Chapter Fourteen -Jacinto- Ngayon ang araw ng operasyon ni Marta kaya naman labis ang kabang nararamdaman ko hindi ko magawang umalis sa tabi nito ng ilang linggo dahil gusto ko pa rin makita nitong nagsisisi ako sa mga nagawa ko noon. At isa pa may anak kaming dapat ko rin pagtuuan ng pansin ayokong pagdating ng araw ay tuluyang magalit sa akin ang aking mag-ina dahil sa mga maling desisyon na nagawa ko. Pasalamat na lang talaga ako at pumayag itong magpaopera hindi ko pa alam ngayon ang buong dahilan pero alam kong isa ako sa naging dahilan nito at aaminin kong masaya akong malaman yon. Pero alam kong mali ako noong tinanong ako nito tungkol sa amin ng Ate nito na kahit kaylan naman ay hindi ko naging karelasyon, hindi ko rin alam kung paano nito nasasabi ang ganong bagay gayong ako ng

