Countable
Tapos na akong magbihis at maligo kaya naman bumaba na ako dahil baka ma-late na ako sa school. Rinig ko na rin ang pagtawag sa akin ni manang mula sa ibaba. Pinagsabihan pa niya ako na baka ako daw ay nagpupuyat kaya ako na le-late ng ganito. Dapat daw ay hindi ako nagpupuyat tuwing linggo.
Kung wala lang si Ryder sa labas at kanina pa ako inaantay ay baka matagal-tagal na sermon pa ang mangyari.
Dumiretso na ako sa labas at nakitang nakasandal na naman siya sa hood ng sasakyan. Patiently waiting for me. Tumingin pa siya sa wrist watch niya bago niya ako salubungin.
"You'll be ten minutes late in your class. Good thing that I'm the one who's appointed to patrol and collect the list of late students." Kuha niya sa bag ko at pinagbuksan ako ng pintuan ng kanyang sasakyan.
Nag-make face lang ako sa mga sinabi niya. Masyado kasing mayabang.
Ano naman? Kahit naman ang kapatid nito ang nag pa-patrol ay hindi naman nila ako hinuhuli.
Perks of being friends with them.
Sa linggong ito ay siya pala ang nakatoka sa paglilista ng late at pagbibigay ng punishment rito. I wonder kung anong klase ang ibibigay niya ngayon. Last time, narinig kong pinagpintura niya daw ang mga iyon ng benches and tables sa field. Take note, ten AM to three PM niya iyon pinapintura. None stop. It means, sunog ka sa mga oras na iyon.
Pagdating naman kay Reed, pag siya iyong nagbibigay ng punishment ay magaang lang. Like, spending one day at detention o di kaya ay pagsisilbihan nila ang mga faculty members for a day. Hindi ko rin alam kung magaan ba talaga iyon.
Kaya kung male-late ka, hindi late ang tawag doon. Absent ka na sa buong araw na iyon.
Habang papuntang school ay tinanong ko siya. Kung ano nga ba ang ipapagawa niya sa mga late students. Pero, tanging kibit balikat lang ang ginawa niya bago magsabi ng, "I don't know yet."
Tinanong ko na rin siya kung huhulihin niya ako. Pero ang sinabi niya ay baka ikulong niya na lang raw ako. Sa lugar na ako lang raw ang pwede.
Hindi ko maintindihan ang sinabi niyang iyon kaya naman ay kunot noo akong naglalakad papuntang room namin. Si Ryder naman ay nagsimula na sa paglilista ng mga late. Pagdating nga namin kanina ay marami nang nakapila sa gilid ng gate. At nakita ko pa roon si Winona.
Sa ngiti ni Winona ay parang masaya pa siya sa pagkakalate. Kita ko rin ang pagkinang ng mata nito. Isa ito sa mga nabudburan ng glitters sa mata dahil kay Ryder.
Buti na lang ako, hindi tulad nila.
Umirap ako sa kawalan bago ako umupo sa tabi ni Ally. Pansin ko rin na pinaggigitnaan nila akong dalawa ni Blair.
Bakit nandito na itong si Blair? Hindi ba ay nasa kabilang section ito?
Napasapo na lang ako sa noo ng may maalala.
Tsaka ko lang naalala ang announcement ni sir Torres kagabi sa group chat ng Luke. Ililipat daw si Blair sa amin dahil masyado na raw tumataas ang marka nito, pang section two na ang standard ng marka niya.
"Buti hindi ka nahuli?" tanong ni Ally habang nagsusulat pa kunyari sa notebook niya para hindi siya mapansin na dumadaldal.
Medyo nasa harapan kasi kami kaya konting ingay lang ay mapapansin na kami agad. Buti na lang ay abala si Ma'am sa pagkuda.
"Paano mahuhuli 'yan e, si Ryder yung nakatoka ngayon," nginitian pa ako ni Blair na akala mong nang aasar. Dagdagan mo pa ang paulit-ulit na pag kindat niya na ikina-irita lang ng sistema ko.
Inirapan ko siya dahil issue na naman ang isang 'to. Nagsasabi ng mga bagay na hindi totoo.
"Manahimik na nga lang kayo at makinig kay Ma'am Valencia. Mamaya tawagin pa tayo niyan." Padabog kong kinuha ang mga gamit ko. Nagsimula na akong magsulat habang ang mukha ay nakasimangot.
Kita ko ring nagtinginan pa ang dalawa bago magkibit balikat at simulan na ring makinig at magsulat ng mga sinasabi ni Ma'am Valencia.
Agad akong nagligpit at lumabas ng mag-bell. Meaning, tapos na ang oras para sa subject na tinuturo ni ma'am Valencia. Tinignan ko ang orasan ko at laking ngiti ng makita na ten AM na. Paniguradong nagsisimula na si Ryder sa pagparusa sa mga late.
Lagi namang ganoong oras kung magparusa si Ryder. Kaya mabilis akong naglakad papuntang field.
Rinig ko naman ang pagsunod ng dalawa sa akin habang hindi magkanda mayaw sa mga gamit na hindi nila gaanong naayos.
Huminto lang sila nang huminto na rin ako sa paglalakad. Malayo pa lang kami pero tanaw ko na si Ryder at ang mga studyanteng late. Nakatayo ito sa mga harapan nito habang ang kamay ay nasa likod. Siya lang ang nakapwesto sa bandang lilim kung nasaan ang mga puno. Kahit nasa malayo kami ay kita ko ang dilim sa mga mata nito.
Nakakatakot kung susuwayin mo ang ipinag-uutos niya.
Nakita kong mga naka-P.E. na ang mga studyanteng nakapila sa gate kanina.
Kumunot ang noo ko nang ma-mataan si Winona na nakahawak sa braso ni Ryder. Mukha itong nagtatanong sa kanya kung tama ba ang mga ginawa nito.
Umirap ako sa kawalan bago ibaling sa iba ang paningin.
Bigla namang humagalpak ng tawa si Ally at Blair nang mamataan nila si Mariz na naroon.
Nagkukunwari pang hindi ito sanay sa pinapagawa ni Ryder sa kanya. Kita ko rin ang pagtingin ng ibang studyante kay Mariz. Nakakahakot na siya ng manonood dahil mukha siya pusang pilantod na lalong napilayan.
Hindi ko na rin mapigilan ang pagtawa nang makitang nakikipag kompitensya si Mariz kay Winona. Pinag pu-push up kasi ni Ryder sila ngayon. Pero masyadong maarte ang dalawa dahil si Ryder ang nagbabantay.
Todo acting silang hindi na daw nila kaya. Si Mariz ay umisa pang push up bago umupo at hawakan ang braso. Nakanguso na ito ngayon habang umiiling at sinasabing hindi na kaya ng braso niya. Kita ko rin sa pwesto ko ang pagpapa-cute ng mga mata nito.
Nakakasukang tignan.
Kaya lalong lumakas ang tawa ng dalawa habang tinuturo si Mariz.
"Tignan mo 'tong si Mariz, kung makapagreklamo at acting kalang hindi siya isa sa nangunguna sa atin pagdating sa training! Ang hustler kaya niyan pag dating sa workout!" sabi ni Blair habang nakahawak na sa kanyang tyan.
Magkaakbay pa silang dalawa ni Ally habang hindi alintana ang mga studyanteng napapadaan sa amin at tinitignan kami dahil mukha ng takas mental ang dalawa dahil sa kakatawa.
"Tuwid na tuwid pa ang likod pag nagpu-push up pag-training natin! Kaya halata nating nag-iinarte lang ngayon e!" Ani Ally.
Hindi matigil ang dalawa sa kakatawa. Lalo na nang tumayo si Mariz at kinausap si Ryder.
Bigla namang kumunot ang noo ni Winona nang lumapit si Mariz at nagpaawa kay Ryder na hindi na niya kaya.
Pumikit pa si Ryder bago hilutin ang sentido at sabihin sa kanila na magpahinga muna.
Nang umupo na ang lahat ng late students sa benches ay 'yon namang paghila sa akin ng dalawa papunta roon. Gusto daw kasi nilang asarin si Mariz sa kalandian at kalukohan niyang ginagawa.
Gulat naman ang nakita ko kay Ryder at Mariz nang makalapit kami. Si Winona naman ay sumimangot dahil naraming babae na naman ang lumapit kay Ryder.
Tigas rin ng mukha nito dahil hindi niya tinatanggal ang pagkapit ng kamay niya sa braso ni Ryder.
Ito namang isa ay mukhang nag e-enjoy dahil may magandang linta na nakakapit sa kanya. Sabagay, sino hindi matutuwa roon diba? Bukod sa maganda at mayaman pa ito ay sikat pa ang magulang!
"Nako Ryder 'wag kang mag papaniwala dyan kay Mariz! Halimaw 'yan sa work out! Dumada-moves lang 'yan para mahawakan ka," tawa naman ni Ally sabay apir pa nilang dalawa ni Blair.
Pinagtutulungan nilang maasar si Mariz.
Si Mariz naman ay hindi malaman kung ano ire-react. Magugulat ba sa paglalaglag ng mga kaibigan o magagalit.
"Ganoon ba? Dodoblehin ko ang kanya kung ganoon," ngisi ni Ryder nang lingunin niya ang gulat na si Mariz.
Pati ang babaeng nakakapit sa braso nito ay nakangisi na rin. Iniisip niya siguro na buti lang iyon kay Mariz.
Masaya siya dahil mas mapaparusahan ang karibal niya kaysa sa kanya.
"Mga epal talaga kayo!" sigaw ni Mariz sabay habol sa dalawa dahil bigla na lang itong tumakbo.
Ang bibilis nilang tumakbo. Dahil na batak na rin sa foot work noong nag te-training pa kami para sa tournament.
"Antayin niyong mahabol ko kayo at kakalbuhin ko kayo!" rinig ko pang sigaw ni Mariz sa malayo.
Ang dalawa naman ay lalo pang inasar si Mariz ng mag-make face ito sa kanya.
Walang ibang lumabas sa bibig ko kung 'di ang pagtawa lang. Masyado silang isip bata.
Umiling na lang ako dahil alam kong babalik rin ang mga iyan dahil maiinitan at mapapagod rin sila. Lalo na at tirik ang araw.
Mabilis pa naman magreklamo sa init si Ally.
Agad naman akong napalingon kay Ryder nang tawagin niya ako. Hindi naman sa kanya agad bumagsak ang mata ko. Kung hindi sa babaeng nakakapit sa kanya na tilang mamamatay paghinugot ang nag-uugat niyang mga kamay sa braso ni Ryder.
"Have you took a break?" tanong niya sa akin at tinanggal ang mga kamay na nakakapit sa braso niya bago lumapit sa pwesto ko.
Masyado siyang matangkad sa harapan ko kaya naman tinitingala ko siya nang makalapit na ito sa akin. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pag halukipkip at pag-irap ni Winona sa likod niya.
Kaya napatingin na lang ako sa ibang diresyon. Pinipiling 'wag tignan si Ryder.
"Nope, after ng klase ay dumiretso na ako kaagad rito."
Ten ng umaga kasi ay ang oras ng recess, kaya naman may mga iba ring mga studyante na nanonood kung paano parusahan ni Ryder ang mga late.
"Why? Dapat ay kumain ka na muna." Medyo inis niya iyong sinabi sa akin dahil mababakas mo rin sa kanyang mukha ang pagkakairita. His brows are almost connected with each other.
Napakunot naman ang noo ko at tumingin sa paligid dahil baka may makarinig sa tono ng pananalita niya. Baka isipin pa ng iba ay LQ kami.
Inirapan ko na lang ang nasa isipan ko. Lalo namang kumunot ang noo ni Ryder nang makita kung paano umikot sa inis ang mga mata ko.
"We'll go to cafeteria and grab something to eat. Hindi uubra sa akin ang pag-diet mo, Porsch. Not on my watch." Nag-igting pa ang panga niya bago ako hawakan sa kamay at aamba nang hahatakin ako sa cafeteria. Kaso nga lang ay bigla namang may humawak sa sleeves ng polo niya.
Nakita naming si Winona iyon. Mukhang gustong sumama.
Ayaw ko man siya makasama ay hindi naman ako ang magdidisisyon noon. Si Ryder ang magsasabi kung sasama siya o hindi dahil babae niya ito. Besides, I don't have a say kung sino mang babae ang makasama nito.
"What?" tamad na baling ni Ryder sa kanya.
Tignan mo ito nagiging gago na naman sa babae.
Hindi ko man gusto ang babae na nasa harapan namin ngayon ay hindi naman tama ang tratuhin niya ng ganito ang mga babae.
Umiling ako at tumingin sa mga paa ko habang sila naman ay nakatingin sa isa't isa. Gusto kong hugutin ang kamay ko pabalik galing sa pagkakahawak niya pero, madiin na may pag-iingat ang pagkapit niya sa palapulsuhan ko.
"C-can I go with you?" tanong ni Winona habang nahihiya pang sabihin iyon sa harapan ng maraming tao.
Well, she said that na ngayon lang siya nagkaroon ng 'guts' para lumapit kay Ryder. Kaya naman naiintindihan ko kung nauutal-utal pa siya ngayon.
Nilingon ko si Ryder habang nakakagat labi. Inaabangan ko ang sasabihin niya, kung ipapasama niya ba ito o hindi.
"Are you finish with your punishment?" madiin ang pagkakasabi niya nito samantalang ang mga mata ay nagdidilim habang nakalapat ito kay Winona. Kahit ang likuran ng ulo nito ang nakikita ko ay alam kong ganoon ang mga mata niya ngayon dahil sa tono ng paananalita niya.
"N-not yet, but-"
"Then you're not allowed to come with us," walang emosyon niya itong sinabi bago balingan ang ibang mga late na studyante. Nakita kong naroon na rin si Mariz, Ally at Blair.
"Continue your punishment. Blair, Ally, keep an eye on them." Tingin pa ni Ryder bago tumalikod at hatakin ako paalis para makabili na ng makakain.
Rinig ko pa ang mga pahabol na salita nila Ally kaya napangiti at iling ako sa mga kalokohan nila.
"Paano ba 'yan? Kami daw magbabantay. Keep an eye daw e," mayabang na sabi ni Ally.
"Pa'no 'yon? Edi nakapikit ang isang mata?" si Blair.
"Kahit kaylan talaga bonak ka! Bakit mo pa ipipikit kung pwede takpan ng kamay?" sabi ni Ally habang napapailing na rin.
"Mga tanga!" reklamo ni Mariz.
Nakangiti lang ako hanggang sa makarating na sa cafeteria. Mahaba ang pila roon dahil sa break.
Nahinto kami sa pila nang makasalubong namin si Reed. May dala na rin itong tray na puno ng pagkain.
"Buti na lang nakita ko kayo. Tumawag sa akin si manang Gretha dahil hindi ka daw sumasagot sa tawag niya," Nakatingin ito sa akin. Nainis pa nga ako nang hatakin ako ni Ryder papunta sa likod niya.
Inis ko namang kinurot si Ryder sa likod dahilan para mapaliyad siya at tignan ako ng masama. Hindi rin nakatakas sa kapatid niya ang pagdaing niya sa kurot na ibinigay ko.
"Ano bang ginagawa mo?" inis kong tanong sa kanya bago bumalik sa kaninang pwesto.
Ang sa harapan niya.
Nagkatinginan lang kaming dalawa habang ang mata ay naglalaban ng tingin. Masyado ng dumidilim ang kanya kaya naman ay tumingin na ako sa harap.
Napangisi naman si Reed bago tumikhim at umayos ng tayo.
"As I was saying, si manang ay tinawagan ako kanina. And she told me that you should go home as soon as possible. Nandoon daw kase ang tita Amanda mo na nag-aantay," napakunot ako sa sinabi niya.
Bakit naman mag-aantay si tita roon? At tsaka ano ang ipinunta niya doon? Wala naman sila dad para makausap niya. Pero ang pinaka napansin ko ay naka-uwi na pala siya. Huli kong balita ay nasa CDO daw siya kasama ang nanay at tatay niya.
Tumandang dalaga kase si tita kaya mas madalas siyang mamalagi roon.
"Iuuwi ko na siya ngayon after kumain. Tutal, nagsabi na sa akin kanina sila ma'am Theodora na may meeting ang mga faculty members mamaya kaya mawawalan ng klase."
Nag-usap pa ang magkapatid roon kaya ako na ang nag-order kung anong pagkain ang bibilhin namin. Nang kukuha na ako ng pangbayad ay may nag-abot na ng bayad rito.
Tinignan ko ng masama ang nag-abot noon kaya napangisi siya sa naging reaksyon ko.
No need paying for my meals! I can pay for myself! I have my own money.
"Stop with the grumpy face. Its a big slap for me if I'll let you pay for our meals." Kuha niya sa tray na may pang dalawang tao ang pagkain. Inirapan ko na siya at dumiretso na sa lamesang bakante.
Kailangan kong magmadali dahil hindi mahaba kung magpasensya si tita. Mabilis itong mapikon lalo na sa pag-aantay. She's not that good as a person but she's not that bad either.
Agad akong bumaba ng sasakyan nang makauwi na kami at nang makita ko si tita Amanda na sinisigawan ang hardinero namin. Galit na galit ito habang binubulyawan ito at tinuturo-turo pa.
"Tita what's with the shouting?" agad kong tanong nang malapitan ko na siya.
Nakita ko ang sasakyang puti ni tita na puno ng putik ang hood nito. Bakit naman nadumihan ito ng ganito?
Tinignan ko rin ang batang hardinero. Nakayuko ito habang hawak ang isang patay na hose ng tubig.
"I told your gardener to remove the soils on the drive way pero ang tanga ay masyadong clumsy! Look what he did to my car! Naitapon niya lang ang lupa sa kotse ko! My gosh I can't!" putol na reklamo ni tita bago niya tignan ang tao sa likod ko at lapitan.
Mukhang gulat pa siya sa presensya ni Ryder. Hindi niya ata aakalain na may kasama ako ngayon pauwi. Well, hinatid lang naman talaga ako nito dito dahil uuwi rin naman siya mamaya kung kaylan niya maisipan.
"Ryder, hijo kasama ka pala. Sorry for bursting like that, nakakahiya."
Hawak pa ni tita sa braso ang kasama ko gamit ang kayumanggi nitong kamay. Morena si tita hindi tulad ni mom na sobrang puti.
"I guess I'm not the one who's needing for your sorry Ma'am," magalang na sabi ni Ryder bago lumapit sa akin at hawakan ako sa bewang.
"Oh," hindi makapaniwang sabi ni tita habang nakahawak pa sa dibdib.
Humarap si tita Amanda sa hardinero namin at pinaalis ito. Hindi manlang humingi ng tawad ito tulad ng gustong mangyari ni Ryder. Napailing na lang kami ni Ryder sa ginawang iyon ni tita Amanda.
Na-aya na si tita Amanda sa loob para doon kami makapag-usap. Nakita ko rin ang mga platito at tasa na nasa sala. Mukhang nakapagmerienda na siya rito.
Kaya naman ay pinaligpit ko na lang ang mga iyon dahil tapos naman na rin kami kumain ni Ryder. Magkatabi kaming umupo nito sa harapang upuan habang si tita naman ay sa pangisahang tao lang.
"Ano po ipinunta niyo dito tita? Mom and Dad aren't home yet," ngiti ko sa kanya habang ang mga kamay ay nakalagay sa tuhod.
Mahigpit si tita Amanda pagdating sa pakikipagsalamuha. Matindi niyang pinapatupad sa akin na dapat ay kagalang-galang akong tignan at kumilos pag may nakakataas akong kausap. Tulad na lang daw niya. Gano'n rin naman ang ginawa ni Ryder. Umupo itong tuwid habang ang kaliwang kamay ay nasa bewang ko pa rin.
"So, 'yun nga hija, I've been calling and texting your dad for gosh knows how many months, but he's not calling or even texting me back! Ni hindi rin siya nagsabi kung saan sila nagpunta ni Celestia!" Paypay niya pa sa sarili niya gamit ang dalawang kamay niya na puno ng mga alahas.
Isinisigaw nito kung gaano ito kamahal dahil grabe ito kung kuminang ng dahil lamang sa sinag ng araw na nang gagaling sa malaking bintana rito sa sala.
"Maybe they are busy? Even me tita hindi ko nako-contact si dad and that's fine with me," sagot ko sa kanya.
Inilagay naman ni Ryder ang braso niya sa sandalan ng sofa kaya naman ngayon ay parang inaakbayan na ako nito. Ngunit hindi pa rin ito nag-iiwan ng espasyo sa aming pagitan. Ramdam ko pa rin kasi ang init ng kanyang katawan sa aking gilid.
Nagpakawala ng inis at malakas na buntong hininga si tita bago niya tignan at hawakan ang isang bracelet. Its my mom's gift na si dad ang pumili noong birthday niya.
Simple lang ito. Kulay ginto siya at bilog. Ang pinaka design lang noon ay ang tatlong dyamante. Isang malaki at dalawang maliit sa magkabilang gilid.
"Even so! He should have been call or text me, even for once!" irap ni tita Amanda bago sumandal at tumingin sa amin.
Agad namang nagdugtong ang perpektong kilay nito nang mamataan niya ang braso ni Ryder sa sandalan ng inuupuan ko.
"What's the real score between the two of you?" Turo niya sa amin bago pagpatungin ang dalawang hita at ilagay ang dalawang kamay sa dalawang arm rest ng upuan.
"We're just friends tita." Iling ko sa tanong ni tita Amanda sa amin. Hinawakan ko pa ang kanang sentido ko dahil roon.
Isn't it obvious? Kung gusto ko ang taong ito edi sana ay mas pinili ko pang lumabas at makipag-date dito.
Pero hindi ko ginawa dahil nandyan si tita.
"For now," dugtong ni Ryder habang nakangisi sa akin. Nang makita niya ang inis kong ekspresyon ay kinindatan pa ako nito para mas lalo pang tumindi ang inis ko sa kanya.
Tinignan ko pa lalo ng masama si Ryder at pinalo siya sa braso niya dahilan kung bakit siya napahalakhak ng malakas. Hindi manlang nahiya kay tita! Ang lakas masyado ng boses nito! Malalim at malakas na pinupuno ang buong living room.
"Nako, hindi kayo pwede! I won't let you guys," biro pa ni tita Amanda sa amin habang humahalakhak pa. Kaya naman ay napailing ako at si Ryder naman ay ngumisi bago magseryoso at umayos ng upo para masagot ang biro ni tita Amanda.
"Even you're not. Your vote isn't countable," ngumiti lang itong si Ryder bago bumalik sa pagkakasandal at ibalik ang braso sa sandalan ko.