SEVENTEEN

3190 Words
Can't wait Padabog akong naupo sa isa sa mga benches na malapit roon sa volleyball court. Hingal na hingal na ako at pawis na pawis na rin dahil sa init ng araw at sa tagal na pag bababad sa training. I have to stretch myself because I'm one of the first six. Naghahanda na kami para sa nalalapit na laban para sa mga nalalapit na mga lalawigan. Hindi lang naman volleyball ang maglalaban laban. Pati na rin ang ibang sports. Uminom ako sa tumbler ko nang bigla na lang humiga si Ally sa lamesa na nasa harapan ko. "Ah! Coach pwede bang time out na muna? Masyado na kaming nabababad sa araw! Dalawang oras na! Abuse na ito'ng ginagawa mo coach, e!" reklamo pa ni Ally sabay kuha sa tumbler na hawak ko. Umiling na lang ako nang bigla siyang pinalo ni coach sa likod ng ulo habang umiinom. Bahagya pang natapon ang laman noon. Napahimas na lang si Ally sa kanyang batok dahil sa kilos na ginawa ni coach Vasquez. I tried hard not to laugh but a giggle escaped from my lips. Agad naman akong binatuhan ni Ally ng galit na mga mata. "Ano ka ba Ally?! Kung makapagreklamo ka kala mong ikaw ang nauna sa kanila! Pang huli ka sa dumating kaya konti lang sa routine ang naabutan mo! Wala pa sa dalawang oras 'yon!" Problemadong naka tayosi coach sa harapan namin habang nagkakamot ng ulo. Problemado sa kakulitan ng captainball niya. Hindi ko alam pero kalahating oras siyang late kanina. Kaya naman sa aming lahat ay dapat siya ang hindi gaanong pagod. Tinignan ko ang mga iba kong ka-team at napansing mga nakahilata na rin sila kung saan-saan. Mero'n sa benches, sa lamesa, at ang iba pa nga ay sa sahig na mismo. Puspusan na ang pagbabatak sa amin ni coach dahil papalapit na ang tournament na pinaka-aantay namin. Ilang buwan na kaming nag te-training para rito. Pero hindi ko mapuna kung may pagbabago ba sa team namin. Hindi ko alam kung lumalakas ba kami o hindi. Agad namang nag sitilian ang mga kamyembro ko habang nakatingin sila sa gawing likod ko. Ano ang meron? Si Ally naman ay bakas ang ngisi sa labi. Halatang natutuwa siya sa nakikita niya. Kaya naman ng hindi ko na napigilan ang sarili ko ay lumingon na rin ako doon at nakitang papalapit sa akin si Reed. May dala rin itong lunch box. Agad naman siyang binati ng iba kong kasamahan kaya binati niya na rin ang mga ito pabalik. I shook my head ng hindi ko mapigilin ang pagngiti. Aaminin ko na kahit papaano ay natutuwa ako. Pero ang nakakapagtaka, pag ang kapatid niya na ang kasama ko ay kinakabahan na ako. Magaan ang loob ko kay Reed pero pagdating sa kapatid nito ay mabigat na. Hindi mabigat na may galit ako o ano. May something na I can't point my finger on it. I don't know what it is. I don't know yet. Mag la-lunch na at hindi ko pa rin nakikita si Ryder. Ang kapatid niya palang na nasa harapan ko ang nakikita ko. Where are you Azucena? Huling kita ko rito ay kahapon nang ihatid niya ako sa bahay dahil may kakausapin pa daw siya kaya hindi siya nagtagal. Pagkatapos kasi mangyari nung gabing nasa party nila. Lagi na lang tumatambay si Ryder sa bahay namin hanggang mag alas diyes na ng gabi. Nung una ay naba-bother pa ako sa ganoong trip niya pero kalaunan ay nasanay na rin ako. Pero sa kabila noon ay parang lalong lumala lang ang pagkaba ng puso ko sa kanya. "I don't know what should I cook kaya bumili na lang ako sa nadaanang drive thru." Inilapag niya ang plastik na puno ng pagkain. Napailing ako nang marinig ko ang asar ni Ally bago lumapit sa amin. Wala na ang iba naming kasama dahil lunch na. Nangingiti ako tuwing tumitingin sa akin si Reed at ipinapakita nito ang ngisi niya na malakas ang dating. Lalo na paglumipitaw ang malalalim niyang dimples sa pisngi. "Nako! Maraming chismosa dito! Alam niyo ba kung saan tayo makakakuha ng kapayapaan?" Tanong sa 'min ni Ally na kala mo ay si Dora dahil sa paraan niya ng pagsasalita. "Oh diba payapa?" Kumuha pa si Ally ng isang upuan sa loob ng bakanteng kwarto at ilabas para makatingin kami sa field ng school namin. Nasa building 3 kami ulit dito sa third floor kung saan ginawa naming tambayan ito ni Ally dahil puro bakante naman ang mga kwartong nandito. Lagi na lang kami dito ni Ally pag-break namin sa pag te-training. Nakakatuwa lang dahil bukod sa tahimik ay mahangin rin dito. Marami pa kaming nakikitang kung ano-ano sa baba. May mga iba pang manlalaro na nag te-training roon. Mas marami nga lang ang sa sipa at sepak takraw. "Dito kayo lagi pag walang klase?" Tanong ni Reed habang nag-aayos siya ng mga pagkakainan namin. Tumango kaming dalawa at umupo sa mga hinilang upuan. "Oh-oh bakit? May pagkain ka ba? Bakit mukhang nag-aabang ka sa pagkain na binili ni Reed?" asar ko kay Ally kaya naman agad akong tinignan ng masama nito. Natawa ako dahil sa reaksyon na ginawa niya. Nag-iibang tao talaga ito pagdating sa pagkain. Malakas sa pagkain pero hindi manlang pumapangit ang katawan. "Don't worry masyadong marami itong binili ko dahil hindi ko nga alam kung ano ang gusto ni Porsch. And besides I already ate kaya pang sa inyong dalawa lang talaga 'to." Binigay na niya sa amin ang mga binili niya pero tanging ako lang ang may gatorade. Kumunot ang noo ko at tinignan siya dahil nagtataka akong ako lang ang meron. "Galing sa kapatid ko. Nag kasalubong kami kanina before kita puntahan. Pinaaabot niya sa akin." He reasoned out. Tumango ako at sinimulan na namin ni Ally ang paglantak doon sa pagkain ng alugin ako ni Ally at may itinuro sa field. Agad akong nagtaas ng kilay sa kanya bago ko balingan ang tinuturo niya. Nakita kong magkasunod na naglalakad si Ryder at Abegail. Nauunang maglakad si Azucena kaya naman mas lalong kumunot ang noo ko nang makita kong sinalubong naman ni Dominique si Ryder. "Daming chix ni Ryde talaga, kaya 'di na rin ako magtataka kung bakit ang yabang niyan pag dating sa mga babae." Iling pa ng kaibigan ko bago siya kumagat sa chicken drum stick na nakahain sa harapan niya. Napalunok na lang ako at itinuon ang atensyon sa maraming pagkain sa harapan ko. "Trying to fix his mess that he made." Iling ni Reed bago ituon ang pansin sa librong hawak niya. Tahimik lang akong kumakain doon habang marami nang pumapasok sa isip ko na posibilidad bakit may dalawang babae na bumubuntot sa kanya. Mukhang hindi rin naman siya iritado ng sundan siya ng dalawa kanina. Nagshoot ako ng bola sa ring habang si Ally naman ay nilalakad si Ashy sa paligid ko. Walang kaming pasok para daw pahinga namin dahil lagi na lang whole day at araw-araw ang training namin. Kaya naman pinagbigyan kami na magpahinga kahit dalawang araw lang. I like Reed, and I know that, dahil nga sa natutuwa pa rin ako pagnakikita siya. Ngunit hindi na ako sigurado roon marahil sa iyon lang ang basehan ko. Pero tuwing naiisip ko ang mga nararadaman ko pagnakikita ko ang kapatid nitong laging nasa tabi ko, ay mas lalo lang talaga akong nalilito. Iyon ang pinag-uusapan namin ni Ally ngayon sa court ng subdivision namin. Kami lang dalawa ang narito kaya malaya kaming mag-usap ng malakas. Hinahabol na ni Ally ang tuta ko na sobrang likot sa pagtakbo. Umupo siya sa lapag nang maikandong na niya iyon sa hanyang mga hita. "Jusko, bakit hindi mo na lang kaya komprontahin si Reed tungkol dyan? Kung siya ba talaga ang may pakana ng flashdrive at doon sa dedication." Himas niya sa napipikit ng tuta ko. "Mahirap kausapin si Ryder, masyado siyang magulo. But if you prefer talking to Ryder than Reed, ay okay rin naman iyon," ngisi niya sa akin. Simula nang makita niya ang reaksyon ko daw umano nang makita ko si Ryder na may kasamang dalawang babae ay inaaakusahan na niya akong nahuhulog na raw ako sa lalaki na iyon. Bakit? Ano mero'n sa reaksyon ko at nag-iba ang shini-ship ito? Agad akong napalingon sa kanya, kaya naman tumama ang ulo ko sa bolang hinagis ko na tumama lang rin sa board. Kaya iyon, tumalbog lang ito pabalik sa ulo ko. "Ano ba'ng suggestion yan Ally? Nakakahiya dahil magmumukha akong assumera! And besides, alam naman natin na talagang ubod ng landi si Ryder. He's probably just playing around." Himas ko pa sa ulo ko dahil naalog yata ang utak ko dahil sa pa tama ng malakas ng bolang hawak ko na ngayon. I don't know if my friend is the one that I'm convincing or myself. Ngumiwi ako ng medyo nahilo pa ako sa nangyari. Tinawanan pa ako ni Ally bago sagutin. "Ano ka ba?! What's wrong for making things clear?! Tatanungin mo lang naman sila kung si Reed ang nasa likod ng La Mia Stella na iyan at ng letter, at kung bakit kung tratuhin ka na ni Ryder ay parang prinsesa ka na niya! Akala ko ba ayaw niyan sayo?" Batok niya pa sa 'kin kaya lalo akong nahilo. Inis ko siyang binulyawan habang naglalakad na kami pabalik ng bahay. Nang makarating na kami sa loob ay agad namang nag-ingay si Ashy at tumakbo papuntang sala. Agad na nanlaki ang mga mata ko ng maabutan ko si Ryder na naroon. Dalawang araw na siyang hindi tumatambay dito kaya naman nagtaka ako bakit siya nandito ngayon. Agad naman akong iniwan ni Ally habang bumubungisngis pa palayo ng magsimula na ang bisita ko sa paglapit sa akin. "I bought you some shoes, you'll be needing it dahil next week na ang tournament." Hindi ko alam kung ano ang itutungo ko sa kanya dahil sa huling kita ko sa kanya. Damn huling kita ko rito ay pinaggigitnaan siya ng dalawang babae kaya hindi na ako sa kanya nagpapahatid at sundo dahil okay naman na si mang Edong. Tumango ako sa kanya at bahagyang ngumiti bago magsabi ng pasasalamat dahil sa binigay niya sa akin. Inabot ko iyon at agad napansin na may malaking check na nakalagay sa kahon na iyon. "Nako! Pinapauwi na ako ni mom, Porsch. Uwi na ako!" Hindi pa ako nakakapagsalita nang bigla na lang kumaripas ng takbo si Ally palabas ng bahay ko. Napailing na lang ako bago uminom ng tubig galing sa kusina at pinunasan ang sariling pawis. Halos mapatalon ako ng bigla niyang punasan ang mga pawis ko at iniharap ako sa kanya. He twist his lips while looking at me. He's amused right now because the way his lip twist, I know he's enjoying what he sees right now. "You look good when you sweat," ngisi niya pa dahilan kung bakit ako napairap at tumingin sa ibang direksyon. Humalakhak siya bago niya iangat ang mukha ko gamit ang daliri niyang itinaas ang baba ko. "Hindi kita masasamahan for two weeks. My brother will accompany you while I'm gone. My dad asked me to be with him sa Milan para masimulan ko na pag-aralan ang business namin." Inayos niya pa ang takas ng buhok ko at inilagay iyon sa bandang likuran ng tenga ko. Sa hindi malamang kadahilanan, naninikip na ang pag hinga ko. Masakit. Bakit? "At least you'll be happy while I'm gone. You'll be spending more time with him." Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo bago siya umalis. Ilang minuto pa akong tulala sa harapan ng ref habang ang kamay ay nakahawak sa baso na nakalapag na sa lamesa. He'll be gone for weeks? I should be happy right? Pero hindi ko magawang magsaya. Ginulo ko ang sariling buhok at naglakad na papuntang bathroom at hilingin na sumama sa tubig ang mga iniisip at mga nararamdaman ko sa mga sinabing iyon ni Ryder. "Kumpleto na ba kayo?! Umalis na tayo't mahuhuli na tayo! Manunumpa pa kayo!" problemadong sigaw ni coach Vasquez sa amin habang nasa tabi ng pintuan ng coaster na gagamitin namin. Kulang pa kase kami ng isa, wala pa setter namin. Kaya mas lalong nag-init ulo ni coach nang sabihin namin iyon sa kanya. "Pasenya na coach late ako, traffic eh!" sabi ni Shena habang tumatakbo palapit sa amin habang may bitbit na bag. "Kahit kelan talaga walang kupas ang pagiging solid niyo sa pagiging late!" inis na sigaw ni coach bago kami papasukin sa loob ng sasakyan at sermunan dahil lagi na lang may isang nale-late sa amin. Ng kumalma na si coach ay nagsalita na siya sa harapan namin at pinaliwanag kung ano mangyayari sa bracket na kinabibilangan namin. Marami pa siyang sinabi kung kelan ang first at second game namin. Ang tournament na sinalihan namin ay magtatagal lang ng ilang araw. Tatlong araw iyon. Nag-inat ako dahil pinag wa-warm up na kami ni coach. Habang nag-wa-warm up ay nakikita ko na rin ang mga schoolmate namin na susuporta sa amin. Tapos na ang panunumpa ng lahat ng manlalaro, tapos na rin ang ginagawang seremonyas para mag siluma na ang tournament. "Hoy Fonacier! Kanina ka pa kumukha ng litrato dyan! Maubusan ka ng film niyan hige!" Nakita kong sigaw ng isang babae sa isang pamilyar na lalaki na kinukuhanan kami ng litrato habang nag wa-warm up. Nang makita niya ang pag lingon ko sa kanya ay agad siyang ngumiti at umalis na sa kinaroroonan niya. Di ko alam na photo journalist pala siya. Hindi naman kase halata sa kanya na ganoon pala siya. "Akalain mo nga naman si Hakob oh, talagang dito pa nadestino sa bracket natin na kumuha ng litrato." Iling ni Ally habang nag she-shake na siya ng katawan dahil nag re-ready para sa susunod na routine. Nang maitanong ko kase kay Ally kung sino ba talaga si Jake ay sinabi nito na sa katabing paaralan lang daw ito nag-aaral. Sinabi niya pa nga na Jacob Fonacier ang pangalan nito kahit hindi ko naman tinatanong. Matapos na mag warm up ay nagsi-ayos kami sa lamesa na may mga upuan na ibinigay lang rin sa amin ng organizer. Agad kong dinampot ang phone ko para sana magtingin ng oras roon ng bumungad sa akin ang dalawang mensahe. Galing ito sa mag kapatid na Azucena. Una kong binuksan ang kay Reed. From: Reed Saang school ang laro ng bracket niyo? I'll bring some stuff to help you for your play. Sinagot ko iyon ng nakangiti at sinabi sa kanya ang mga kailangan ko tulad na lang ng knee pad. Nakalimutan ko kase magdala dahil sa pagmamadali. From: Ryder. Hope its comfy wearing it. I don't want the shoes stopping you for doing your best as a player :) Tinignan ko ang suot kong sapatos na bili niya, ginamit ko ito sa nahuhuling tatlong araw ng training para naman hindi manibago ang paa ko kung sakaling magaan o mabigat ang sapatos sa mga paa ko. I know Ryder won't be here so I'll use this shoes he bought. Nakakahiyang suotin ng nandyan siya diba? Nag-reply ako na maayos naman sa paa dahil sinanay ko na ang paa ko gamit iyon habang nag lalaro. Nabanggit ko rin kase sa kanya na gagamitin ko sa unang laro ang sapatos na binili niya para sa akin. Ilang araw ng wala siya, hindi ko alam sa sarili ko kung inaantay ko ba siya o ano dahil parang everytime na lilingon ako kung saan ay hinihiling ko na nandoon siya, nakangising mapang-asar sa akin. Bumuntong hininga ako at ibinababa na ang phone ko ng hindi ko na inantay ang magiging sagot niya roon. Ipinikit ko ang mga mata ko bago umupo sa isa sa mga upuan na naroon sa pwesto namin. Tumingin ako sa lapag at pinanood ko ang dalawang paa kong hindi mapakali sa pag galaw. Nahinto lang iyon nang makakita ako ng pares ng sapatos na nakapwesto sa tabi ng kanang paa ko. Tiningala ko iyon at nakita ko ang isang nakangiting lalaki na nagmamay-ari ng pares ng paa na iyon. "Would you mind?" Turo niya sa tabing upuan ko. Umiling ako dahil wala naman talagang naka-upo roon. Wala ang iba naming ka-team dahil abala ang iba sa pakikipag-usap sa ibang ka-schoolmate namin na naroon. Even Allyshia is no where to be found. "Celestine, right?" Lingon niya sa akin. Tumango lang ako bago ako tumingin sa paligid dahil baka nandyan na si Reed. Baka ano pa ang isipin niya pagnakita niya akong kausap nanaman si Jake. Hindi ko alam kung bakit pero hindi nagustuhan ni Reed ang pag-uusap sa akin ni Jake sa party ni Ally. Pati na rin ang kapatid nito ay halos sumabog na nung mamataan niya ang lalaking ito sa party. Baka nakaaway niya dati? Hindi naman siya basta-basta na lang umaayaw sa tao kung walang matinding dahilan. "Nice meeting you again, huling kita ko pa sa iyo ay noong sa party pa ni Ally." Lahad niya sakin ng kamay niya na tinanggap ko naman bago niya ibalik ang dalawang kamay sa nakasabit na DSLR sa kanyang leeg. Pagkatapos ng saglitang interaksyon na iyon ay agad akong tumayo at naglakad, sinasalubong si Reed dahil nakita ko na siyang nakangisi sa akin habang may dalang bag. Come on Ricalde feel something! Nandito ang crush mo at susuportahan ka para sa laro mo! Pero, wala akong ibang na dama kung hindi tuwa na manonood siya. Yun lang, walang strong emotions. "Bakit ikaw lang ang narito? Nasaan ang iba?" Tinignan ko ang pinanggalingan ko at nakita kong wala na doon si Jake. Saan nagpunta 'yon? Bakit agad umalis ng hindi man lang nagpapaalam? Binaliwala ko na lang ang tanong at hinatak si Reed sa lamesa namin. Inilabas niya ang mga gamit na dinala niya para sa akin ng makarating kami sa lamesang nakalaan para sa team namin. Agad namang lumuhod sa harapan ko si Reed para ilagay na ang knee pad na sinabi kong dalhin niya para sa akin. Maraming nakangiti habang nakatingin sa amin ni Reed. Mero'n rin nagbubungisngisan, kinikilig dahil sa presenya niya at dahil sa kagwapuhang taglay nito. Nang tumayo siya ay naupo na lang kami para mag-antay sa susunod na laban, which is kami na ang sasalang. Walang ibang ginawa si Reed kung hindi alagaan lang rin ako sa mga araw na nawala si Ryder. Lumingon siya sa 'kin habang kumakain na siya ng sandwich na dala niya. "Nag te-text ba sa iyo si Ryder? He told me that he'll keep in touch with you," tanong niya pa bago siya uminom sa mineral water na nasa isang kamay niya lang rin. Oo nga pala, baka may text na si Ryder sa akin. Hindi ko naman masabi kay Reed na halos araw-araw, gabi-gabi, oras-oras, at minuminuto ay nag te-text sa akin si Ryder. Nakakahiya. Hindi ko alam bakit ako nahihiya. Siguro nakagisnan na kase niya na hindi kami okay lagi ni Ryder? Sinilip ko ang phone ko at binuksan ang nag iisang mensahe ni Ryder na naroon. Agad namang nag wala ang puso ko nang mabasa ang munting mensahe niya para sa akin. From: Ryder I miss you, can't wait for this suffering to end.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD