CHAPTER 5
WHAT the f**k?
Ilang beses akong napamura ng mismong pagdating ko sa eskwelahan ay nagtawag ng humanay ang battalion commander namin. Isang beses akong natapilok ng masagsag ko ang isang malaking bato ng combat boots ko dahil sa pagmamadali. Ngayon ang araw ng Alumni Homecoming dito sa school namin kaya lahat kaming mga officers ay busy lalo na at may gaganaping parada.
My own moves are very proportion since I’m wearing a BDA. It’s a battle dress attire like an army’s uniform in the Philippines. Pinatahi pa ito ni Tiyang sa siyudad para masunod ang apilyido kong ilalagay sa nameplates.
“All officers! Humanay!” Ikalawang beses na iyon kaya ng makaabot ako sa linya ko ay mabilis akong huminga ng malalim.
“Isa!”
“Dalawa!”
“Tatlo!”
Leon, our battalion commander, smirked when his eyes diverted on me. Baka pag-initan na naman ako nito mamaya. He’s really persistent to make me suffer before he turns over his title on me. Obviously, he’s a hot chick magnet. Intelligent? Yes. Malaki ang pangangatawan at malinis kung manamit. Most girls in our campus likes him so much especially Lorna, our cadet major.
“Tunton kanan, Na!” Leon shouted again when he saw that we are now complete.
We immediately perform his order and proceeded in adjusting our each other distances. Ala sais ng umaga ay pawis na pawis na ako pati na ang mga kasama ko. Hindi naman kasi kalamigan ang klima dito kaya hindi na kataka taka na ang mga mukha namin ay nagiging letchon na kung masisinagan ng araw.
“Velasco!” Napapikit ako ng tinawag ako ni Leon.
“Sir, yes, sir!” I saluted.
His dark stares linger on me. “Come here! You stay on my back!”
Sumipol ang mga senior officers namin na nasa pinakaharap na hanay. Habang ang mga co-trainees ko naman ay may mga sinusupil na ngiti sa mga labi.
“Smooth moves, commander.” Natatawang saad ni Limo, our cadet lieutenant colonel. He’s in second command from Leon’s rank. “Selos na naman si Lorna niyan!”
“Gandang babae talaga ni Velasco.”
Mabilis akong tumakbo sa likod niya. Nang nilingon ko ang lahat ay halos mapatanga ako. They looked like they were teasing us. Naguguluhan akong tumayo ng maayos habang kita ko ang bawat ngising nakaplaster sa mukha ng mga senior officers naming lalaki.
“Tahimik!” Leon shouted again and everyone went into silence.
Nalukot ang mukha ko ng pinukol ako ni Lorna ng masamang tingin. She’s jealous, I can see that. But I’m just following orders, duh!
Nilingon ko ang gate at nakita kong nagsimula nang magsidatingan ang mga alumni. I even saw Greg came with his Jeep yellow wrangler. Napaawang ang labi ko.
Kasama niyang lumabas si Susana sa front seat. Jealousy immediately coated my heart. Ngumuso ako ng maramdamang naiinis na naman ako.
I have to be matured. Pilit kong paalala sa sarili.
Kung parati akong magseselos ay baka magsawa sa akin si Greg. I don’t want to be clingy to him, he might lose his interest. At tsaka, baka lang pinasakay niya si Susana dahil naawa siya.
On the other hand, Leon continues discussing the drill. Mabuti na lang at marunong mag-multitasking itong tenga at mata ko.
“Sir Marco informed me earlier that we will not be needed in the parade. As long as the DLC are there, pwede namang hindi tayo sumama. We have to set the stage first. Hindi pa handa ang mga upuan para sa mga guest. Mayor Ambrose will be here too, so we will still perform the welcome rites for her as ordered from our principal.” Leon announced.
Tumango ang lahat sa sinabi niya. Nilingon niya ako kaya napatuwid ako ng tayo.
“You will be leading your co-trainees in cleaning the grounds, understand?”
Tumango ako bago nag-salute sa kanya.
“Dismissed.” Nagsipulasan kaagad ang mga nasa hanay pagkatapos banggitin iyon ni Leon.
Pero ng akmang aalis na ako ay hinigit niya ang kamay ko.
“S—sir?” Nabigla ako kaya ako nautal.
Leon smirked. Kung hindi ko lang senior officer ito ay bibigyan ko talaga ito ng uppercut.
May ibinigay siya sa aking ilang piraso ng bond paper, isang permanent marker at isang kahon na puno ng thumbtacks.
“You’ll mark each cottage with their year batch on the list.” Ipinakita niya sa akin ang mga year ng bawat batches sa alumni. “Nang sa gayon ay matutonton ng bawat alumni kung saan sila mauupo mamaya.” Utos niya sa akin.
“Yes, Sir.”
Pinakawalan niya na ako pagkatapos niya akong titigan ng ilang minuto.
He’s so odd today.
Ipinilig ko ang ulo ko at mabilis na inutos sa mga co-trainees ko ang paglilinis.
“Jomar! Rica! Marvin! ” Tawag ko sa kanila. “Doon kayo sa tapat ng stage magwalis.” Tumango naman sila sa akin at mabilis na tumakbo.
We are in a hurry dahil kahapon ay iba rin ang ginawa namin. Ang iba ay sa mini-forest ng school ko pinalinis habang ang natitira ay pinawalis ko sa buong ground.
“Jackson!” Tawag ko sa nakasalamin kong co-trainee na may bitbit na walis tingting at dust pan. “Ibigay mo kay Kenneth iyang walis mo. Dito ka muna at tulungan mo akong maglagay ng mga sign dito.”
Kaagad niya akong sinunod. Ibinigay ko naman sa kanya ang bond paper habang tininitingnan ko ang bawat cottage. Our principal implemented these cottages a year ago. Nakatayo ito sa harap ng bawat classroom ng school. Sa tuwing recess ay dito nagtatambay ang bawat estudyante.
Ang cottage ng section ko ay malayo pa mula dito. At dahil walang pasok ngayon, gagamitin ang cottages na mga ito para sa bawat batch ng mga mag-aalumni.
Mabilis akong nagsulat ng mga year at si Jackson naman ang nagdidikit sa haligi ng cottages sa bond paper na may sulat ko na.
“Ang ganda naman ng sulat-kamay mo, Velasco.” Jackson said.
Natawa ako sa sinabi niya. “It was just numbers that I wrote, Jackson. Huwag mo ako masiyadong bilogin dahil baka maniwala ako sa iyo.”
Mabuti na lang talaga at mabait itong si Jackson kaya hindi ako naiilang na makasama siya. At higit sa lahat, hindi ako pinagtsitsimisan ng mga babaeng senior officers kapag siya ang kasama ko.
Mga inggitirang frog kasi. Mamatay sila sa inggit!
Parami nang parami na rin ang dumarating na mga tao. I can’t help to smile when I saw the different colors of the T-shirt of the alumni. There are red, black, cyan, and many more. Iba’t iba rin ang design pero ang mas nakakahigit ay ang batch nila Greg. They are all wearing a yellow stripe with navy blue color polo shirt. Mga yamanin din ang mga ka-batch niya. Pawang nanggaling sa mga may kayang pamilya.
Maganda din ang disenyo ng float nila. I’m pretty sure that they will win many awards today. But when I remembered that it was all Susana’s idea, I then reprimanded myself to continue my task.
“Hi! Can I sit here?” Napa-angat ang tingin namin ni Jackson sa nagsalita.
Si Susana.
She’s pretty with her mini skirt and brown boots. Morena siya kaya mas lalong nabigyang ganda ang kutis niya. She also has a nice body shape but she’s wearing too much make up. Animo sasali sa isang beuty pageant.
Bitter lang, Mhel?
I smiled at her immediately and nodded.
“Okay lang po, Ma’am.” Si Jackson ang nagsalita.
Susana smiled awkwardly. “Matagal pa kasi mag-istart ang parade.” Then she looks at her wristwatch to see the time. “It’s almost nearly seven.”
“Kayo po ba ang pambato sa batch niyo sa gaganaping mini-pageant mamaya?” Tanong ni Jackson.
What? May ganon sa program? Why the heck didn’t I know this?
Oh damn! Hindi ko nga pala binasa ang program na ibinigay sa amin ni Leon kahapon dahil naiwan ko ito sa bahay.
Tumango si Susana. Pagkatapos ay nilingon niya ako. I didn’t bother looking at her. Pinagpatuloy ko lang ang pagsusulat ko. Kaya nang tawagin si Jackson ng isang guro para siguro magpatulong ay wala na akong nagawa kundi ang mapag-isa kasama si Susana. Total ay isang cottage na lang na kasunod nito ang lalagyan ko na lang.
I smiled at her.
“Uhm, kababata pala kayo ni Greg, Mhelanie?” Mahinhin niyang tanong sa akin.
“Opo, Ma’am.” Sagot ko.
Tumatango tango siya habang ako ay idinikit ang papel. Nahulog pa ang thumbstack kaya medyo natagalan ako.
“Is Greg courting you?” Nagulat ako sa tanong niya.
Hindi siya nakatingin sa akin dahil nasa kay Greg ang atensiyon niya. Nilingon ko naman kung nasaan si Greg at nakita kong may kausap siyang mga ka-batch niyang lalaki sa loob ng green house.
“No.” I answered Susana then looked at her.
Bumalik ang tingin niya sa akin sa sagot ko. Well, it’s really true. Greg was not yet courting me. He would wait till I’m at my right age to be courted. Pero come to think about it, pwede naman ako magpaligaw hanggang sa mag-eighteen ako. Why didn’t I suggest that to Greg?
“Good for the both of you then.” Napawi ang ngiti niya at naging serysoso.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Bata ka pa para sa kanya, Mhel. Besides, you are still young while Greg is, as you can see, a matured man…” Nahihirapan niyang saad sa akin.
She likes my Greg. She likes him! How dare her insult my feelings for Greg just because I’m young?!
Hindi ako nagsalita. Tinitigan ko lang siya. Kung magpapadala ako sa galit ko ngayon ay baka makalmot ko siya. She’s a teacher and God knows how much I respect my teachers.
“You have your whole life ahead of you. Greg is an honorable man. Kung… kung ipipilit niyo ang isa’t isa ay baka masira mo siya. Young teens like you are so impulsive.” Tumaas ang kamay niya. “I don’t mean to offend you, ha? But that was a common denominator behavior I’ve always see when a man like Greg takes a relationship with a girl that was so young for him.”
Like me?
Gusto ko siyang tawanan pero ayaw ko siyang insultuhin. She’s right. Hindi magandang tignan kong makikipagrelasiyon ako kay Greg sa napakabata kong edad na ito kaya nga nag-iingat ako sa mga sagot ko sa tuwing tinatanong ako ng mga ka-batch niya.
“Do you like Greg, Ma’am?” Tanong ko.
Namilog ang mata niya sa tanong ko. She’s so obvious! Ilan na bang babae dito sa campus ang sinugod ako dahil lang sa nakipaghiwalay ang mga boyfriend nila sa kanila dahil sa akin?
Damn them! Kasalanan ko ba kung hindi loyal sa kanila ang mga boyfriend nila? Besides, I’m not flirting with them. Kaya bakit ako ang parating pinagbubuntunan ng galit! It’s just too simple to see. Nakakapanakit na sila ng ibang tao at pinagpipilitan pa rin ang relasiyon kahit naman nakikitang tumitiwalag na ang isa.
If the guy is not loyal enough with you, then f*****g kick his ball! Hindi iyong sisihin pa ang ibang babae dahil lang sa nag-break kayo. Mabuti sana kung iyong babaeng sangkot ay nilalandi din pabalik iyong boyfriend, eh kung hindi?
Susana is making a point but saying that I will drag down Greg is below the belt.
“Do you like him, Ma’am?” Ulit kong tanong sa kanya.
She sighed. “Y—yes.”
Respect, Mhel… I reminded myself.
“Then it’s his choice, Ma’am. As you said, Greg is an honorable man. Sabay na kaming lumaki. I knew him better than anyone else. If our choices cross to find each other again until I’m fully tuned, nothing can stop me then. I’m maybe young but I know my capacity and strength. If I say it’s too much, it’s too much. Alam ko namang kong saan ko ilulugar ang sarili ko.” Sinagot ko siya sa mga sinabi niya sa akin kanina.
She seems very stricken at my response. Tumikhim siya at namula ang pisngi.
“I hope you don’t see me as a desperate woman, Mhelanie.”
Too late, I already did.
“I’m just saying my opinion because as I can see, Greg was too fond of you.” Patuloy niya.
“At natatakot ka?”
Napamulagat siya sa tanong ko.
“Sa ginagawa mo ngayon, Ma’am, alam mo bang pinapangunahan mo ang desisiyon ni Greg? Why? Is he courting you?”
Mas lalo siyang namula sa tanong ko. Ngayong lang ata ito nabendisyunan ng mga maaanghang na tanong, eh. She’s a teacher. She’s supposed to support good counseling. Pero sa nakikita ko ngayon ay binabakuran niya si Greg.
“If you are that really worried about Greg’s future, you should try to talk to him. Kung gusto mo ay ako rin ay kakausapin siya.”
Namilog ang mata niya. “No!” See? Her scared reaction says it all!
“Then I supposed this conversation is now close. Have a great day, Ma’am. Goodluck with the pageant later.” Tinalikuran ko na siya pagkatapos.
Busangot ang mukha ko habang naglalakad sa last na cottage na paglalagyan ko. The last cottage was near the green house where Greg and his batch mates dwelt. Maingay na ang greenhouse dahil nakikita kong nagpapractice na sila ng kanilang cheer para mamaya.
Hinanap ko si Greg sa kumpulan nila. Nakita ko siyang nakasandig sa wrangler niya, nakapamulsa habang nakatitig sa akin.
I rolled my eyes at him.
Greg smirked. I’m pretty sure he knows what happened. Kita ang cottage na kinaroroonan namin ni Susana dito. At kung kanina pa siya nakatingin ay alam na niya ang nangyari kahit hindi niya naririnig ang mga sinasabi namin.
Sinipat ko ang oras sa cellphone ko at nakita kung malapit nang mag-start ang parade. I saw Greg walked towards my direction. Agaw pansin ang kakisigan niya kaya halos lahat ng mga nilalampasan niya ay nakatingin sa kanya.
Dagdagan pang ang seryoso nang mukha niya. Masasabi mo na talagang ‘finish na’, Wala nang kokontra.
Umiling ako at pumasok sa cottage bago nagsulat sa malaking mesa. Kung minamalas ka nga naman. Para sa batch nila itong cottage na ito.
When I smell a familiar scent, I already know that he’s here.
“What's with the long face, sweetheart?” He whispered when he gets me.
His arms immediately snake through my waist. Mabuti na lang talaga at hindi kami halos nakikita dito sa loob.
“Umusog ka nga! Ididikit ko pa itong papel.” I pushed him.
Greg chuckled. Like the usual, ang lalim talaga ng boses niya. He sits down in the table while I’m in front of him standing like a grade six pupil. Ang taas niya kasi.
“Anong pinag-usapan niyo kanina ni Susana?” Tanong niya.
I sighed. “Nothing…” Mahina kong bulong.
“Nothing means everything, Mhelanie. Huwag matigas ang ulo. Spill it out already.” Malalim ang boses niyang sabi.
His eyes linger on my face.
“Nothing, Greg. Please, don’t make me.” As much as I wanted to, I still respect Susana.
Ayaw kong lumabas na masama siya sa paningin ni Greg. After all, she’s right. Bata pa ako at baka ang nararamdaman ko para kay Greg ay biglang maglaho. Baka masaktan ko lang siya dahil sa pabago bago ng desisiyon ko.
He stared at me for a long time before he nodded.
Akmang aalis ako para idikit ang papel pero hindi niya ako hinayaan.
“Ako na. Hindi mo iyan maabot. You are too tiny for this height.” Greg said.
Nilingon ko siya. Akala ko ay nag-jojoke lang siya pero kita ko ang kaseryosohan ng boses at mukha niya.
Hinampas ko siya sa likod pero hindi man lang siya natinag.
“Greg!” I stomped my foot. He’s teasing me again.
He smirked. “Bata.”
Umawang ang labi ko hanggang sa idinikit niya ang papel sa haligi ng cottage.
“Go now, Mhelanie. Malapit ng magtawag ng humanay ang BC ninyo.” He whispered before he turned his back on me.
I glared at his back.
Naiinis akong bumalik sa gitna ng ground kung saan kami magtitipong mga officers at trainees. My co-trainees and I are done with our task anyway. Hindi ko na nilingon pa si Greg dahil naiinis ako.
Ang inhenyerong iyon!
My phone then beeped. Kaagad kong kinuha ito sa side pocket ng aking camouflage lower uniform. Ang busangot kong mukha ay agad napalitan ng pamumula. Gusto kong sumigaw sa kilig at pagkakataranta.
Damn it!
Nag-iinit ang pisngi ko at kahit pinapaypayan ko na ang mukha ko ay hindi ko pa rin matigilan ang pamimintig ng labis ng puso ko.
“Hala ka! Ba’t namumula ang pisngi mo, Velasco?” Someone asked me.
Hindi ako lumingon sa kanila dahil palakas ng palakas ang t***k ng puso ko.
Nilingon ko ang direksiyon ni Greg at nakita ko siyang nakatingin sa akin habang hawak ang cellphone niya. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi bago ngumiti ng marahan. His lips curve into a sexy smile then.
Greg is flirting with me.