What did he do?
"Thank you Reed, although you shouldn't have done that. Alam kong busy ka," nakatayo ako sa gilid ng sasakyan habang siya naman ay nasa loob na. Pinaglaruan ko ang kamay ko at itinuon doon ang aking paningin nang maramdamang hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa akin.
Reed should stop it! He exactly knows what he's doing! Baka bigla na lang akong tumumba dito dahil sa mga tingin nito!
"Its fine Celestine, you're my little sister diba? Natyempuhan lang na nandoon ako at narinig si Ryder na may kausap. Iniisip kong baka kung ano na lang gawin niyang pag papabaya sayo. Knowing my brother," alam kong nakangiti na siya ngayon at ipinapakita ang malalim na hukay sa dalawang pisngi niya.
Naiibsan ng mainit niyang mga salita ang kalamigan ng gabi. Heck, kahit ganoon ang sinabi niya, nararamdaman ko ang kabutihan niyang intensyon para sakin.
Nagkangitian kami, saying that he's about to leave. Kaya naman umatras na ako ng bubwelo na siya para makaalis.
Huminga ako nang malalim nang mapagtantong ako nanaman mag-isa sa bahay, lalo na nang maisip na may pasok na bukas.
I hate school, but you just can't quit. Pano naman ang future ko diba?
Tumalikod na ako sa kalsada at pumasok na sa loob ng bahay. Binati ako ng mga guard namin at sinalubong naman ng mga katulong. Despite of this employees I still feel that I'm alone.
Ngunit bago ako tuluyang maka pasok ay may naramdaman ako na tila ba'ng naka tingin sa akin mula sa malayo. Kaya naman ay tumingin ako sa labas at nag masip upang maka kita ng tao roon na kahina-hinala.
Wala naman akong nakita bukod sa guard naming naroon.
Tatalikod na sana ako ng may nakita akong pigura! Sa gawing madilim kung saan puro talahib ang naroon. Kaya naman ay nilapitan ko iyon para tignan.
Kabado pa ako nung una lalo na at tinatawag pa ako ng gwardya ng bahay namin. Nag pakawala ako ng hangin na makitang itim lang pala iyong pusa.
Nang makapasok na sa loob ay bigla ko na lang ibinagsak ang katawan ko sa kama dahil sa pagod, seven pm pa lang pero parang ang lalim na ng gabi.
Tumayo ako at ipinuwesto ang sarili sa harapan ng kama ko. Maybe I'll do some stretching and exercise? Bago maghapunan para mawala narin sa isipan ko ang naramdaman kanina. Parang may nag mamasid talaga e.
To make my mind preoccupied iyon nga ang ginawa ko for thirty minutes. Hingal na hingal ako at pawis na pawis kaya naman nang kumatok na ang katulong ay nagmadali akong maligo na muna bago bumaba para mag dinner.
I wore my usual clothes. A racer back top and a short shorts.
Bumuntong hininga ako pag dating ko sa baba. Nandoon na ang mga katulong namin sa tabi ng mga lamesa. Getting ready for my arrival at the dinning table.
Tinignan ko silang lahat at napansin na kumpleto sila roon.
Nagkibit ako ng balikat at umupo na sa gitna ng malapad na lamesa. Inangat ko ang paningin ko at nag tingin-tingin sa paligid.
"Where's manang Gretha?" tanong ko sa isang katulong na malapit lang sa aking pwesto.
"Nasa kusina po, tinatapos lang ang huling putahe." Nakayuko na ito ngayon at nakatingin sa kanyang mga kamaong magkadikit ngayon.
I always don't like this kind of formality. Napailing na lang ako sa naisip bago balingan ang katulong na sumagot sa akin kanina.
"Paki tawag naman, oh? Salamat," agad namang tumango ang katulong at nag lakad na papuntang kusina para magawa na ang aking utos.
Agad namang lumabas si manang galing sa kusina. Now she's holding a bowl with full of sinigang.
"Manang thank you for cooking," ngiti ko sa kanya ng makalapit na siya sa akin.
"Pasensya na hija, at na parami ang luto." Humalakhak si manang at inilapag na ang sinigang sa hapag.
I shook my head, "Never mind that manang, okay lang po. Sabayan niyo na lang po ako." Nagsi-bow sila at umupo ng diretso sa mga kanya kanyang upuan, "And please, skip the formality I hate it, alam niyo namang si dad lang ang may gusto noon." Ngumisi ako sa kanila at nilahad na ang pagkain sa harap.
At least kahit sa pagkain ng dinner ay hindi ako mag iisa.
We spent that dinner quietly. I mean really quiet. Hindi manlang sila nag tangkang mag open ng topic. They'll speak when I ask them, o di kaya ay si manang lang ang nag iingay sa hapag dahil sa mga habilin nito.
Kaya naman, tamad parin akong nag lakad papunta sa kwarto ko. Mag papatugtog na lang ako, maybe makahanap ng magandang ideas for my song that I'll going to sing.
Maraming random na kanta ang tumugtog, pero hindi naman nito napukaw ang puso ko para kantahin iyon para sa mismong audition.
Maybe a walk can help? And some cup full of ice cream?
Makakatulong nga iyon Celestine, especially pag vanilla flavor.
I giggled.
I immediately grab a hoodie and wear it. Then grab my wallet too when I saw it. Pinanatili ko ang earphones ko sa aking tenga habang tumutugtog ng isang kanta na oang teatro. I didn't even know I have this kind of song.
Dumungaw ako sa labas. Nakita kong mga nakapatay na ang mga ilaw sa baba, tanging ang ilaw sa hallway talaga ang bukas. Bumaba ako para makita kung tama ang hinala kong baka tulog na sila. And now I'm sure of it ng makitang ang ilaw na lang sa kusina ang bukas.
Huminga ako ng malalim at dahangdahang lumabas, hinablot ko ang bike ko sa garahe at dahang dahang lumabas. Agad namang napatayo ang gwardya naming nakaduty ngayong gabi ng mamataan akong palabas ng gate.
"Ma'am! Saan po kayo pupunta? Anong oras na po baka sermunan po ako ni manang pag nalaman niyang lumabas kayo." Halata mo sa mukha nito ang takot sa kanyang mga mata.
Well, I understand him, bukod kase kay manang na mayordoma namin ang makakaharap niya ay maari siyang sesantihin ng ama ko.
"Just don't tell anything, ako na ang bahala pag nabisto ako, okay?" Nag thumbs up ako para masabi sa kanyang okay lang itong gagawin ko.
Bumuntong hininga ang gwardya namin at nag thumbs up narin ng wala na siyang magawa dahil binuksan ko na ang gate at inalalayan na ang bike ko palabas.
I'm thinking that I'm going to a convenient store. Merong malapit lang rito kaya doon ang tungo ko.
Ninamnam ko ang malamig na hampas ng hangin sa aking mukha. Bawat padyak na ginagawa ko sa pidal ay yun naman ang pwersa ng hangin sa aking mukha. Masarap sa pakiramdam, lalo na ng hawakan ko ang aking mukha at nakumpirmang malamig na nga ito dahil sa temperatura na hatid ng gabi.
Ipinarada ko ang bike ko sa mismong tapat lang ng convinient store. Nang pumasok ako roon ay tinanggal ko ang hood sa aking ulo at tinanggal rin ang isang ear piece sa aking tenga. Inayos ko narin ang buhok ko ng makaramdam ng itirasyon dahil sa ayos niyon.
Dalawang lalaki na nag uusap malapit sa vendo machine at isang babae na pamilyar na nakaupo lang sa mga lamesa roon ang mga customers na naroon. Syempre, what will I expect? Mag hahating gabi na.
Ngunit iyon nga ang ipinagtaka ko. Hating gabi na at nakaramdam nanaman ako na para bang may nag maasid sa akin.
Again, inilibot ko ang aking mga mata sa paligid ngunit wala nanaman akong nakita. Pwera sa lalaking naka itim na hoodie na papasok rin ng convenience store. Nag kibit balikat na lang ako at pumasok na sa loob.
Pero ganon pala kahirap nang linibot ko na ang mga mata ko. Oh come on! Ang dami kong gustong bilhin! Pero itinuon ko ang sarili ko sa pagkaing sadya ko talaga sa lugar na iyon. Taas noo akong nag lakad palapit sa mga freezer na naroon para sa mga ice cream.
Its difficult to choose I don't know what flavor is the best. I'm choosing between two flavors.
Pagkatapos tumingin roon sa mga ice cream ay nakita kong kumakain ng cup noodles sa isang lamesa yung lalaking pumasok kanina. Ngunit naibaling sa iba ang atensyon ko ng bigla na lang tumunog ang pintuan ng store. Agad naman akong tumingin doon. Nag init agad ang ulo ko ng makita siya. He's all smile nang pumasok. Well he's not directly looking at me. Hindi niya nga ako nakita e.
Lalapit na sana ako sa kanya para mag tanong kung ano ginagawa niya rito pero agad akong nag tago ng makitang lumiko siya at nilapitan ang babaeng nasa lamesa.
Ito ba yung Audrey?
Ano bang aasahan mo dyan sa kanya ha Celestine? You know he's completely a jerk. Hindi naman kasi siya bigla na lang susulpot at iinisin ka. Especially right now, its almost midnight para do'n.
Well, kahit ginagawa naman niyang inisin ako agad kahit kakasulpot niya palang sa harap ko.
Umirap ako ng yung babae pa ang gumawa ng first move. I pity her, nahuhumaling siya sa maling tao.
I don't get it kung ano ba nagustuhan nila sa lalaking ito. I get that he's handsome and all but when it comes to his attitude and hobbies like, playing with women's heart he's so down to me. Tsk, ang pangit niyang lalaki para sa akin.
Umiling ako at nagpatuloy sa pag pili. But damn, hindi ako makapili ng maayos ng marinig ang halakhak ng babae.
Bakit nga ba ako nag tatago? Eh wala naman akong pake sa kanya.
Kumuha ako ng kahit anong klaseng ice cream at kalmanteng nag lakad papuntang cashier.
Since dumating si Ryder dito ay hindi ko pa siya naririnig na mag salita. Maybe he's doing something that makes her laugh.
Umirap ako at ngumiti sa lalaking nasa cashier. He looks like he's in my age. Maybe a working student.
"Celestine Ricalde?" Sabi ng lalaki habang inaayos ang kanyang salamin.
Ngumiti ako sa kanya at tumango, "You are?" turo ko sa kanya dahil, he doesn't ring any bell though.
"I'm Bryan, schoolmate mo ko, you're pretty famous in school that's why hindi ako makalapit sayo roon." He's scanning my ice creams already. I bought two kase nga its difficult to choose what flavor to buy.
Bryan? Isn't he the honor student?
"Bryan! The honor student!" Naglahad ako sa kanya ng kamay na agad naman niyang tinanggap. Well, he has a nice smile though. "I know you, minsan mo na akong binigyan ng bouquet nung nanalo ako last year sa Ms. Intrams." Medyo yumuko siya at nag kamot ng batok ng binitiwan na naman ang isa't isa.
He's blushing. I can tell.
"Thank you Bryan, I have to go." Ngumiti ako sa kanya pagkatapos kong iabot ang bayad.
Kumaway siya sakin ng bahagya nang makitang malapit na ako sa pintuan.
Hindi ko pa nahahawakan ang hawakan ng pintuan roon ay may nauna na sa akin.
"Excuse me."
Si kuyang nakahoodie iyon! Diretso itong nag lakad paalis roon sa pinanggalingan niya.
Agad ko namang natignan ang dalawa. The girl keeps talking while Ryder landed his gaze on me. Pinagtaasan ko siya ng kilay at dumiretso na sa labas.
Hinanda ko na ang bike ko ng mailapag ko na sa basket sa harap ang mga binili ko para makauwi na ng may biglang humapit sa braso ko.
"What do you think you're doing? Gabing gabi na at naisipan mo pang bumili ng ice cream sa ganitong oras?" He don't have anything to say what I want to do! And for pete's sake! I'm doing this for the ice creams!
"Ano ba Ryder? Bitiwan mo nga ako nang makauwi na ako sa bahay." Inirapan ko siya at binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya.
"Dito mo pa naisipang mag entertain ng dalawa sa mga admirers mo." Humalukipkip siya sa harapan ko dahilan para mapaayos ako ng upo at apak sa lapag.
Really? Ako pa talaga, ha? Ang kapal naman talaga ng pagmumukha ng kurimaw na 'to. I'm here because of the food. Hindi tulad niya na babae pa talaga ang sadya niya dito. I hope makuha niya ang karma niya balang araw. Damn I wish gayahin niya na lang ang kuya niya!
"Look who's talking. You're accusing me already just because I bought some desserts? Hoy, Azucena! Ikaw itong may sadyang babae rito! Don't turn the table on me dahil alam nating dalawa ikaw ang gago rito!" turo ko sa kanya at pinukulan naman siya ng masamang tingin. Ganon rin siya sa 'kin.
Damn you.
"Ryder, aren't we going for a stroll? You told me we will," isang malambing na boses naman ang nang galing sa likod ni Ryder at agad kumapit ang babae sa braso niya. Nang makita ako ay pinagtaasan naman niya ako ng kilay.
Bitch.
Lower section ito sa amin, ah?! But not that big of a gap, but still!
"See? May lakad ka pa, if you please excuse me," aakma na akong magpipidal nang hininto nanaman niya ako sa pag alis ng hawakan niya ang upuan ko sa likuran.
What the heck?
"Can you, wait here first miss Abegail? Ihahatid ko na lang muna si Celestine sa kanila," he said that without looking away from my gaze.
Just wow. Kanina ay akala kong si Audrey ito. And now malalaman kong Abegail pala ang babaeng 'to?
Bumuntong hininga ako at umirap sa kawalan.
He really is a jerk, huh?
At tsaka oo nga miss Abegail mag landian na lang kayo mamaya pag wala na ako rito. I'm sure na masakit kayo sa mata kung mag landian.
"But Ryder she looks like she lives just a few blocks away! Meron naman siyang bike para makauwi." Tinaasan ko ng kilay ang babae na agad naman akong inirapan.
Bitch witch.
"Pinababantayan sakin ni tita Celestia ang anak nila, Abegail." Hinilot ni Ryder ang sentido niya habang hinahawakan naman siya ni Abegail sa kanyang braso.
So dramatic. Too much drama will kill me.
"You'll stay here first, o iiwanan talaga kita? You choose," nilingon na ni Ryder ang babae na agad namang ikinatikom niyon.
"I'll choose," agad namang lumingon sa akin ang dalawa, "I'll go first," ngisi ko sa dalawa bago pumidal ng mabilis paalis doon.
Have a goodnight sa inyong dalawa! Mga malalanding kurimaw!
Narinig ko pa ang pahabol na mura ni Ryder na agad namang ikinangiti ko. Pissed? You deserved it.
Maya-maya pa ay may tumapat na sasakyan sa akin. Humigpit ang kapit ko sa manubela ng bisekleta ng mapagtanto ko kung sino ang nag mamaneho noon.
Mag ii-stroll na yata sila. Akala ko ba ay bawal kang mag maneho Ryder? You're sneaking out again huh?
Well, parehas kayo Celestine.
Bumaba ang bintana sa gawing driver's seat para mailantad kung sino ang nasa loob.
Mas lalo kong binilasan ang pagpidal kaya ganon rin sila Ryder. Kitang kita ko kanina na nasa loob na si Abegail. Pwede na silang mag stroll ng hindi na nila ako inisin pa at bulabugin. Huminto ako, ganoon rin sila.
Inayos ko ang earphones ko at nag patugtog ng malakas. Makakatulong naman siguro 'to sa pag i-ignore sa kanila.
Agad namang bumaba si Ryder ng sasakyan. Its my signal to continue to go home and eat what I bought.
May pasok pa ako bukas! Paniguradong bukas na mag sisimula ang audition. I can't be late! Ni wala pa nga akong napipiling kanta para sa kakantahin ko.
Pumidal ako nang pumidal hanggang sa nakauwi na ako. Pinagbuksan naman ako ng gwardya namin agad-agad nang mamataan ako mula sa malayo.
Kinindatan ko siya at nginitian dahil proud akong hindi ako nahuli nila manang.
I playfully parked my bike and entered my house with a big smile.
Finally! A night with my dessert!
Hinubad ko na ang hoodie ko at isinampay sa isa sa mga upuan na naroon.
Inilabas ko ang mga ibinili ko at pumili ng isa para matapos na ang cravings ko.
Habang nangangalahati na sa kinakain ay bigla na lang may message na nag pop up sa aking telepono.
From: Ryder
I'm out of your house. Meet me here.
Napakunot naman ang noo ko sa nabasa. Ano nanaman ba ginagawa ng isang 'to sa labas? Ang lakas pa makautos.
Madiin akong nag tipa sa aking telepono para makapag reply sa mensahe niya.
To: Ryder
Why would I? And why did you even bother to go here? Go have some stroll with your chic and let me have my peace.
Nilapag ko ang phone ko at nag simula ng kumain ng ice cream.
Bahala siya dyan, hindi ko siya sisiputin. Bakit pa? Hindi ko naman siya sinabihan na pumarito. Akala ko ba ay mag na-night stroll pasila ni Abegail? Eh bakit nasa labas siya ng bahay? Siguro para asarin nanaman ako.
Ipinasok ko na sa refrigerator ang natira sa ice cream ko at pumanhik na sa sariling kwarto.
Its twelve midnight. Kailangan ko ng matulog, kung ayaw kong mabugahan ng apoy nila Ma'am Valencia dahil lang sa pagiging late ko.
I did my night routine to get ready for my sleep. Hirap pa naman akong bumangon pag masyado akong puyat. I don't want that. Ilang buwan pa lang nag sisimula ang klase, hindi ako pwedeng tamarin.
Pinatay ko na ang ilaw na nasa tabi ng kama ko. At umayos sa pinakakomportableng pwesto para makatulog.
Nagising ako sa ng maramdamang lumulubog ang kanang bahagi ng kama ko. Pag mulat ko ng mga mata ay nakita ko si manang Gretha na may dalang bed tray table at mga pagkain na naroon na.
Ganito sistema tuwing wala sila mom and dad. Dadalhan na lang nila ako ng pagkain sa kwarto, pag ginusto ko namang sabayan sila ay pagbibigyan naman ako ni manang.
Dinungaw ko ang orasan na naka patong sa side table ko at doon ko nakitang may isang oras pa ako para gumayak at kumain.
"Good morning hija, kumain ka muna bago maligo at mag handa para sa iyong eskwela."
Nginitian ko si manang at tumango para mag simula nang kumain. Habang kumakain ay naramdaman ko ang pag titig niya sa akin.
"Why manang? May panis na laway ba ako?" kinapa ko ang gilid ng aking labi. Wala naman akong naramdaman.
Hinawakan ni manang ang kamay ko at ininaba iyon.
"Ikaw talagang bata ka, may itatanong lang sana ako sa iyo."
"Ano po 'yon?" uminom ako ng gatas pagkatapos kong ubusin ang umagahan ko. Pancake and bacon lang naman iyon kaya mabilis ko lang iyong naubos.
"Bakit hindi mo pinapasok si Ryder kagabi? Nagising ako lang ako noon nang marinig na may bumagsak sa sala, iyon doon ko siya nakitang nakadapa. Madilim na kasi roon baka natisod."
Is he trying to sneak in? Pero mukhang hindi naman dahil naroon ang gwardya namin.
Natawa na lang ako nang maisip na mukha siyang tanga na nakadapa sa sahig dahil sa katangahan niyang taglay.
Why would he walk in the dark?
Nanatili akong nakangisi kaya naman ay itinuloy ni manang ang pag kukwento.
"Yun nga, napag alaman kong gusto ka lang niyang bisitahin, hindi ka raw sumasagot sa mga text at tawag niya kaya pumasok na siya. Pinapasok naman siya ni Berting dahil si Ryder iyon, anak ng matalik na kaibigan ng dad mo. Dahil masyado ng gabi ay pinagbigyan ko na siya para makauwi na lang rin siya agad. Hindi rin nag tagal, mga ilang minuto rin ay umuwi na siya. May dala ngang paper bag e."
What? Really? Ano ginawa no'n while, I'm unguarded?
Nanahimik ako, iniisip kung ano ang mga maaaring ginawa ni Ryder kaninang madaling araw.
"O siya, gumayak ka na at may pasok ka pa, baka malate ka pa niyan."
Tumayo na si manang roon at iniwan akong nag iisip.
What did he do early this morning? Ganoon na ba ako ka-heavy sleeper para hindi siya maramdaman?
Dang it!