Chapter Twelve -Raymond- Nagpipigil ako ngayon ng galit ng mabasa ko ang lahat ng tungkol sa tunay na pagkatao ni Marta o Marisol o mas dapat kong sabihin Arriya Lacsamana, siya ang nawawalang anak ni Tito Art Lacsamana na halos labing limang taon ng hinahanap ng mga ito. Halos ikabaliw ni Tita Arrianna ang pagkawala ng kanilang anak na babae at dahil don ay nakipaghiwalay si Tita kay Tito Art dahil na rin sa stress ni Tita. Sila Daddy at Tito Jaime naman ay nagtulong para mahanap noon si Arriya subalit kahit anong gawin ila ay hindi nahanap ang anak nila Tito Art, ganon pa man ay hindi sumuko si Tita Arriana naisiping wala na talaga si Arriya dahil bilang ina ay alam nitong buhay pa ang kanyang anak kaya nagpatuloy pa rin sa paghahanap ang mga ito. Noong panahon na yon ay wala kaming al

