Million
Tagaktak na ang pawis ko matapos ang unang set. Panalo kami sa unang set, pero hindi rin malabong sila naman ang mananalo sa second dahil dikit ang laban namin sa una. 25-22. Hiyawan ang naririnig namin kahit nasa break ang dalawang team. I even heard my name. And of course Ally's.
Si gaga naman, nagugustuhan ang atensyon na nasa kanya. Kaway rito, kaway roon. Kindat rito kindat roon.
Maraming humahanga dahil captain ball siya. Magaling naman kase talaga si Ally sa pagiging captain. Alam niya ang kilos ng bawat ka-team niya. That's why we chose her to be our captain.
Pumito na ang referee hudyat na switch court na at mag sisimula na ang second set. Bago pumwesto ay tumingin ako sa paligid.
Naroon si Ryder nakasandal sa puno na malapit sa court. Pero malayo sa mga manonood. Meron siyang madilim na tingin, pero sumilay rin ang ngisi ng makita niyang nakatingin na ako sa kanya. Agad namang nag init ang dugo ko ng maalala ang kalokohang ginawa niya.
Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang pagkakatali sa buhok ko sa pamamagitan ng paghila sa dalawang piraso nito. Pumwesto ako ng mabuti sa sais. Kung saan nakapwesto ang libero.
Pumito na ang referee kaya naman nag service na ang kakampi ko na agad namang nakatawid sa kabilang court. Maayos namang nareceived ng kalaban iyon at umatake. Maayos ko iyong nakuha. Puto ika nga. Nag hiyawan ang mga manonood nang nakuha ko iyon.
Agad namang umatras si Ally at umapproach para sa gagawing atake. Sa hindi inaasahan ng kabila ay nag drop ball ito ng may makitang butas sa likod. Hindi naman iyon nahabol ng libero nila. Kaya saamin nauwi ang unang puntos.
Tumalon ang mga ka-team ko at tumapik sa bawat dibdib at tumuro sa itaas.
"DE FAMILIA!" sigaw ni Ally.
"ALAS!" sagot naman namin sa kanya.
Ganoon ang nangyari kada nakakapuntos kami. Pero kada puntos na dumadaan ay napapansin ko si Ryder na naroon. Mariin akong pinapanood.
Nasan ba si Keycee? Akala ko ba ay kasama niya iyon? Don't mind him Porsch nandito lang yan para asarin ka at i-distract ka sa laro niyo.
"Jusko! Namali ng receive si Devina!"
"Celestine!"
"Ricalde! Yung bola!"
"Ano ba Ricalde! Focus!"
Nabalik lang ako sa reyalidad ng marinig ko ang sigaw ng mga kasamahan ko at ni coach. Nakita ko ang bola na palayo na. Dahil ako ang libero. Katungkulan kong kunin iyon. Tumakbo ako ng mabilis para mahabol iyon. Hindi inintindi kung saan ang tungo.
Ibinalik ko iyon sa mga kakampi ko na agad naman nilang ipinasa sa kabilang team sa pamamagitan ng biglaang pag atake. Sa kasamaang palad, habang nangyayari iyon ay tumama ako sa matigas na bagay. Or should I say, matigas na katawan?
Isang nakakalokong ngisi ang nakikita ko sa kanya ngayon habang hawak niya ako sa parehas na braso.
"Hindi mo alam na sa akin at sa akin pa rin ang bagsak mo," ngisi nito sa akin.
Agad ako natulala roon at umalis sa harapan niya.
"Bumalik ka na roon, they need you."
Walang sagot-sagot ay agad akong bumalik sa pwesto ko. Mabuti na lang ay wala pang nakakapuntos.
Aaminin ko man ay nabagabag ako sa sinabi ni Ryder.
Weird.
Sa gilid ng mata ko ay nakita kong lumapit si Dominique kay Ryder. Mukhang malungkot. Pero hindi naman nawala ang ngisi sa labi ni Ryder habang kinakausap ito. Dahil roon ay muntikan nang bumagsak ang bola sa harapan ko kaya naman ay nag dive ako para lang makuha iyon.
Hiyawan nanaman ang nangyari ng ginawa kong iyon. Atake roon atake rito ang nangyari.
Huminto ang lahat ng players ng tumawag ang referee ng break. Pinatawag kase ng coach ng kabila ang team nila.
10-15 ang score. Kami ang lamang.
Nag kumpulan kami habang may mga ngisi sa mga labi. Syempre lalo na yung captain namin.
"Kaloka ka Celestine! Galing mo rin e kahit halatang lutang ka kanina nakakadepensa ka pa," lumapit sakin si Ally at tinapik ako sa likod.
Ganoon rin ang ginawa ng mga kasamahan ko sa akin. Kung tutuusin pareparehas lang naman kami. Kaya ginantihan ko rin sila ng mga papuri.
"Good job girls! Pag patuloy niyo lang iyan para matapos agad ang laban. Three sets lang naman tayo kaya pag kayo nanalo dyan, tapos na agad ang laban," ngumiti si sir sa aming lahat dahilan kung bakit nag hiyawan mga kasamahan ko.
Pumila ang mga team-mates ko sa harapan ng basyo ng tubig para uminom, pinabili kase ito ni coach sa canteen kanina para lang sa aming volleyball girls.
Habang nasa dulo at pumipila ay may bigla na lang kumalabit sakin.
Si Shena, yung setter namin.
"Tawag ka ni Ryder," turo niya sa lalaking malapit na nakatayo pa rin sa puno.
Tinignan ko siya habang siya naman ay patuloy sa pag wawagayway ng bote sa ere. Nagpasalamat ako kay Shena bago lingunin ulit si Ryder.
Bumuntong hininga ako bago lumapit roon.
Hindi naman ako tatantanan nito pag tumanggi ako. Kaya mas minabuti kong sundin na lang siya para wala ng gulo.
"What?" agad kong sabi nang makalapit na ako rito.
"You did great, gagawin mo lahat para lang manalo."
"Of course it's my duty as a player, to give my best."
"Sa sobrang galing mo hindi mo na namalayan na may gasgas na 'yang tuhod mo."
Tinignan ko ang tuhod ko at napansing namumula iyon at bahagyang dumudugo.
"Here, have this," binigyan niya ako ng asul na gatorade sabay lumuhod. Hinawakan ko lang yung gatorade gamit ang dalawang kamay ko at idinikit iyon sa dibdib ko. Hindi ko maatim ang ginagawa niya ngayon.
"What are you doing?" hindi ako makaatras nang hawakan niya ang likod ng tuhod ko kung saan may gasgas.
Nilinis niya iyon gamit ang tubig. Bahagya niya itong hinuhugasan, at habang ginagawa niya iyon ay hindi ko man lang maiwasan ang pag titig sa kanya. Lalo na sa malawak nitong likod na halatang matigas pag hinawakan.
What the heck, Celestine?
"Taking care of you. Just like you, it is my duty to take care of you," tumingala siya sakin at kumindat habang nakangisi. "Despite of... You... Being stubborn, tinanggap ko pa rin ang utos sa 'kin ni tita Celestia."
"Yeah, as if I care, at tsaka I'm not stubborn no," umirap ako at tumingin sa ibang direksyon.
Humalakhak ito at tinignan ako ng may ngisi.
"Really huh?" baling niya ulit sa tuhod ko.
"Really really."
Ngumisi siya ulit bago sumagot.
"Don't worry, at least sa isang bagay ay nag kakasundo tayo, I just can't resist tita Celestia so I decided to obey her," tumayo siya ng malinis na niya ang tuhod ko gamit ang tubig at ang panyo niya.
Nag kakasundo kaming ayaw namin sa isa't isa huh?
Ngumisi siya ulit at nilahadan ako ng knee pad.
"Use it, ayoko nang lumuhod pa at linisin yang tuhod mo. Maraming tumitingin, mamaya kung ano pa isipin nila," tumingin ako sa paligid. Tama nga siya may mga tumitingin sa amin. Marami to be exact.
Hinablot ko ang dalawang knee pad at binigyan siya nang mabigat na tingin.
"As if naman na sinabihan kitang gawin mo 'yan! And you think that I want to be link with you? Dream on Azucena."
Binuksan ko na ang gatorade at uminom roon habang tumalikod sa kanya at nag lakad palayo.
Sakto namang naubos ko na ang asul na inumin na iyon nang makalapit na sa mga kateam ko.
"Get ready girls, mag papatuloy na yung laban niyo," sabi ni coach kaya naman agad akong umupo sa lapag kung saan madamo roon at nilagay ang dalawang knee pad nang tuluyan na akong nakapwesto sa lapag.
Tinignan ko si Azucena, nakita kong nakangisi pa rin siya sakin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay at inirapan siya. Akala ko ba ay inis rin siya sakin? Bakit ganyan siya kung makatingin? Duh, Celestine of course kaya nga siya ganyan makatingin at ngumisi ay para mainis ka pa lalo sa kanya.
You dimwit, Azucena!
Pumito na muli ang referee kaya naman napatingin ako ulit sa harap.
Focus Celestine! Tsaka mo na initindihin 'yang lalaking nasa gilid mo! Mamaya mapuruhan ka pa dahil mas inintindi mo pa yung inis mo sa kanya. He's not worthy of your inis as of the moment.
Nang um-over ang bola at matatapat ulit sa akin, ay agad akong nakakita ng butas sa kabilang team kaya naman nag bigay ako ng mababang pag over ng bola, yung tipong sumayad pa sa net bago lumapag sa side ng mga kalaban. Akala ko ay makakapuntos na kami ng biglang nakuha iyon ng kalaban.
Tumindi ang defense mechanism ko dahil doon.
Nang drop ball lang ang ginawa ng mga kalaban at agad namang nakuha ng mga kakampi ko sa harap. Ay bigla na lang napatingin ang aking mga mata sa gawi ni Ryder.
And there, yung dalawang magkapatid magkasama na sa iisang lugar. Kasama si Keycee. Hindi ko alam kung saan ako maiinis, sa ngisi ba ni Ryder sa akin o sa mga kamay ni Keycee na hindi malaman kung kaninong braso kakapit.
Struggling to choose girl? While you shouldn't be?
"Celestine! Lutang ka nanaman! Yung bola!"
"Oh my gosh! Celestine cut it out!"
Tumingin ako sa harap at napansing papalapit na sakin ang bola.
Kaya naman ay sinubukan ko iyon habulin at kunin ngunit namali nang tapak ang mga paa ko. Natisod ko ang sarili kaya napasubsob ang mukha ko sa sahig.
Really?!
"Ano ka ba Ricalde? Nag ra-rally na sa harapan mo nakatayo ka lang dyan at nakatuon sa ibang direksyon?" sermon sa akin ni Coach Vasquez nnag makalapit na silang lahat sakin.
Hinawakan ko ang ilong ko at lalong naramdaman ang hapdi roon. Dumudugo iyon.
Nice timing.
"Nag de-day dream siguro kaya hindi napansin yung pag bayo ko sa bola," rinig kong sabi ng isa sa mga player ng kalaban namin.
"As if naman malakas yung palo, parang naging lobo nga yung bola dahil sa gaan ng palo niya," bulong ni Ally.
"Stop it, hayaan mo na. Kasalanan ko naman e, I didn't pay enough attention kaya ito ang natamo ko," tumingin ako sa ibang direksyon.
At doon ko nakitang palapit na sila Ryder, pero nangunguna na si Reed sa pag punta sa akin.
"What happened bakit dumudugo ilong ni Celestine?" sabi ni Reed.
What, happened? Nandoon siya hindi ba? So it means hindi siya nanood sa amin. Sa akin.
"Wala ito," iwas ko ng tingin sa kanya.
"Tinamaan ng lintek ayan nasubsob at duguan," singit naman ni Ally na agad namang siniko ko at binigyan ng masamang tingin.
"Are you okay?" lapit ni Reed at sinuri ako habang hawak ako sa magkabilang braso.
"I'm fine."
Agad naman kaming napatinging lahat nang marinig ang malakas na buntong hininga na ginawa ni Ryder. Nakita ko ring naka tingin sa akin nang masama si Keycee.
Problema mo? Mas angat pa rin ang little sister!
"You heard her brother, she's fine," walang ganang tingin sa amin ni Ryder habang nakahalukipkip ang mga braso nito.
"Mukhang hindi, nag papasa na rin ang pisngi mo, you should be treated agad," hindi tinatanggal ang tingin sa akin. Hahatakin na sana ako ni Reed palayo roon pero pinigilan ko siya.
"No, kaya ko pa Reed. At tsaka hindi pa tapos ang laro."
Inabutan ako ni Ryder ng tissue. Ngayon, silang dalawa na ang nasa harapan ko.
Pinunasan ko naman ang dugo sa aking ilong na hindi naman mahinto sa pag dugo. Kaya I stuffed my nose with some tissues. Yung isang butas lang ng ilong ko. 'Yun lang kasi ang dumudugo.
"Sa tingin ko ay tama si Reed, Ricalde. Papalitan ka muna ni Mariz ngayon para makapunta ka na ng clinic," sabi ni coach Vasquez sa aking gilid.
"You heard him Celestine, wag ng matigas ang ulo. Tara na," hinatak na ako ni Reed paalis roon pero bago iyon ay hindi nakalusot ang ngisi ng magaling kong kaibigan sa akin habang naka thumbs up pa ang dalawang hinlalaki niya.
Umirap ako at nangiti.
"Ano nginingiti ngiti mo dyan, Ricalde?" sabi ni Ryder.
Hindi ko siya sinagot. Walang oras para mag talo ngayon dahil nandyan si Reed.
"Good thing na dadalhin natin siya ngayon sa clinic, Reed. She turns deaf dahil roon sa bolang hindi nakuha," sabi ni Ryder nang hindi ko ito pinansin.
How ridiculous he can be!
Sasagutin ko na sana siya kaso naramdaman kong hinawakan rin ako ni Ryder sa kabilang braso. Pinag gigitnaan kasi nila ako ngayon.
"Kaya ko pa naman talagang maglaro, kaya hindi niyo na dapat ako dalhin pa sa clinic."
"Mukhang hindi na nga kailangan nakakapag salita ka na e," sabi ni Ryder na ikinainis naman lalo ni Reed.
"Look Celestine you're injured! You're bleeding! You should be treated immediately!" sermon ni Reed habang ang mga kilay ay nag sasalubong na.
Agad namang nabaliw ang puso ko sa pag alaga na pinapakita sa akin ngayon ni Reed kaya naman palihim akong nangiti dahil roon.
Talagang ngayon ko pa talaga napiling kiligin ha!
"Oh come on kuya, that's part of the game! Masusugatan talaga si Celestine," sagot naman ni Ryder.
"Quit it, dadalhin si Celestine sa clinic, and that's final."
Nag hari ang katahimikan sa 'min hanggang sa biglang may nag salita sa likod namin.
"Reed, meron pa tayong group meeting para sa thesis. Doon sa library," tingin sa akin ni Keycee nang lingunin namin siyang tatlo, at bago niya ibinaling ang paningin kay Reed at ngumiti ng sobrang nipis.
All this time nakasunod ka pa rin sa 'min? I didn't even noticed your presence.
I rolled my eyes because of that thought.
"Oo nga pala, sige sunod na lang ako pagkahatid kay Celestine," akmang hahatakin ako ulit ni Reed.
"But Reed, kanina pa nag aantay sila Maurice doon," pag dadahilan ni Keycee kita ko rin na para bang nag papaawa ang mga mata nito.
Iba talaga pag desperada na.
"I know, pero-"
"Go on Reed, ako na bahala kay Celestine," tinanggal ni Ryder ang kamay ni Reed na nakakapit rin sa braso ko.
Agad namang nag dugtong ulit ang kilay ni Reed sa ginawang kilos ng kapatid niya.
"Fine, pero pagkatapos nito ay susunod ako roon, kung naroon ka pa," sabi sa akin ni Reed bago halikan ako sa gilid ng aking buhok. Tama lang sa taas ng kaliwang tenga ko.
Can I die now?
Lalo namang lumukot ang pag mumukha ni Keycee ng nauna nang maglakad sa kanya si Reed papuntang library.
Hinatak ko ang braso ko sa pagkakahatak sa akin ni Ryder at mas naunang naglakad sa kanya. Narinig ko siyang humalakhak ng mahina habang patuloy pa rin sa pagsunod sa akin.
"See? Stubborn," bulong niya.
Hindi ko iyon pinansin dahil ayokong gumawa ng eksena gayong may mangilang ngilan ng mga estudyante sa paligid namin.
Again, silence enveloped us while walking to the clinic. Nang matanaw na ang clinic ay bigla nanamang nagsalita si Ryder.
"You think that I didn't see and notice how you smile and how you treat my brother every time he's with us?"
"So what If I treat him differently?" huminto ako at tinaasan siya ng kilay ng tumapat na siya sa akin.
Kanina pa ako iniinis ng lalaking 'to. He's really pushing me to the edge!
"I'm just saying that you're too obvious that's why I can tell that you like my brother. But sorry, wala kang pag asa roon, mas matinik sa akin iyon pag dating sa mga babae."
Bumigat ang bawat hininga ko sa sinabi niyang iyon. How dare him tell that in front of my face! Ang kapal naman niya!
"Unlike you, walang ginawa kung hindi lumandi at mag uwi ng babae tuwing gabi. Lantaran pa kung gawin," hinarap ko na siya habang ang mga kamay ay nasa bewang.
"Come on Ricalde, its not my fault that I was born like this," nakangisi siya ng malaki habang ang mga kamay ay nasa ere.
"Born to be what? Born to be wild? Ano ka? Animal?"
"I'm an appealing guy," madiin niyang sabi habang ng gigigil ang kanyang panga at dumidilim narin ang airang nasa paligid niya.
Well, nao-offend yata dahil totoo.
I rolled my eyes at dumiretso na sa loob ng clinic. Sakto namang si nurse Chen lang ang naroon.
"Oh ano nangyari sa iyo? Bakit may tissue iyang ilong mo, Celestine?" tumayo si nurse at lumapit sa akin.
"Just some player injury nurse."
Umupo ako sa isa sa mga higaan na naroon, pinili ni Ryder ang dulo para raw I still can get my privacy incase na may pumasok pang iba.
Tumango si nurse at agad namang ginamot iyon.
"Masakit ba ulo mo?"
"Kinda," hilot ko naman sa sentido ko nang makahiga na ako sa kama.
"'Yun siguro ang dahilan kung bakit hindi mahinto ang pagdugo ng ilong mo. Mainit masyado sa labas. You should take a rest and stay hydrated," nilingon niya si Ryder na agad namang nilingon rin ng kasama ko.
"Can you buy one sa canteen Ryder? Ubos na ang paracetamol rito, bilan mo na rin siya ng tubig so she'll be more hydrated," sabutan na niya ng pera si Ryder ng tumanggi ito.
"No, I can pay for her needs," agad namang tumalikod siya at nag lakad palabas para gawin ang inutos.
How rude.
"Oh kids these days," ani ni nurse Chen.
Binigyan lang ako ng ice pack ni nurse Chen para sa dumudugong ilong ko.
Ngumiti sa akin si nurse at umalis na roon sa harapan ko nang maisara na niya ang kurtina na nag hahati sa bawat kamang naroon.
Narinig ko namang nag sara ang pinto so I guess lumabas si nurse.
Maya-maya pa ay may mga babaeng nag uusap na pumasok sa clinic.
"Tamo, dinadaan daanan lang tayo. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya pinatulan si Abegail. 'Di hamak na mas maganda pa tayo roon."
"Mas maganda? She's way prettier than us Chloe, and way more wealthy."
"Kahit na! Porket dinala lang daw ni Ryder sa hotel kagabi akala niya naman may something na sa kanila."
Sa maikling panahon na iyon kagabi ay nakapag hotel pa sila? Or! When did the convenient store turns into a hotel? At ang usapan ay mag ii-stroll lang sila!
See?! Then he's saying that his brother is way more flirty than him?! Dumb ass jerk!
"We still don't know if it's true Chole so stop."
"I really can't believe that we ditch class and pretend that we're sick only to try Ryder," narinig ko ang pag ingit ng isa pang kama na nasa tabi ko lang kaya naman ay lalo akong nag pigil ng hininga para lang hindi nila malaman na nandito ako.
Iba talaga karisma ng isang iyon. Ang swerte ko na lang dahil hindi tumatalab ang virus na iyon sa akin.
"At tsaka Chloe, you really are threatened by Abegail? What about Celestine? Didn't you see how Ryder takes care of her kanina? Doon ka dapat mainsecure! Because she has all! Fame, money, beauty, talent and brain! Sa kanilang dalawa ni Ally, she has the most admirers here in school pumapangalawa lang yung kaibigan niya," now I can tell that they are both sitting in one bed.
Should I be thankful dahil kinomplement niya ako? Well maybe I shouldn't she's just turning her friend's anger towards me.
"Ugh! Isa pa 'yang babaeng yan! Balak atang tuhugin yung magkapatid!"
What the heck she just say?! Anong tuhugin?! Ang kakapal ng mga 'to para pagsalitaan ako ng ganito!
Nahinto ang pag uusap nila ng biglang bumukas ang pinto.
"Ryder! Did you come here for me?" I can tell that the Chloe girl is the one who asked that. I can even picture her eyes twinkling as soon as she saw him.
"No, I came for Celestine."
"But wala rito si Celestine, Ryde," dugtong naman nung kasama nung Chloe.
Unti-unti kong narinig ang mga yapak niya palapit sa pwesto ko. Kaya naman napasandal ako ng maayos sa headboard ng kama.
Hinawi ni Ryder ang kurtina. Revealing me to the both girls na nasa likod na niya.
Agad naman silang napatayo roon nang makita ako.
Nginitian ko yung mga babaeng nag uusap kanina bago balingan si Ryder na nilalahad na ang bote ng tubig sa akin at ang gamot na binili niya.
"Where's nurse Chen?" ignoring the two other girls in the room like they are not even existing.
Sa tingin ko ay pinagtutuonan niya lang ng pansin ay iyong mga magaganda at kapatol patol talaga. Hindi ako kasama roon dahil we're mortal enemies since we we're kids. At tsaka, he's too busy flirting with other girls to even think that he could flirt with me.
Even he's the only man that I could marry, never in a million years that I want to be with him.