uuwi na lang ako at doon mag papagamot!" kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng gym shorts na gamit ko at iyon ang ginamit para sa ilong kong walang humpay kung mag dugo.
Hindi naman na iyon kasing lakas ng kanina. Yes, it still bleeds pero konti na lang iyon.
Naglakad ako papuntang locker ko para kunin ang mga gamit ko.
Mag e-excuse letter na lang ako sa mga teacher ko para sa ngayong araw. Sasabihin ko sa kanila na hindi maganda pakiramdam ko kaya umuwi na lang muna ako.
Bukas na lang ako mag bibigay ng letter.
Tinext ko si Ally na uuwi ako para doon na magpahinga. Hindi talaga kase maganda pakiramdam ko. Ang init pa rin kase ng mukha ko. Hindi ko alam kung dahil na iyon sa bolang tumama o dahil sa pang iinis sa akin ni Ryder.
Palabas na sana ako ng school ng maalala ko si Ashy.
Asan nga ba si sir? Siguro naman ay walang klase ngayon iyon. Para naman sa faculty ko na lang siya pupuntahan at titignan kung naroon nga ba siya.
Sakto namang nakasalubong ko si teacher Valencia na lumalabas ng faculty room may hawak na maliit na bilog na tupperware.
Naka ngiti iyon habang naka dungaw sa loob ng silid na iyon. Ano meron at parang tuwang tuwa si Maam?
"Kukuha lang ako ulit ng tubig para sa tuta!"
Holy molly! Ano? Tuta raw?! Naman Celestine bakit hindi mo naisip na baka pagpiyestahan nila yung tuta at mahirapan kang ilabas iyon rito?
Nagkasalubong kami ni maam Valencia. Nginitian ko siya na agad namang ikinasimangot ni ma'am.
Kung makapagsungit kala mo namang kay galing mag turo. Ginagawa lang naman niya mag tatanong sa 'min ng tanong then o-oo na lang 'yan sa kahit anong isagot namin.
Bumuntong hininga ako at binuksan ang pintuan.
Nakita ko roon ang iba pang dawalang teacher namin sa may table ni sir.
Halatang nandoon si Ashy dahil may munting tahol na nanggagaling roon.
Agad ko namang nakuha ang atensyon ni sir kaya agad niya ako nilingon at pinuntahan.
"Oh Ms. Ricalde, kukunin mo na ba si Ashy?" nakangiti sa akin si sir habang lumilinga linga pa rin sa paligid.
"Oo sana sir eh, uuwin na rin kase ako."
"Ganoon ba? Buti naman at maayos ka na," nalungkot si sir ng konti pero agad rin namang nakabawi.
Ibinigay sa 'kin ni sir si Ashy ng wala ng tao sa buong faculty. Maingat naming inilagay si Ashy sa loob ng bag ko.
Sana hindi ka mag ingay. Makisama ka muna ulit kay mommy!
"Sir thank you po sa pag bantay kay Ashy."
"No problem, and desides naaliw naman ako sa pag babantay ng tuta mo," nag kangitian muna ulit kami ni sir bago ako umalis sa harapan niya at dumiretso na sa labas.
Tinext ko si mang Edong na sunduin na ako. Agad naman akong nakatanggap ng mensahe na sabi ay mag antay lang ako roon at papunta na siya.
Habang nag aantay sa waiting shed ay bigla na lang may humigit sa aking braso.
Hindi niya dapat ako alugin! Kawawa naman yung tuta sa bag ko!
Poor Ashy, forgive mommy.
May umubo pa sa likod ko dahilan upang maalala ko na may tao nga palang humatak sa 'kin.
Oh come on don't tell me si Ryder nanaman 'to para inisin ako?
"Ano ba Ryder! I told you sabihin mo na lang kay nurse Chen na okay na ako!" humarap ako at laking gulat na si Reed iyon.
Nakakunot ang noo niya habang tinitignan ako ng mabuti.
Agad naman akong nag panic sa loob-loob ko.
Holy craping cow! Anong gagawin ko? Alam niya nasa clinic ako tapos maaabutan na lang niya ako dito?! Bakit hindi ko nga ba naisip na baka makita ako ni Reed dito? Si Ryder naman kase puro pang aasar na lang ang ginawa kaya nawala sa isip ko si Reed.
"Why are you here? Diba sabi ko dapat sa clinic ka?" nakakunot ang noo niya pa rin sa akin habang naka tayo at naka hawak parin sa braso ko.
Mukhang hindi ako papakawalan nito ng basta-basta. Ang OA nilang magkapatid ha, nasubsob lang naman ako at nasugatan sa mukha. It's nothing serious! It's nothing to worry about!
Pero pwede naman na hindi na, hawakan na lang niya ako habang buhay.
Ano ba Celestine! Little sister nga lang tingin niya sayo diba?! Tigilan mo na 'yang kahibangan na 'yan!
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at medyo umatras palayo sa kanya.
"Okay lang ako Reed, sabi sakin ni nurse Chen mag pahinga na lang daw muna ako. Kaya pinauuwi na lang ako ni nurse Chen para mas mapabuti pa ang pag papagaling ko."
Ngumiti ako sa kanya habang siya naman ay nakatingin lang sa 'kin na akala mo ay binabasa niya ang isip ko. Nag tatalo siguro siya sa isip niya kung papakawalan niya ako o hindi.
"Okay, just text me when you're home-" naaninag ko si Ryder na palapit na sa amin. Mukhang kakatapos niya lang makipag usap sa mga babaeng malapit lang sa kanya. Kilig na kilig yung babae. Habang si Ryder naman ay nakakunot ang noo na nakatingin lang sa direksyon namin.
Agad naman akong kinabahan baka pagtulungan ako ng magkapatid na hindi makaalis. Lalo na't pag nalaman ni Reed na nag sinungaling lang ako.
"Osige, bye Reed!" takbo ko palapit sa sasakyan namin na nakikita kong palapit na rin sa school. Sinalubong ko na lang para makatakas na rin ako sa magkapatid.
"Ayos ka lang ho ba mam Celestine? Mukhang hinabol ho kayo ng aso sa sobrang hingal," ngiti sa akin ni mang Edong sa rear view mirror ng makapasok na ako roon sa likod ng hingal na hingal.
"Umalis na tayo manong! Wag na po kayo magtanong pa," sumandal ako sa sandalan habang nakapikit ang mga mata.
I'm relieved nang makalayo na ako sa dalawa. Lalo na sa lalaking Ryder na 'yon! Panigurado mag kakaroon kami ng moment ni Reed kung hindi lang siya dumating e! Yung lalaki nga naman na iyon! Ang galing talaga tumayming!
Hinihilot ko ang sentido ko habang pabagsak na isinandal ang sarili sa sandalan nang makita ko ang isang lalaki na nakamask na sinusundan ng tingin ang sasakyan namin.
Napakunot ako sa pag tataka roon ngunit hinayaan na lang rin.
***
Nung pumasok ako kanina. Agad naman akong nilapitan ng mga kaibigan at kaklase ko na muntik na raw kaming matalo sa volleyball dahil wala na ang taga depensa nila sa likod. Buti na lang raw kahit papaano ay magaling silang umatake kahit hindi na rin pinapasok ni coach si Ally.
Nag dahilan lang naman kase si Ally na hindi na niya kaya, kaya nag pa sub muna siya sa iba.
Ayaw niya lang aminin na wala na kase ang inspirasyon niya sa pag lalaro dahil nauna na itong umalis.
Nasabi rin nila sa akin na wala namang nag klase sa araw na iyon kaya okay lang na hindi ako nakapag paalam.
Pinause ko ang tugtog sa phone ko ng makatatlong beses na akong ulit sa pag practice ng sayaw.
Kakauwi ko lang sa bahay pero practice agad ang inatupag ko.
Pinili ko na lang iyong madaling praktisin at sayawin. Bukas na ang audition kaya naman todo practice ang ginagawa ko ngayon.
Sa kasamaang palad naman, hindi pa ako nakakapili ng kakantahin. Hindi na rin naman ako pwedeng mag backout dahil naka-line up na ako sa listahan ng mag o-audition para sa singing group.
I guess bahala na si Tamahome sa 'kin bukas pag dating sa kantahan.
Kanina naman, walang ginawa ang magkapatid kung hindi samahan ako. Wala rin namang ginawa si Ryder kanina kung 'di asarin ako.
Lagi niya pa ngang sinasabi sa akin na.
"Pupusta ako, mag papabibo ka bukas kahit mukhang uod ka naman kung sumayaw."
Ang nakakainis pa nga doon ay kung pano siya tumawa ng malakas at dinig iyon sa buong canteen.
Ang magaling na Ryder, babanat lang ng pang iinis tuwing nag kakatuwaan kami ni Reed sa pag uusap.
Nag stretching pa ako pag katapos kong mag practice. Para naman hindi sumakit ang katawan ko. Bukas pa naman na ang audition.
Umupo ako sa kama ko na agad naman ikinalapit ni Ashy sa paanan ko.
Tumahol ang aking aso kaya naman binuhat ko siya at ikinalong sa kandungan ko.
Sa likot ni Ashy ay bigla na lang nahulog ang pinaka-dogtag nito. Kung saan naka sulat ang pinakapangalan niya.
Nang pupulutin ko na iyon mula sa lapag ay napansin kong nabubuksan ang dogtag na iyon.
Pinulot ko ito at may napansin na papel na nakasilid sa loob nito.
Mukhang sulat. Isang baliktaran na sulat.
"Caring for you with this little one will make my worries a little lessen. Good luck on your audition! I know you can do it...
- B.R. Azucena"
Nagtagal na yung tuta na binigay niya sa 'kin pero ngayon ko lang napansin ang sulat na nakasilid roon.
Ano ba ginagawa mo, Ryder? This things, isn't funny!