TWENTY

3767 Words
Soon Sa byahe naming pauwi ay kung hindi kami nag-aasaran ay tahimik lang kami. Pero kadalasan ay natutulugan ko siya. Buti na lang naaalipungatan ako at nagigising rin kung minsan, dahil bastos naman iyon kung tutulugan ko na lang siya buong byahe. Nagtaka rin ako pa'no niya nalaman na naroon ako? Hindi ko naman siya tinext o tinawagan? Baka isa kila Blair ang gumawa noon. Masaya naman ako dahil dumiretso siya sa akin kahit galing siyang airport. Pansin ko ang pag mamadali niyang pagpunta sa akin dahil naka-polo shirt siyang longsleeves na itim. Iyon yung nakita kong suot niya sa post ni Winona. Baka pauwi na sila noon nung i-post ni Winona ang picture na iyon. Pero may bigla na lang akong naisip. Kung malalaman man ito ni Reed ay gusto ko na lang itago ang mukha ko. Sinabi ko pa naman sa kanya na kay Ally ako sasabay kaya hindi ko na kailangan na magpasundo sa kanya. Walang duda Celestine, maaari ngang alam niya na sinundo ka ni Ryder dahil parehas lang sila ng bahay! "Ryder hijo! Bakit napadalaw ka? At bakit buhat mo pa iyang si Celestine?" rinig ko ang boses at ang yapak ni manang na papalapit. Ayoko buksan ang nga mata ko. Gusto kong matulog pero ang nagagawa ko lang ay ang pumikit at manatili ang diwa na gising. Parang ayoko na rin makarating ng kwarto dahil ang bango dito sa pwesto ko. Ang komportable ko dito sa kasalukuyang hinihigaan ko. Mas lalo kong ginitgit ang mukha ko sa dibdib ni Ryder para mas lalo ko siyang maamoy. Naramdaman ko pa ang paggalaw ng katawan niya bago ko marinig ang mahinang pagtawa nito at ang pagtikhim para magsalita. "Naka rami po ng inom sa party nila. I'll take care of her na lang po." "Osige, may kailangan ka ba?" tanong ni manang sa tono na kay gaan na mahihimigan mo rin na kampante siya na iwan ako sa lalaking bumubuhat sa akin ngayon. "Paki handa na lang po ang guestroom sa tabi ng kwarto ni Celestine. Dito po ako matutulog dahil wala namang pasok bukas." Agad namang naglakad na patungong hagdan si Ryder para makarating na sa kwarto ko. Ganito ang ginagawa ni Ryder. Minsan ay dito siya natutulog sa bahay pag walang pasok kinabukasan. Ginagawa niya lang naman iyon pag wala siyang gagawin tuwing weekends. Panay panonood lang ng movies ang ginagawa namin at sabay na pag wo-workout. Agad rin naman akong dinala nito sa banyo ng kwarto ko upang tulungan magsipilyo. Inupo ako nito sa sink at doon sinimulang sipilyuhan ng mabilisan dahil agad rin akong nagreklamo rito na ang ulo ko ay sumasakit dahil sa kasalukuyang pwesto namin. Maya-maya pa ay dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama ko nang makapasok na siya muli ng kwarto. Tinanong niya pa ako kung saan siya makakakuha ng face towel. Itinuro ko lang ang cabinet na malapit sa pinto ng banyo ko. Tumango ito sa akin bago tumalikod at kumuha ng isa roon. Nakatagilid lang ako sa kama habang ang isang mata ay binabantayan ang bawat kilos niya. Hanggang ngayon ay nahihilo pa rin ako. Kahit naisuka ko na ang lahat ng alak sa sistema ko, hindi pa rin matahimik ang aking paningin sa pag ikot. Nakita ko siyang pumasok sa banyo at binuksan ang gripo sa lababo. Binasa niya iyon at sinabunan bago pigain at lumabas para mapunasan na ako. Ngayon, tinatanaw ko siya gamit ang matang konti na lang ay babagsak na. Ano nga ba ang dahilan, bakit ganito na lang siya makitungo sa akin? Ano na lang rin ba ang nangyari sa akin at ganito na lang ang nararamdaman ko tuwing nasa tabi ko siya? Tuwa. Tuwa ang nararamdaman ng puso ko. At kahit katiting na pagtutol ay wala akong maramdaman. I just missed him. Hinatak niya ako ng walang kahirap-hirap para makaupo at madalian siya sa pagpunas sa akin. Pinunasan niya lang ako sa mukha habang ako naman ay tamad na tamad na naka-upo. Tinititigan ko siya habang siya naman ay nakakunot lang ang noo habang ang mga mata ay sinusundan ang kamay niya kung saan man ito nagpupunas. "Alam mo? Na-miss kita," sabi ko ng nakanguso. Bahagya pa itong napahinto sa kanyang ginagawa at unti-unting tumingin sa akin. Nang makita akong nakangiti na rito ay agad rin naman siyang nag-iwas ng tingin. I even saw his face turned into red shade.  "Really?" tanonf rin nito pabalik sa akin habang ang mga mata ay ibinabalik sa ginagawa ng kanyang mga kamay. "Oo naman. Kaso nung makita ko mga post ni Winona sa f*******: sabi ko sa sarili ko "Ay! wag na pala" kaya hindi na rin kita na-miss," ngumiwi pa ako ng leeg ko na ang pinupunasan niya. His cold fingers brushes my hot skin. "Did it bothers you? Knowing I'm far with her?" Itinigil niya ang pagpupunas at tinignan ako sa mata. Para mas mabigyan niya ng pansin ang pag-uusapan namin. Dama ko sa titig niyang iyon ang pagiging seryoso nito. His eyes are dark like the night sky right now. Scary, but at the same time, it makes my heart in awe as I stared at it. "Honestly? Y-yes, but I don't know why."  Sa puntong ito, ay napipikit na ako at napapahikab. Gusto na talagang matulog ng sistema ko. Narinig ko siya na tumawa ng mahina. Ihiniga niya ako sa kama at hinalikan ako sa noo. "Still, it's a good thing that you're feeling something towards me. Bukod sa pagkainis, there's something more." Bulong niya sa akin habang hinahagod ng kanang kamay niya ang kaliwang bahagi ng mukha ko. His touch making me even more sleepy. I smiled at him with my eyes closed. Nagising ako sa munting tahol kaya bumangon ako, binuksan ang lamp sa tabi ng kama ko, at pinuntahan si Ashy para malaman kung ano ang problema. Anong oras na rin kasi at ang aso ko ay nananatiling gising pa rin. She too, needs some rest. Ang higaan kase ni Ashy ay nak pwesto sa harapan ng kama ko kaya kailangan ko pangtumayo at puntahan siya para makita kung ano ang lagay niya. Nakita ko ang alaga ko na nakatayo habang nakaharap sa bintana ng kwarto ko. Wala siyang binabalingang iba kung hindi ang bintana na nasa harapan nito. Nakatingin lang siya roon habang galit na galit na tinatahulan ito. Tumingin ako sa relo at napansing mag a-alas tres na ng madaling araw. Kinilabutan ako kaya sinaway ko si Ashy. At hindi ko nagustuhan ang hindi manlang pagpansin sa akin ng sarili kong aso. Ang bintana ng kwarto ko ay nakapwesto sa kaliwang bahagi ng kama ko, kaya naman ganoon na lang rin kagrabe tumayo ang mga balahibo ko sa aking kaliwang braso.  Tinignan ko ang bintana ng kwarto ko at napansing bukas ito. Nagsisimula na akong matakot dahil gumagalaw na ang kurtina na nakasabit sa itaas ng bintana ko. Humangin nang malakas kaya lalo lang nagtatatahol ang aso ko. Napatili ako at walang alinlangang kinuha si Ashy para makalabas ng kwarto at dumiretso sa katabi nitong kwarto. Ang guestroom. Takot na takot ako habang kumakatok roon. Samantalang ang tuta kong bitbit ay tahimik ng nakatingin sa akin na tila ba ay wala siyang ginawa para matakot ako ng ganito ngayon. Agad naman akong pinagbuksan ng taong nasa loob nito. Lahat ng takot ko sa katawan ay biglang naglaho na tilang isang bula matapos makita ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Really Celestine? And now he has an effect on you? Parang timang akong nakatayo roon at nak nga-nga. Ikaw ba naman makita mo si Ryder na gulo ang buhok topless at boxers lang ang suot ay hindi ka magugulat? "Hey you're up. Is there's something wrong?" sabi niya sa akin habang ang boses ay magaspang. Halatang bagong gising! Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso para bigyan iyon ng magagaan na hagod. Magsasalita na sana ako ng bigla na lang nagwala si Ashy sa aking mga bisig at nagsimula nanamang tumahol! Nakatingin ito sa pintuan ng kwarto ko! Bumalik ang kaba sa akin kaya bigla ko na lang naitulak si Ryder papasok ng guestroom kasama ako. "Easy, we don't have to do it now. Baka magising sila manang." He teased. Pinalo ko siya sa braso nang maibaba ko na si Ashy sa lapag. Agad naman siyang tumawa nang malakas dahil nakuha nito ang reaksyon na gusto niyang makuha. His voice thundered inside the room. His laugh is giving me goosebumps! "Manyak!" Lalo lang siyang tumawa nang malakas nang isigaw ko iyon sa harapan niya. Nakahawak na siya sa tyan niya para lang maasar pa ako lalo sa ginagawa nito. I don't even get why he's laughing like that. Wala namang nakaktawa sa ginawa ko. Kinurot-kurot ko pa siya sa iba't ibang parte ng katawan niya. Pabor pa sa akin ang pagiging topless niya dahil marami akong nakukurot. "He-hey! S-stop!" Tawa niya pa rin habang patuloy ko pa rin siyang kinukurot sa kanyang katawan. Mahirap siyang kurutin dahil hindi rin naman malambot iyon. Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tinignan ako sa mga mata. "Damn, wala man lang akong magawa para sa sarili ko pag ikaw na ang nananakit." Ngisi niya sa akin bago niya hawakan ang mukha ko. "What's the problem? Bakit nagising ka at napunta rito?" Ngumuso ako at umayos ng tayo bago ako magkwento sa kanya. Mataimtim naman siyang nakinig habang ang noo ay nakakunot. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang paminsan-minsan niyang pagngisi habang nag kukwento ako. "Really? Kaya ka natatakot at pumunta rito ngayon?" Tumango ako kaya nagpout siya at niyakap ako. Inaalo niya ako na para bang isa akong bata na takot mag-isa. Well, takot ako mag-isa sa mga panahong ito pero hindi ako bata! "What do you want me to do? You want to sleep here?" Lalo akong ngumuso sa harapan niya. Nagpapaawa para payagan niya akong matulog rito sa guestroom. Tumango ako para masabing oo. Bumuntong hininga siya bago sabihing payag siya sa gusto ko. Pinakawalan niya ako para naman bumalik sa pagkakahiga sa kama. "'Wag ka dyan! You can sleep on the couch!" Angal ko habang nagmadaling pumunta sa tabi niya para mapalo siya at paalisin. "Then why can't you?" Inis niyang sabi habang ang isang mata ay nakapikit na at ang mga braso naman ay naka pulupot na sa isang unan. Inirapan ko na lang siya at pumunta na sa kabilang side ng kama. Malaki naman ito. King size pa nga. So why can't we sleep together, right? Ilang saglit pa ay hinatak ako ni Ryder papalapit sa kanya at niyakap. Kaya naman ang mukha ko ay nakadikit nanaman sa dibdib niya. Nung una akala ko ay galing sa damit ang amoy niya, but then I realized, that is his natural scent! "You're soft." Amoy pa niya sa ulo ko. Mas idinukdok ko ang mukha ko sa dibdib niya para mas mayakap pa niya ako. "Because I use lotion to maintain the softness of my skin." Pikit mata kong sagot sa sinabi niya. Dahil nararamdaman ko na maya-maya ay makakatulog na ako sa bisig niya. Feeling secured, ah? "You use lotion for your breasts?" Tsaka ko lang napagtanto na wala nga pala akong suot na bra! Naka-ugalian ko na kasi na pag matutulog ay hindi ako gumagamit noon! "Oh Ryder, damn you!" Pinalo ko siya sa braso bago tumalikod sa kanya dahil sa hiya. Rinig ko naman ang halakhak niya dahil sa naipakita kong reaksyon sa kanya. Pinilit pa ako nitong iharap rito ngunit nilamon na talaga ako ng hiya kaya hindi ko na rin magawang harapin ito. Wala na rin naman siyang magawa roon kaya niyakap na lang ako nito mula sa aking likod. He chuckeled a bit, before telling me to sleep. Nagising ako nang maramdaman na ang unan ko ay gumagalaw pataas at baba. Kumunot ako at unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Napakurap pa ako ng ilang beses ng pigapigain ko pa ang parteng nahahawakan ko. "If you continue doing that, I might get a boner." Napaupo ako ng sabihin niya iyon. Ano ba Celestine! Bakit mo kase pinigapiga pa ang ibabang tyan ni Ryder?! Bakit ba nawala sa isip mo na dito ka sa guestroom natulog?! Nakangisi na rin itong umupo habang kinukusot ang mga mata. Gulo-gulo rin ang buhok nito habang siya ay napapahikab. Mukhang antok pa. "You look good with your bed hair. I want to see you like this everyday." Ngiti nito sa akin bago ako lapitan at halikan sa aking noo. "Kakit may panis na laway ka pa." asar niya na agad ko rin namang tinapatan ng palo sa kanyang braso. We stayed like that for a couple of minutes. Just goofing around and mocking each other.  If really we could do this everyday. Huminto ito sa kanyang pagtawa dahil tumingin siya sa gawing likod ko bago ako tignan ulit. "Get ready, its already two in the afternoon. Ilalabas kita," ani nito habang may mga ngiti pa rin sa kanyang labi. Hapon na? Gano'n kabigat ang tulog namin? Sabagay, siya galing sa flight tapos dumiretso pa sa iyo. Tapos ikaw naman Celestine, ay nuknukan ka ng lasing kahapon. Sinunod ko na lang ang sinabi niya kaya naman dumiretso ako sa banyo ng kwarto ko at naligo. Pag ka-tapos noon ay nag bihis na ako ng simple. Nakamalaking shirt akong puti habang naka-tuck-in sa isang high waisted na shorts na denim. Ang sapin ko naman sa paa ay isang simpleng puting converse lang. Ni-blow dry ko na rin ang buhok ko para maganda ang pagkabagsak ng itim at kulot kong buhok. Napaisip ako kung saan ako dadalhin ng lalaking ito. Tama kaya itong sinuot ko? Kakatapos ko lang mag make-up ng may kumatok na sa kwarto ko. Sinabi ni manang na nasa sala na raw si Ryder at nag-aantay sa akin. Nagkausap pa kami ni manang habang papunta akong sala. Nag-usap lang kami kung bakit ako napunta sa kwarto ni Ryder, bakit nahuli kami ng gising. Lahat ng iyon ay sinagot ko para naman hindi niya kami pag-isipan ng masama. Sino naman kasi ang mag-iisip ng tama kung ang lalake at babae ay nasa iisang kwarto at hapon na kung gumising? Nang marating na ang sala ay nakita kong naka-plain na gray shirt ito na ang shorts ay hanggang itaas lang ng tuhod ang haba. Itim ang shorts nito habang ang sapatos ay naka-rubbershoes na itim. May malaking check rin ito sa gilid. I guess tama lang ang nasuot kong damit. Lumabas kami at naglakad papuntang garahe. Akala ko ay gagamitin namin ang sasakyan niya pero dumiretso ito sa tatlong bisikletang nakahilera roon. Mga bike namin nila mom. Ibinigay niya ang bike ko habang siya naman ay kinukuha ang bike ni dad. Kumunot ang noo ko dahil mas lalo akong na-curious kung saan ako dadalhin nitong kurimaw na ito. "Chill, we'll just take Ashy for a stroll," ngumisi siya sa akin at inabot sa katulong na nasa likod namin si Ashy. Tumango ako sa katulong na iyon nang magpaalam ito na ilalagay niya si Ashy sa basket na nakalagay lang sa harapan ng bike ko. Tuwang-tuwa ito habang nagtatatalon at tahol nang tahol. "See? Like a mom and dad. Ipapasyal natin siya," kumindat siya sa akin bago sumakay sa bike at magpidal na palabas roon. Ano ang ibig niyang sabihin? Na magulang kami ni Ashy? Hindi ko na iyon pinansin at sinundan na lang siya sa pagpipidal. Sinundan ko lang siya kung saan siya pupunta. Laking gulat ko nang huminto ito sa isang bahay. E? Ano gagawin namin dito? Kilala niya ba ang may-ari ng bahay na 'to? "Huy, may kakilala ka ba dyan? Ba't tayo nandito?" bulong ko sa kanya dahil baka may makarinig sa aming tao. Ngumisi lang siya sa akin bago siya mag-doorbell at nag-antay na may lumabas na tao sa bahay na iyon. Gago, e? Hindi ako sinagot! Nilapitan kami ng matandang babae na lumabas at tinanong kung ano kailangan namin. Hindi ko narinig ang sinagot ni Ryder dahil masyado akong malayo sa kanya. Bigla na lang pumormang 'o' ang bibig ko ng lumabas ulit ang matandang babae at magbigay sa amin ng halo-halo. Hindi pa naman summer pero nagbebenta na sila ng ganito? At tsaka ang alam ko bawal ang ganito sa mga subdivisions ah? Sana naman Celestine ay maging masaya ka na lang. May makakain ka ulit ngayon na halo-halo. Ipinakita muna sa akin ni Ryder ang mga halo-halo bago ngumiti't isabit ang mga naka-plastic na iyon sa manibela ng bisekleta bago sinimulang magpidal ulit paalis. Nahinto kami sa isang mini court ng subdivision namin. Play ground iyon dahil may nakita akong nakasulat na larong piko sa lapag habang sa malayo naman ay may nakita akong monkey bars, swing at slide. Parehas kaming nag-park ng bike at bumaba. Walang ibang tao roon kung hindi kami lang. Umupo kami sa dalawang duyan na namataan ko kanina. Inabot niya sa akin ang halo-halo bago niya kunin si Ashy at itali sa bakal na nakasuporta para sa dalawang duyan. Natanong ko rin siya kanina habang papunta kami rito kung bakit niya ako nilibre ng halo-halo. He told me na bumabawi siya sa mga araw na wala siya. Lalo na at wala siya dito sa mga araw na may laban kaming Silver Aces. "Sayang wala kang dalang bola para makapaglaro tayo," tingin ko sa basketball ring at hinalo na ang pagkaing inabot sa akin. Medyo mainit pero natatabunan naman kami ng mga puno para hindi kami sinagan ng araw. Anong oras na kaya naman panigurado ang sobrang init nito pag tumama na ito sa balat mo. "Next time, kung walang gawain sa school." Subo niya pa sa pagkain ng mahalo na niya ito ng mabuti. Napansin niya naman na nahihirapan ako sa pag halo dahil natatapon ang akin. Masyado itong maraming sahog kaya kada galaw ko sa plastik na kutsara ay iyon rin ang pagbagsak ng gatas sa d**o. Lagi ka na lang nahihirapan sa paghalo tuwing kakain ka na lang nito, Porsch! "Let me help you." Ipinagpalit niya ang mga halo-halo namin at sinimulan na niyang haluin ang akin. Wala namang kahirap-hirap na gawin niya iyon. Kahit sa paghalo ay nakakunot ito. Parang galit sa pagkain. Kita ko na rin ang pawis niya sa noo kaya pinunasan ko ito. Medyo napahinto pa siya pero hinayaan na lang rin ang pagpunas ko sa kanya. Nang matapos siya ay nagpalitan ulit kami ng halo-halo. "Thanks." Tipid kong sabi sa kanya na ikinatango na lang ng ulo niya. Tahimik kaming kumakain noon habang si Ashy naman ay takbo nang takbo at tahol nang tahol sa gilid namin. So, kasama ko na naman siya at kaming dalawa na naman ulit. Gano'n pa rin ang puso ko, walang pinagbago. Hinawakan ko ng palihim ang dibdib ko at pinakiramdaman ang pintig ng puso ko. Damn its high. "This is our first date," sabi niya ng hindi man lang ako tinitignan. Ang paningin nito ay naglalaro lang sa harap at sa pagkain na hawak niya. Huh? Ano ang sabi niya? Date? "A-anong first date? Di 'to d-date no!" Tawa ko pa ng hilaw para hindi naman maging awkward. Yung puso ko, hindi ko maintindihan dahil masyado itong malikot. Kumunot ako at bahagyang yumuko para bigyan ng magaang hagod ang dibdib ko. Ano ba? Kumalma ka naman! Nababaliw ka nanaman dyan sa kulungan mo! "Nag-inarte ka pa, there's a lot of girls who wants to date me but then here you are, ayaw ang salitang 'date' pag ako ang kasama." Tumingin siya sakin at bahagyang ngumisi. Tinaasan ko siya ng kilay na ikinatawa niya naman. Umirap ako sa kawalan bago sumubo sa pagkain ko at hinarap siya para sagutin ang sinabi niya kanina. "Pa'no magiging date ito? We're just friends." Sa puntong ito, bakit parang kinukumbinsi ko na lang ang sarili ko? Hindi ko na lang pinansin ang sariling nararamdaman. Nagbabaka sakaling mawala ito pag hindi ko pinuna. Gano'n naman talaga 'di ba? Hindi ko siya gusto. Iba ang gusto ko. Hinding-hindi sasagi sa isipan ko iyon dahil alam ko sa sarili ko kung sino ang gusto ko. Si Reed iyon. "Right. Friends." Yumuko siya at tinignan lang ang baso na may lamang iba't ibang sahog. Tumango-tango pa siya na para bang kumbinsing-kumbinsi siya na magkaibigan nga kami. At least magkaibigan na tayo diba? Hindi tulad dati na puro away na lang ang ginagawa natin. "Ako na ang bahala kung magiging kaibigan mo pa ako." Bulong niya na hindi ko masyadong maintindihan dahil nakatingin ito sa baba. Hindi man lang ako nililingon. Okay pa kaya ito? 'Di kaya masakit ang tyan niya dahil sa kinakain namin? Bakit kasi ito ang kinain namin! Hindi pa kami kumakain ng kanin! "M-mhm, and sa tingin ko baka gusto na rin ako ng kuya mo." Really? Bakit kailangan mo pang sabihin ito Porsch?  Great! Dahil sa binuksan mong topic na iyan ay wala kang ibang magagawa, uungkatin na ni Ryder iyan! "Really though? Pa'no mo nasabi?" Napatingin sa akin bigla si Ryder nang sabihin niya iyon. Madilim ang mga mata nito at ang bibig ay nakatikom. Kita ko kung paano manginig ang bibig nito. "S-sinagot niya ang sulat ko sa d-dedication booth, and he has pictures of m-me. Stolen pa! Nakalagay 'yon sa flash drive na ang nakalagay ay L-la Mia Stella," Sinabi ko iyon habang ang mga mata ay nanatili sa harap. Ayoko siyang makita habang sinasabi ko ito. Sinabi ko na rin dahil alam ko namang mangungulit siya kung paano ko nasabi na gusto na rin ako 'ata' ng kuya niya. Galing mo Porsch! Mautal ka pa ng lalo ka niyang paghinalaan. Wala akong narinig na sagot sa kanya kaya naman nilingon ko siya. Nakita ko siyang nakatingin sa akin. Pero napakunot ang noo ko ng mapagtantong hindi pala sa akin. Kaya naman tinignan ko ang pinagmamasdan niya. Nakita ko si Jake na nasa loob ng sasakyan. Hindi gaanong tinted ang sasakyan nito kaya makikita mo ang nasa loob. Nang mapansin ni Jake ang paglingon namin sa kanya ay bigla na lang itong umalis. Ano ginagawa noon dito? At bakit niya kami tinitignan mula sa malayo? "Bakit kaya siya nakatingin sa atin no?" Tingin ko ulit kay Ryder na ngayon ay nakayuko na at nakakunot ang noo. Tilang may malalim na iniisip siya. Naalala ko tuloy yung mga nararamdaman ko dati. Yung pakiramdam na may nanonood sa akin. "I don't know. But soon I'll found out," sabi niya ng malamig bago siya tumayo at naglahad ng kamay sa akin para maalalayan ako sa pagtayo. "Come on, I'll get you home," ani nito bago tumalikod at naglakad na pabalik sa dalawang bisikleta na magkatabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD