MY LIFE
Chapter 1
-Marta-
Naglalakad ako ngayon sa isang malawak at magandang aisle ngayon kasi ang araw ng kasal namin ng lalaking ni minsan ay hindi ko pa nakikita. Isa itong fix marriage na kaylan man ay hindi ko nagustuhan, pero dahil si Papa ang nasabi ay wala na rin ako magawa dahil matagal na daw iyong pinag-usapan bago pa man daw ako ipanganak ni Mama. Napabuntong hininga ako habang patuloy sa paglalakad papalapit sa altar natanaw kong nakatalikod ang lalaki at parang walang balak na tignan man lang ako, naka suot lang ito ng puting long sleeve at naka slacks lang ito na black. Alam mo yun kasal n’yo pero parang mag-aaply lang ito sa isang company dahil sa uri ng damit nito mukhang hindi lang din ako ang may gusto sa kasal na ito dahil makikita rin sa binatang magiging asawa ko na ayaw rin nito ng naging set up naming dalawa. Dun pa lang alam ko na wala rin itong interes na pakasalan ako sa bagay pareho lang naman kmai ng nararamdaman napapailing na lang ako at saka tumingala para hindi matuloy ang pagtulo ng aking luha.
"Tandaan mo ang sinabi ko sayo Marta, ayusin mo ang sarili mo sa pagharap sa kanila lahat at huwag mong ipapakita na ayaw mo sa nagaganap na kasalan ngayon dahil kapag may narinig akong hindi maganda ngayon ikaw ang mananagot sa akin." Sabi ni Daddy habang sinasabayan ako sa paglalakad, hindi ko na rin namalayang malapit na kami sa lalaki dahil sa namumuong takot sa aking dib-dib, nanglalamig na rin ang kamay ko at pinagpapawisan na rin naman ito. Ibang klaseng magalit si Papa kaya naman kailangan kong ayusin ang kilos ko ngayon.
Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng lalaking magiging asawa ko mamaya lang kaya nagulat pa ako ng kunin nito ang kamay ko at ilagay sa braso niya. Lihim akong tumingin sa likod ko at makikita na kahit isa ay wala man lang ako kilalang kaibigan, muling akong bumalik sa aking katabi pero hindi talaga ko nito tinapunan ng kahit n akonting tingin kaya naman tahimik din akong napabuntong hinigasa ngayon kasi ay ito na lang muna ang aking magagawa. Nguni't nagulat ako ng hawakan nito ang braso ko at iharap sa kanya.
"Tigilan mo yang kakabuntong hininga mo dahil nakakainis ka lang tignan. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko rin naman gusto ang kasal na ito, pero kung gusto mo ng gulo kaya kong ibigay yon sa pamilya mo." Bulong nito sakin na lalong nakapagpataas ng mga balahibo ko sa aking buong katawan. Mabilis naman akong tumango dito at nakiusap na huwag manggugulo, lihim ko na lang pinunasan ang luhang naglandas sa aking mata. Hindi ko magawang tumingin sa mukha nito kaya nakayuko lang ako at mas tumindi pa ang takot na meron na ako ngayon at dahil na rin sa kabang nararamdaman ko. Ilang oras pa ay kasal na kami ng lalaking sa pangalan lang ang nalalaman ko. Nakaupo lang ako sa isang tabi at ni isa ay walang kumakausap sa akin, umalis kasi ang asawa ko at may kakausapin daw. Hindi na rin ako nagtanong pa dito ayokong magalit ito sa akin at totohanin nito ang kanyang sinabi na gagawa siya ng gulo sa aming kasal hanggang sa makaramdam ako ng kaylangan kong gumamit ng banyo.
Kaya naman nagtanong ako sa isang staff kung saan naroroon ang banyo sinabi nito na bandang second floor kaya naman dun ako nagpunta para makapagbawas na rin. Pero papasok na sana ako ng banyo ng makarinig ako ng ungol na nagmumula sa isang silid, hindi ako pamilyar sa lugar kaya naman talagang nakaramdam ako ng takot at ang buong akala ko ay may multo na nanakot. Subalit naisipan kong lapitan ito dahil gusto kong malaman kung ano nga ba ang aking narinig, hanggag sa pumasok ako dahil sa bukas naman ang pinto ng silid.
"Ahh, ahh! Baby,,,, uhm!" Boses ng isang babaeng parang nahihirapan, ilang hakbang pa ang ginawa ko ng makita ng dalawang mata ako ang ginagawa ng dalawang taong nagtatalik sa ibabaw ng mesa. Nakadapa ang babae habang ang lalaki naman nito ay nasa likod, hindi rin naman ako inosente sa ganitong tagpo alam ko ang mga bagay bagay na ginagawa nila kahit wala pa akong karanasan sa ganito. Nakikita kong nasasarapan ang babae sa kung paano bumayo sa kanyang likod ang lalaking katalik nito. Hahayaan ko na lang sana ang nakita dahil wala naman akong kinalaman dito hanggang sa magsalita ang babae na ikinatulos ko sa aking kinatatayuan.
"Uhmm, ahh, ahh! More deeper Jacinto, oh my gosh ang sarap mo bumayo babe." Tinig ng babae habang patuloy sa pagbayo ang lalaki sa kanyang likuran doon ko lang din napagtanto kung sino ang lalaking katalik nito, walang iba kung di ang aking asawa at sa mismong araw pa talaga ng aming kasal niya ginawa ang bagay na ito sana man lang ay pinatapos na lang mun anito ang kasal ng sa ganoon ay hindi ganoon kasakit para sa akin na asawa na rin naman nito ngayon. Luhaan akong lumabas ng kuwarto hindi ko na rin alam kung narinig nito ang pagtawag ko sa kanya ng kanyang pangalan dahil sa mahina lang naman iyon, basta ang gusto ko na lang ay makaalis ako sa lugar na yon. Nakabalik ako sa venue at natanaw ko ang maraming taong nagkakasiyahan.
"Sana katulad n'yo masaya rin ako ngayon." Nasambit ko sa aking sarili at pinupunasan aking luha. Sabay talikod gusto ko talaga mo nang lumayo sa lahat kahit na sandali lang kahit na alam kong hindi naman talaga ko makakalayo sa pamilyang kinagisnan ko at sa bagong lalaki na makakasama ko. Nakalabas ako ng hotel na walang nakakapansin sakin, ngayon nga ay naglalakad ako sa isang malawak na bakuran ng hotel. Naupo ako sa isang duyan na naroroon at tumingin ka kalangitan maganda ang panahon at malamig din ang hangin kaya naman napapahimas ako sa aking braso, manipis lang din kasi ang suot kong dress na ipinalit ko kanina sa wedding gown ko.
"Mama, sana po sinama mo na lang ako tutal wala rin naman po halaga ang buhay ko dito kasi wala naman po nagmamahal sakin." Umiiyak kong sambit sa aking sarili habang nakatingin sa kalangitan at kumikinang ang mga bituin na naroon. Kahit papaano ay napanatag ang loob sa tuwing gusto kong kauspin si Mama. Maaga akong naulila sa ina at hindi ko matandana na naging masaya akong kasama ang aking buong pamilya. Sa toto lang ay naguguluhan ako dahil sadyang wala akong maalalang masasayang araw na kasama ang mga ito habang lumalaki ako. Nasa ganon akong kamalayn ng may maramdaman akong isang taong papalapit sakin hindi ko na lang ito pinansin pa dahil napapagod akong isipin ang maraming bagay.
"Kasal mo ngayon pero parang hindi ka naman masaya Mrs. De Lana.?'' Tanong ng isang lalaki sakin, wala akong ganang tinignan ito dahil ayokong kumausap ng mga taong hindi ko naman kilala subalit nagtaas pa rin ako ng tingin dito dahil sa hindi naman ito umaalis sa tabi ko. Subalit apara akong natulos ng makita ang guwapo at tikas nitong lumindig na animoy isang modelo ng ibat-ibang klase ng damit. Hindi na lang ako nagpahalata na humahanga ako dito kasi wala rin namang saysay pa at hindi ko ito kilala.
"By the way, ako nga pala si Raymond, kaibigan ako ng asawa mo." Salita nito at inabot ang kamay ko kahit na wala naman ko pahintulot. Nagsorry din naman ito agad at natawa sa nakitang expression ng aking mukha, nagtaka kasi ako sa kung paano ito kumilos sa aking harapan. Sa tingin ko rin ay isa itong joker dahil sa kung paano ito magpatawa ng wala na rin naman sa lugar pero aamin kong napapangiti ako sa kung paano rin naman ito magsalita sa akin.
"Sorry, alam ko kasing hindi ka makikipagkamay sa akin kaya naman ako na lang mismo ang kumuha ng kamay mo ng sa ganoon ay magkakilala tayong dalawa, saka hindi naman ako kasing sama ng asawa mo, gusto ko lang talaga na makilala ka Mrs. De Lana” Paliwanag nito sa akin at saka naupo na rin sa isang beach chair na malapit lang din naman sa tabi ko.
"Nakita at nakilala mo na ako baka pwde ka ng umalis dahil gusto ko ng katahimikan at saka hindi bagay sa akin ang tawaging Mrs. De Lana dahil alam kong hindi naman ako gusto ng kaibigan mo, actually hindi namin ito gusto kaya mas maganda kung Marta na lang ang itawag mo sa akin Raymond." Seryo kong sambit dito at sinimulan kong iduyan ang duyang kinauupuan ko. Napapangisi naman itong humawak sa tali ng duyan at ito na mismo ang nagduyan sakin nguni't mahina lamang.
"Mali pala siya, ang sabi kasi n’ya mabait ka raw hindi rin pala." Anito na nagpalito sakin, tinignan ko ito ng may pagtataka pero tumawa lang ito ng mahina na ikinais ko naman dito.
"Bakik? sino ba ang nagsabi sayo na mabait ako.?" Kunot-noo kong tanong dito at umiwas sa tingin nito sa akin. Nakakaramdam ako ng hiya kaya naman hindi ko na lang ito matignan ng ayos. Wala naman kasi itong ginawa na masama sa akin pero nahihiya akong harapinat kausapin ito ngayon.
"Your husband." Mabilis nitong sagot, na ikinalaglag naman ng panga ko. Para din akong nabingi dahil sa naging sagot nito sa akin. Hindi maintindihan kung anong trip ng isang ito at mukhang napaglalaruan ako nito, naisipan kong umalis pero alam kong magmukukha lang akong bastos kung gagawin ko yon. Kaya naman sinagot ko na lang ang tanong nito.
"Masama na ba ang tawag sa katulad ko, yung sumusunod lang sa lahat ng gusto nila. Walang kalayaan, walang kakampi kung di ang sarili. Sarili kong pamilya ayaw sakin ngayon naman ang asawa ko ayaw din akong makasama. Siguro nga tama ka masama akong tao dahil sa inaayawan ako ng lahat" Sagot ko na nakapagpatahimik naman dito, muli akong nagpunas ng luha ng tumulo ito sa aking pisngi ganito ba talaga kasakit ang mag mahal na kahit sariling pamilya mo ay hindi ka rin kayang mahalin at ang tingin lang sa akin ay isang laruan.
"Sorry" Anito sa akin at saka tumingin sakin na malungkot ang tingin.
"Ayos lang sanay na rin naman akong sabihan ng masama, at walang silbi. Kaya ayos lang manhid na ako kasi wala na akong maramamang sakit dito sa dib-dib ko." Dag-dag ko pa dito subalit mababakas pa rin sa boses ko ang galit na gustong lumabas sa puso ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at ang dali ko lang sabihin dito ang totoong nararamdaman ko. Parang pwde ko itong pagkatiwalaan sa mga bagay na gudto ko ring sabihin sa buong mundo at kung paano nga ba ako nasasaktan, pero naisip kong kaibigan pala ito ng lalaking yun. At napapailing na lang ako sa aking naiisip dahil hindi ko na rin talaga kung ano ang aking iisipin sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko
Dumaan naman ang katahimikan sa aming dalawa at kahit ito ay hindi rin siguro alam ang sasabihin sakin. Hinayaan ko na lang din muna kung anong katahimik ang meron kaming dalawa dahil gusto ko rin naman na matahimik kahit na sandali lang dahil natitiyak kong ano mang oras mula ngayon ay gugulo ulit ang aking buhay. Nakaramdam na ako ng antok kaya naisipan ko na sanang pumunta sa room ko ng magsalita ito ulit sa aking harapan
"Alam kong may reason ang lahat ng ito kaya sana ay makita mong may kabutihan din ang kaibigan ko, at naniniwala akong hindi siya gagawa ng isang bagay na ikakapahamak ng taong matagal na rin naman niyang gusto, sana ay magawa mong maghintay ng sa ganoon ay makita mo ang mga sinasabi ko sayo Marta." Makahulugan nitong sabi at nauna na ito naglakad papalabas ng hotel. Hindi ko na lang ito pinansin pa, sanay na rin naman ako kung walang nagmamahal sakin. At isa pa alam ko rin na maghihiwalay rin kami pagdating ng araw, dahil lang naman sa negosyo kaya ako nito pinakasalan.
Nag-ayos na ako ng sarili para matulog at napagod din ako sa maghapong kalokohan ng buhay ko. Alam kong malayo pa ang lalakbayin ko bago maging malaya. Sa sobrang bigay na nararamdaman ko ay hindi ko mapigilang mapaluha na lamang habang nakapikit at kasabay ang paglalim ng aking pagtulog.