Rose
Hindi ko aalakalin na ganito pala kasarap sa pakiramdam na nayayakap mo ang taong gusto mo. Pa'no na lang kaya kung totoo rin siya sa akin hindi ba? That's more precious to cherish.
Niyakap pa ako ni Ryder roon ng mga ilang minuto bago ako hawakan ulit sa magkabilang pisngi at tignan sa mata.
"Lets go? Kailangan pa natin silang hanapin." Nakangiti na ito ngayon habang ang mukha niya ay natatamaan ng iba't ibang kulay ng ilaw dahil sa mga ilaw na nakalagay sa stage.
Hindi pa kami nakakatagal ay nakita namin sila agad sa isang booth. Nagtutulakan pa si Blair at Ally habang bumabaril gamit ang isang laruan. Kailangan nilang makapagpatumba ng lata na walang laman. Pag nakatumba ka ay maaari kang makapili ng mga laruan na nakasabit roon.
Pinigilan naman ako ni Ryder sa paglapit dahil gusto niya munang magmasid sa kanilang lahat.
Si Jake, Reed at Aliana ay nanonood sa dalawa habang si Shena at Mariz naman ay nagtatawanan habang nagkukwentuhan. Si Winona naman ay hindi maipinta ang mukha habang nakahalukipkip sa gilid at kinakausap ng ilang kaibigan ni Jake. Sinusungitan niya lamang iyon kaya naman ay nagkibit balikat ang mga ito at hindi na pinansin ang babaeng nakasimangot.
"Ibigay mo na sa akin 'to Ally! Andyan naman si Jake. Pabili ka na lang mamaya!" Tulak pa ni Blair habang pinupuntirya ang isang lata na pinupuntirya rin ni Ally.
Nakita ko naman na biglang namula si Ally at napahinto. Kaya naman ay natamaan na ni Blair ang lata kaya sumigaw ito habang ang dalawang kamay ay nasa ere. Agad naman siyang binatukan ni Ally ng makabawi siya sa sinabi ng kalaban nito.
"Nagrereklamo ka sa 'kin, bakit hindi mo ginamitan ng pana mo para more chances of winning?!" Aamba pa ito ng sapak kay Blair ng sinaway siya ni Jake.
Para namang batang nagtatampo na napatungo si Ally at tumabi sa daan para makapili na ang natatawang si Blair. Taas noo pa itong dinaanan si Ally habang ang babaeng natalo naman ay masama siyang tinitignan habang dumadaan ito sa tabi.
Nang makapili na siya ay sinabihan siya ng taong bantay sa loob na kunin na lang sa pagkakasabit sa taas ang nais nitong laruan.
Matangkad si Blair pero napapangiwi na lang siya ng hindi niya maabot ang laruan na gusto. Tinulungan pa siya ni Reed kaya naman yumuko ito ng bahagya para magpasalamat dahil si Reed pa ang kumuha noon para sa kanya. Kita ko pa kung paano umirap si Aliana sa tabi ni Reed.
Matapos sila maglaro ay tsaka lang ako hinatak ni Ryder papalapit doon. Nakita ko ang pagliwanag ng mata ni Winona habang ang mga mata ng mga kaibigan ko ay nakataas na ang kilay at nakangisi.
Tuwang tuwa pa kayo na mas lalo pa akong nahuhulog ah?
Si Ally naman ay masama ang tingin sa akin. Iniisip na mas lalo lang ako nahuhumaling sa mga ginagawa ni Ryder.
Bumuntong hininga siya at nilapitan ako para akbayan. Si Ryder naman ay dumiretso kay Reed kaya naman si Winona ay agad ring lumapit sa lalaking kasabay kong pumunta rito.
Nabalik lang ang atensyon ko kay Ally ng bahagya niya akong yugyugin habang nanatili ang braso nito sa mga balikat ko.
"I want you to be happy tonight. Kaya, sige at sumama ka sa kanya," bulong sa akin ni Ally bago ako halikan sa ulo at lumayo para makausap niya si Jake.
Si Jake naman ay napatingin muna sa akin ng matagal bago balingan ang kaibigan kong kanina pa dumadaldal sa harapan niya.
Weird. Bakit ganoon iyon?
"Kami na ang bahala sa sagabal. Idi-dispatch namin yan," bulong naman sa akin ni Mariz kaya parehas silang napahagikgik ni Shena. Ang natira ko namang kaibigan na si Blair ay kinindatan lang ako bago sundan ang dalawang babaeng nag plaplano kung paano nila ilalayo si Winona sa amin.
Nilingon ko ang lalaking kasama ko sa pag punta rito kaya naman agad nag-iba ang timpla ng mukha ko nang makitang nakalagay na ang dalawang kamay ng babaeng kuneho sa leeg nito.
Gusto ko siyang mawala. Kahit ngayong gabi lang. Pwede ko ba siyang ipaloob sa sombrelo ni Ryder?
"Okay! Gusto niyo ba ng thrill? Yung mangangatog kayo?!" excited na sabi ni Ally habang inaabutan siya ni Jake ng cotton candy. Nakita ko rin na galing lang iyon sa kabilang booth kaya naman parang gusto ko rin bumili noon.
"Do you want one?" Silip ni Ryder sa mukha ko. Kita ko rin sa kanya na binabasa niya ang mga mata ko.
Napatitig pa ako sa mga madilim nitong mga mata kaya naman ay napakurap na lang ako ng ilang beses nang mapangisi siya dahil sa pagtitig na ginawa ko.
Nakakahiya ka!
"Mhm, can you buy me one?" Kagat labi ko pang sinabi kaya napatingin siya sa labi ko bago huminga ng malalim at tumingin sa malayo.
"Sige, stay here."
Nakapamulsa ito habang ang panga nito ang nakaharap sa akin. Masyado itong naka-ukit kaya naman mapapansin mo kung gaano kaganda ang hugis ng mukha nito.
"Me too Rookie, can you buy me ng isa?" Pahabol pa ni Winona bago tuluyan ng makaalis para makabili ang lalaking kasama namin kanina.
Hindi kami nilingon ni Ryder sapagkat dirediretso lang ito sa paglalakad patungo sa booth kung saan ang mga paninda ay cotton candy, pop corn, at iba pang mga sweets.
Hindi naman ako tinapunan ni Winona ni isang tingin. Mas pinili niya pang sundan ng tingin si Ryder. Parang binabantayan pa nito ang bawat galaw na ginagawa noon. Tilang ayaw niya mawala sa mga paningin niya si Ryder.
Umiling ako at lumapit sa mga kaibigan ko. Na nagkakagulo naman dahil nag-aasaran na naman sila.
"Oh stop talking about naughty things, Ally. Anong sinasabi mong mangangatog dahil sa thrill?" Ngumingisi na si Shena kay Ally na ngayon ay namumula na habang naka tayo sa gilid ni Jake.
Nakatanggap naman ng palo sa braso si Shena kaya napa-aray na lang ito sa sakit. Hindi naman siya nagreklamo dahil alam niyang dahil naman sa kanya kung bakit siya napalo ng ganoon.
"Kahit kailan talaga Shena ay malibog ka! I'm talking about the big thing here!" Turo pa ni Ally sa haunted house na pinipilahan rin.
Pansin ko ang pag-iwas ni Ally ng tingin kay Jake. Pero hindi naman iyon pansin ni Jake dahil nakatingin ito sa akin. Nginitian ko naman siya kaya naman ay napangiti rin siya sa akin bago tignan ang mga kaibigan na kinakausap siya dahil nagpapaalam itong hihiwalay sa amin.
Sa walang kadahilanan ay bigla na lang sumulpot si Ryder sa likod ko at niyakap ako mula roon. Inilagay niya pa sa harapan ko ang cotton candy na ibinili niya para sa akin.
Tinignan ko pa ang mga kasamahan namin at nakikita namin silang busy sa kanikanilang mga kausap. Inilayo pa nga ako ng bahagya ni Ryder mula sa kanila. Nang makalayo ay ibinalik niya rin lang naman ang pagkakayakap sa akin mula sa likod.
"You like sweets, huh?" tanong niya sa akin dahil napansin niya iyon noong nag re-review kami para sa exams. Pinapakain niya pa ako noon habang sabay kaming nagbabasa sa mga reviewers namin.
Ramdam ko ang pagtingin ni Ryder sa pagkaing hawak ko kaya naman ay tumango na lang ako bilang sagot dahil sinisimulan ko na ang pagkain ng cotton candy habang siya ay nanatiling nakayakap sa likod ko.
Hayaan na, binilan niya naman ako ng cotton candy. For thank you na lang iyon.
"Do you want another sweet?" Mas inihilig nito ang mukha niya sa balikat ko kaya naman ay nadidikit na ang pisngi niya sa kaliwang pisngi ko.
Amoy ko na rin ang mint niyang hininga lati ang shampoo bito na sobrang bango.
"Mhm, you bought two for me?" Bahagya ko siyang nilingon para makita ko ang mga mata niya. Ganoon rin naman ang ginawa niya kaya ngumisi siya habang nakatingin sa mga mata ko.
Naramdaman ko na naman ang pagtibok ng puso ko. Sobrang bilis na naman nito sa pagtibok. Pero this time, hindi na ako nagtatanong kung bakit ito ganoon. Kung bakit ito nababaliw. Dahil sa pagkakataong ito ay alam ko na.
"No, but you can have my kisses." Agad niya akong nginitian ng nakakaloko kaya naman bigla ko na lang naibaling sa ibang direksyon ang paningin ko.
I don't know which one he's referring to. Sa chocolate ba o sa mga halik niya.
At hindi ko rin alam kung ano ang pipiliin ko!
Bahagya akong napaabante ng bigla na lang sumigaw si Ally para makapunta na kami sa gusto niyang puntahan.
Ang haunted house.
Nagtutulakan pa ang mga kaibigan ko habang ako ay naiwan sa likod kasama si Ryder at Winona. Pinaggigitnaan namin ng babaeng iyon si Ryder. Siya lang naman itong nais tumabi sa lalaking ito.
Kaya naman mas pinili kong maunang maglakad sa kanila. Leaving the two alone.
Narinig ko pa ang usapan ng dalawa sa likod ko.
"Where's my fairy floss?" ipit na tanong ni Winona.
I rolled my eyes. Tss.
"Naubusan." Tipid na sagot ni Ryder.
"But Rookie nakita kong-"
"Fine! Lilibre kita sa susunod. Just, be quiet for now. Okay?"
Pagkatapos kong marinig ang mga salitang iyon ni Ryder ay ibinaling ko na ang paningin ko sa ibang direksyon.
Nagtatatalon na si Mariz at Shena dahil kami na ang papasok sa loob.
Sama-sama kaming lahat sa pagpasok.
Ang mga magkakasama ay si Ally at Jake, Mariz at Shena, Reed at Aliana, Ako at si Blair, at ang pinakahuli sa amin ay si Winona at Ryder. Na hindi na ako sigurado kung magkatabi pa ba sila pagkatapos ng sinabi ni Ryder.
Daldal nang daldal si Winona habang ang lalaking gusto ko ay nakatingin sa akin at nakakunot ang noo. Iniisip kung bakit iniwan ko siya kasama ang babaeng iyon. Nagkibit balikat ako bago tumingin sa harapan.
"Ang sumigaw, ipapakain sa mamaw!" sigaw ni Ally.
Mayabang pa niya itong sinabi habang parehas silang nauuna ni Jake sa paglalakad. Hindi sila nakakapit sa isa't isa pero magkalapit naman kung maglakad.
"Walang gusto magpakain sa iyo!" sigaw ni Blair na nasa tabi ko.
Nagtawanan pa kaming lahat bago tuluyan nang makapasok.
Hindi ko alam kung paano ito nangyari pero katabi ko na si Ryder habang si Winona naman ay kasama na ang tatlo kong mga kaibigan. Pinaggigitnaan siya ni Blair, Shena at Mariz.
Pareparehas kaming sumigaw ng may bampirang lumabas. Pati ako ay napapikit na lang at napakapit sa leeg ni Ryder.
Siya naman itong hindi man lang natatakot sa mga nakikita namin sa loob.
"I'm enjoying this," bulong niya habang nakangisi.
Hinawakan niya naman ang bewang ko para mailapit pa ako sa katawan niya. Kaya naman dahil do'n ay kahit papaano ay nawala ang takot at pangamba sa loob ko.
I feel safe.
Nagtutulakan na ang apat dahil sa takot. Habang sila Ally at Reed ay pirme lang na mga nakakapit na sa mga kasama nila. Paminsan-minsan pa nga ay nalilingon sa akin si Reed at Jake.
Nakikita ko rin na napapasigaw si Reed at Jake doon. Hindi kasi nila tinutuon ang atensyon nila sa harap.
"p*****s," ngisi at bulong ni Ryder kaya pinalo ko siya para pagsabihan.
Hindi ko naman alam kung bakit pero nahihiya akong makita nilang ganito ang pwesto naming dalawa ni Ryder. Tingin ko ay mukha na kaming magbubuhol sa sobrang kapit ko sa lalaking kasama. Hindi ko rin kasi mapigilan dahil maski siya ay hindi bumibitaw sa bewang ko.
Naririnig ko naring paulit-ulit na nagdadasal si Mariz sa harap. Pinagtawanan naman siya ni Shena at Blair.
Pati ako at ang iba ay natawa nalang rin nang marinig ang mga sinasabi nito.
"Aba ginoong Maria si Winona po'y amoy taong grasa," paulit-ulit niya itong sinasabi habang nakayuko at nakapikit. Nakakapit na rin siya kay Blair dahil talagang takot nga ito.
Si Winona naman ay hindi maipinta ang mukha dahil naaasar ito sa nga kalukohan na sinasabi ng sarili kong kaibigan.
"Hold on tight ma chéri. Uunahan natin sila sa pag labas," napatingala ako sa ibinulong niya sa akin. Ngumisi siya bago kumindat kaya naman ay napakapit ako sa kamay niya bago tumango para sabihing ready ako sa gusto niyang mangyari.
Kaya naman ng may manananggal na nagpakita sa amin ay agad tumakbo si Ryder kasama ako. Dahil sa pagkakataong iyon, ay nakahinto ang mga kasama namin dahil sa gulat.
Natapilok pa nga ako ng sa hagdanan na kami dadaan. Pababa na iyon kaya ang iniisip ko ay matatapos na nga kami sa paglilibot rito sa loob.
"You okay?" Ng itanong niya iyon sa akin ay sinubukan kong tumayo pero parang nangasim lang ang aking mukha dahil sa sakit na naramdaman sa aking paanan.
"f**k, I'll carry you. Don't you f*****g dare to walk," iritadong utas nito bago umigting ang panga nito't, tumalikod at umupo sa harapan ko.
Nagwala ang puso ko bago pa man ako makasampa sa kanyang likuran.
Mula rito ay amoy ko na naman ang kanyang mabangong amoy.
This will be my favorite scent.
Naka-ilang minuto pa kaming naroon sa loob at naglalakad ng may gumulat sa aming sundalo na duguan. Hinawakan pa ako nito sa likod kaya naman ay napakunot si Ryder at harapin siya. Bakas sa mukha na hindi niya nagustuhan ang ginawang paghawak sa akin ng lalaki.
"Don't you touch her," ang mata niya ay mas lalong dumilim kaysa sa paligid namin.
Ramdam ko rin ang takot ng lalaki kaya naman ay umatras ito at bumalik sa dati nitong pwesto para makapanakot pa ng iba.
Masaya akong bumaba mula sa likod niya nang makalabas na kami roon. Okay na rin ang paa ko kaya tuwang tuwa ako ng wala nang mang gugulat-
"Ah! You stupid son of a f*****g b***h!" Sapak ni Ryder sa isang clown na may chainsaw. Kamukha ito ni Pennywise.
Siya pala itong nang gugulat pag nakalabas na ang mga taong nasa loob.
Natawa ako dahil nakasakit pa si Ryder dahil lang sa nagulat siya. Kita ko rin ang nanakot na hinihimas ang kanyang pisngi habang naglalakad papasok sa horror house.
"So you're a p***y then?" halakhak ko habang tinutusok ko pa ang tyan niya gamit ang daliri kong may nakasquare cut na kuko.
"Oh shut up," irap niya bago ako akbayan at halikan sa ulo ko.
Hindi na namin inantay ang nga kasamahan namin na nasa loob dahil ayaw naman kasi ng kasama ko na mag-antay.
Mas gugustuhin niyang makasama lang ako mag-isa. Kaya naman isang pulis at isang mahikero ang sumakay sa parang isang ankor's away.
"You ready?" tanong niya sa akin habang nakahawak sa kanang kamay ko.
Tumango ako kahit hindi ko malaman kung saan ito tumitibok ng malakas. Para ba ito sa sasakyan namin o dahil sa taong kasama at katabi ko ngayon.
I think its both.
"Don't be scared. May magandang side rin ang pag sakay natin dito. Just wait."
Pagkasabi niya noon ay iyon rin naman ang pag-andar ng sinasakyan namin. Unti-unti itong tumataas kaya unti-unti ring tumataas ang pagtibok ng puso ko.
Nang nasa taas na ay hinawakan ni Ryder ang kanang kamay ko at inangat iyon sa ere.
"Look at the sky, you're touching them," ngisi niya bago tumingin sa taas at iaangat ang kamay na parabang inaabot nga ang langit.
Kaya naman ay ginaya ko ang ginagawa nito at hinayaan ang sarili na mahawakan ang langit.
I smiled.
It feels great.
"That was fun!" Talon ko pa habang lumulundag palayo sa pang limang ride na nasakyan namin.
Nakangiti lang akong tinatanaw ni Ryder habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa dalawang bulsa nito. Bahagya pa siyang nahuhuli sa pag lalakad dahil sa pag talon na ginawa ko.
"Ito pa lang ang nasasakyan natin nagsasaya ka na. Wait till this night ends." Hinatak niya ako para makapunta sa isa sa mga kainang naroon.
As usual. Siya ang may sagot noon dahil ayaw niya nga raw na ako ang nagbabayad para sa aming dalawa. Kahit ang balak ko ay ang sarili ko lang ang babayaran ko.
Nanlaki ang mata ko nang punasan niya ang labi ko. May sauce pala roon. Kaya tinignan ko na lang kung paano niya iyon ilapit sa labi niya at isubo ang sauce na nang galing sa aking labi.
"It even tastes better." Ngisi niya na ikina init at pula ng pisngi ko. Even my ears are burning! Kaya alam ko sa sarili ko na namumula rin iyon!
Pinalo ko ang kamay niyang ginamit sa pagpunas. Nagpatuloy rin naman kami sa pang aasar sa isa't isa buong oras na iyon.
Naglakad-lakad lang kami habang ang kamay naming dalawa ay magkahawak. He's not letting go. Kaya naman ay hinayaan ko na lang siyang nakahawak sa aking kamay. It looks perfect.
Dinala niya pa ako sa iba't ibang booth para makuhanan niya ako ng mga laruan.
Natatawa na lang ako dahil parang date itong ginagawa namin.
Napailing na lang ako sa sinabi niyang unang date namin. Tinanggihan ko pa iyon dahil hindi ko pa mapagtanto kung bakit ako kinakabahan tuwing nandyaan siya.
Ngayon ay nahiya na lamang ako ng malaman kong sa kanya pala galing ang lahat ng mga sinabi ko sa kanyang ginawa ni Reed para sa akin.
"Yes!" sigaw niya pa habang ang dalawang kamay ay nasa ere. Ibigay niya naman sa akin ang napalanunan niyang stuffed toy.
Malaki iyon at kulay pink kaya naman ay masaya ko itong niyakap pagkabigay niya pa lang sa akin.
Nagbigay ako ng pasalamat sa kanya kaya naman ay ginawaran niya lang ako ng ngiti at bahagyang dampi sa aking pisngi.
Masaya lang kaming naglalakad hanggang sa nag-announce ang taong nasa entablabo para sabihing magsisimula na ang pagtugtog ng Silent Sanctuary.
Hahatakin ko na sana si Ryder papalapit roon sa stage pero mas hinatak niya ako sa ibang daan.
Nakahawak ako sa upuan ngayon dahil feeling ko ay mahuhulog ako sa feris wheel. Nandito kami ni Ryder ngayon dahil sabi niya ay mas maganda ang view dito kung dito raw namin panonoorin ang mga fire works na gaganapin bago magtapos ang gabing iyon.
Ngayon ko lang rin napansin na maghahating gabi na rin pala.
Hinawakan ako ni Ryder sa kanang bisig ko para maiharap ako sa kanya. Nakangiti ito sa akin habang ang mga mata niya ay kumikinang dahil sa sikat ng buwan kahit na nakikipagtunggali ang dilim ng paningin nito sa lalim ng gabi.
"You didn't know how happy I am right now ma chéri," ani Ryder habang nangingiti.
Why didn't I noticed from the first place? He keeps calling me that and I think that's an Italian language!
"'Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka."
Sinabayan niya ang banda na kumakanta sa baba, Ikaw Lamang by Silent Sanctuary. Sakto namang huminto ang sinasakyan namin sa tuktok para mas maganda ang view namin sa langit.
Ang malamig niyang boses at ang lamig ng gabi ay nanunuoot sa akin. My heart is booming but I'm loving it. Kaya naman ay kahit ganon pa man ang nararamdaman ay nagawa ko pang ilapit ang sarili ko sa kanya. Humawak rin ako sa kanyang dibdib dahil gusto ko ring damhin ang pintig ng puso niya. Ramdam ko ngayon na nag-uunahan ang ritmo ng puso naming dalawa.
Hindi ko inaalis ang tingin sa mga madilim niyang mata kahit na parang naliligaw ako dahil sa lalim noon.
"Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko, sinta
Sana'y 'di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man."
Sa pagkakataong pagkanta niya rito ay iyon ding pagsabog ng iba't ibang kulay sa langit maganda iyon pero mas napukaw ng paningin ko ang mga magandang ngiti na nang gagaling sa kanyang magandang labi.
Isinasayaw niya rin ako habang ikinakanta niya iyon. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero parang galing ito sa pinaka ilalim na perte ng puso niya.
Isinayaw niya lang ako halos buong kanta na iyon. Masarap sa pakiramdam dahil pati ang lamig ng gabi ay dama ko sa balat ko.
"Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habambuhay
Ikaw lamang, sinta
Wala na 'kong hihingin pa..."
Sa pagkatapos niyang kantahin ang mga linyang iyon ay lumayo ito sa akin habang nakangiti pa rin. Kaya naman maski ang saya sa aking mga labi ay hindi ko rin maitago sa kanya.
Bago pa man matapos ang kanta ay parang mahika lang na naglabas siya ng isang pulang rosas galing sa matayog nitong sumbrelo.
"Wala na," pagkakanta niya sa mga huling salita ay inabot niya iyon sa akin bago ako yakapin at halikan sa aking magkabilang pisngi, sa baba, sa ilong, at ang pinaka huli ay ang aking noo.
"Hope you have fun. Because I did," ngisi niya bago niya ako hatakin sa dulo ng sinasakyan namin para makita kung paano maging iba't ibang kulay ang langit.