EIGHTEEN

3260 Words
Weird "Bye! Kita na lang tayo bukas!" Kaway naman ni Ally sa mga kasamahan namin bago isara ang likod na pintuan sa sasakyang gamit ni Reed. Kulay itim na pickup iyon na may nakalagay na FORD sa harap. Semi finals kanina kaya naman walang ginawang iba si Ally kung hindi tumalak sa likod about sa mga nangyaring laro namin kanina. Kung paano daw hindi daw sumunod sa kanya ang ibang ka-team namin, kung paano mangdaya sa pagtawag ang referee, kung paano madaling mag-init ang ulo ni coach sa amin, at ang mga attitude naming mga kalaban. "Nako! Kung makapagyabang pa yung spiker ng kabila kala mo namang kay galing! Ano tawag niya sa crossing? Trespassing? Napilayan ata utak no'n sa training nila!" inis pang sabi ni Ally bago magpatuloy. "Inaaraw-araw pagsinghot sa katol!" inis niyang ininuman ang gatorade na inabot ko sa kanya. Hindi kami nagsalita ni Reed at hinayaan na lang namin ang kaibigan kong magreklamo at tumalak lang roon sa likod. Nagkatinginan na lang kami ni Reed ng tumahimik na lang bigla si Ally pagkatapos niyang mag-rant ng ilang minuto. Siguro ay nakatatlong minuto siya ng walang hinto. Nilingon ko ang kaibigan at nakita na siyang nakasandal at nakatingala habang ang bibig nito ay nakanganga at humihilik. Umiling ako at kinuha ang phone ko para kuhanan siya ng picture. Nang matapos ako sa pagkuha ay naisipan kong mag-scroll sa bookface para hindi ako mabagot sa byahe pauwi. Medyo malayo pa kase ang byahe papuntang bahay. Sa pag-scroll ko ay may nakita akong isang post. Kung saan nasa isang mamahalin na restaurant si Ryder at si Winona. Having dinner with my most special man. Iyon ang naka-caption sa post na naka-tag si Ryder. Kita ko ang pagngisi pero walang binibigay na emosyon ang kanyang mga mata. Si Winona naman ay bakas sa kanyang labi ang sayang nararamdaman dahil nakasama niya nanaman si Ryder. Naka-upo silang dalawa habang naka-formal wear. Nasa isang bilog na lamesa sila habang maraming tao sa likod. Marami pa itong mga komento tulad na lang ng: "Bagay kayo!" "Proud of you girl! Dahil ka-date mo na ang dati mo pang crush!" "Gano'n na lang siguro pag mayaman, sa ibang bansa kung maglandian!" Tumikhim na lang ako at tumingin sa labas ng sasakyan nang maipasok ko na ulit sa bag ang phone ko. Mas gugustuhin ko pa ang makinig ng music pero, nakakahiya namang bigla na lang akong makikielam sa sasakyan nila Reed. "Hey, what's wrong? Bakit bigla ka na lang naging matamlay?" Hawak ni Reed sa balikat ko para makalingon ako sa kanya. Umayos ako ng upo bago niya tanggalin ang kamay niya na nakahawak sa aking balikat. "Wala, pagod lang," ngisi kong hilaw sa kanya bago sumandal at pumikit. Hinilot ko pa ang sentido ko dahil sa iniisip. Ano ba nangyayari sa akin? Should I consult a specialist? Because this is getting real and I don't like it. "Sabagay, sino bang hindi mapapagod sa pagtakbo at dapa para lang sa bola?" Hindi ko na dinugtungan ang usapan namin dahil wala akong gana magsalita. Masyado akong binabagabag ng nakita ko kanina. Lalo na ng mga nabasa ko sa news feed ko. Why am I bothered anyway? Nasa tabi ko naman ang taong gusto ko at kinakausap pa ako. Lalo na, may hunch kami ni Ally na siya ang nagsulat sa akin pabalik sa dedication booth. Idagdag pa ang mga pictures ko na nakalagay sa flash drive na may files rin niyang nakalagay roon. Pero hindi ko naman kakayanin pagkakausapin ngayon si Reed tungkol sa mga iniisip ko, lalo na nasa likod lang namin si Ally. Even if she's in deep sleep, baka magising ko na lang bigla ang isang 'to. Mahirap na dahil maaaring makisali ito sa usapan namin. Mahilig pa naman ito mangielam. Maya-maya pa ay nakatulog na ako sa pag-iisip kung ano ba talaga problema sa akin at kung ano ba talaga ang mga dapat kong gawin. "Hoy ganda, gising na, libre lang ang pag dilat, hello?" Gising ni Ally sa akin sa tonong akala mo ay nag lalako ng mga paninda sa divisoria. Pinalo-palo pa ako nito sa braso kaya inis ko siyang tinignan at nagmadali na ring bumaba ng sasakyan. Nakita ko si Reed sa malayong parte ng garahe namin. Hawak ang telepono nito habang nakatingin sa malayo at nakakunot ang noo. Mukhang seryoso ang usapan nila kung sino man ang taong nasa kabilang linya. Hinila ako ni Ally sa kusina kung nasaan si manang Gretha ay naghahanda ng meryenda namin sa araw na iyon. Umupo na kami sa mga upuan na naroon nang sabihan na kami ni manang na maupo na. Hindi kami agad nagsimula marahil inaantay pa namin si Reed na matapos ang kanyang tawag na ginagawa sa labas. "Alam mo ba? Paggising ko kanina, ang post agad ni Winona ang nakita ko! Phone kase agad hawak ko pag ka-gising, and damn she's really getting vocal about her feelings! Hindi ko rin kinayanan ang mga comments ng iba na boto raw umano si tito West kay Winona dahil anak ng isang mayaman, na maganda rin ang imahe pagdating sa business industry!" stress na sabi ni Ally bago kumuha ng toasted bread at lagyan ng bacon and ketchup. Diring diri pa siya habang inilalayo sa kanya ang cheese na nakalagay sa platito. Pinalo ko si Ally sa kamay at sinaway siyang aantayin pa namin si Reed. Wala naman siyang ibang ginawa kung hindi mang-asar na crush ko daw kasi umano ito kaya gusto pa naming makasabay siya. Umiling ako sa sinabi ng kaibigan. Hindi ba pwedeng respeto lang bilang bisita siya sa pamamahay ko? Hindi lang dahil sa crush ko siy? Respeto lang sa mga sasabay na kakain. Nagpatuloy ang pag aasaran at pagpapaluan namin ng biglang bumukas na ang pinto ng bahay namin at inilabas noon ay ang kunot noong mukha ni Reed. "Ano mero'n? Mukha mo, parang hindi pinagbigyan ng discount sa palengke," puno na ng pagkain ang bibig ni Ally habang walang galang na ngumunguya pa habang nakatingin kay Reed. Aba naman talagang babae ka! Binatukan ko na lang ulit siya dahil sa kanyang sinabi. Kung ano-ano lumalabas sa bibig kahit may nakapasak namang pagkain! "Ryder called me," pagkasabi niyang iyon ay nagkatinginan kami ni Reed. Agad akong kinabahan kaya naman nag-iwas ako ng tingin. "Oh e, ano meron do'n kay pareng Ryder?" hindi maawat si Ally sa pagchika at sa pagkain. Tumayo ako at mag re-refill na sana ng juice nang biglang dumating si manang at sinabing siya na lang raw ang gagawa noon. Hindi ako makatingin kay Reed. Hindi ko rin alam kung bakit. Bumuntong hininga muna si Reed at umupo sa harapan ko bago mag patuloy. "He told me that na baka ma-extend ang pananatili niya sa Milan." Tinignan niya pa ako ulit bago ituloy ulit ang sasabihin. "Pero ayaw na niyang magtagal pa roon lalo na't kasama si Winona." Uminom siya roon sa juice na ibinigay sa kanya ni manang. Inis kong tinignan ang baso na nasa harapan ko. Umirap pa ako sa ere bago gawan ang sarili ko ng sandwich. Ikinuwento pa niya sa amin kung bakit naroon si Winona sa Milan at kasama pa sila Ryder. Sabi nito ay kaya lang naman raw nandoon si Winona ay dahil gusto na rin ng mga magulang nito na pag-aralan na rin ng anak nila ang business na balang araw ay ililipat rin sa kaisa-isahang anak. "f*****g Ryder, he told me that he's planning to swap us. Kung hindi pagpalit ang gagawin nito ay baka naman dadalhin niya rito ang pag-aaral," inis nitong dinungaw ang phone bago magsimulang kumain. Sa haba ng pagkukwentuhan ay ngayon lang siya makakakagat sa pagkaing kanina pa na nasa harapan niya. I bet that food is cold already. Bigla ko na lang naramdaman sa puso ko na mas gusto ko nga ang huling plano ni Ryder. Kahit papaano ay naka-uwi naman na siya kahit may trabaho pa. 'Yun nga lang mas maganda kung naroon nga siya sa Milan dahil mas malaki at maraming resources ang opisina nilang naroon. Maya-maya pa ay nag paalam na ang dalawa na uuwi na sila para makapaghanda na sa finals na gaganapin bukas. Binagabag ako lalo ng makitang walang text si Ryder mula pa kanina na makita ko ang post ni Winona sa f*******:. Natawagan niya si Reed pero maski isang mensahe sa akin ay hindi niya nagawa? I shook my head and went to the bathroom to take a bath. Dama ko ang lamig ng tubig sa aking katawan pero dama ko rin ang init ng kaba na nararamdaman ko sa parteng dibdib ko. Huminga ako nang malalim bago lumabas ng bathroom para makapagbihis at makatulog na. Masyadong bagsak na ang sistema ko ngayon dahil sa pagod kaya mas nanaisin ko na lang na matulog na lang agad kesa mag-isip sa mga bagay na hindi ko naman dapat pinagtutuunan ng pansin. Tulad na lang kung ano na ang nangyayari kay Ryder? Bakit hindi pa siya nag te-text mula pa kanina? Nagustuhan niya ba ang date nilang dalawa? Napahilamos ako sa mukha bago tumingin at tumingala na lang sa kisame ng kwarto ko. Sa hindi inaasahan ay bigla na lang nag-ingay ng malakas ang phone ko na nasa ilalim lang ng lamp na nasa tabi lang ng kama ko. Napabalikwas ako at kinuha iyon para makita kung sino iyon. Nagbabakasakali akong si Ryder ang tumatawag. "Ricalde, agahan niyo daw bukas ni Julian at may pag-uusapan daw kayo nila coach. Hindi daw kayo ma-contact ni coach Vasquez dahil hindi naman kayo online at wala siyang number niyo," rinig ko ang boses ni Shena sa kabilang linya. Tunog pagod na rin ito dahil humikab pa ito sa kabilang linya. "S-sige, bakit daw?" "About lang sa mangyayari pagkatapos ng tournament. Hihingan lang kayo ng opinion." Tumango ako kahit alam kong hindi naman ako makikita ni Shena sa kabilang linya. Binaba na namin ang tawag pagkatapos noon. Ngumuso ako nang maalalang hindi siya ang inaasahan kong tatawag. Hay nako Ricalde, kung ayaw ka niyang makausap, edi 'wag! Sino ba siya para mag-antay ka ng ganito? Magpakasaya pa siya doon sa Milan kasama ang bago sa koleksyon niya e. Ayos pa rin iyon sa akin! Pinikit ko ang mga mata ko at hayaang makatulog na ang sarili dahil sa pinagdaanang pagod sa araw na iyon. Gumising ako nang maaga tulad ng sinabi ni Shena. Dinungaw ko ang phone ko at nakitang 5:30 AM na roon. 7:00 AM ang call time namin kaya may isang oras pa ako para mag-ayos at maghanda para sa finals na magaganap mamaya. Papasok na ako sa banyo ng bigla nanamang nag-ring ang phone ko. Baka si Ally o kaya si Shena ang tumawag. Dinampot ko iyon at sinagot ng hindi man lang tinitignan kung sino ang tumatawag. "Maliligo na sana ako ng tumawag ka." Kamot ko sa ulo ko habang tinitignan ang sarili sa salamin ng banyo. Nakabukas na kasi ang pintuan ng banyo kaya bumungad sa akin ang salamin sa loob nito. "Can I take a bath with you then?" dinig ko ang bahagyang tawa ng taong nasa kabilang linya. Agad kong tinignan kung sino ang caller. Tumaas ang ritmo ng puso ko at napahawak na lang ako sa sarili kong labi. Kinagat ko iyon habang nakadungaw pa rin sa phone ko. Ryder Iyan ang nakalagay sa registered number na tumatawag sa akin ngayon. "Sorry ma chéri, did I bother you? I fell asleep already as long as I arrived in my suite. Its 10:30 pm here," rinig ko ang paggalaw niya. Mukhang nasa kama nga siya dahil sa tunog ng pinagkikiskisang tela tuwing gumagalaw siya sa pwesto niya. Tumikhim muna ako bago magsalita dahil ayaw tumigil sa pag wala ng puso ko ngayon. Ano ba Porsch? Akala ko ba wala kang pakeilam kung tawagan ka nitong lalaki na 'to? "I-it's okay. Besides, I have decided last night na dapat ay wala akong p-pake kung tumawag ka o h-hindi." "Hmm, really? So you waited for my call," alam kong ngumingisi na siya ngayon. Damn picturing him in a dim light room, comforter covering him up to his abdomen is giving me goosebumps. He chuckled sexily kaya lalo lang akong hindi mapakali sa kinatatayuan ko. Oh please good Lord, hearing him and picturing him on his bed is like commiting a sin! "N-no," I denied. Ano ba kase pumasok sa isip ko at bigla na lang lumabas iyon sa bibig ko? Hinawakan ko dibdib ko ng marinig ko ang mahina niyang halakhak. Mabagal at ang sexy nitong pakinggan. Nakakapanghina. Damn, really Porsch? "You're stuttering again. f**k. Wish I could see you right now so I could kiss you." Ilang minuto kaming natahimik at pinapakinggan lang ang paghinga ng bawat isa. Nakakagulat ang sinabi niya. I know that he's referring to the kisses that he's given me before. Lagi lang iyon sa ulo o di kaya ay sa noo. Tsaka lang ako bumalik sa ulirat nang bigla na lang may tutang tumatakbo at naglilikot sa paa-nan ko. Tahol ito ng tahol sa akin tilang nagsasabi sa akin ng 'magandang umaga'. "Ashy said her monther stinks, so you better get ready for your game. Male-late ka na," humalakhak pa siya kaya napakunot ako sa inis dahil sa pang aasar niya sa aking iyon. "Oh shut up!" Irap ko sa kawalan. Ginantihan ko pa siya ng asar. Nagpatuloy lang iyon bago ako tumingin sa orasan na nasa kwarto ko. Nakita ko roon na trenta minutos na akong nakikipag usap kay Ryder. Pinutol na namin ang linya kaya naman naligo na ako para makapag handa. Nag mamadali akong tumakbo dahil male-late na ako sa usapan namin nila coach. Hindi naman pwedeng mamaya pa kami mag-usap dahil hindi naman palaging kasama namin siya pag-on break ang team namin. May iba siyang kinakausap at inaasikaso tuwing break. Nagiging tutok lang siya ng nabuti sa 'min tuwing bago magsimula ang laro at habang naglalaro kami. "Coach! Dito na ako," hingal kong sabi habang nakayuko pa at nakahawak sa dalawang tuhod ko ng malapitan ko na ang dalawa. Nakahalukipkip si coach habang si Ally naman ay nakapamewang pa. Andito kami ngayon sa tapat ng coaster. Nasa parking lot kami ng school. "Okay lang Ricalde dahil halos magkasunod lang kayong dumating nitong kaibigan mo." Tumango ako at umayos ng tayo bago simulan namin nila coach ang pag-uusapan. Halos naglahad lang kami ni Ally kung ano naiisip namin about kung ano pwedeng gawin after nitong tournament. Makalipas ng ilang oras ay nagsidatingan na ang mga ka-team ko. Agad rin naman kaming pinasakay sa loob ng coaster dahil masyado na daw kaming nag-iingay sa parking lot. Male-late raw kami kung hindi pa daw kami kikilos, kami pa naman ang first game sa huling araw ng tournament. Pumwesto ako sa bandang likuran at umupo sa gawing bintana. Walang gana rin akong sinundan ni Ally at naupo sa tabi ko. Anong problema nito at mukhang puyat? Ipinikit ko na lang ang mata ko para tulugan na lang ang magiging byahe namin papunta sa kung saan man gaganapin ang laro. Nang makarating na ay laking gulat namin nang makitang maraming studyante ng De Familia ang mga nakapwesto na sa mga bleachers. Nag-aantay na masimulan na ang laban. Kung sa amin pa lang ay marami ng nanonood, pa'no pa kaya sa ibang sports na sinalihan ng school namin? "Go Silver Aces!" "We love you Captain!" "Crush kita Miss Libero!" "Support the Aces! Defend the Crown!" Ang daming maingay sa manonood. Agad akong napangiti nang makitang may mga dala pa silang banners na nakalagay ang pangalan ng team namin, may tambol pa akong nakikita at may mga nakalagay na papel de hapon sa hanilang mga palapulsuhan o di kaya ay ginagawang head band. Kulay asul at puti iyon. Tatak De Familia. Tumango sa 'min si coach Vasquez para magbigay ng isang hiyaw para sa mga manonood na sumusuporta sa amin. Humarap kami sa kanila. Halata ang pagkaka-excite nila dahil bakas ang saya sa kanilang mga mata at ngiti. Hinubad namin ang mga varsity jackets namin na may halong asul at puti. Lalo lang silang nag-ingay. Dahilan kung bakit parepareho kaming napangisi. Proud sa mga supporters na mero'n kami. Ngayon ay mga nakajersey na kami, v-neck na sleeveless ito na ang pang baba ay spandex shorts. Pinaghalong itim, asul at puti ang suot namin. "DE FAMILIA'S SILVER ACES!" sigaw ni Ally na nasa harapan namin. "ALAS!" sigaw namin habang ang dalawang kamay na nakakuyom ay nasa ibaba at bahagyang nakalayo sa mga hita namin. Mag kahiwalay rin ang mga paa namin habang ginagawa ito. Pagkatapos ng sigaw ay bahagya naming hinampas ang kaliwang bahagi ng dibdib namin, habang naka kuyom pa rin, bago halikan ang kamao at ituro ang taas. Matapos iyon ay 'yun ring pagdating ng mga kalaban namin. Nahinto ang paningin ko sa lalaking nakabuntot sa magiging kalaban namin para sa araw na iyon. Seryoso lang siya habang nakasunod bago kausapin ang kasamahan niya para simulan na ang pagkuha ng litrato sa grupong sinundan nila papasok. Varsities iyon ng school nila. Maya-maya pa ay nagtawag na si coach para mag-usap-usap. Binigyan niya kami ng tips tungkol sa mga makakalaban namin. Sinabihan niya kami kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin habang kinakalaban namin ang kabila. Pagkatapos noon ay agad kaming bumilog at nagdasal. Nang matapos ay agad kong napuna ang ilang beses ng pagtunog ng camera sa malapit. "Ano ba Fonacier hindi iyan yung team natin! Nandito sila sa kabila!" sigaw ng babae kay Jake. Naabutan ko ang camera ni Jake na nakatutok sa akin. Or kay Ally? Hindi ko matanto marahil magkatabi kami ni Ally at natatakpan ko ang kaibigan ko. Nasa kaliwa ko si Ally habang si Jake naman ay nasa malayong kanan ko. Ngumiti siya sa akin bago ako lapitan. Hindi niya ba pupuntahan yung babaeng sigaw nang sigaw? Mukhang galit na iyon. "Kayo pala makakalaban ng Golden Tigers." Lapit sa akin ni Jake. "Ah, oo. Sa school niyo pala ang Golden Tigers," ngumiti ako sa kanya. Dahil hindi ko alam kung paano kami mag-uusap nito gayong hindi kami close at maya-maya ay pwede ng magsimula ang game. "Hoy Hakob! Kunan mo naman kami oh? Aanhin ang camera, kung hindi kukuhanan ang mga prinsesa?" Nakaakbay sa akin si Ally habang nakangiti kay Jake. Umiling si Jake habang nakangisi at pumwesto para kuhanan kami. Magkaakbay kami ni Ally. Ako ay naka-peace sign, habang siya ay nakalabas ang dila at binababa ang ibabang balat ng kanang mata. "Really Fonacier? You really shouldn't waste your film to the other team!" Humalukipkip ang babaeng kasama nito sa harapan ni Jake kaya naman agad kami nagkatinginan ni Ally para mag-usap gamit ang mga mata. "At tsaka sabi ni tita ay tignan mo lang siya sa malayo, wag na wag mo raw siya'ng lalapitan!" bulong pa nung babae na ikinakunot ng noo ko. Huh? "I know that, Aliana!" bulong niya sa babae na may diin. Bago kami ngitian pabalik, humingi ng tawad at hinatak paalis sa pwesto namin ang babae. Aliana pala ang pangalan ng babae. Bagay ito sa kanya dahil maputi ito na may pagka-chubby, may korte pa rin ang katawan dahil kita ko iyon sa damit niya. Nakaitim na leggings ito na may puting linya sa gilid, puting shirt at itim na sneakers. Singkit rin ang mga mata nito at ang labi ay mapula. Kulot ang maikling buhok nito na hanggang taas lang ng kanyang balikat. Purong itim rin ang buhok nito na bumagay naman sa kutis niya. "Weird," sabay naming sinabi ni Ally bago pumwesto sa court dahil tumunog na ang pito hudyat na magsisimula na ang laro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD