SIXTEEN

2869 Words
Don't have a say "I understand mom, I know you and dad are doing this for the business kaya mawawala pa kayo ng ilang buwan. Matagal ka nang humihingi ng tawad sa akin." Humiga ako sa kama ko pagkatapos kong maligo. Galing akong school at pawis na pawis nang umuwi dahil ang last subject namin ay P.E. Its been a week and a half simula nung nag-birthday si Ally. Hindi ko rin alam pero iniiwasan ko si Ryder. Mukhang nakakapansin na siya sa ginagawa ko dahil panay buntot at antay na lang ang ginagawa niya sa 'kin sa school. One time Ally noticed it kaya natanong niya ako if its about the game that we played nung party niya. And I assure her that it isn't. Oo at may hindi magandang nangyari sa akin no'n pero hindi iyon ang dahilan. Yes, my heart pound whenever he's around. Pero hindi ko iyon pinapahalata. Because I know to myself that isn't the case! Or is it? "Again, we're really sorry hija," sabi ni dad. Ngumiti ako sa mga magulang ko bago magpaalam na sa kanila. Kinabukasan, pagkababa ko pa lang sa hagdanan ay bumungad na sa akin si Ally. Its Saturday kaya umaga pa lang ay nandito na siya. "Good morning sa iyo!" pakanta niyang bati sa akin habang tumatakbo papunta sa akin at kinaladkad ako sa sofa na mero'n ng mga pagkain. "Ano ginagawa mo dito?" Kuha ko sa isang kape na naroon at humigop sa malinamnam na inumin na iyon.  Hmmm, mainit pa. "Kailangang natin mag-usap! Alam kong may tinatago ka and I'm here to help you out." Nakatayo na siya ngayon sa harapan ko at nakahawak sa bewang niya. If I didn't tell her about what's running in my head for the past few days, lalo lang maghihimutok ang buchi nito at kukulitin lang rin ako nang paulit-ulit. Bumuntong hininga ako bago ilahad sa kanya ang mga bumabagabag sa akin. Pwera na lang sa mga nararamdaman ko pag nandyan si Ryder. I want to figure that out by myself. Pagkatapos kong magsalita ay agad namang kumunot ang noo ni Ally at pinalo ako sa braso. "Aray! Bakit ka namalo? If I only knew that you'll hit me, hindi ko na sana sinabi sa iyo!" Himas ko sa kaliwang braso ko na pinalo niya. I curse to myself because I know that any minute now, my arm will be a bit swollen! Damn spiker's hand. "See? Parang hindi ka tinuruan ni ma'am Pia about sa wholistic at partially ah?" Uungkatin ko naman talaga kung ano ang nangyari kaya lang kailangan ko munang pakalmahin ang puso ko bago ako humarap kay Ryder. "Nandoon ako nung binugbog ni Ryder si Edward! And its a good thing na ginawa niya iyon at pinalitan siya! Nako! Kung nagkataon na ako ang unang nakarinig nung sinabi ni Edward ay baka maging si Sisa pa yan! Hindi sila Basillio hahanapin niyan kundi ang dalawang bayag niyang mawawala sa galit ko!" Kumakain na siya ng tinapay habang ngumunguya ng galit. Sa pagnguya niya ibinubuhos ang galit niya. "TUBIG!" sigaw nito sa akin habang ang bibig ay puno ng pagkain. Ngumiwi ako bago ko siya pagbigyan, "Here." "Buti talaga nandoon si Ryder," utas ni Ally matapos makainom sa inabot kong tubig sa kanya. Agad naman akong nagtaka sa naging reaksyon ni Ally kaya nagpakwento ako sa kanya kung ano talaga ang nangyari. She told me na may binabalak si Edward na pang babastos sa akin habang umaarte kami sa stage. Agad ring nag-init ang dugo ko roon. Nakwento niya rin na kaya siya naroon ay dapat susunduin na niya si Edward para makausap sa hero wear pero na abutan niyang nagsasagutan na si Ryder at si Edward sa likod ng building namin. Siya pala talaga ang may balak manira ng performance ko! Pero, mas lalo na lang akong nahiya kay Ryder dahil iyon pa ang inasal ko kesa humingi sa kanya ng tawad dahil sa pag ligtas niya sa 'kin mula sa plano ni Edward na pangbabastos. He's a fallen angel. But even he's a fallen one he's still an angel. Kahit alam kong hindi ko naman alam iyon ay hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko dahil sa inasal kong pag-iwas sa kanya. "Hulog ng langit!" Tumayo pa siya habang ang dalawang kamay ay nasa ere. Kinahapunan noon ay naghanda na kami ni Ally para sa pagpunta sa isang sikat na hotel roon sa lugar namin. And this party will going to be big dahil ang may pakana ng party na iyon ay ang mga Azucena. I don't know what is the party all about but my dad told me that it has something to do with their company. Baka anniversary? I don't know. My parents asked me to go with Ally's family. Para kahit papaano ay may representative ang mga Ricalde sa party na iyon. Sinabihan na rin naman ako ni Ally na sumama na kaya wala rin akong nagawa kung hindi um-oo. Its going to be a formal party kaya ang napili kong gown ay isang long gown na silver na naka-square spaghetti top at ang likod nito ay may naka-ekis na tali lang. Pinarisan ko ito ng black stilettos habang ang buhok ko ay naka half-pony tail. Nag laglag pa ako ng mga munting buhok sa bandang noo ko para hindi gaanong plain tignan ang aking buhok, na kinulot lang rin ni Ally kanina. I smiled after kong umikot at napansin ang pagkislap ng suot ko dahil sa sinag ng buwan na ng gagaling sa bintana ng kwarto ni Ally. "Ano ba trip mo at nakapatay ang ilaw rito?" Pasok ni Ally sa sarili niyang kwarto. She's wearing a sexy hot red long gown, may slit rin ito ng tulad ng akin pero mas bumagay iyon sa kanya dahil mas maganda ang kurba ng katawan niya. "Lets go baka ma late pa tayo." Tingin niya sa gold watch niya. Pagkababa namin ay agad naman akong nabati nung mom ni Ally. "Look how splendid you're looking right now Celestine, hindi na nakakapagtaka dahil maganda talaga ang lahi nila Celestia." Nakipagbeso pa si tita Lisa sa akin bago balingan ang anak na nakataas na ang kilay sa kanyang ina. "How about me?" Pabiro pang nagdabog si Ally na ikinatawa na lang rin namin. "Hija, you're the most good looking among us. Kaya 'wag ka ng magtampo." Pinagbuksan pa kami ni Tito Victor, ang daddy ni Ally, bago niya paandarin ang sasakyan papuntang hotel. Every second, every minute that drops I couldn't understand myself. Parang gusto ko na lang buksan ang pintuan nang biglaan at tumalon paalis para lang hindi ako makapunta roon at maharap si Ryder. Lalo na lang nag wala iyon ng makarating na kami sa venue ng party na iyon. Marami na ring mga sasakyan na naroon at mga taong nagsisibabaan pa lang sa mga sasakyan nila. Okay, maybe I'll have to talk to him first para hindi na mahiya ang mukha ko sa kanya everytime we'll see each other inside. "Porsch! Dapat pala dinala natin si Ashy! Pwede ang mga pets dito!" Turo pa ni Ally sa mga ibang bisita na paakyat na habang may dalang mga tuta o di kaya ay mga pusa. Umiling ako dahil mas gugustuhin ko pang nasa bahay lang si Ashy at inaalagaan nila manang Gretha. And it will be a hassle for me. Ayokong nag-aasikaso ako ng tuta habang ako ay hindi ko man lang rin maayos ang sarili. Bumungad sa amin roon ay ang kumikinang na ginto at pilak na kulay. Namangha ako sa mga nakikita ko. Nakapunta na ako sa mga enggrandeng party pero iba talaga pag ang mga Azucena na ang may pakana. Lalo lang naging susyal ang paligid nang makita ko ang mga bisita. Damn, all of them has a lot of money on their bank account. I can tell. "Vernalisa! Victorius! I'm glad nakarating na kayo." Salubong sa amin ni Tita Madeline. Nasa tabi niya si Tito Westly habang ang isang anak nilang lalaki ay nasa likod. Where's Ryder? Nasa loob na kami ng venue at hindi ko manlang namalayan na nilapitan pala namin ang grupo nila. May mga ibang matatanda at mga batang kasing idad ko ang nasa grupong iyon. Maybe they are business partners? Relatives? Hindi ko maiwasang luminga-linga at hanapin si Ryder. Is he late to his parents' party? Pero mukhang malabo iyon dahil sa iisang bahay lang naman sila nakatira. "Gano'n ba? Kaya pala kasama niyo si Celestine dito." Matigas na pagkakasalita ni tito Westly habang nakangiti na sa akin. Napuno rin ako ng papuri doon. Hindi ko rin maiwasan na pansinin ang paminsan minsang tingin ni Reed. Ito namang kaibigan ko ay hindi nagpaawat sa pag siko sa akin dahil maski siya ay napapansin iyon. Lumapit sa akin si Reed nang napansin niyang palinga-linga ako. "Looking stunning both of you huh?"puri niya sa amin. Bakit hindi man lang ako gaanong naapektuhan sa papuri niya? Is it because I share that compliment with Ally? Nagkwentuhan kaming tatlo about sa nangyari doon sa party ni Ally bago kami magpaalam sa mga magulang nila para maka-upo na sa isa sa mga lamesang naroon. "Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakipag-pustahan ako sa iyo." Reed shook his head before fixing the way he sit. "I even use my brother for that. Good thing that we won and pumayag siya kahit nakakapagtaka pa ang pagiging lutang ni Porsch sa laro. I didn't expect that we'll win though." Inom ni Reed sa hawak niyang kupita na may lamang medyo dilaw na inumin. Marami pa silang sinabi na, parepareho kaming lasing nung araw na iyon kaya gano'n na lang kami kung magkasayahan. Hindi na ako nakisali pa sa usapan nila dahil magkakalahating oras na kaming naroon sa party ngunit hindi ko pa nakikita ni anino ni Ryder. At sa mga oras na iyon ay wala rin akong ginawa kung hindi luminga. Where is he? "Mom told me you guys are here, I went straight here after she told me." Nanlaki ang mata ko nang marinig iyon. Hindi ko pa siya nililingon ay hinalikan na niya ako sa kanang bahagi ng ulo ko bago umupo sa tabi ko. Pinaggigitnaan na namin ngayon ni Reed si Ryder, habang si Ally naman ay nasa kaliwa ko. Naka ngisi lang sa pwesto naming tatlo. "Bro, what took you so long? Inutusan ka lang ni dad na ihatid si Winona sa table nila, hindi ka na bumalik," halakhak pa ni Reed na may halong pang-aasar na ang ngisi matapos niyang tumawa. Winona's here? Hindi rin naman kase malabong nandito nga siya. Sa lawak ng inimbita nila ay maaaring nandito nga siya. "You guys wouldn't believe this. The Winona from the party?" Alog ni Reed sa kupita niya. "You mean, yung kaibigan ni Jake?" takang tanong ni Ally. So it means hindi sila magkaibigan ni Ally. Kinaladkad lang siguro si Winona doon sa party na iyon. "She's the daughter of David Flores. The one who owns this hotel. And we all know that this luxurious hotel has scattered all over the globe," ngumisi pa si Reed bago sumimsim sa inumin niya. Napag-usapan nga namin si Winona kanina bago dumating si Ryder. Naabutan daw kase ni Reed si Ryder na may kausap na babae sa terrace ng bahay nila Ally. He ask him kung sino 'yon and he told him na some other chic that drools for his attention. Kahit kelan talaga gago siya pagdating sa mga babae. "Can't believe you got that one too bro." Tapik pa ni Reed sa balikat ng kapatid na ikinainis naman lalo nito. "Oh shut your t**s Reed if you can't f*****g say anything nice." He gritted his teeth before putting his arm at my lean chair. Tinawanan ni Reed at Ally ang naging reaksyon ni Ryder. Ngumisi ako para naman hindi nila mapansin kung bakit hindi ako nakikisali sa usapan nila. How will I? Ngayong napagtanto ko na ang babaeng pinakausap ko kay Ryder ay may ibubuga naman pala talaga. That's the reason why she still looking fine even she's a mess. Kalaunan habang tuloy pa rin sila sa pag-aasaran ay nagpaalam akong umalis roon dahil hindi ko na rin kinayanan na matagalan pang nandyan si Ryder sa tabi ko. Kanina hinahanap mo, ngayon ay lalayasan mo naman? Ginugutom ka ba, Celestine? Umiling ako at hinarap ko ulit ang sarili ko sa salamin. Nasa loob na ako ng powder room at kinakalma na ang sarili dahil binabalak kong kausapin si Ryder mamaya. I want to say sorry okay? Then after this I'll be with Ally to try to have some talk with Reed. Besides, that's one of the reason why I'm here, right? Nang tapos na akong mag-ayos at pakalmahin ang sarili ay lumabas na ako. Napahawak na lang ako sa dibdib ko nang magulat dahil sa presensya ni Ryder na nasa labas ng powder room. Nag-aantay sa 'kin. You assumed too much baka si Winona ang inantay because you know that you're not the only one sa loob kanina. Nakasandal ito sa pader habang nakahalukipkip ang mga braso niito. Ang kaliwang paa naman nito ay nakadikit rin sa pader. Kitang kita ko rin ang pag kurba ng lalamunan niya dahil sa adams apple niyang naroon. Lalo lang itong nadepina dahil nakatingala ito habang nakakunot ang noo at nakapikit. Mas lalo lang siyang gwapong tignan dahil ang purong itim niyang buhok ay medyo nahuhulog na sa kanyang noo. He looks like he's in deep thinking. Lalagpasan ko na sana siya nang naisip kong hindi ko pa siya kayang kausapin about sa kaso nung kay Edward, pero hinawakan niya ako sa braso at hinatak na ako palabas roon. "Saan mo ba ako dadalin at mukhang nagmamadali ka?" inis kong tanong sa kanya dahil halos matapilok at matisod na ako sa gown ko dahil sa bilis ng paglalakad niya. I can't even help myself from him. Masyadong siyang malakas kaya ang munting paghila ko sa sarili ko pabalik ay hindi ko magawa. Huminto kami sa pool side ng hotel na iyon na may gazebo sa gilid. Doon niya ako dinala bago huminga ng malalim at lingunin ako. "Talk to me. I don't know how many days you treat me like this. Its making me insane!" Huminga siya ng malalim habang ang mga kamay nito ay nasa kanyang bewang, bago niya dugtungan ang kanyang sasabihin, "And I don't like it," nakakunot ang kanyang noo habang ang mga mata'y nagdidilim. Bumabagay sa sinag ng buwan. Ang mga mata niya ay kumikinang kahit na puno siya ng galit ngayon. Why be angry at me right now? Matagal naman na kaming galit sa isa't isa ah? I mean we both know that our relationship to each other sucks. Duh, Celestine? We all know that is not the case right now. The connection changed! He's getting nice and you don't. "I-I'm sorry, I should say thank you to you-" "Why?" Taas kilay niyang tanong habang nakatingin pa rin sa akin. Gosh, I didn't know that it will be this hard. "Because you save me from Edward's plan." Pinaglaruan ko ang mga daliri ko sa kamay habang ang mga mata'y nakatingin roon kung paano magtalo ang mga iyon. Nang ilang minuto na kaming tahimik roon ay tinignan ko na rin siya. "Saying thank you is like I'm doing you a favor. I did that because I want to protect you." Ngayon ay mas lalo ng bumibigat ang paghinga niya at ang mga mata'y lalong nagdidilim. Parang ang bagyong nasa loob noon ay mag lalabas na rin ng kulog at kidlat. "You didn't know what I felt when he asked me, how does it feel touching you on your waist, at the back of your legs and on your stomach. I want to break his neck so badly but, I remember you. And I worry that you might get angry at me." Napanganga ako sa sinabi niya. Bakit ka pa nagulat? He's your babysitter. Nothing's special so stop what you feel right now Porsch. "And my hunch is right, you avoided me. It sucks to feel this s**t Porsch." Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa parehas na balikat. Tiningala ko siya habang tinitignan ko siya kung paano siya yumuko at huminga nang malalim bago niya tapatan ang mga mata kong nagsusuri sa kanya. I saw that the storm in his eyes has already calmed down. Ngumiti ako dahil doon. "Then I'm sorry for acting like that. For avoiding you for the past few days," hindi ko alam kung bakit pero lumambing ang boses ko ng hindi ko sinasadya. Nag wala ang puso ko dahil unti-unti ng lumalapit ang katawan ni Ryder sa akin. Napakurap pa ako ng ilang beses nang lumapat na ang mukha ko sa kanyang dibdib. Rinig ko ang pagbilis ng t***k ng puso niya dahil sa pagyakap na ginawa nito sa akin. At sa kasamaang palad ay nakikisabay pa ang akin sa ritmo ng kanya. "Please, don't do that again ma chéri. I suffer for nothing and I hate it when I can't do anything because I don't have a say to you." Hinahaplos na niya ang ulo ko at hinalikan ng ilang beses ang tuktok noon bago ako tignan muli sa mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD