Chapter Twenty- eight -Third Person- Ang aming buong pamilya ay matapat na tauhan ng mga De Lana, mula pa sa aking Lolo at Lola na parehong mga secret agent ng kanilang angkan at ang mga magulang ko na nagbuwis rin ng buhay para lang mapanatili ang kanilang kaligtasan. Hindi biro kung magiging isa kang tauhan ng kilalang angkan dahil ang isang paa mo ay nasa hukay na, at kahit pa sabihing matagal ka na nilang tauhan ay hindi madali makuha ang kanilang tiwala dahil alam nilang ano mang oras ay kaya rin silang traydorin ng kanilang mga tauhan. Subalit ganon pa man ay tinuring pa rin nilang mga tao ang kanilang tauahn at hindi basta hayop na pwdeng utusan. Habang lumaki ako ay nakikita ko kung paano kumilos at manindigan ang mga ito, wala sialng sinasanto lalo na kung nasasaktan na ang kani

