TWENTY SEVEN

3536 Words
Have fun December. Kaya naman ay mas excited pa akong nakipag kwentuhan kay Ally na pwede naming isama sila Jake at Aliana. Inaya ko rin sila Blair pero sinabi nilang may plano na ang mga pamilya nila sa mga gaganapin kaya naman ngayon ay ang dalawang taga ibang school na lang ang inaya ni Ally. Gladly, pumayag sila. Hindi ko rin alam kung bakit pero may nag-uudyok talaga sa akin na isama asi Aliana kahit na hindi naman kami gaanong nagkakausap. Maybe dahil kay Reed? I saw them for how many times na sila lang dalawa ang magkasama. Lalo na pagnaisip namin ni Ryder na kumain sa mall ay paminsan-minsan ay nakikita namin ang dalawang kumakain rin sa ibang kainan na naroon. Para naman kay Jake at Ally, sabihin niya man o hindi ay pansin ko rin ang pagiging malapit ng dalawa. Noon pa nung nag-swimming kami ng volleyball team. Nag-aayos na ako ng nga gamit ko dahil bukas na ang alis namin. Maski si Ally ay nag-aayos na rin. Kita ko iyon sa screen ng laptop ko dahil nais niya daw na mag-video call kami while packing. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip nito kaya niya iyon naisip. "Ayos na 'yan! Isang linggo lang naman tayo doon! Sayang nga at hindi pa naisipan nila tito West na paabutin ng new year iyon." "Ano ka ba. Alam mong 'di uubra 'yon dahil need rin natin na mag-spend ng oras for our own family. The more the merrier nga pagmarami pero iba ang saya pagkayo lang lamilya lang talaga," pangangaral ko pa bago ko isara ang maliit na maleta na pagsisidlan ng mga gamit ko. I think my things are complete. Maski pang swimming ay meroon na kami. "Wow, magkakapamilya ka na teh? Salitaan ng mga may asawa na 'yan e," tawa niya bago dumapa sa harapan ng laptop nito. Parehas kasing nakapatong ang mga iyon sa kama namin. Umirap ako at nakitawa na rin sa kanyang sinabi. Nagtagal pa ang kwentuhan namin ng mga ilang oras bago ako tawagin ni mom para samahan siya sa pamimili ng groceries para rin bukas. Tatambakan daw namin ng mga pagkain ang sasakyan namin. I agreed dahil ilang araw nga naman kaming hindi bababa roon. Kaya naman ng makarating sa super market ay laking gulat ko na naroon din si tita Madeline kasama ang bunso nitong nakakunot ang noo. Nawala naman iyon nang matanaw niya kaming papalapit ni mom. Nailang pa nga ako nang lumapit agad si Ryder para gawaran ang aking ina ng isang halik sa pisngi. Sa akin naman ay halik lang sa noo bago tumabi sa akin. "You didn't answer my calls," bulong niya na ikinatawa ko. He knows I'm busy packing and he still complaining why I didn't answer. Well, hindi ko rin naman kasi kaya na kumausap ng dalawang tao ng sabay. Binati ko na rin si tita Madeline at hinalikan rin ito sa pisngi. As usual na bati na naman ako nito dahil ang huling kita pa nito sa akin ay noong dumalaw ito sa sementeryo. Nagsimula na kaming maglibot. Parehas kaming may hawak ni Ryder na cart samantalang ang mga magulang naman namin ay nauuna sa paglalakad. Nag-uusap sila habang namimili habang ang isang katabi ko naman ay walang ibang ginawa kung hindi kulitin ako. "You're done packing right?" "Want to eat somewhere else after this?" "Please ma chéri don't wear too revealing clothes." "Fine, I'll just protect you from the eyes of my brother." Ilan lang iyan sa mga kinukulit at sinasabi niya sa akin. Ang iba ay tinatawanan ko na lang bilang sagot o 'di kaya ay iling at tango. I wonder if he's still going to be jealous if I break the news for him. That I'm starting to love him. He's a jerk but I'm loving it. Napadaan kami sa aisle kung saan puro tissue ang nga naroon. Kaya naman ay napatingin ako sa katabi ko dahil sa ala-alang na tandaan. He's looking at me while smirking. Probably thinking the same thing as I do. Umiling ako at inirapan siya. At dahil nga sa dakilang gago siya ay kumuha siya ng isang kahon ng tissue. Same brand lang ng inihagis niya sa akin noon. "Don't tell me you'd be angry," halakhak niya habang tinutusok pa ang kahon sa tagiliran ko. "Ipapalo ko yan sa ulo mo pag hindi ka matigil." "I can't and you know that. I love teasing you. Nature ko na yata na inisin ka." Kaya naman ay pinalo ko na lang siya sa braso niya para naman ay kahit papano ay meron akong ganti sa pangaasar na ginagawa niya. Natapos ang araw na iyon na nag-aasaran na naman kami ni Ryder. Sabay pa si tita Madeline at si mom na gumayak ng pagkain sa bahay even tita Lisa is here to help them. Ryder wants to stay but his mom won't let him. Hindi pa raw ito nakakapag impake. Akala ko naman ay tapos na siya noong sumama siya sa mom niya but I guess I'm wrong. Paminsan-minsan ay tumutulong naman ako sa pag luluto at pag be-bake nila. Kaya naman matapos ang ilang oras ay sinundo na nila tito West sila tita Madeline dahil maaga pa kami para bukas. Nagising ako sa mga ingay galing sa baba. Sumilip ako sa bintana at nakita kong naroon na sila tita. Kaya naman ay naligo na ako at gumayak dahil baka maabutan nila ako rito. Knowing Ally, she'll going to bang my door if she can't wait anymore. Kaya its a good thing na nagsusuot na ako ng damit nang kumatok si mom para kamustahin ako. Napili ko lang namang suotin ay simpleng highwasted na maong shorts at silky na spaghetti strap blouse. Nakakasigurado ako na hindi malamig ang pupuntahan namin. Bumaba ako at sinalubong si Ally na kinakausap si Ryder at si Reed. Nakita ko pa na nasa circle nila si Jake at Aliana na hindi manlang umiimik. I greeted them before handling my luggage sa isa sa mga katulong namin para maipasok nila roon sa coaster ang bagahe ko. Agad namang napakunot ang noo ni Ryder nang makita ang suot ko. Lumapit iyo sa akin bago ako hawakan sa likod at halikan sa noo. Pinapasok na kami sa loob pero hindi pa pinapaandar ang sasakyan dahil may inaantay pa kami. I just rolled my eyes nang makitang pumasok si Winona kasama ang isang matandang lalaki. Probably her dad. Kalat rin naman kasi na wala na itong ina noong bata pa siya. Pinaliwanag sa amin ni tito West na gustong sumama ng anak ni David Flores kaya naman inimbitahan na ni tito silang dalawa para sa outting na ito. Napabuntong hininga na lang ako dahil wala naman ako magagawa para doon. I even heard Ally at the back. Saying things that makes me smile. Siya itong galit na galit para sa akin. Nakwento ko rin kasi sa kanila kung ano ang ginawa sa akin ni Winona kaya naman grabe na kung kamuhian ng mga kaibigan ko ito. Humilig sa balikat ko si Ryder kaya naman nakita ko na umupo sa tapat niya si Winona at ang ama nito. Tinignan pa niya ang pwesto namin ni Ryder bago nito paikutin ang kanyang paningin. Binaliwala ko na lang ang presensya niya dahil gano'n lang rin naman ang ginagawa ni Ryder. Ilang oras na ganoon ang posisyon namin kaya naman ay hindi ko mapigilan na mangatog na sa lamig. Ramdam din iyon ni Ryder kaya tinignan niya ako. "You're shaking. Are you cold?" "Hindi, ginagaya ko lang kung paano gumalaw ang isang vibrator," pilosopo kong bulong sa kanya habang ang mga mata ay umiirap pa. Pero hindi ata ganoong kahina ang pagkakasabi ko dahil napatawa ng malakas si Ally kaya naman sinaway ito ng katabi niya na sinusubukang matulog . Si Jake iyon at nakita ko pang pinapahilig niya si Ally sa balikat nito. Hindi rin naman nakatakas sa aking paningin ang pamumula ng kaibigan bago sundin ang gusto ng katabi. Natatawang binigay ni Ryder ang isa pang hoodie na kulay itim. Parehas ito sa suot niya ngayon kaya lang ay mas maliit ang inaabot niya sa akin kumpara sa suot niya ngayon. "I bought this for you. Buti na lang ay naisipan ko na ngayon na ibigay ito." Isinuot iyon sa akin ni Ryder bago niya tapikin ang ulo ko. "You're adorable with it," kaya naman ay napatingin ako sa ibang direksyon nang makaramdam ang pag-iinit ng aking pisngi. Napatikhim ang babae nasa tapat nito kaya naman ay parehas kaming nilingon iyon. Nakahilig ito papunta sa direksyon kung nasaan si Ryder. Nung una ay nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin pa niya ang nais sabihin pero nagawa pa rin naman niyang ilahad iyon. "C-can I borrow your hoodie, Rookie? I'm cold t-too." Parehas namin inantay ang sasabihin ni Ryder. Maski ako ay kinakabahan dahil tulala lang ito sa babae na nasa tapat nito. Iniisip ko na maaari nga niyang pahiramin ang suot na hoodie sa babaeng nangangailangan. Kung mangyari nga iyon. Hindi ba parang sweet kung mismong gamit niya ang ibibigay niya sa babae? Hindi tulad ng binilan ka nitong sadya na para sayo lang. Umiwas ako ng tingin dahil hindi naman ako pwedeng kumontra dahil he's not owned by anyone. "Can't. Even me, I'm cold." Nanlaki ang mata ko kaya naman ay tinignan ko siyang ilagay niya ang headset na nasa leeg at humilig sa akin. "Sleep ma chéri. This is a long way drive," bulong nito bago ako halikan sa gilid ng ulo. Nagising ako ng huminto ang sasakyan sa isang malawak na field. Puro puno iyon at mukhang tambayan. Nakita ko namang nagsilabasan ang mga kasamahan namin. Nakita kong nag-alanganin pang lumabas si Winona dahil hindi pa nagigising sa balikat ko si Ryder. Hinalikan ko ang ulo nito at bahayang ginalaw ang balikat para magising siya. Mukhang dito kasi kami kakain ng umagahan dahil hindi naman ito ang talagang pupuntahan namin. Nang magising na si Ryder ay tinitigan pa ako nito. "I don't want to go with them," tamad niyang upo sa pwesto nito. Napatingin pa kaming dalawa ni Ryder kay Jake at Aliana na huling bumaba sa kanila. Nagtagal pa nga ang titig ni Jake bago ito umiwas. Para maibsan ang nararamdaman dahil sa nakita ay pinalo ko si Ryder sa braso niya kaya naman ay natawa siya habang hawak ang sariling braso. Alam kong masakit iyon dahil pati ang mismong palad kong pinang palo ay sumakit. "Sige ka magugutom ka dito," banta ko pa. "Just a kiss will do ma chéri pwede na iyong pang tawid gutom," loko nitong sabi kaya naman ay napasandal ako sa binta nang ilapit nito ang mukha sa akin. Nakahawak ang kaliwa nitong kamay sa sandalan ng inuupuan ko habang ang kanang kamay nito naman ay nakahawak na sa kaliwang balakang ko. Locking me to my place. Pero naihinto na lang iyon ng may magsalita. "Tatawid ka sa kabilang buhay Azucena kung hindi mo pa tigilan iyan. Bumaba na kayo at tawag na kayo doon." Dungaw ni Ally sa pintuan ng sasakyan. Kita ko rin na napangisi si Jake habang nakatingin sa amin. Nakita ko rin na nag-apir silang dalawa ni Aliana habang ang kamay ni Jake ay nasa likod. Natatawa akong sundan ang kaibigan ko pababa habang ang lalaki naman sa likod ko ay masamang tinitignan si Jake at Aliana. "Hey, 'wag ka ng magalit sa dalawa," tawa ko pa bago magpatuloy. "Nahuli ka lang e." Hinatak ko ang kamay niya habang tumatawa kaya naman ay nagpatianod na lang siya sa hila ko. Normal lang namang nangyari ang pagkain namin roon. Magkakahiwalay ang mga matanda sa aming mga bata. They have their own stories to tell na sila lang mga matatanda ang makakaintindi at we have ours. Lahat kami ay nakakapagkwento pwera na lang kay Winona na tahimik. Paminsan rin naman ay kinakausap siya ni Aliana pero madalas ay tahimik ito. Maybe because of what happened kanina? Hinarap ko si Ryder na ngayon ay umiinom ng juice habang nakikipagtawanan sa mga kwento ni Ally at Reed. "Uh, Ryde?" "Yeah?" Sabi niya ng hindi pa rin ako nililingon. Napatawa siya ng malakas nang umaktong nahimatay si Ally at nahulog kay Jake. Kita rin namin ang pagkindat nito kay Reed para masabi na 'nice one' sa pag-arte. Umaarte sila na parang si Romeo at Juliet o 'di kaya'y si Florante at Laura. Hindi ako sigurado dahil paiba-iba ang mga linya na sinasabi ni Ally. "I-I..." sabi nito habang humahawak sa mga bisig ni Jake na nakakapit sa kanya. Ang likot nito habang ang mga paningin nito ay nakatingin sa langit. Ano sasabihin nito? I believe I can fly? "I love you," sabi nito at tumingin sa lalaking nasa likod nito para makita ang ekspresyon nito. Naka-finger heart rin ito kaya naman lahat kami ay natawa sa kalokohan na ginawa ni Ally. Namula si Jake kaya tumingin ito sa ibang direksyon habang pinipigilan ang ngiti. Si Aliana na nasa tabi nito ay napairap na lang. Tumayo ako para suportahan ang kaibigan sa kalokohan nito. Inihanda ko pa ang sarili para sa kalokohan rin na naiisip. "Aking pagmamahal, sana nama'y maramdaman At malaman mo lang na ikaw lang ang siyang laman Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong 'to," madrama kong kanta habang paminsan minsan ay nilalagyan ng pag-beatbox nitong katabi kong si Ryder. Tinuturo turo ko pa si Ally at si Jake. Lalo lang kaming nagsitawanan roon kaya lalong umingay sa pwesto namin. Nilapitan kami ng mga magulang namin matapos kumain para sabihin sa amin na byabyahe na kami ulit dahil malapit naman na kami sa pupuntahan namin. Nang mahuli kami ni Ryder ay doon ko lang napansin ang mga katabi ng mga ito. Magkakatabi ang mga mag-aasawa habang si Winona at ang tatay nito ang magkatabi. Nasa tapat lang namin iyon. Nakita ko namang nasa likod namin si Ally at katabi naman si Jake. Sa tapat nila Jake ay si Reed at Aliana. "Ma chéri." Hawak niya sa braso ko nang ayusin ko ang upuan namin dahil sumisikip na iyon dahil sa mga hand carry na bag naming dalawa ni Ryder. "Hmm?" tanong ko ng hindi ko siya nililingon at patuloy pa rin ako sa pag-aayos ng mga gamit. "Ano nga ba ulit ung sasabihin mo dapat kanina?" Muktik ko ng makalimutan ang dapat ay kanina ko pang sabihin sa kanya. Kaya naman nang matapos ako ay nilingon ko siya at ngumiti. Ngiti lang kahit ang totoo ay labag rin sa akin ang sasabihin sa kanya. "You should still talk to her," sabi ko habang inaayos ang hood sa ulo niya habang ang headset nito ay nananatiling nakalagay sa ulo nito. "Talk to who?" Taas kilay niyang tanong habang ang mga mata nito ay gumagala sa mukha ko. "Don't act like you don't know who's I'm talking about." Bahagya kong tampal sa mukha nito kaya naman napangiwi siya sa sinabi at ginawa ko. "She hurted you, why would I?" "I know that she's at fault for hurting me. But we both know that its not her fault that she likes you," ngumiti ako sa kanya kaya naman ay wala na siyang nagawa kung hindi bumuntong hinga at tumango. Giving in to what I've asked for. Nagising ako sa bahagyang paghagod sa buhok ko. Kaya naman ay unti-unti akong bumangon at nag-inat. Tumingin ako sa buong sasakyan at nakitang kami na naman ang natira roon. "Binababa na nila ang mga gamit. Lets go." Tumango naman ako at bumaba na rin at kinuha ang maliit na bagahe. Lahat sila ay kumukuha na ng mga litrato. Nakita ko pa nga si Ally na kinukuhanan ng litrato ni Jake. Parang walang hiya ang kaibigan ko habang todo pose ito sa harapan ng lalaki. She even bited her lips and pose seductively. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gamit. Ilang sandali pa ay lumapit sa akin si Reed. He's holding a DSLR camera. "Kuhanan kita ng litrato Porsch. Just remove that hoodie para hindi mainit tignan," Nakatingin ito sa camera at tilang inihahanda iyon para sa pagkuha ng litrato. "She doesn't bring any photo album with her Reed. Kaya pa'no mo 'yan kukuhanan ng litrato?" pilosopong sabi ni Ryder habang hatak-hatak na niya ang mga gamit naming dalawa. Akala ko ay iiwan na kami ni Ryder doon pero pati ako ay hinatak niya. Sa kabilang kamay niya kasi ay ang maliit kong maleta at ang kanyang itim na gym bag. "Boy are you threatened?!" mapang-asar pang sigaw ni Ally. Buti na lang ang mga magulang namin ay nasa yate na kaya naman ay hindi nila narinig ang sigaw ng peste kong kaibigan. Sumobra sa bitamina kaya ganoon kalakas ang bibig nito. "Threatened. I don't even know that word is." "Baka yung threat lang alam mo? Past tense kasi yung sinabi ni Ally," pamimiloso ko pang sabi sa kanya habang nakangisi. Umirap lang siya at isinantabi ang mga gamit namin sa gilid ng kwarto nang makarating na kami roon. Ang yate nila Ryder nito ay may anim na kwarto. Sakto nga iyon sa amin dahil isa lang ang maluwag na kwarto rito at iyon ay ang magiging kwarto namin nila Ally. Ang ibang mga natira naman ay para sa mga magulang na kasama namin. Inilibot ko ang buong kwarto na gagamitin namin sa buong linggo na ito. Meroon itong tatlong king size bed na magkakadikit kaya tingin ko ay magkakasya kaming pito rito. Meroon ring walk in closet roon kaya naman ay kinuha ko ang mga gamit namin ni Ryder at ipinasok doon. Iniisip na mamaya ko na lang isasalansan ang mga gamit namin. Sumunod ko namang tinignan ay ang banyo. Noong una ay hindi ko pa makita kung nasaan 'yon. Dahil wala namang pinto na iba roon bukod sa palabas ng kwarto na iyon at ang pinto papasok ng walk in closet. Tinanong ko si Ryder kung saan iyon at itinuro niya ang isang pintuan ng closet na naroon. Tinaasan ko pa siya ng kilay dahil baka niloloko niya lang ako pero napanganga na lang ako ng buksan niya iyon at ilantad sa akin ang malawak na bathroom. Ang paligid nito ay puro salamin kaya makikita mo ang pagtama ng tubig roon. Nasa baba kasi ang silid na ito kaya mas maganda ang view rito. "Makikita ba ako sa labas habang naliligo dito? Purong salamin ang mga naka paligid dito." Libot ko pa sa paningin ko at hindi mapigilang mamangha. Nakita ko pa na may parteng pang shower lang, bath tub at jacuzzi. Tingin ko ay kakasya lang sa jacuzzi na iyon ay apat hanggang limang katao lang. "No, the mirror outside is pure black." Lapit niya sa akin nang lapitan ko ang jacuzzi na naroon. Hinahawakan ko pa ang tubig dahil bumubula ang mga ito. "I'll probably going to try this later at night," ngiti ko sa tubig na bumubula. Meroon rin itong ilaw na asul sa ilalim kaya naman ay mas nakakahalina itong tignan. Yup, I'm sure about what I'm planning to do. "Yeah, we'll try it," ngisi na sabi ni Ryder habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa nito. Umirap ako sa sinabi nito at naisipan na 'wag na lang patulan. Lumapit rin ako sa malaking salamin roon habang nakahalukipkip. Gusto ko kasing tignan ang view doon ng bigla na lang bumukas ang pinto ng bathroom. "Ryder anak?" parehas kaming napalingon ni Ryder sa boses na iyon. Si Ryder kasi ay nanatili lang na nakatayo malapit sa jacuzzi kaya siya ang malapit sa pintuan ngayon. Tinignan nito ang ama nito ng hindi man lang umiimik. Inaantay ang sasabihin ng ama kahit na parang alam na nito ang sasabihin sa kanya. Napalunok na lang ako ng makita si Winona at ang tatay nitong si David Flores sa likod nito. "Hijo, could you accompany Mr. Flores' daughter? Walang maka-usap doon sa mga kaibigan niyo sa itaas." Tinignan ko si Winona na parang nang aasar akong tinitignan. Probably thinking that she'll be with Ryder after this. Well, I don't care. Besides, Ryder is a type of person that doesn't want to be owned. "Bakit ba kasi sumama pa iyan? 'Yan tuloy walang maka-usap." "Ryder! Simpleng pabor lang, ayaw mo pang gawin?!" galit na sigaw ng ama nito sa kanyang anak. Kita ko rin ang nangangasim na mukha ni Mr. Flores nang marinig ang sinabi ni Ryder. Tinignan ako ni Ryder na para bang nang hihingi ng permiso o 'di kaya ng tulong. Tumango ako at ngumiti sa kanya para naman hindi ako magmukhang masama dito. Lalo na at nangiti at tinapik na ni tito West at ni Mr. Flores si Ryder. Na-iwan kaming tatlo doon. Tahimik lang. Lalapit na sana si Winona kay Ryder nang biglang kumilos si Ryder palapit sa akin. No, Ryder. You need to obey your father first. I can handle myself anyway. Pwede na ako na lang ang makisama kila Ally dahil kahit ano mang gawin ni Winona doon sa taas ay paniguradong dedma lang ang aabutin nito. Masakit man sa akin ay hahayaan ko muna kayong mag-isa. Ngumiti ako at tinapik rin si Ryder sa balikat. "Have fun," ngisi ko bago ko silang iwan dalawa roon para makapunta na sa taas at sumama kila Ally.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD