Chapter Two
-Marta-
Habang ibinababa ng isang katulong ang isang maliit at kulay itim kong maleta ko ay napapamasid naman ako sa buong kuwarto ko sa tingi ko ay sakto lang din naman sa akin ito dahil kahit papaano ay may privacy pa rin ako at kaya kong kumilos na naayon sa gusto ko. Maliit lang din ito na kulay pink ang pintura at isang bintana lamang ang naroroon may sarili naman itong banyo kaya ayos lang sakin ang inportante at sarili ko ito at kaya pwde kong gawin ano man ang maibigan ko sa loob na ito. Ang buong akala ko kasi ay makakasama ko sa isang kuwrato si Jacinto ang lalaking napangasawa ko kanina lang at ang lalaking nakita ko rin na may ibang katalik. San kung totoo lang kaming mag-asawa at nagalit na ako dito pero alam kong sa papel lang kami mang-asawa at hindi ko kailangan panghimasukan ang buhay nito o makialam sa mga gusto nitong gawin dahil maliwanag naman sa akin ang lahat at kung ano lang mero kami bilang mag-asawa. Subalit aamin kong nasaktan ako kanina ng makitang may ibang babae itong kasaping at hindi ako bilang asawa nito, mahina akong napabuntong hininga at saka inalis sa isip ko ang mga bagay na iyon dahil alam kong wala naman yon maidudulot sa akin. Maliit lang din ito kulay pink ang pintura at isang bintana lamang ang naroroon may sarili naman itong banyo kaya ayos lang sakin.
Nakita kong bubuksan ng isang kalutong ang maleta ko ng pinigilan ko ito ayaw ko kasing makita nito ang mga damit kong luma na at puro sulsi pa hindi naman sa wala akong pambili pero sadyang hindi ako nakakapamili sa isang mall kahit sabihin pang nagmamay-ari kami nito. Ayaw kasi ni Papa na pinalalabas ako at baka daw makidnap ako akala ko tamang dahilan niya yon pero ng lumalaki na ako ay parang may mali na. Nagsabi ako dito nguni't nasampal lang ako nito sa sarap pa mismo ng mga kausap nito sa negosyo. Bata pa kasi ako ng mamatay si Mama at ang mga kuya ko naman ay maagang nagkaroon ng pamilya at sa aming pamilya kapag may-asawa ka na ay kailangan mo ng umalis ng sa ganoon ay makaya mong itaguyod ang iyong pamilay, dapat lang din ang mapapangasawa namin ay mayaman o may sinasabi sa lipunan ayaw ni Papa ng mahirap at walang silbing pamilya hindi raw iyon makakatulong sa amin. Kaya ang asawa ng mga kuya ko at talagang million ang pera sa banko. Bagsak ang balikat ko ng maisip kong wala pa rin pala pinagbago kahit na may-asawa na ako, dahil kaya pa rin makontrol ni Papa ang buhay ko.
"Ako na lang po ang mag-aayos niyan hindi po kasi ako sanay na may ibang humahawak sa mga damit ko." Mahina at nahihiya kong sabi sa isang kasambahay na naririto. Nakita ko namang tumango ito kaya napanatag ako lalo na ng umalis na ito. Kinuha ko ang maleta at inilagay sa ibabaw ng kama, nilabas ko mula dito ang isang box na puno ng iba't-ibang sinulid. Pinabili ko talaga ito sa isa naming mga katulong bago ako umalis ng mansion dahil alam kong kailangan ko ito kung sakali mang masira ang damit ko. Nanigurado lang ako mahirap kung wala akong stock na mga sinulid at baka kasi hindi rin ako makapagpautos sa mga katulong ni Jacinto.
Inayos ko ang gamit ko at sa laki ng aparador o cabinet ay halos hindi naman na ngalahati man lang sa damit ko. Napapangiti ako at labis na naaawa sa aking sarili masasabi kong mayaman ang angkang pinagmulan ko pero para akong walang dahil kahit isang amit nab ago ay hindi ko magawang bumili, lumulo ang luha ko ng hindi ko man lang namamalayan dahil kahit anong isip ko ay hindi ko pa rin maiisip ang sagot na kung bakit hindi ako mahal ng sarili kong pamilya. Magpapahinga na muna sana ako ng may biglang kumatok sa pintuan ng kuwarto ko pinagbuksan ko ito at nakita kong si Jacinto ang naroroon nagulat pa ako pero tinatagan ko ang loob kong makaharap ito.
"Follow me" Mahina nitong sambit, pero ang pagsasalita nito ay isang utos na parang akong katulong sa kanyang harapan. Pumasok kami sa isang silid at masasabi kong napakaganda non subalit nagulat ako ng malamang office pala niya ito. Naupo na rin ako ng sabihin nitong umupo ako sa isang silya na naroon sa harapan ng kanyang mesa, hindi naman ako makagawa ng kahit na anong ingay dahil baka magalit lang ito sa akin mukha pa naman itong pikunin dahil sa palaging seryoso nitong mukha na hindi marunog ngumiti.
"Basahin mo yan at pirmahan mo ng sa ganoon ay maging mas malinaw sayo ang lahat." Authoridad nitong utos sa akin. Kinuha ko ang binigay nitong folder at nakita ko ang aming Marriage Contract at Annulment paper. Nalilito ko itong tinignan pero nakatalikod na ito sa akin habang nakatanaw sa bintana nitong salamin at may hawak din itong baso na may lamang alak, mukhang naramdaman nito ang pagtingin ko sa kanya kaya naman mabilis itong lumingon sa sawi ako at saka nagtanong.
"What" Walang reaksyon na tanong nito sakin, base sa kung paano ito magsalita ay makikita dito na wala talaga itong pakialam sa nararamdaman ng kahit na sinong kausap nito
"Paki lagyan ng date kung kaylan tayo magfafile ng annulment ayoko rin naman maghintay ng matagal." Sagot ko sa mahina na boses bago ko pirmahana ang annulment paper naming dalawa.
"Ako na ang bahalang may lagay ng date basta pirmahan mo na lang yan. Tapusin mo nay an ay marami pa akong dapat na ayusin, saka kailangan ko nay an ipadala sa attorney ko ng sa gnaoon ay matapos na rin naman ang lahat ng ito." Sagot nito sa akin at saka naupo sa kanyang swivel chair, sinandal niya doon ang kanyang ulo at saka pumikit na animoy pagod na pagod. Lihim ko itong pinagmasdan at masasabi kong maganda ang ayos ng mukha nito at halos perfect na rin itong lalaki, pero hindi ko naman maaaring ariin ito dahil alam kong may iba itong gusto at hindi ako yon.
"Maaari ba akong huling ng isang kondisyon sayo bago ako pumirma sa annulment na gusto mo.?” Lakas loob kong tanong dito, naisip kong pwde nitong pagbigyan ang gusto ng sa ganoon ay kahit papaano ay magkaroon ko ng kaayaan na gawin ko ang mga bagay na gusto ko talagang gawin. Sa tingin ko ay ngayon ko lang ito makakausap ng matagal kaya dapat kong samantalahin ito. Subalit wala itong naging tugon at napaayos naman ito ng upo at muling uminom ng alak na ibinababa nito kanina sa mesa.
"Saka ko na lang yan pipirmahan kapag tapos ka ng magde,......." Hindi ko na natapos ng sasabihin ko dahil binalibag nito ang basong ay lamang alak. Nalabis ang kabang nararamdaman ko, hindi rin ako makagalaw sa kinauupuan ko ng mga sandaling yon, hanggang sa nakalapit na rin pala ito ng hindi ko man lang namamalayan dahil sa labis na takot ko rito.
"Sino nagsabi sayo na kailangan mong utusan ko para lang pirmahan mo ang annulment paper nating dalawa ha?” nNanggigigil nitong sabi habang pinipiga ang braso ko na nahawakan nito ngayon. Naluluha ko naman itong tinignan dahil na rin sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung paano magrereak dito gusto ko lang naman ng konting kalayaan eh masama ba talagang humingi ako ng konting pabor dito ng sa gnaoon ay maramdaman kong tao din ako na pwdeng maging masaya.
"Pipirma ka o aalis ka dito sa mansion ko? Alam mo na siguro kung anong mangyayari sayo oras na malaman ng ama mo ang ginawa mo?" Bulong nito sa tenga ko na may halong pananakot binalot ako ng matinding takot lalo na kung malalaman nga ito ng aking ama. Kaya naman tumango na lang ako dito at saka ko pikit matang pinirmahan ang kontrata napapaluha ko habang ginagawa ko ang bagay na yon. Totoo pala ang usap-usapang matindi itong magalit at higit sa lahat mas nakakatakot ito at hindi mo gugustuhing makaharap ito sa ganitong tagpo. Pabalya naman nito ako binitiwan mabuti na lang at malapit lang ang upuan at kahit papaano ay hindi masakit ang pagbagsak ko.
Wala itong lingon-lingon sakin at lumabas ng office nito. Nayakap o naman ang aking sarili at muling nakaramdam ng pag-iisa. Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko kahit naman anong pigil ko ay patuloy parin ito sa pagpatak. Halos kalahating oras din ako sa loob ng magpasyahan kong bumalik sa sarili kong kuwarto. Nang hihina pa ang aking mga tuhod ng subukan kong tumayo. Pero mas pinili ko ang umalis at matulog na lang sa kuwarto ko, wala na rin naman akong ganang kumain pa. Nang makapasok ako ay nagulat pa ako sa mga paper bag na nasa ibabaw ng aking kama at ang iba ay nasa ibaba naman. Habang papalapit ako ay naglalaki ang aking mga mata sa mga pangalang nababsa ko sa bawat paper bag.
Mas lalong nang laki ang aking mga mata ng tuluyan ko itong makita at mahawakan. Mga damit ito, sapatos, bag, at iba't-ibang uri ng dress na illegante. Masasabing kong mamahalin ang lahat ng ito dahil sa uri ng tela at ganda nito. Pero nawala ang ngiti ko ng maisip na hindi ko rin naman ito magagamit dahil tulad lang sa mansion namin isa lamang ako bilanggo rito at sa tingin ko ay hindi naman yon magbabago pa. Niligpit ko ang lahat ng ito at tinabi sa kabilng kabinet na walang laman. Itatabi ko na lang ito para kung sakaling aalis na ako eh, magamit pa ng bagong mapapangasawa nito. Yun magiging totoong asawa nito, hindi ako na nagpapanggap.
Kinabukasan ay maaga akong bumababa para sana magluto ng umagahan ko, alam ko naman kasing wala ring pakialam sakin ag mga tao dito. Sa totoo lang nakakapagod na ang paulit-ulit ka lang binabaliwala ng mga taong gusto mo lang naman mapasaya, pero sa tulad ko mukhang hindi na iyon mangyayari pa. Nasa kusina na ako at patapos na akong magluto ng makakain ng makarinig ako ng mga yapak papalapit dito. Binilisan ko ang pag-aayos ng dadalhin ko sa kuwarto ko dahil dun ko gustong kumain eh. Pero napahinto ako ng bibit-bitib ko na ito ng makita kong nakatayo si Jacinto sa pintuan at nakatitig sakin.
"Good morning, nagluto lang ako ng breakfast ko." Nakayuko kong sabi dito, at saka na ito nilagpasan pero nagsalita ito ng hindi naman inaasahan.
"Nasaan na breakfast ko? Sarili mo lang ba ang nilutuan mo at hindi mo naisip na may asawa ka ha? Malamig nitong tanong sa akin na ikinalingon ko naman dito. Binababa ko ang dalawang plato na may laman na niluto ko na pancake, paborito ko ito kaya naman dinamihan ko ang luto para sana hanggang tanghalian ko na rin. Kumuha ako ng isa pang plato para bigyan ito. Naupo ito sa malapit sakin para kumain ng binigay ko pancake dito. Tatalikod na sana ako ng pigilan ako nito sa aking braso.
"Saan ka pupunta?" Tanong na nito na hindi man lang ako tinitignan. Inalis ko ang kamay nito bago nagsalita dito.
"Sa kuwarto na lang ako kakain." Mahina kong sagot dito at saka hinayaan ko na lang muna itong kumain.
"Dito ang dining area kaya dapat lang na dito ka rin kakain, maliwanag ba?" Napatingin na ito sakin, at ng dahil sa mga titig nito ay bumilis ang kabog ng dib-dib ko. Hindi ko na maintindhan takot pa ba ang nararamdaman ko o kilig na alam kong hindi naman maaari. Dahan-dahan akong naupo ng ito naman ang tumayo dahil sa tawag na natanggap nito mula sa telepono.
"I'm on my way," Sagot nito sa kausap at mabilis na nakalabas ng kusina. Napapailing ako na tumayo at inisip na lang na walang nangyari. Liligpitin ko na saan ito ng biglang sulpot naman ni Raymond ang bestfreind ni Jacinto. Nakilala ko ito ng sa party ng kasal namin.
"Yun,,,ohhhh mukhang masarap ang pancake.... Thank you hindi pa kasi ako nag-aalmusal." Sabi nito na nakapagpatulala sakin, grabe din ang timing ng isang ito. Nawalan naman ako ng gana dahil sa mga taong mapanira ng araw ko.