Way Better
"Nakita mo ba kung gaano kagaling maghulog ng bola yung kabila? Kanina ko pa sinasabi sayong bantayan mo!" inis na sabi ni coach sa setter namin na si Shena. Hindi ito umimik. Nakayuko lang ito at tumatango sa mga sinasabi ni coach sa kanya.
Pareparehas na kaming pagod, hinihingal at naiinitan. Tumingin ako sa score board. Hindi naman gano'n kalaki ang lamang ng kalaban. Tatlong puntos lang naman ang lamang nila. Napre-pressure na si coach pati na rin kami dahil sa first set ay kami pa nanalo, sa second set ay ang kalaban naman. Ngayon ay hindi na mapakali si coach dahil ito na ang huling laban para masabi kung sino ang mananalo sa volleball girls division. Sa third set na ito ay hindi manlang namin malamangan ang kabila dahil pagod na kami. Dahil rin sa hindi namin sila malamangan ay hindi napapalitan ang first six.
Tinignan ko si Ally. Nakakunot ito habang hingal na hingal. Nakatayo siya habang nakalagay ang dalawang kamay sa bewang. Pawis na pawis at walang ginawa kung hindi makinig lang sa coach namin.
Masyado ng maingay ang mga manonood dahil sa nalalapit ng pagtatapos ng laban.
Kailangan namin maiuwi ang titulo!
Habang nag-uusap ay biglang may lumapit sa akin at binigyan ako ng pamunas. Napataas ang kilay ko dahil hindi ko alam kung bakit niya iyon ginagawa.
"Salamat Jake," ngumiti ako sa kanya bago ko kunin ang inaabot nito. Habang pinupunasan ang sarili ay nakita ko si Aliana na nakasimangot habang nakatingin sa amin. Ang sama ng tingin nito sa akin.
Mukha siyang mas bata sa amin. Well, mas bata nga dahil ang suot nitong damit ay pang high school pa lang samantalang kami ay nasa senior high na.
Sa kabilang banda naman ay nakita ko rin ang pagkunot ng noo ni Reed. Nakatayo ito habang nakahalukipkip sa tabi ng mga gamit namin.
Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at ibinalik ang ipinahiram sa akin ni Jake.
Ngumiti sa akin si Jake at umalis na dahil tapos na ang time out na hiningi ni coach sa referee.
Huling laro na namin ito. Kalaban namin ulit ang Golden Tigers. Nung unang laro namin ay natalo namin sila. Akala namin ay mahuhulog na ito pero mukhang nakaakyat pa at nakikipag sapalaran pa para sa titulo.
"Galingan mo Ricalde!" sigaw sa akin ni Reed kaya na patingin ako sa kanya at ngumiti. Hindi rin naka wala sa akin ang ngisi ni Ally nang marinig niya iyon.
Damn naki-issue pa!
Purong kaba lang ang nararamdaman ko para sa mga nahuhuling sandali ng laro. Ginawa ko ang lahat. Ginawa namin lahat. Habol dito, habol roon. Depensa at atake ang ginagawa namin. Hindi ko rin naiwasan na magkasugat sa kamay ng dumapa ako para habulin ang bola.
Sa mga oras na ito ay kami ang lamang, isang puntos na lang ay kami na ang mananalo. Hindi ko na namalayan na ganon na pala ang mga nangyayari.
"Tapusin mo na Julian!" sigaw ni coach kaya naman ay lalong nag wala ang mga taga De Familia nang um-approach na si Ally para gumawa ng atake. Papalo na ito ng matapos na. Ang bolang pinalo ay bumagsak sa sulok ng singko!
Agad hiyawan ang nangyari kaya agad namin nabuhat si Ally dahil sa tuwa! Panalo nanaman kami para sa taon na iyon!
Kumunot ang noo ko nang palapit na sana si Jake kay Ally pero hindi niya nagawa dahil binuhat ng mga kasamahan namin si Ally. Yumuko na lang ito bago pagpasyahang kuhanan na lang siya ng litrato at umalis kasama si Aliana at ang mga Golden Tigers.
Tinignan ko si Ally at ang laki ng ngisi nito dahil siya ang nagtapos ng laban.
Sa laki niyang tao, nabuhat pa siya ha?
"Yabang mo!" sigaw ko sa kanya habang nakaturo pa.
Nang ibinaba na si Ally ay taas noo itong naglalakad papunta sa akin. Napairap na lang ako sa inasta niya. Porket siya ang huling umatake ay ang laki na ng ulo nito. Kung kanina ay problemado pa siya, ngayon ay laki na ng ngiti nito. Nakita ko na ring nagsibalikan sa lamesa namin habang may mga ngiti sa labi ang Silver Aces.
Ibinalik ko ang paningin ko kay Ally na nasa harapan ko na pala. Lumaki ngisi nito habang nginunguso ang nasa likurang parte ko.
Tinignan ko iyon at nakitang naglalakad na rin si Reed papunta sa akin.
May dala itong gatorade na blue at pamunas. Nakangiti siya sa akin bago ako halikan sa ulo at ibigay ang mga dala sa akin.
Agad namang naghiyawan ang mga nakakita. Kahit wala silang alam kung ano ba talaga tingin ko kay Reed ay nang-aasar ang mga ito. Mga issue talaga.
"Your babysitter texted me. Dalhan daw kita ng mga 'yan, so I did," ngisi ni Reed.
Si Ryder? Sinabihan ang kapatid niyang gawin ito?
Simula kanina pang umaga ay hindi ko pa nahahawakan ang phone ko. Kaya hindi ko alam kung may mensahe na ba o tawag si Ryder doon. Nawala rin naman kase sa isip ko dahil masyadong abala ang utak ko sa kakaisip kung paanong depensa ang gagawin ko sa likod.
"Oh pa'no ba yan?! It's time to celebrate!" sigaw naman ni Blair na isa sa mga kasamahan ko sa team. Nangunguna itong maglakad sa amin pabalik ng coaster.
Nakasunod lang kami, pero alam kong sasabay nanaman ako kay Reed sa pag-uwi dahil nandito nanaman siya. Tinanong ko pa si Ally kung sasabay siya sa amin. Nung una ay ayaw niya pa para raw ay hindi kami maistorbo ni Reed. Pero kalaunan ay napilit ko naman siya kaya ito kami ngayon sa loob ng sasakyan papuntang campus.
Sa headquarters namin kami mag-uusap tungkol sa party na mangyayari na para lang sa aming mga varsities. Syempre kasama na roon si coach.
Sinalubong kami nila dean at mga iba pang staff ng school dahil sa pagkapanalo namin ulit para sa taong iyon.
Marami pang nagsasabi na sila na raw ang sagot sa venue na paggagamapan ng party, ang iba pa nga ay sinasabing sila sa pagkain o di kaya ay sa inumin, mero'n pang sila na daw sa sounds nagaganapin para sa victory party namin. We deserved daw ang mga iyon kaya dapat lang na sagot na nila ito. Pero dahil dakilang mabubuti kaming mag-aaral ng school, pwera na lang kay Ally at sa iba pang players, ay hindi na namin hinayaan na sila na ang gumastos para sa amin.
"Sayang! Pagkakataon na nating bumuraot sa school!" sigaw ni Ally na agad namang pinagbabatukan ng iba naming mga kasama.
"Kuripot ka talaga!" sabi ni Shena.
"Palibhasa pinakahabol mo roon ay ang pagkain!" sabi naman ni Mariz.
"Ganyan talaga 'yan si Julian, nabubuhay sa libre! Mayaman naman!" ani ulit ni Shena.
"Kaya nga yumayaman kuripot kase!" si Blair.
Tumawa na lang ako nang tumawa ng asarin nila ang dakilang captain namin. Walang ibang ginawa si Ally kung hindi sumimangot.
"Tama na yan, ginaganyan niyo yan, e captain niyo yan," saway ni coach sa amin habang natatawa pa dahil sa mga salitang binato sa captain niya.
"Tamo! Buti pa si coach mabait at alam na dapat akong galangin!" Humalukipkip pa si Ally habang pabagsak na umupo sa lapag. Mukha siyang bata na pinagtulungan na i-bully.
"Hindi por que ubod ng kuripot, reklamo, at yabang sa court 'yang si Julian e gaganyanin niyo na 'yan," asar rin ni coach habang nangingisi na rin dahil lalo lang sumimangot si Ally kaya napuno nanaman siya ng kantyaw.
Hindi ako makasabay sa asaran nila marahil baka mapuno pa iyan pagsumali pa ako. Alam ko rin naman kasing gaganti pa ang isang 'to pag ako na nagsalita.
"You sure? Hindi ka magpapasundo mamaya?" tanong ni Reed ng makapag-park na siya sa isang private resort.
Nauna ang iba doon habang ako naman ay nalate. Nalate kase ako ng gising dahil ang dami ko pang ginawa simula pa kahapon at napuyat rin ako dahil sa call na ginawa namin kagabi ni Ryder.
"Yup, makikisabay na lang ako kay Ally kung sakali," ngiti ko sa kanya bago kunin ang bag ko.
"Alright," sabi niya bago lumapit sa akin at halikan ako sa ulo.
Agad naman akong nailang bago ako tumango at tumingin sa ibang direksyon. Bumaba ako na agad ring ikinaatras ng sasakyan niya at bumusina bago tumulak ng kalsada para maka-uwi na rin.
Ilang minuto pa ako roon na nakatulala bago ko na isip na pumasok na at puntahan na ang mga kasama kong nauna na roon.
Kumunot ang noo ko nang bigla akong makarinig ng sasakyan. Nilingon ko ang pinanggalingan ko at nakita kong inis na bumaba si Ally sa itim na sasakyan na hindi pamilyado sa akin.
Kanino naman kaya iyon?
Bawat hakbang nito ay mapapansin mong hindi maganda ang mood nito ngayon. Lalo lang nanlaki ang mata ko ng makitang, lumabas rin si Jake roon at inis nitong ginulo ang buhok at sinipa ang gulong ng sasakyan bago bumalik sa loob at mabilis na umalis.
Bakit niya hinatid dito si Ally? At mukha pa silang nag-away ngayon?
Walang ano-ano ay hinatak na rin ako ni Ally papasok. Walang nagsalita sa aming dalawa. Baka ako pa pagbuntungan ng galit nito pagnaisipan ko pang magsalita.
Nang makarating na kami roon ay bigla na lang tumungga ng mga heavy liquors si Ally.
Nagkatinginan lang kaming lahat ng naroon dahil sa inasta ng captain ball namin. Napailing na lang ako ng ibaba ko na ang mga gamit ko.
Ang iba sa kanila ay nasa pool na, ang iba naman ay nasa sun lounger at iba naman ay nag-iihaw.
Hindi na lang namin pinansin si Ally kaya nagsimula na kaming magsaya. Kwentuhan lang kami habang umiinom ng mga kung ano mang ilapag ni Ally sa lamesa. But I bet those are strong liquors. Ang ibang mababa ang alcohol tolerance ay nagsisimula ng maging madaldal at clingy. Ang iba naman ay tulala at namumula.
Tumayo ako at didiretso na sana sa restroom para makapag palit na ng pangligo nang bigla na lang sumigaw ang isa naming kasamahan.
"Argh! May jowa na ba talaga si Ryder?! Sayang! Akala ko kami na magkakatuluyan," malungkot na sabi ni Mariz na kapalitan ni Shena sa court.
"Huh? Ano ba pinagsasabi mo? Ikaw ba'y hilo?" inis na sabi ni Ally sa kanya habang nagsasalin nanaman ng kung anong inumin sa baso niya.
"Tignan mo kaya! Its all over the f*******:! Nasa loob sila ng sasakyan nung Winona na 'yon and they look so good together! Mukha pa silang nagsasaya habang nag-uusap." Ngumuso si Mariz habang nag-iiscroll pa sa phone nito.
Walang sabi-sabi ay bigla ko na lang hinablot ang phone ni Mariz. Medyo umangal pa ito pero sa huli ay wala na rin siyang nagawa nang tignan ko na ang mga tinitignan niya roon.
Catching butterflies with you.
Inis kong ibinalik ang phone ni Mariz sa kanya bago umalis at dumiretso sa restroom.
"Anong nangyari don?" marinig ko pang pahabol na sabi ni Shena na kakaahon lang sa pool.
Maski ako hindi ko rin alam kung bakit ako naiirita ng ganito.
Inis akong nagbihis ng pangligo. Maski paglalagay ng sunblock ay halata ang inis ko.
Nagsuot ako ng black na swimsuit habang ang buhok ko namang unat ay itinali ko ng nakataas. Nag-ayos na rin ako sa loob bago ko pakalmahin ang sarili. Baka kung ano pa isipin nila kung bakit ako nagkaganoon.
Nang naging maayos na ako ay huminga muna ako ng malalim bago naglakad ng mahinahon pabalik sa mga kaibigan ko.
"Ano sabi mo Mariz?! Sana ay mag jowa na kayo?! Geez girl look at them spark!" mapang-asar pang sabi ni Shena kay Mariz habang nakangisi at nanonood ng kung ano man sa phone.
Napansin kong phone iyon ni Ally kaya curious rin akong lumapit.
Nagkatinginan si Ally at ang isa pa naming ka-team. Si Blair ay yung madalas makasundo ni Ally sa mga kalukohan.
Nagtaas ako ng kilay sa kanila kaya naman umalis ang dalawa habang magkaakbay at kumakanta.
"Sexy loooove girl the things you doooo." Kanta nila habang naglalakad palayo sa akin. Tumatawa pa sila after nila kantahin iyon.
Napailing ako at nakitingin na rin sa pinapanood nila Shena.
Bigla na lang nag-init ang mata ko nang makita kung ano ang pinapanood nila.
Sa palagay ko ay mapapatay ko si Ally sa mga panahong ito. Ano pumasok sa ko-kote noon at pinapanood niya sa kanila ang video namin ni Ryder habang sumasayaw nung birthday niya?! Nakakahiya! Ano na lang iisipin ng mga 'to ngayon?
"Lakas ng chemistry! Kinikilig ang buchi ko sa inyo ha!" sigaw pa ni Blair habang lumalangoy na sila sa pool.
"Wala na, game over na talaga si Celestine na panalo," malungkot pang yumuko si Mariz habang kumakain ng inihaw na hotdog.
Umirap ako sa kawalan bago kunin ang phone ni Ally at ibato sa kanya. Nagprotesta pa ang mga natitirang nanonood doon pero hindi rin sila umubra ng ako na ang kumuha.
Nasa pool rin si Ally kaya laking gulat niya ng ihagis ko iyon sa kanya. Buti na lang nasapo niya.
"Ano ba Porsch muntikan ng mahulog sa tubig!"
"Ang arte mo parang hindi yan water proof ah?" irap ko sa kanya at lumagok nang sunod-sunod na inumin. Wala naman akong balak maglasing. Feeling ko lang kailangan ko ng maraming alak sa sistema ko ngayon.
Kakantyawin na lang ako sa lalaki, doon pa sa lalaki na iyon na laging may sabit.
See? Kaya hindi ko pinapatulan ang kalandian niyan. Bukod sa hindi siya nagsasabi sa akin na gusto niya na talaga ako ay mukhang hindi nagbago ang pakikitungo niya sa mga ibang babae. Kung saan man siya magpunta ay may babae siya.
Siguro gano'n na lang talaga no? Nagsawa na siya sa mga easy to get kaya ako na ang pinupuntirya. Mahirap ako kunin, e.
"Jusko mahabagin pa'no natin iuuwi ang dalawang 'to?!" inis na sabi ni Blair habang kaming dalawa ni Ally ay hindi na rin makatayo dahil sa sobrang daming nainom.
"Mommy gusto ko na ng milk! Me want to go nap nap!" sigaw ni Ally habang nakapangboses bata pa.
Kumunot ang noo ko sa kanya dahil sa inasal niyang parang bata. Sumakit ang ulo ko kaya medyo nawala ako sa balanse lalo. Muntikan pa akong mahulog sa sahig kung hindi lang may nakasapo sa akin sa bewang ko.
"Careful."
Nilingon ko ang mga kasamahan ko na ngayon ay nakatingin na sa lalaking inaalalayan na ako ngayon. Tinignan ko kung sino iyon na agad naman ikinangisi ng labi ko.
Naka-uwi ka na pala 'di ka man lang nagsabi.
"Buti naman nandyan na! Iuwi mo na 'yang si Ricalde! Sobrang lasing! Daming nainom! Kanina pa suka nang suka!" reklamo ni Blair sa kanya habang sila Mariz at Shena ay inaalalayan ang captain ball naming konti na lang ay matutulog na dito sa parking lot ng resort.
"Hey! Who told you I'm drunk? No, I'm not! Magsuntukan pa tayo dito, hindi naman ako lasing!" Umakto pa akong nakikipagsuntukan sa ere para lang mapatunayan ko sa kanya na hindi ako lasing.
Hindi naman talaga dahil nakakaintindi pa ako kung ano ang mga nangyayari sa paligid.
"You drink too much for tonight, baby. I'll bring you two home," bulong sa akin ni Ryder at aakmang magsasalita na kila Blair na ihahatid niya na rin si Ally ng bigla kaming nakarinig ng pagbagsak ng pintuan.
Lahat kami ay nilingon 'yon at nakitang bumaba si Jake sa kulay itim nitong sasakyan habang ang noo nito ay nakakunot. Mukhang inis dahil sa nakita niyang kalagayan ni Ally ngayon.
"What happened?" madiin pagkakasabi niya noon.
Hindi namin alam kung paano nangyari iyon pero agad nakatakbo si Ally papunta kay Jake at yumakap dito.
"Hakob tagal mo naman! I want to go home and talk to Mr. Squikie!" Kumapit agad ito sa leeg ni Jake. Kaya naman lalo lang itong napakunot ang noo bago napalunok at pumikit ng mariin.
"Probably drunk," umirap pa si Ryder sa ere ng sagutin niya ang tanong ni Jake bago ako ayusin sa pagkakahawak. Ng hindi talaga uubra ang nakatayo lang ako ay bigla niya na lang akong binuhat at walang kahirap-hirap na isampay sa kanyang balikat. "Lets go," bulong niya sa akin bago iwan silang lahat roon.
Tahimik lang ang byahe namin pauwi. Walang nagsasalita, purong aircon lang ang maririnig mo. Ng hindi ko na matiis ang pagiging tahimik niya ay ako na ang nagsalita.
"How's Milan?" akala ko pa naman ay magtatagal siya roon. Dahil 'yun ang sinabi sa akin ni Reed kanina nang ihatid niya ako papuntang resort.
"Fine," malamig niyang sabi habang ang mga mata niya ay nakatuon lang sa daan. Hindi niya man lang ako nilingon! Wala namang ibang sasakyan kaya hindi niya na kailangan mag-aalala kung makabangga kami!
"Sure! Sure it's damn fine, lalo na pagkasama mo si Winona!" Palakpak ko pang mabagal sa dalawang kamay ko habang humahalakhak kahit wala namang nakakatawa.
You're too drunk Celestine. You better shut your mouth!
"What do you mean?" bakas ang inis sa tono pa lang ng boses niya.
Bakit? I'm just telling the truth! Damn fine naman talaga!
"Ihinto mo yung kotse," bulong ko habang ang ulo ko ay nakadantay na sa bintana. Nakapikit rin ang ulo ko dahil sa hilo na nararamdaman.
"What?" Lingon niya sa akin bago ibalik rin ang mga madidilim niyang mata sa madilim ring daan.
"Sabi ko ihinto mo yung kotse!" inis kong sigaw sa kanya habang hinihilot pa ang sentido ko. Sino bang hindi maiinis dito? Masakit na nga ang ulo ko ay pinapaulit ulit niya pa ang mga sinasabi ko.
"What?! No! Are you mad?!" Pabalik balik na ang paningin nito sa akin at sa kalsada. Hindi na rin siya mapakali dahil sa inis.
Tamo! What nanaman!
"Sabi kong itigil mo ang kotse at bababa ako!" Hindi ko pa rin siya nililigon, sa kadahilanan na nagbabaka sakali akong mawawala ang pagkahilo ko kung hindi ako gagalaw.
"Why?! Are you f*****g jealous because I'm with her for how many days?"
"Oh for Pete's sake Ryder, nasusuka ako!"
Ikaw ba naman ang nakadantay lang ang ulo habang ang sasakyan ay dumadaan sa malubak na kalsada ay hindi ka masusuka?
Agad siyang pumreno kaya naman napamura na lang ako ng tumama ang ulo ko sa salamin ng pintuan ng kotse niya.
"Sorry." Agad siyang bumaba at pinagbuksan ako bago ako alalayan sa tabing kalsada para sumuka.
Buti na lang ay may basurahan doon kaya doon ko inilabas ang alak sa sistema ko.
Damn, hindi na talaga ako iinom.
Rinig ko ang pagtawa ni Ryder habang naglalakad pabalik sa akin nang may kunin siya sa loob ng sasakyan niya. Hinimas-himas niya pa ang likod ko bago ako bigyan ng tissue at tubig ng matapos na akong sumuka.
"'Wag kang tumawa naiinis pa ako sayo! Winona pa more!" inis ko siyang hinarap habang pinupunasan pa rin ang sariling labi matapos uminom ng tubig.
"Edi inamin mo ngang naiinis ka dahil kasama ko siya sa Milan," Nakangisi na siya ngayon habang nakapamewang sa harapan ko.
Sino ba kasing nagsabi na nagseselos ako? Wala naman akong sinabing nagseselos ako sa babaeng iyon! Nihindi ko nga alam kung bakit ako nagkakaganito eh. Well, siguro dahil sa alak? Lasing na nga yata ako.
"Ano namang pake mo?" tinaasan ko siya ng kilay habang siya naman ay hindi mawala ang ngisi sa kanyang labi.
"May pake ako kung ikaw ang magagalit at mag seselos!" humalakhak pa siya bago pa ako lapitan at hawakan sa braso.
"Hindi ako nag seselos!" inis kong tinabig ang kamay niyang humahawak sa braso ko.
"Sabagay bakit ka nga naman magseselos? You're way better than Winona," kindat niya sa akin.
Bigla na lang nanlambot ang puso ko at tumibok ng malakas. Nababaliw na nga yata talaga ako.
"I'm not that dumb ma chéri, exchanging a rare painite to a piece of dull rock? No thanks." ngumiwi pa ito bago ako yakapin at hatakin papasok sa kanyang sasakyan.