TWENTY SIX

3566 Words
Asshole Pagkatapos naming magsi-uwian lahat ay laking gulat ko na lang ng meroong mga bagahe sa sala pagka-uwi ko sa bahay. Nung una ay nagtaka pa ako kung kanino galing ang mga iyon nang bigla na lang sumulpot ang aking ina mula sa kusina. May hawak itong tasa na ang laman ay mainit pa dahil sa usok na nakikita kong umaangat mula roon. Nanlaki ang mga mga mata ko kaya naman ay agad akong lumapit sa aking ina para magawaran ko siya ng isang mahigpit na yakap at isang magaang na halik sa kanyang kaliwang pisngi. Nakangiti lang ang aking ina na tila pangnatatawa pa sa reaksyon ko. How will I not be surprised? Kahit sabihin sa akin ng sarili kong ina na uuwi sila ngayong undas ay hindi rin naman sila nagsabi kung kailan. “Halos kakauwi lang namin hija. Your dad is probably up stairs. Namamahinga dahil maski pag-uwi namin ay puro phone calls ang inatupag ng tatay mo.” She’s caressing my hair while the other one is holding a cup of tea. “You can’t sleep mom? I see you’re drinking some hot tea.” Ganito ang ginagawa ng aking ina pag hindi siya makatulog tuwing gabi. Pinapainitan ang sariling tiyan. Tumango lang ang aking ina habang may mga ngiti na hindi ko mabasa kung para saan iyon. It looks dull. Maybe because she’s tired from the travel? Siguro nga. Dahil nagkwento pa ang aking ina kung paano at ano ang mga ginawa nila dad sa iba’t ibang bansang pinuntahan nila. I wished that I can be with them at that times. But I know to myself na even I’m still a student I still have a lot of responsibilities. Noong maguilty ako na puro siya na lang ang nagkukwento ay maski ako ay napadaldal na lang tungkol sa mga nangyari sa akin sa school. Well of course except for the thing I have with Ryder. Ryder. He doesn’t have to look for me anymore. My parents are home already. No need for his care. No need for his efforts. He can be back at his game with other girls. Well I guess it’s time to re-arrange the things like before huh? I swallow the lump in my throat. Hindi ko kayang isipin na balik na ulit siya sa dati. Nagtagal pa ang gabing iyon na na kakamustahan kami ng sarili kong ina. She’s proud of what I have achieved while they are away.  Kinabukasan ay napakusot na lang ako ng mga mata nang tumama na ang sinag ng araw sa aking mga mata. I know for sure I’m late for breakfast. Kaya naman ay bumangon na ako at naghilamos. Nag-ayos na rin ako ng itsura ko para makababa na at makakain. Naramdam ko ang gutom dahil halos mag la-lunch na ako gumising. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko ang stuffed toy at ang pulang rosas na binigay sa akin ni Ryder. Prente itong nakalagay sa aking kama. Napangiti ako dahil para talaga siyang may taglay na mahika dahil sa mga ipinadama niya sa akin kagabi. It’s so magical that I can’t even resist to smile till I went home. Puro asar pa nga ang mga natamo ko sa mga kaibigan ko dahil iniwan daw namin sila sa loob ng haunted house. Okay rin naman raw iyon dahil maski sila ay nagkahiwahiwalay. Halos grupo-grupo rin daw sila nung lumabas. Hindi nga lang daw nila alam kung ano ang nangyari kay Winona pagkatapos noon. Funny thing here is, nakita ako ng mga kaibigan ko kung paano ako umiyak ng malaman kong nahuhulog na ako kay Ryder. But then they still support me for my decision. Dahil maski sila ay nag-agree na hindi ko kailangang umiwas dahil wala akong bagay na iiwasan. Just let him end his own game. It’s his anyway. Bago pa man ako makababa ay tumunog na ang aking phone na nakalagay lang sa tabi ng aking kama. I left it last night to charge dahil dead battery na ito nang maka-uwi ako. Nakita ko kung sino ang tumatawag kaya naman otomatikong napangiti ang labi ko. Tumikhim ako para mapakalma ko ang aking sarili bago ko siya kausapin. “Hello?” bungad ko na kunyaring medyo nainis pa dahil sa kanyang tawag. Really though? “Hi ma chéri, good morning. I called you for how many times but you still refused to answer your phone,” rinig ko ang tunog na parang nasa kusina siya at nagluluto. “I just woke up. Are you cooking?” tanong ko habang pababa na ng hagdan. He chuckled that’s why my heart rise its beats. “Yeah, para daw may pang dagdag kami sa mga dadalhin sa sementeryo.” So if his parents asked him to cook more for them to bring it to cemetery, it means he really is a good cook. I even imagine him in apron while the other hand is holding a pan and the other one is holding a phone so he could still talk to me while he cooks. Nag-usap pa kami ng ilang minuto bago ako punahin ng sarili kong ama na naka-upo sa dining table at nagkakape. Mukhang maging siya ay na-late rin ng gising. “What’s with the smile? Who’s you’re talking to dear?” Tanong nito bago sumimsim sa kape na hawak. Agad namang nilusob ng kaba ang aking dibdib kaya walang anu-ano ay naibaba ko ang tawag. Tumawa ang aking ama dahil sa aking inasta. So, I looked away so I could avoid his gaze. Umupo ako sa upuan malapit sa ama ko ng hindi ko pa rin siya sinasagot. Hahayaan ko na lang siyang mag-isip kung sino ang katawagan kong iyon. Mamaya ay ikwento pa niya ito sa kumpare niya. Nakakahiya. Kinukulit lang ako ng sarili kong ama kung sino iyon. I know he just want to bond with me dahil kakauwi lang nila ni mom. Pero maya-maya pa ay parang gusto ko na lang sila ulit bumalik ng ibang bansa. Wala lang akong imik ng magsumbong ang aking ama sa aking ina na kakalabas lang ng kusina. Naka-apron rin ito at mukhang nagluluto ng mga pagkain para may maipadala sa sementeryo kung nasaan ang aking mga lolo at lola na naka libing. Walang humpay naman nila akong pinag tulungan tungkol sa misteryosong ngiti ko at sa misteryosong tao na katawagan ko kanina sa phone. Binigyan ko sila ng sagot. Pero hindi tama. Sinabi ko sa kanila na mga bago kong kaibigan lang. Pinakilala ko na rin sa kanila nila mom sila Shena. Natuwa naman sila dahil bukod sa magkapatid na Azucena at kay Ally ay may mga nakaibigan na rin ako. They are happy na dumadami na ang nakakasalamuha ko. Maski sila Jake at Aliana na taga ibang eskwelahan ay nakwento ko na rin sa kanila. They even asked me na isama namin ang dalawa sa susunod na outing na makakasama namin ang mga Julian at ang mga Azucena. Of course I happily agreed. Kumain lang kami roon at gumayak para makapunta na sa sementeryo dahil naroon na raw ang mga pinsan ko at ang mga kapatid nila mommy. Kami na lang raw ang kulang roon kaya naman ay nagmadali na kami sa paggayak at pinalagay na sa sasakyan ang mga pagkain na niluto nila mommy at nila manang. "Saan ka nga ba ulit nag-aaral Porsch? 'Di ba kasama mo sila Ryder roon?" "Crush ng mga kaibigan ko yung magkapatid na Azucena. Too bad hindi ko sila ka-close." "Nako! Yung kaibigan ko, lagi niyang tinatanong ang number mo sa akin mula ng malaman niyang pinsan pala kita. Nahulog ata sayo nung tournament!" "What is the name of your friend? The one with the Mallari surname." Halos hindi ko na malaman kung sino ang uunahin kong sagutin sa kanila ng sabihin nila iyon sa akin. I just casually answered their questions. Napangisi pa nga ako na mukhang tinamaan sa setter namin ang pinsan kong si Atlas. Atlas is a serious man. Lagi lang itong naka-poker face at tahimik. Kaya naman ay nagtaka ako na magtanong siya ng ganoon. At tungkol pa sa babae. Nag-usap lang kami hanggang sa may dumating na bisita. Agad akong napatayo at nagmano ng makita si tita Madeline at tito Westly. Nakasunod rin rito ang dalawa nitong mga lalaking anak. Agad naman hinanap ng mata ko si Ryder. Sabay pang naglapat ang mga mata namin. Hindi ko namalayan na nakisabay ang labi ko sa pagngisi ng lalaking tinitignan. Lumapit ako sa kanila at nagmano habang kinakausap nila sila mom and dad. Ang mga babae ko namang mga pinsan ay hindi mapigilan ang pagtingin sa dalawang Azucena. "Kumain ka na?" Diretso sa akin ni Ryder dahil ang kapatid nito ay kausap na ang pinsan ko na si Atlas na kakilala niya pala. "Yup," Pakita ko pa sa kanya ng paper plate na kakatapos lang gamitin. Tinignan ko siya ng may kunin siya sa loob ng paper bag. Hindi ko napansin na may bitbit pala siyang ganito. Paano mo mapapansin kung sa mga mata ka lang niya nakatingin, Porsch? Naglabas siya ng isang tupperwear na may lamang menudo. Talaga nga naman. Menudo. Napatawa ako kaya naman siya ay napakunot. Nagtataka kung bakit ako natawa gayong ako na ang binibigyan. Hindi sa pagiging mapili. Sadyang natawa lang ako dahil, tuwing may okasyon na ganito ay hindi nawawala ang menudo. I even ask my mom to stop cooking one just for this year's undas. Dahil tuwing araw na lang ng mga patay ay may menudo. "Stop laughing, I cooked this so you could eat it," inis niyang binuksan ang tupper wear at pinaupo ako sa tabi niya. Ramdam ko rin naman ang paninitig ng mga pinsan ko. Lalo na ang mga pinsan ko na nagtanong about sa kanya at sa kapatid nito. Hindi ko na lang sila pinansin at binalingan na lang ang taong nasa harapan ko. Baka mainip sa pag-aantay ng sasabihin ko. Kahit hindi naman tanong ang sinabi niya kanina. "Why would I? Hindi ko nga iyan pinaluto kila manang kasi ayoko niyan," sabi ko nang maka-upo ako. Tinuro ko pa ang kutsara na may menudo. Balak niya pang isubo iyon sa akin kaya bahagya kong itinutlak ang kaliwang kamay niyang may hawak noon. It's like, I'm just going to eat what I've said to mom. Na ayoko makakain ng menudo kahit ngayong taon lang. "I know. I ask Ally what food you don't like," ngumisi pa siya sa akin bago niya sinubukang ipakain sa akin ang luto niyang pagkain. Desidido na makatikim ako noon kahit isang kitsara manlang. Kinuwento ko rin kase kay Ally kanina ang tungkol sa pagsabi ko kay mom na 'wag muna magluto ng ganoon. Sakto kasi na katawagan ko siya ng sabihin ko iyon sa aking ina. "And you still giving me this knowing that I don't want to eat it?" ngayon ay bakas na ang pagkairita sa mga mata ko at sa tono. Kaya naman ay lalo siyang napangisi. "I cooked this to change your mind. Para maiba paningin mo sa mga menudo. Don't worry, ito lang ang menudo na hahanap-hanapin mo. Because I made it." Napataas ako ng kilay dahil ang taas ng kompiyansa niya para sa sarili. Ganoon na lang siguro siya kagaling magluto dahil panatag siyang hahanap-hanapin ko nga iyon. "Lahat ng gawa ko ay hahanap hanapin mo. Remember that," sabi niya ng makakain na ako ng luto niya. Agad namang nagningning ang aking mata nang matikman nga iyon. Ang sarap! Aaminin ko dahil mukhang hahanap-hanapin ko nga ito. Kaya naman ay wala sa oras akong napakain ulit ng kanin. Puro panunukso at tawa lang ang ginagawa ni Ryder sa tabi buong oras na kumakain ako. He even ask me kung pwede ko siyang subuan. Unconsciously ay ginawaran ko naman ang hiling niya. Masaya lang kami roon nagkukwentuhan. Hindi ko na nga rin nalingon ang mga pinsan kong mga nanonood lang sa amin. I just smiled until that night ends. Lagi ko lang kasama sa eskwelahan ay wala ng iba kung hindi ang mga kaibigan ko. Kadalasan ay nag kukwentuhan lang kami sa building three. Doon na nga rin kami kumakain ng lunch dahil nagreklamo na naman si Ally na maraming nangungulit sa kanya sa cafeteria. Good thing na wala naman yata naka alam ng tambayan namin. No one will dare to go here. Sa takot nilang mukhang inabandona ang gusali. Hindi nila alam ay maganda roon pumwesto dahil tahimik, malamig at maganda ang tanawin. Marami ka rin na masasaksihan na chismis roon. Tulad na lang ng nakikita namin ngayon. Nakita namin na hinahabol ni Abegail si Bryan. Finals na ngayon kaya naman puro libro na lang ang bitbit ng lalaki. Kaya nagiging honor. Masipag mag-aral. Tinignan ko ang mga reviewer namin na mga nagkalat. Lahat iyon ay nasa lapag dahil lahat kami ay naka-upo sa sahig. Iniisip na baka makita kami ng dalawang nag-aaway sa baba. "You loser! What will you do now?! You want me to kill this baby?!" sigaw ni Abegail habang naka turo sa bandang tyan nito. Nagpupulot naman ng libro si Bryan sa lapag dahil sa nagawang paghila ng babae sa kanyang balikat. Umiiling-iling pa ang lalaki habang kinukuha ang mga nahulog na gamit. "T-that's not m-mine," utal na sabi nito habang nakayuko pa at patuloy pa rin sa pagliligpit ng gamit. He got Abegail pregnant? I won't be surprise at the thought that she's pregnant but, Bryan? Isn't he the one sa convenience store? I bump him several times at never pumasok sa isip ko na makakabuntis siya gayong mukha siya matino na studyante. I thought s*x will never be a choice to him to have fun. Nangingisi naman si Blair habang kinukuhanan sila ng video. Pinalo pa siya ni Ally para suwayin pero maski ang malapit kong kaibigan ay sumisilip na sa phone kung tama lang ba ang pagkakakuha. "Fine! Sasabihin ko na lang sa lahat na si Ryder ang ama nito. Stay out of the way," inis niyang binangga ang lalaki kaya naman ay nahulog na naman ang mga gamit nito. Natawa kami parepareho dahil alam naming walang maniniwala sa babaeng iyon. Almost whole of population of this school ay alam na kung kanikanino lang siya sumasama. Basta lalaki ito at makakapag-s*x sila. Ayan na nga at tinamaan na siya ng karma dahil nabuntis siya ng isang lalaki. Pero hindi pa rin mawawala ang galit sa akin dahil balak niya pang-ipitin ang taong gusto ko. Naglalakad na kami pabalik ng mga kwarto namin para naman makakuha na ng huling exam namin para sa finals. And yes! Christmas vacation is waving! Nauna na rin ang mga kaibigan ko sa mga classrooms na papasukan nila. Hindi naman kasi kami sa iisang room lang. Naka-arrange ang mga estudyante kung saan sila maaaring mag-take ng exam. At sa pagkakataong ito ang classroom na papasukan ko ang pinakamalayo. Nahinto ako sa paglalakad nang makakita ng mga nagkukumpulan sa hallway. Parang may pinaliligiran sila. Kaya naman ay parepareho kaming nakigitgit ng mga bagong dating para makita kung ano ang mga nangyayari. Maraming bulungan ang mga naririnig na nang gagaling sa paligid. Nakita ko na si Abegail at si Winona ay nag-aaway na naman. Sa pagkakataon ngayon ay mukhang si Winona ang galit na galit. Kita ko kung paano mamula ang mga mata nito habang nakatutok lang sa babaeng naka-upo sa sahig ang mga mata nito. Tinulak niya ba? Buntis yan! "Stop spreading lies Abegail! Narinig kita kanina! That's not Ryder's child!" Aakma pa siyang itutulak si Abegail pero humarang ako para pigilan siya. "You stop! You know that she's pregnant and you still trying to hurt her?" Tinapatan ko ang mga nanlilisik niyang mga mata na nakatingin kanina kay Abegail. Kahit alam kong nagsisinungaling nga si Abegail ay hindi naman tama na itulak at saktan niya ito ng ganito. Yung bata ang masasaktan. "Get out of my way hindi ka kasali dito Ricalde! I thought you're going to be my friend. But it turns out you're my rival!" Sa pagkakataon ngayon ay ako na ang tinutulak niya. Napangiwi ako sa ginawa niyang pagtulak. May iba namang tumulong kay Abegail sa pagtayo. Napapakunot na lang sa sakit si Abegail habang nilalakad na siya palayo aa lugar namin. Marami pang sinabi sa akin si Winona tungkol sa pang aagaw ko raw umano kay Ryder. Hinayaan ko lang siyanh duruduruin ako at itulak na para bang isa lang akong walang kwentang bagay sa kanya. Well Celestine gano'n ka nga sa kanya ngayon. Ngayon ay nababawasan ang mga nanonood sa amin. Siguro ay pumasok na sa mga room para makapag-take ng exam. I don't know but ayokong lumaban dahil I feel guilty. Kahit wala naman talaga akong ginagawang masama. Tinulak ako ng malakas ng babaeng walang ginawa kung 'di saktan ako. Muntikan pa akong mahulog sa lapag kung wala lang nakasapo sa akin. "What you are doing right now is bullying Miss Flores." Tinignan ko ang lalaking nasa likod ko at laking pasasalamat na lang na siya ang nakahuli sa amin. Hindi kakayanin ng puso ko kung ang isa pa ang nakakita sa mga pangyayari ngayon dito sa hallway. Inayos niya ako sa pagkakatayo pagkatapos ay hinarap ang babae na ngayon ay parang mabait na tuta. "Reed, I'm sorry. Hindi-" "Detention. Now!" inis na sigaw ni Reed sa kanya habang binibigyan pa ito ng papel kung saan nakasaad ang violation niyang nagawa sa araw na ito. Yumuko naman si Winona at unti-unting tumalikod at naglakad paalis. Bumuntong hininga si Reed bago ako harapin. Hinawakan niya ang dalawang braso ko at binigyan iyon ng bahagyang hagod. "Are you alright?" tingin niya sa akin na may pag-aalala. Tumango lang ako at yumuko dahil medyo sumakit nga ang kanang balikat ko dahil sa paulit-ulit na pagduro ni Winona sa akin. Kung mapapanood man kami ay parang hindi naman iyon ganoon kasakit. But, her hands are too heavy kaya naman feeling ko ay magpapasa na ito maya-maya. Chineck pa ako ni Reed kung okay nga ba ako at napangiwi ng lang ng mahawakan niya ang iniinda kong parte. "I'll treat that right now before-" "No, okay lang ako. Kailangan ko pa kumuha ng exam." Tumango na lang siya at ihinatid na ako sa room kung saan ako naka assign. Sinabi niya rin sa akin na pupuntahan niya ang room kung saan dapat mag-e-exam si Winona. Sasabihan niya raw na hindi makakapag-exam ito dahil sa violation na nalabag. She'll spend the remaining school hours sa detention. Tinapos ko ang araw ko sa eskwelahan na may mga ngiti sa labi. Palagay ko kasi ay nasagot ko ng mga tama ang mga pagsusulit sa huling araw ng finals. Kahit na naaway pa ako ni Winona. "Smiling without reason I see?" malalim na sabi ni Ryder habang kami ay gumagayak sa loob ng sasakyan niya para maka-uwi. "Uh yeah, kasi-" nangingisi pa ako sa pagsagot bago ako putulin ni Ryder sa pagsasalita. Napakunot ang noo ko kaya naman ay hinarap ko siya sa kabastusang ginawa niya. "Nope don't tell me. I know why," ngisi niya na medyo umiiling-iling pa. He even chuckled! So he's happy that I answered the exams properly? Of course Porsch! Duh?! "Really? Why then?" Paghahamon ko pa sa kanya para makumprima kung alam niya ba talaga. Hinarap ko siya na may mga ngisi sa labi habang nakahalukipkip. Siya naman ay lalong napasimangot at tumingin sa ibang direksyon. He's looking at his window right now. Ngayon ay hindi ko na alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ng lalaking ito ngayon. "I saw you with my brother. Hinahawakan ka pa nga sa mga braso mo. Who will not smile after that huh?" Nainis ako sa paraan ng pagsasalita niya. May halong inis at pang-aasar iyon. Wrong! Hindi iyon ang dahilan! "Ano ba pinagsasabi mo? He just helped me." Sa puntong ito ay mahahalata at mararamdaman mo na rin sa tono ng boses ko na nainis at na-offend ako sa sinabi niya. Bakit ka ma-o-offend? You're letting him think that you still like his brother kahit ang totoo ay siya naman talaga. "Help you with what? Standing?" pilospo niyang sagot bago niya ako harapin. Nakakunot na ang noo nito at ang mga mata ay nagdidilim. Sa ritmo ng kanyang paghinga ay mahahalata mo na nagpipigil siya ng galit. He doesn't want to explode right in front of my face. Good. "You moron. Inaway ako ni Winona kanina." Pinalo ko pa ng mahina ang pisngi niya kaya naman ay napakurap siya ng ilang beses at tinignan ako sa mata. Mas lalong nagdilim ito. Ngayon ay palagay ko ay may mamumuo ng bagyo maya-maya sa loob nito. He's gritting his teeth. Parang naririnig ko na rin ang tunog noon habang nagkikiskisan ang mga ito. "What? Why?" at this point parang ang galit na nararamdaman niya kanina pa ay bigla na lang kakawala. Babagyo lang dito sa loob ng sasakyan niya. Kinuwento ko ang mga nangyari. Walang labis walang kulang. He just listened while looking at his steering wheel. Nakwento niya rin tuloy sa akin kung paano niya lalong kinaiinisan si Winona. He's disgusted whenever he's with her. Nag tampo pa nga raw ito kay tito West dahil sinasabihan siya ng kanyang ama na pakisamahan si Winona. Matapos kong magkwento ay hinatak niya ako ng bahagya para makalapit pa ako sa kanya. Hindi rin napigilan ng puso ko nang lumundag nang lumundag. "If disobeying my father means for your safety, then I'll be proud to be an asshole son." He smirked.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD