CHAPTER 1
“MHELANIE!!!!!”
Patay!
Napakamot ako sa sariling buhok nang marinig ko ang sigaw ni Tiyang Grace. Inaayos ko ang higaan ko at mabilis na tumayo sa pagkakahiga.
“MHELANIE!” Tawag niya ulit sa akin.
Mabilis kong kinuha ang pantulog kong tsinelas at mabilis na binato ang alarm clock ko na nasa lamesang katabi lang ng kama ko. Lumikha ito ng malakas na ingay nang tumama sa konkretong sahig namin.
“Walang silbi ka talaga, Doraemon! Ang sabi ko sa iyo ay gisingin mo ako, diba? Pinasuyo pa naman kita kay Aling Marta sa kabilang bayan tapos hindi rin naman pala kita magagamit?!” Litanya ko sa kawawang alarm clock na ngayon ay nakalugmok sa sahig.
“Ilang ulit mo akong bibiguin, ha? I really hate you!” Madrama kong saad. “Kasalanan mo to kapag hindi ako naka-graduate ng highschool! Saang factory ka ba idenilehinsiya at ang tamad tamad mo din?!”
Nang bumukas ang pinto ng kwarto ko ay agad kong inayos ang kama ko. Nakita ko kaagad ang tiyahin kong parang torong umuusok pa ang ilong na nakatingin sa akin.
“Ano na, Mhel? Walang planong grumaduate? Pinakyaw mo na ata ang perfect attendance sa pagiging late mo sa klase niyo lage, ah?” Madiin niyang sabi sa akin.
Tapos ay nalipat ang paningin niya sa alarm clock kung binato kanina.
Tumaas ang kilay niya. “And what did you do with your alarm clock again?”
Matamis lang akong ngumiti sa kanya. Tapos nagkamot ako ng batok para pagtakpan ang kapalpakang ginawa ko.
“Tiyang, lumindol kasi kanina kaya po nahulog ang alarm clock ko. Hindi niyo po ba napansin?” Parang baliw kong saad sa kanya.
Nagtataka siyang umiling sa akin. “Talaga?” Tila naniniwala niyang saad. She has a trauma when it comes to earthquake. Alam kong masamang magsinungaling pero sa ugali ng Tiyang ay kabisado ko na ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya ang ginawa ko.
Lihim akong napangisi sa utak ko. “Oo, Tiyang. Baka naglalakad po kayo kanina kaya hindi niyo napansin.”
She made a sign of a cross. I felt the guilt rush right through me when she did that.
She then looked at me.
“Hinanda ko na ang almusal mo. Maligo ka na at magbihis. Pupunta ako ng bayan ngayon, ako nalang ang maghahatid sa iyo sa school ninyo.” Aniya.
“Thanks, Tiyang. You’re the best!” Masigla kong saad at hinalikan siya sa pisngi bago nagmamadaling kumuha ng tuwalya at pumunta ng banyo.
Umikot lang ang mata niya sa akin at nanatawang iniwan ako sa kwarto.
Nagmadali akong naligo dahil halos mag-aalas otso na. Ang biyahe pa naman patungong eskwelahan ay sampung minuto kaya paniguradong late na naman ako. Ayaw ko nang mag-community service. Namumuti na ang buhok ni Tiyang sa kakasermon sa akin. Halos hindi ko na malagyan ng shampoo ang buhok ko sa pagmamadali dahil muli’t muli ay sisigaw na naman si Tiyang.
“Mhel?” Tawag niya sa akin nang makababa ako.
Nagsusuklay ako habang inipit ko sa aking mga braso ang aking mga sapatos at sukbit ko naman sa kaliwang balikat ang aking bag na puno ng libro.
“Ano po, Tiyang?”
Inilahad niya sa akin ang isang tasang puno ng gatas.
“Alam mo bang may bagong lilipat dito sa purok natin?”
Tumaas ang kilay ko. “Saan, Tiyang?”
Itinuro niya ang mansiyong katapat namin na napapaligiran ng malalaking pader. Marahing talahib na ang tumutubo dahil wala nang tumitira doon simula pa noong grade six na ako. Matayog pa naman ito. At ito lang ata ang mansiyon sa barangay namin kaya kapansin-pansin dahil halos hindi naman mayayaman ang mga nakatira dito para magkaroon ng ganiyang tirahan. The mansion looks ancient and still in one piece. Iyon nga lang parang haunted mansion dahil patay na ang kulay nito dahil sa pagkawala ng pintura.
Umungot ako ng makita ang manga sa gilid ng mansiyon. “Paano na iyan, Tiyang? Paborito ko ang punong 'yon! Kukuha pa ako ng manga.”
Hitik kasing mamunga ang punong manga na 'yon kaya palagi akong umaakyat doon at nangunguha tuwing hapon kada-uwi galing eskwela. Wala naman kaso sa ibang nakakakita sa akin dahil nanghihingi naman sila lalo na at ang iba ay buntis pa.
“Magtigil ka, Mhelanie. Ilang ulit na kitang binalaan na huwag aakyat doon! Papaano kung mamaligno ka?”
I rolled my eyes mentally. Tiyang and her old superstitious beliefs!
“Pero ang usapan usapan ng mga kapit-bahay natin ay bukas pa naman daw lilipat ang mga titira diyan kaya kung may plano kang manguha mamaya, humingi ka muna ng dasal. Maliwanag?” She continued.
Mabilis akong tumango kay Tiyang.
Habang sakay sa owner na minana pa ata ni Tiyang sa kanyang ama ay hindi ko maiwasang punain ang mga nagsasayawang malusog na palayan sa isang malaking rice field na nadadaanan namin. Buwan ng Septyembre ngayon at dalawang buwan makalipas ngayon ay aanihin na ito. The dried season crops were harvested last June and now that it’s wet season crop, it will be on November.
Barangay Cantugas is my homeland. Isang maliit na komunidad na kung saan ay napapalibutan kami ng bundok at mga gubat. Sagana sa yamang kultura, lupa at tubig. Living in this countryside area was the very best feeling for me. Araw-araw ay sinasalubong ka ng masaganang simoy ng hangin at masaganang tanawin.
I’ve always love green. I love nature. Kaya hindi ko ata mawaring na ipapaaral ako ni Tiyang sa Surigao. I hate city life. Hindi naman ako matatawag na ignorante dahil may bahay naman kami doon pero ayaw ko lang kasi dahil naiingayan ako. Mas gusto ko pa atang dito manirahan kasama ang Tiyang at tumulong sa pagpapalago ng taniman namin ng mga mani.
“Kunin mo sa likod ang malaking supot diyan.” Utos sa akin ni Tiyang habang itinatabi niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Mabilis ko siyang sinunod. Wala pa kami sa eskwelahan, huminto muna kami dito sa tribo. May mga katutubo kasing naninirahan dito sa lugar namin. They are part of our community since the birth of this barangay.
“Mabilis lang tayo dito dahil malapit ng mag-aalas otso.” Ani ni Tiyang habang dinudumog na kami ng mga batang Mamanwa.
I looked around and smile at them.
Mamanwa tribe has a large population which the same with ours. Pinagkaiba lang ay hindi sila doon mismo sa sentro ng barangay nakatira. The government has set them a separate land so that their culture will not be influenced from us. They were preserved and been taking care off since then. They have belief that it is the birthplace of their ancestors.
“Tinapay!” Sabay nilang sigaw ng makita ang dala naming supot.
Agad akong lumuhod at nagsimulang mamigay. May iba pang nag-uunahan kaya tumayo ako at ipinaayos ang pila nila na agad naman nilang sinunod.
“Salamat, Ate Mhel.”
Napangiti ako ulit habang tinatanaw si Tiyang na kausap ang Datu. Siya ang pinuno dito at ang tinitingalang hari ng mga katutubo.
Pareho naman namin silang manamit pero iba talaga ang paraan ng pamumuhay nila. They had schools here too, an elementary school.
Lumapit si Tiyang sa akin nang matapos siyang makipag-usap sa Datu. Inaya na niya akong sa sasakyan nang matapos na din akong namigay.
“Anong sabi ng Datu, Tiyang?”
She adjusted her glasses. “Marami ng nakawan ang nangyayari sa mga karatig taniman natin doon sa bukid. Ang mga pinagbibintangan ng mga taga-baryo ay ang mga taga-tribo. The Datu said that it was true. Kaya lalong humigpit ang pagpapatupad niya ng batas at parusa dito.”
Kaya pala halos ng mga taga-baryo ay nagpapakural na nang kanilang taniman.
“Bakit naman nila gagawin iyon, Tiyang?”
She sighed. “Ang baha noong nakaraang linggo ay sumira sa lahat ng pananim nila. Walang natira kahit ang ibibinhi kaya siguro naisipang magnakaw.”
Hindi na ako nagsalita pa. Kahit dito sa bukid ay pahirapan din ang buhay pero mas mabuti na dito keysa sa siyudad. Kung wala kang pera, madadaan mo lang sa gulay o mga prutas ang gutom mo.
“Late ka na naman, Velasco!” Natatawang bati ni Mang Erne sa akin, ang guard ng Matin-ao National High School, ang paaralan ko. “Ano ka ba namang bata ka! Ang hilig mo talagang magbigay ng pasakit sa ulo. Buti naman at mataas ang pasensiya ni Grace sa'yo.”
Napakamot ako sa ulo ko.
“Sorry na po. Sinamahan ko lang kasi ang Tiyang.”
Tumango siya at binuksan ang gate. Kaagad kong tinungo ang record book para sa mga late na tulad ko.
“Huwag ka nang mag-logbook. May meeting ang buong faculty ngayon at pati ang mga school prefect ay inimbitahan din.”
Ngumisihi ako. “So, pwede na po umuwi?”
May katandaan na rin kasi si Mang Erni. Tuwing tatawa siya ay wala na siyang mata. He looks like an old Chinese man.
“Hindi. Kaya hala! Punta doon sa classroom mo.” Utos niya sa akin habang natatawa.
Napasimangot ako at walang nagawa kundi ang pumasok. Gusto ko sanang umuwi dahil mangunguha ako ng manga. I’ve been craving for that fruit lately.
Tahimik ang buong school dahil halos lahat ng mag-aaral ay nasa classroom lang.
I’m still in my third year. Isang taon pa bago ako maka-graduate ng high school.
“Mhelanie!” Tawag sa akin ng ilang seniors nang nadaanan ko ang classroom nila. May ilan pang sumisipol.
Ngumisi lang ako sa kanila. Karamihan sa kanila ay mga manliligaw ko. Natatawa na lamang ako. I have no intention in entering a relationship yet, kaya lahat nang nagtatangka ay tinatanggihan ko.
“Yow, Mhel! Pahingi naman ng number mo?” Nakangising sabi ni Reymond na ngayon ay nasa hamba ng pinto ng classroom nila.
Nagtawanan ang mga kaklase niya sa narinig. Nang lingunin ko ang ilang seniors na babae ay matatalim na ang tingin nito sa akin. Insecure ang mga bruha, duh!
“Hindi naman siya gaanong maganda.” Rinig kong bulungan nila.
“Kaya nga! Mas maganda pa nga si Ella sa kanya.” Segunda pa ng isa.
I smirked. Ella is the band majorette of our school. Maganda, makinis, at sikat sa school. Iyon lang ang alam ko sa kanya. Hindi naman ako tsismosa katulad ng mga babaeng ito.
I looked at Reymond again. He is handsome, alright. Teacher ang mama niya dito kaya siguro masiyadong lumaki ang ulo.
“Sige.” Matabang kong sagot.
“Oh my! Hindi man lang nagpakipot!” Bulungan na naman nila.
Ngumisi si Reymond sa akin. “Talaga?” Then he gives me a boyish smile, galawang fuckboy.
Humiyaw ang buong classroom nila.
“Ang daya mo, Mhel! Noong ako ang nanghingi ng number mo, hindi mo naman ako binigyan!” Sigaw ni Rico sa loob. Dati ko siyang manliligaw na pinahinto ko.
"Ang daya..."
Natawa ako.
Nilingon ko si Reymond. “Give me your phone.” Kaagad siyang naglahad ng mamahaling cellphone niya sa akin.
What a show off!
Pagkatapos kung ibigay ay naghiyawan ulit sila ng barkada niya. Akala siguro niya ay nakaisa siya. Kung alam lang niya na ang ibinigay kong number ay kay Tiyang.
Umabot ang hapon ay sinundo ako ni Tiyang. Nakita ko pa si Reymond sa tapat ng gate. Salubong ang kilay habang tinitingnan ang kanyang cellphone. Mas lalo akong natawa. Baka nalaman na niyang hindi ko talaga number iyong ibinigay ko.
Swerte naman niya! He’s not even my type! Masiyadong mayabang akala mo kagwapuhan. Kung hindi lang teacher ang Mama niya ay nunkang makikilala siya. Maraming gwapo sa school kaya madali lang siyang matatabunan.
Nang makauwi kami ay pumunta agad ako sa harap na mansiyon.
“Mhelanie, magbihis ka muna!” Utos sa akin ni Tiyang.
Umiling ako. I’m still wearing my school uniform. Wala akong shorts na suot kaya napakapresko para sa akin ang suot kong saya.
“Hindi na, Tiyang. Wala namang tao dito!” Sigaw ko at pumasok na sa gate ng mansiyon.
I tilted my head when I saw an old ancient like motorcycle. Nagkibit na lang ako ng balikat. Baka may nag-park lang dito sa mansiyon para iwan.
Umangat ang labi ko ng itinangala ko ang aking ulo. I felt so giddy all of a sudden seeing the ripe mangoes.
Mabilis akong umakyat at sinimulang mamitas ng manga.
“Ay!” Tili ko ng halos mahulog ang mangang napitas ko.
Kinuha ko ang supot kong dala at mabilis na pinuno ito. Pero halos mapatampal ako sa sariling noo nang makitang hirap ako sa pagbaba lalo't na ang dami na nang nakuha ko. Dapat pala ay kumuha nalang ako ng panungkit.
I stepped backward but it was too late. Bumigay ang sanga na inapakan ko kaya nabitawan ko ang supot at nalaglag sa lupa.
“Oh no! My mangoes!” Sigaw ko.
Agad akong natahimik nang makarinig ng isang yabag. Nangilabot ako ng maalala ang sinabi ni Tiyang.
I was hanging and I’m about to fall but I still hold on to a branch of the tree while closing my eyes tightly. Pasaway ka talaga, Mhel!
Slowly, I open my eyes when I felt someone was holding my legs.
Napatili ako ng malakas.
I then heard a low baritone chuckle. Pero bago ko pa malingon ang estranghero ay nahulog na ako. I close my eyes tightly when an strong arm catches me.
“Damn! You became heavier than before.” The man muttered.
Kumalabog ang puso ko dahil sa kaba at nerbiyos.
“Nice!” May narinig pa akong isang boses ng lalaki. “Ang galing ng pagkakasalo mo, Kuya! Hablot na hablot!” Tapos humalakhak ito.
When I looked up to the man who catched me, my breath became more uneven.
“G—greg?!” Gulat kong sambit sa pangalan niya.
He smirked at me.
“Hanggang ngayon ba naman magnanakaw ka pa rin ng mangga?”