Yes Nagising ako ng isang katok galing sa pinto ng kwarto ko. Pagmulat ko sa mga mata ko ay agad namang pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha. Iniharang ko ang kamay ko sa aking mukha, pang laban sa sinag ng araw na tumatagos sa bukas kong bintana. Maybe I forgot to close this last night. "Ma'am bangon na daw po, pinapatawag na po kayo ng dad niyo. Nasa sala po siya kasama ang tita niyo nag-aantay sa inyo," sigaw ng isa sa mga katulong ko. Agad akong napabangon sa sinabi niyang iyon. Nandito na sila? Hindi ba't masyado pa atang maaga? Well, baka maagang pumunta rito para makausap ako para sa photoshoot na gagawin ko. Maybe, he'll convince me to drop it. "Sige pasabi na lang sa kanyang maliligo lang ako." "Sige po." Tumayo ako at dumiretso na sa banyo para maligo at maharap na a

