Chapter Ten -Jacinto- Andito ako ngayon sa loob ng condo ko, dahil dito muna ako nag stay para na rin maka-iwas kay Erica at nakakaasar na rin ang babaeng yon, sa loob ng halos pitong taon kong kasama ito ay umamasta na ito na akala mo ay tunay kong asawa. Halos lahat ng employee ko dito sa sarili kong company ay kilala ito bilang asawa ko, na hindi ko naman nagugustuhan ang pag-asta nito, gusto ko na nga itong saktan dahil sa pagpapakalat nito ng mali at hindi ko na rin kayang isipin na ito ang makakasama ko panghabang-buhay. Napapailing akong isipin na sa halos pitong taon na rin ang nagdaan subalit hindi ko nahanap ang aking tunay na asawa. “Yes! asawa ko pa rin siya hanggang ngayon dahil ang plano kong makipag annulment dito ay hindi ko tinuloy, dahil sa alam kong minahal ko rin i

