This time
Nandito lang ako kasama nila Ally. Naka-upo kami parepareho sa sun longueur dito sa upper deck at hinahayaan lang silang mag-ingay. Nagtatawanan sila at napupuno rin ito ng daldal ng akingkaibigan. Paminsan-minsan ay pati si Reed ay nakikisali sa pagdaldal rito, na bagay na bahagyang ikinagulat ko.
Hindi ordinaryo para sa 'kin.
Hinayaan ko na lang ang sarili ko na manahimik dahil baka ilabas ko na lang bigla ang kanina ko pa iniisip.
Maggagabi na at kanina pa umaandar ang yate pero hindi manlang sumama sa amin sila Ryder at Winona. Iniisip ko kung ano ang mga maaari nilang gawin na sila lang dalawa. Hindi malabo na may gawin silang kababalaghan gayong naghalikan na nga sila sa loob ng campus. What more kung sila lang dalawa at nasa iisang kwarto?
Hindi ko maiwasan na mag-overthink at magselos. I want him for myself but I don't want to shutter too knowing that he's a dangerous guy. His expertise is handling women. At natatakot ako na ang tingin lang niya sa akin ay isang tropeyo na maaari niyang isama sa mga koleksyon. Lalo na at wala naman kaming sinabi sa isa't isa kung ano siya sa akin at ano ako sa kanya.
At wala akong balak na sabihin iyon.
I want to save myself from his games.
Katabi ko si Reed at kanina niya pa ako kinakamusta dahil maski siya ay hindi rin sanay na ganito akong katahimik. Pero ang tanging nasasabi ko lang ay nalulula ako sa galaw ng yate.
Even our parents ask us to eat for dinner. Pinaunlakan naman namin iyon kaya ito kami ngayon sa front deck at kumakain ng mga grilled beef. Marami pa namang ibang nakahain pero mas pinili ni Ally na itira na lang iyon para sa gaganaping munting party para sa aming mga kabataan.
"Where's Ryder? Hindi ba ay pinatawag ko sa 'yo Reed ang kapatid mo? Where is he?" tanong ni tito West kay Reed na nasa gawing kanan ko lang.
Tinignan ko ang bakanteng upuan sa kaliwa ko para dapat kay Ryder pero hindi pa siya tumataas dito kahit man lang kumain.
Now I'm getting curious what is happening to them.
"Maybe they are still in the room. Nung pinasok ko po sila roon ay parehas silang nasa kama. Mukhang tulog."
Kumunot ako sa sinabing ito ni Reed. Nakayuko lang ako at pinagtuonan na lang ang grilled beef na nakalagay sa plato ko. Kahit na nahiwa ko na iyon ay hindi ko pa rin maiwasan ang pagpatuloy sa paghahati niyon.
"Napagod? Bakit kaya no pare?" pabirong lumingon si tito West kay Mr. Flores.
Bigla namang umiling ito at hindi makapaniwala sa naiisip ng sariling kaibigan. Even my father laugh a bit.
"Nako Westly! Hindi ko mapipigilan lalo na at may pagka-westernized iyang anak ko," halakhak nito bago sumimsim sa kopita nito na may lamang pulang likido.
I think that's red wine.
"Ganoon na talaga sa panahon ngayon," sabi ng aking ama na tila bang siya ang pinaka matanda sa kanilang apat na lalaki.
"'Wag lang talaga nilang makakalimutan gumamit ng hard hat," sabi ni tito Victorious habang natatawa pa. Kaya naman ay natawa rin ang ibang mga kalalakihan kasama na roon sila Reed.
Pinalo pa ni tita Lisa ang ama ni Ally dahil sa biro nito.
All of them are laughing pero ako ay hindi ko man lang magawa. I feel Ally's and Jake's gaze. Iniwasan ko naman iyon dahil ayoko munang may makapansin sa akin ngayon na nananahimik ako.
Tumikhim ako at uminom sa tubig na nasa harapan.
Kinakain na ako ng pag-iisip at selos dito. Wala naman akong masisi dahil sinabihan ko rin naman si Ryder na pansinin at lapitan pa rin si Winona kahit papaano.
I don't have anyone to point to, but myself.
Inalog ko pa ang alak na nasa kopita bago sumimsim doon at tumingin sa dagat na tilang nahahati dahil sa dinadaanan ito ng yate.
Narito pa rin ako sa front deck samantalang sila ay nasa upper deck at nagsasayawan at nagsasaya. Parang nasa bar kami. Ako itong nag dra-drama sa bar counter at sila itong nasa dance floor para magsaya.
Bumuntong hininga ako at pumikit. Ninanamnam ko ang bawat tama ng hangin sa balat ng mukha ko. Malamig at masarap sa pakiramdam.
Humilig pa ako sa railings na tila bang gusto ko pang makita ang tubig sa baba kahit purong itim na tubig lang ang nakikita ko dahil sa gabi na.
Iniapak ko ang dalawang paa ko sa pinaka mababang bakal ng railings. Gusto kong idipa ang mga kamay ko kaya, iyon ang ginawa ko. Masarap. Parang lumilipad ka sa langit dahil sa pagtama ng hangin sa katawan mo.
"Need a Jack for a moment?"
Dahil sa nag salitang iyon ay dumulas ang kaliwa kong paa at nahulog ang kopita sa dagat.
No!
Yung mga corals.
I sadly look at the ocean.
Poor coral reefs.
Inis kong tinignan ang taong nang gulat sa akin. Padabog akong lumapit sa kanya at idinuro ito gamit ang kuko kong may kikay na kulay.
"Nahulog yung baso! Pano na sila Dory? Sila Nemo? Baka mapano iyon Reed!" Mahina ko pang pinalo ang dibdib nito habang nakayuko at nakakunot. Bumalik pa ako sa pwesto ko kanina para tumungin ulit sa dagat na akala mo ay nandoon pa rin iyon.
Damn! I'm tipsy.
"I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya na masaktan sila Nemo," tawa nito sa akin at binigyan ako nang hagod sa aking likod dahil ang likod ko ang nakaharap rito.
Silence enveloped us. And well, its comforting knowing you have someone beside you.
"Why are you here anyway?" Tabi niya sa akin at humilig na rin sa railings tulad ko.
"Wala, I just want to be alone." Tinignan ko ang dalawang kamay ko na tilang nagtatalo.
"But, why?" Sa puntong ito ay iniharap na niya sa akin ang paningin. Hindi pa rin ako lumilingon sa kanya.
If I still like him, I know for sure I'll blush right now because of the situation.
"I'm just not in the mood to talk and have some fun with you guys. I prefer to have fun alone." Ngisi ko ng hilaw habang hindi pa rin magawang tumingin sa kanya.
Tumango lang ito at hinayaan na rin na ang katahimikan ang bumalot sa amin.
Naroon lang kami, nakatingin sa dagat habang ang kamay ni Reed ay hinahagod ang likod ko pataas at baba.
Rinig namin mula rito ang mga tugtugan at ingay ng tatlo doon sa taas. Mukhang nagkakasiyahan na talaga sila. Maybe because they are already drunk. Good thing that I'm not.
Ilang minuto pa ay may narinig kaming yapak papunta sa pwesto namin. Tinignan namin iyon at nakita si Ryder na magulo ang buhok, topless, at mukhang bagong gising.
Right, half naked huh? Lalo na at alam kong huling kasama nito ay si Winona? Damn you Ryder. You're killing me right now by giving me a f*****g thoughts that aren't good.
"Why are two here? And alone?" Harap sa akin ni Ryder bago niya balingan ang kanyang kapatid para ito ang hingan ng sagot.
Umirap na lang ako at tumingin sa ibang direksyon para hayaan silang mag-usap na dalawa roon.
"She wanted to look at the ocean kaya-" ngisi ni Reed at umayos ng tayo. Bahagya pa nga itong lumayo para bigyan kaming dalawa ng kapatid niya ng isang malawak na espasyo.
"Stop it. Tawag ka ni dad." Itinapat pa nito ang palad nito sa mukha ng kanyang nangingising kapatid.
Umiling ang kapatid nito habang nakangisi bago dumiretso sa taas para puntahan ang kanyang ama. Parehas namin siyang tinignan ni Ryder. Nang kami na lang ang natira roon ay nanahimik lang ako bago balingan ang madilim na dagat.
Ramdam ko ang pagtitig ng kasama ko. I know he's standing behind me. Pinapakiramdaman rin ako.
Sa puntong ito ay hindi na rin siya nakatiis at siya na itong bumasag ng katahimikan.
"Bakit wala ka sa taas?" Lumapit na siya sa likod ko at humawak na rin sa railings. Kaya naman ay naiipit na ako sa pagitan ng katawan niya at ng malamig na bakal na nasa harapan ko.
Malamig ang hangin na sumasalubong sa 'kin pero kinokontra naman iyon ng mainit na katawan ng taong nasa likod ko.
I should help myself.
I should stop myself from falling. Iyong hindi ko pa rin siya totally iiwasan.
I know its hard but I'll try my best.
"I'm not in the mood to party," malamig kong sinabi. Tinutumbasan iyon ng hangin na sumasalubong sa amin.
Hindi ko siya tinitignan because I'm afraid na sumama na lang sa kanya kung sakaling mag-aya na siya sa taas.
"Kaya ka nandito kasama ang kapatid ko?" Napahinto ako sa sinabi niyang iyon.
Sa pagkakataong ito ay humarap na ako sa kanya dahil iba ang tono ng pananalita nito. Tilang hindi nagustuhan ang nakita kanina.
"Hinayaan kita na makasama si Winona. So why can't I be with him?" My eyebrows furrowed.
Tumahimik lang siya at lumayo sa akin. Nakayuko ito at tumingin sa kanyang gilid.
I can see his chest moving. His breathing is heavy. He even starting to bite his lips to prevent himself from speaking. Huminga muna ito ng malalim bago ako tignan. Nakakunot ito habang ang mga mata ay nagdidilim. Tinatapatan ang paligid.
"I can't. I can't just give you to somebody else. Or even see you with someone," ngayon ay hindi siya makatingin sa mga mata ko. He's pacing forward at mariing hinawakan ang bakal na nasa likod ko.
Pinamamagitnaan na naman ako ng malamig na bakal na nasa likod ko at ng taong hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman.
His eyes are the mixture of sorrow and hatred.
Gusto kong hawakan ang dibdib ko dahil nagsisimula na naman itong magwala mula sa kulungan nito. Gusto nito maging malaya. Tulad na lang ng nararamdaman ko para sa lalaking nasa harapan ko.
Maski iyon ay hindi ko magawa dahil baka mapansin nitong pati ako ay naapektuhan sa usapan naming ito.
"Did you ask me to be with Winona so you could be with my brother?" ngayon ay tinignan niya ako gamit ang mga mata niyang iyon.
Hindi ko alam na ganito pala kasakit? Parang punyal na sumasaksak nang paulit-ulit sa aking puso. But if I didn't do this, hindi ko na alam kung maliligtas ko pa ang sarili ko.
I'm sorry Ryder, but I want to save myself from your games. But don't worry, hindi pa rin naman kita iiwasan. I'll just change my treatment a bit. I'll try to be casual to you.
Umiling lang ako bago siya hawakan sa mukha at bahagyang tapikin iyon.
Oh mon chéri, gusto kong mag-give in pero natatakot ako para sa sarili ko.
Ngumiti ako sa kanya bago lumayo at naglakad paalis para maka punta na sa taas. Iniwan ko siya roon habang nakayuko lang siya.
Ilang minuto pa ay sumunod na rin si Ryder dito sa upper deck. Lahat kami ay nandito na pati na rin si Winona. Katabi ko si Reed habang ang sa kabila ko naman ay bakante.
Nuong una ay akala ko tatabi sa akin si Ryder pero hindi. Dumiretso ito sa tabi ni Winona. Dahil ang bakante na lang na pwesto ay ang tabing upuan ko at ang tabi ni Winona.
I smiled bitterly at myself.
Napili niyang doon umupo. Kahit na pwede na naman dito sa tabi ko.
Who are you kidding, Celestine? After you did earlier, you expect him to treat you the same?
Binigyan siya ni Winona ng inumin kaya naman ay tinanggap niya iyon. Mas pinili kong 'wag na lang uminom dahil sa palagay ko ay sobra na ang mga nakonsumo ng katawan ko kanina.
Mabuti na lang ay nawala ang alak sa sistema ko ng magkausap kami ni Ryder. Natatakot ako na malaman niya ang totoong nararamdaman ko dahil sa kalasingan. Natatakot ako na lumabas sa aking bibig ang gusto kong mangyari talaga.
Naramdaman ko ang paninitig sa akin ni Ally kahit na naglalaro na sila ay natutuon niya pa ang atensyon niya sa akin. Nginitian ko ito at nag-iwas ng tingin. Mas pinili ko pang makisali sa mga naglalaro.
"Hey bro! Pumunta ako sa kwarto nila dad dahil sabi mo ay tawag niya ako. But he told me that he did not!" Bato pa ni Reed ng unan sa kapatid na dahilan kung bakit napa-ikot ang paningin nito.
He lied?
"Just tell me if you want to get rid of me aalis naman ako ng kusa!" halakhak pa ni Reed bago ako alukin ng inumin na ikinatanggi ko lang rin ulit.
Desidido ako na hindi ako iinom ngayon. Ayoko na.
"Then get lost right now," inis na sabi ni Ryder na mas lalo lang ikinatawa ni Reed habang umiiling.
Hindi ko na lang pinansin ang dalawa dahil maski si Jake at Ally ay nakikisali na rin sa kanilang dalawa.
"Really Winona? I should kiss that man? No way," pag-iinarte pa ni Aliana na nasa harapan lang namin ni Reed.
Ang dare kasi na nasabi ni Winona ay halikan si Reed. Of course she won't agree lalo na't madalas silang hindi nagkakasundo. Maybe para sa paningin ko lang?
"You still have to do it or else iinumin mo ang dalawang shot glass dyan sa harapan mo," tawa ni Winona bago bigyan ng marahang hagod ang hita ni Ryder.
I looked away. Ayoko na may makakita sa reaksyon ko habang ginagawa iyon ni Winona. Si Ryder naman ay nakatingin sa akin habang umiinom sa likidong inabot sa kanya ni Winona.
Walang anu-ano ay ininom na lang ni Aliana ang isang nasa shot glass. Ngumiwi pa nga ito dahil sa biglaang paglapat ng lasa nito sa kanyang dila. Nang aakma na niyang iinumin ang isa pa ay kinuha na iyon ni Reed at inubos.
Tukso naman ang inabot nilang dalawa. Nakikingiti na lang ako sa kanila dahil ayoko namang maging kill joy dito kahit papaano.
Nangingiting pinaikot na ni Ally ang bote ng alak na nasa harapan namin. Hindi ko alam pero kabado ako na baka matapat iyon sa akin.
Napahinga na lang ako ng malalim ng hindi iyon natapat sa akin. Pinag tawanan namin si Ally dahil siya itong nagpaikot ay siya rin itong natapatan.
Sa kabila ng pagtatawanan namin ay nakikita ko sa gilid ng mata ko ang paninitig ng taong gusto ko. Nakasandal lang ito at direktang nakatingin sa akin ang mga mata.
Kaya naman ay mas tinuon ko ang paningin ko kay Ally. Pumalakpak pa ako habang nangingising hilaw para hindi niya mapansin na nababagabag ako sa mga tingin niyang ganoon.
Ngayon ay napili niyang mag- 'truth' dahil halos dare na daw ang nagagawa nito. Para naman daw maiba.
"Do you like my brother or not?"
Huh? Brother? Sino naman ang tinutukoy nito? May kapatid pala siya at hindi manlang namin alam.
"Yes," diretsong sabi ni Ally bago tumingin kay Jake. "I like you. A lot," ngisi nito bago kumuha ng isang shot-glass at tunggain iyon.
Ibig sabihin ay magkapatid pala silla Jake at Aliana? It means Fonacier rin siya. Hindi ko alam pero pamilyar ang apilyido na iyon. Its like I heard it somewhere pero hindi ko lang matandaan.
"Atapang atao, hindi atakbo!" pang chi-cheer ko pa sa aking kaibigan.
Tilang ako lang ang nagulat sa balitang magkapatid pala si Aliana at Jake. Kaya naman pala ay halos lagi na lang silang magkasama.
Tinignan ko si Jake para tignan ang reaksyon nito pero nakatingin lang ito sa akin bago bumaling sa iba. Its like he's not affected.
Baka naman ay matagal nang sinabi ng kaibigan ko ang nararamdaman para sa lalaking katabi nito?
"If the bottle pointed at you, you should pick dare. May isu-suggest akong dare kay Ally at sigurado akong ngingiti ka na pagkatapos noon," bulong sa akin ni Reed habang natatawa. Napangisi na lang ako at pinalo siya sa braso.
Pinaikot na ulit ni Ally ang bote. Habang nangyayari iyon ay nakita kong nagdidilim na ang mga mata ni Ryder habang nakatingin sa amin ng kapatid niya. Kita ko rin na umiigting ito dahil sa inis.
Please mon cheri don't be mad.
"Okay Ryder! Truth or-" hindi pa natatapos si Ally ay nagsalita na ang kanyang tinatanong.
"Dare," tamad na sagot nito habang ang kamay nito ay maiging hinahalo ang laman ng kopita.
"Uy! Palaban," asar pa ni Ally sa kanya bago umayos ng upo at tumingin sa akin.
"I dare you na lumipat ng upuan. Sa tabi ni Porschia."
Nakita ko naman ang pagprotesta sa mga mata ni Winona. Maski si Jake ay napailing sa sinabing iyon ni Ally. Dahil siguro ay madali lang ang inutos nito rito.
Walang ano mang salita ang lumabas sa bibig ni Ryder. Basta na lang itong tumayo at umupo sa tabi ko. Nilagay pa nito ang kamay niya sa likod ko. Sinusubukan kong iwasan na dumikit ang kanyang balat sa akin pero pilit niya namang inilalapit iyon sa akin.
Pumalakpak pa si Ally habang ako ay naiiling na lang dahil sa walang kwentang dare na ibinigay niya kay Ryder.
Pinaikot na ulit ni Ally ang bote at sa kasamaang palad ay sa akin natapat iyon.
"Oh! Tama na kaka-truth! Toka ka na doon, e! Dare naman sa iyo ngayon!" reklamo ni Ally na sinangayunan ni Aliana at Reed. Iba ang ngiti na binibigay sa akin ni Reed at Ally dahil sa wakas ay makakapag-dare na rin ako.
Bumuntong hininga na lang ako dahil wala na rin naman akong magagawa pag pinilit kong iba ang pinili ko.
"I have a suggestion for her dare-" Humilig pa sa gawi ko si Reed para mas maka lapit siya sa kanyang kapatid.
Hinatak naman ako ni Ryder palapit sa kanya para mailayo ako sa pwesto ng kanyang kuya.
"I don't need for your suggestion," ngisi ni Ryder bago tumikhim at tignan ako sa mata.
Sinabi niya rin nairereserba niya ang dare na iyon kaya naman ay may utang ako sa kanya. Hindi daw pwede na hindi ko gawin ang ipapagawa niya dahil kabilang pa rin iyon sa dare.
Un-obeyed dares are cursed they say.
Sumigaw naman ng malakas si Ally at sinabing ang sweet noon.
Ano ang sweet sa pagkakaroon ng utang na dare? Anytime at anywhere ay pwede niya raw iyon hilingin sa akin. Tumango na lang ako para naman matapos na ang laro.
Ilang oras pa kami na naroon hindi lang para maglaro pero para magkwentuhan. Nang mapagod na ay isa-isa na kaming umakyat sa kwarto para doon matulog. Ako ang pinaka huling naligo sa amin dahil parepareho pa silang nag-uunahan sa pagligo dahil ang lagkit na raw ng pakiramdam nila kahit hangin lang naman daw sa dagat ang dumampi sa mga balat namin.
Lumabas na ako ng nakabihis na. As usual ganoon pa rin ang pangtulog ko. Racer back top at dolphin shorts. Mas gusto ko ang ganitong damit para ramdam ko sa balat ko kung paano dumulas ang aking balat sa sapin sa higaan.
Napabuntong hininga na lang ako nang makitang ang bakanteng higaan na lang ay ang tabi ni Ryder. Lahat sila ay mga nakapikit na. Halata rin na binibigyan ako ng espasyo ni Ryder dahil sobrang layo nito sa dulo ng kama. Sobra na nga kung magitgit si Winona dahil sa posisyon ng taong gusto nito.
Sumakit ang puso ko ng bahagyang nakayakap na si Winona sa likod nito. Tumikhim ako at tumingin sa kabilang dulo kung meroon pang espsyo pero nakita kong nasa dulong iyon ay si Reed. Pwede rin naman ako sa couch. Pero naisip kong mahihirapan ako na matulog roon.
Kaya wala rin akong nagawa nang tumabi na ako kay Reed sa pagtulog.
Kinaumagahan ay nagising ako sa bahagyang pagtapik sa akin sa mukha. Unti-unti akong dumilat at nakita kong halos lahat sila ay nakatingin sa akin.
"Mukhang masarap tulog mo ah?" mapang-asar na sabi sa akin ni Ally kaya naman ng susubukan ko ng bumangon ay napahinto ako dahil sa braso na nakapulupot sa akin.
Nakita kong kay Reed iyon kaya dahan-dahan ko itong tinanggal at umupo ng maayos. Agad hinanap ng mga mata ko ang mga mata ni Ryder. Umiwas agad iyon at lumabas na ng kwarto namin. Nakita ko namang sinundan ito ni Winona.
Umiling pa si Ally habang tinitignan ako. Nalipat lang ang paningin ko nang marinig si Aliana na naglalakad pabalik sa kama habang may dalang baso na may lamang tubig.
"Gising na tayong lahat pero ang pangit na ito ay hindi pa."
Kaya naman ay parehas kaming nahinto ni Ally sa paghinga nang buhusan ni Aliana ang lalaking natutulog. Napasigaw sa lamig ang lalaking iyon habang nakahawak sa mukha.
"Wake up, Aidan!" sigaw nito sa mukha ni Reed kaya naman ay inis na hinabol ni Reed si Aliana palabas rin ng kwarto nang mauna sa kanyang lumabas ang babaeng nang gising rito.
Kaming tatlo na lang nila Jake ang naroon kaya naman ay nagpaalam na rin sa amin si Jake na mauna ng lumabas.
Ngayon ko lang napansin nang makita silang mga nakapang ligo na. Tumingin ako sa phone ko para makita kung anong oras na. Napahilot na lang ako ng sentido ko nang makitang late na naman ako ng gising!
Kaya naman ay sinabihan ko na si Ally na mauna na at susunod na lang ako doon sa labas.
Nagbihis ako ng two piece swimsuit na kulay dark blue. Sinuklay ko na rin ang buhok kong unat para maganda ang pagkakaladlad nito sa aking likod. Naglagay na rin ako ng sun block para hindi narin ako mag lagay sa labas.
Nang makalabas na ay nakasalubong ko na si Reed papasok ng kwarto habang nakakunot ang noo. Siguro ay magpapalit na rin.
Nakita ko namang nasa dagat na ang anim. Masaya at maingay na lumalangoy doon. Pero naging hilaw na lang ang ngiti ko ng makita si Ryder na hinahawakan si Winona sa bewag nito para hindi ito malunod sa pwesto.
Tinawag ako ni Ally kaya naman ay lahat sila ay napalingon sa akin. Kumaway ako sa kanila para naman malipat sa iba ang atensyon ko.
"Tumalon ka na gaga!" Turo niya pa sa bakal na naka usli doon sa yate para naman ay doon kami makakatalon.
Huminga ako ng malalim dahil natatakot ako. Kaya naman ay binigyan ko pa ng ilang minuto ang sarili para naman makapag-ipon ako ng lakas para tumalon.
Napaharap ako sa lalaking humawak ng kamay ko.
"I'll jump with you. Kaya kung mamatay ka man ay sabay tayo," pang aasar na sabi ni Reed kaya naman ay napangiti ako at pinalo siya. "Bibilang ako." Tingin niya sa akin habang hinahatak ako sa bakal na kung saan ay tatalon kami.
Tinignan ko pa ang mga magulang namin na nag-aayos ng mga makakain namin. I saw my mom and dad smiling at me.
Oo nga pala. They didn't know.
"Three!" Sigaw ni Reed.
Wait, what?
Kaya naman ay pati ako ay napatakbo na lang kasama siya dahil hawak nito ang kamay ko.
"s**t!" Hinawakan ko naman ng mahigpit ang kamay nito nang maramdaman ko ang pagbulusok ng hangin sa aking mukha nang makatalon na kami.
Natigil lang ako ng tumama na ang mga katawan namin sa tubig. Agad rin naman akong hinawakan ni Reed sa bewang.
"Don't worry. I got you."
Nang sabihin niya iyon ay mas natuon pa ang mga mata ko sa lalaking marahas kung lumangoy papunta sa hagdanan para makaakyat na ng yate.
Nag-panic naman si Winona kaya sinundan niya ito at umakyat na rin kasunod ng lalaking kasama nito kanina. Bago tuluyang mawala sa paningin ko si Ryder ay nakita ko pa ang pagtingin nito sa akin. Saktong lumapat ang mga mata na iyon sa aking mata bago tuluyang tumalikod at naglakad na paalis.
His eyes. Are the same eyes I saw last night.
Mixture of sorrow and hatred is what I saw.
Natapos ang bakasyon na iyon na hindi manlang kaming nagkaimikan ni Ryder. Ramdam at pansin iyon ng mga kasamahan namin kaya naman walang ginawa si Reed at Ally na pagbatiin kami. But the thing is, their tactics didn't go well. Umuwi kaming hindi nagpapansinan.
It's fine by me. This will be easier to me. To avoid him.
"Babae ka! Ayan ka na naman ang daming pagkain nadadalin! Dalawang araw at isang gabi lang tayo roon!" sigaw ni Shena kay Ally habang naglalagay rin ng mga pagkain sa cart.
Nandito kami ngayon sa super market para mamili ng mga dadalhin sa retreat namin na gaganapin na bukas. Pero ang alis na namin ay mamayang gabi.
Hindi ko rin alam kung bakit pero magkakanya-kanya kaming byahe papunta roon. Balak namin ay gagamit kami ng van nila Blair at siya ulit ang magmamaneho. Dahil sa amin ay siya itong brusko. Boyish.
"Ano ba! Ngayon lang ako kakain ulit ng marami mula nung naka-uwi kami!" pagprotesta pa ni Ally nang ibalik ni Shena ang mga pinag lalalagay nito sa cart.
Ilang weeks na rin ang nakalipas matapos ganapin ang christmas vacation na naganap sa dagat.
Napabuntong hininga ako dahil sa mga sumunod na mga araw na iyon ay hindi kami gaanong nag-uusap ni Ryder. Nagkakasama kami pero casual ko lang siya kung pakisamahan. Kaya naman ang mga natirang araw namin roon ay puro si Winona ang kasama niya. Dahil na rin sa iyon ang pag-uutos sa kanya ng kanyang ama.
Wala naman siyang ibang ginawa para kausapin ako. He just hang out with Winona the rest of the trip. Ayos na rin iyon sa akin para naman hindi ako mahirapan. Hindi niya rin naman ako iniiwasan. He still talks to me but its cold.
Nagpalit na rin kami ng seating arrangement dahil alam kong sila na naman ang magtatabi pauwi. Kaya naman ay nagtabi na lang kami ni Ally at si Jake naman ang katabi ni Mr. Flores. I even heard how they whisper just to talk with each other. Rinig ko iyon dahil nasa harapan lang namin sila noon. Kaya naman wala akong ibang ginawa kung hindi matulog lang sa balikat ni Ally buong byahe pauwi.
Sumuko na lang si Shena sa gusto ni Ally para makadiretso na ng cashier at makauwi.
Inayos ko na ang mga gamit ko dahil baka maya-maya ay nandyan na sila Ally para sunduin ako. Gabi na rin kasi kaya naman nag madali ako sa pag aayos ng mga gamit para sa mga dadalhin.
We'll go camping para sa retreat na ito and I find it very exciting. Bukod sa first time ko ito ay kasama ko pa ang mga kaibigan ko.
Sinuot ko na ang isang hoodie at bumaba na para roon na sa sala mag-antay para sa mga kabigan ko.
Napahinto ako sa paglalakad pababa ng hagdanan ng makita si Ryder na prenteng nakasandal sa sofa ng living room namin.
Lalagpasan ko na sana siya dahil naisip kong pinatawag ito nila mom pero siya na itong tumayo at sinundan ako. Napakunot ako sa ginawa niyang pagsunod. Sasabay ba ito sa amin? Pero mukha namang hindi dahil nakita ko ang sasakyan niyang nakaparada sa labas ng bahay namin.
"Aalis na kayo hija? Osige pinalagyan ko naman na ng pagkain yung sasakyan ni Ryder para may kakainin kayo sa byahe," sabi iyon ng aking ina nang makasalubong namin siya sa labas.
Hindi ba alam niya namang kay Ally ako sasabay? Bakit sinasabi ng sarili kong ina na sabay kami nito aalis?
"Lets go, mukhang mauulanan pa tayo," malamig nitong sinabi bago ako lagpasan at pumasok sa kanyang sasakyan. He didn't even bother to open the door for me like he usually does.
Nganga kong tinignan ang nanay ko para magsabi siya ng ikakaayos ng isipan ko.
"Ally texted me na nauna na sila, sumabay ka na lang daw kay Ryder."
What? Why did they leave me? Do they want me to suffer? Nakalimutan ba nila kung paano ako umiyak ng dahil sa lalaking ito? I cried a half gallon, mind you!
Hinalikan ako ng nanay ko at namaalam bago siya pumasok sa loob ng bahay. Ilang minuto pa ako doong tulala na para bang iniisip kung ano gagawin.
"Are you going to stand there all night?" inis nitong sinabi bago ko siya lingunin.
Nakita kong nakatayo siya sa gilid ng kanyang sasakyan. Nakabukas na rin iyon at aakma na siyang papasok sa loob noon.
"Put your bags at the back," walang emosyon niya pa akong tinignan bago tuluyang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan.
Napatikhim pa ako at tumango roon mag-isa bago sundin ang kanyang gusto.
I'll travel with him for hours.
Guess the time of suffering will be harder this time.