bc

SIX YEARS THAT NEVER WERE

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
time-travel
drama
tragedy
small town
like
intro-logo
Blurb

BlurbNakakabaliw daw ang pag-ibig. Para kay Lucresia ay totoo iyon. Buong buhay niya ay nakita niya kung paano nabaliw ang kanyang ina sa isang pag-ibig na hindi nagtapos sa happily ever after. Hindi nakatuluyan ng kanyang ina si 'Ren' dahil mas pinili ng mga lola ni Lucresia na ipakasal siya sa iba, sa ama ni Lucresia. Sa buong pagsasama ng magulang niya ay walang matandaan si Lucresia na naging buo sila. Mahal man ng kanyang ama ang kanyang ina, ngunit ang ina ay naging madamot sa pagmamahal na iyon na inilaan lang talaga nito para sa unang lalaking inibig.Pagod na sa gano'n sitwasyon si Lucresia, hindi na niya napigilang isambulat sa magulang ang lahat ng sama ng loob niya na naipon habang lumalaki siya. Lasing at magulo ang isip nang umalis siya sa kanilang tahanan. Nang gabing iyon... isang malagim na trahedya ang nasunog ni Lucresia. Ngunit sa kanyang paggising... bakit nasa taong 1993 siya? Dito ba masasagot kung bakit ang unang pag-ibig ng kanyang ina ay hindi nagtapos sa happily ever after?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue October 18, 2025 “Lasing ka, anak. Tama na iyan,” awat ng aking amang si Anton Alvarado. Hawak ko pa ang bote ng alak nang pumasok ako sa aming sala. Hindi ako nagpapigil kay Daddy. Nang makita ko si Mommy na tahimik na nakaupo sa single couch ay hindi ko na napigilang ibagsak ang bote ng alak. Napaigtad ito sa gulat, ngunit nang tingnan ako ay wala itong kaemo-emosyon. Palagi namang ganoon. Wala siyang pakialam. Manhid ito masyado para makiramdam sa mga tao sa paligid niya. “Anak, stop it!” pakiusap ni Daddy sa akin. “Stop what, Daddy?” napatawa ako nang mapakla. “Stop telling the truth? Stop pretending that everything is okay in this family?” “Lucresia, please. Lasing ka.” “So what?” mariin kong sagot. “Does that make everything I'm saying a lie?” Napatingin ako kay Mommy. Nandoon pa rin siya sa kinauupuan niya, tahimik na nakamasid sa akin na para bang wala siyang kinalaman sa lahat ng ito. Napakuyom ako ng mga kamao. “Look at her, Daddy! Just look at her!” sigaw ko habang nakaturo sa kaniya. “Hindi man lang siya makapagsalita! Hindi man lang niya kayang tanungin kung bakit ganito ang anak niya! Do you even care, Mom? Do you care about anything at all?” “Anak, huwag mong sigawan ang mommy mo.” Lumapit sa akin si Daddy at maingat na hinawakan ang braso ko. “Alam kong may problema ka. Pag-usapan natin ito kapag maayos ka na. Hindi mo kailangang magwala nang ganito.” Napailing ako at mabilis na inalis ang braso ko sa pagkakahawak niya. “Kapag maayos na ako? Kailan ba ako magiging maayos, Daddy? Tell me! Kailan?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang mga salitang matagal kong kinimkim ay sunod-sunod nang kumawala sa bibig ko. “Alam mo ba kung gaano ako kapagod? Simula noong bata ako, ikaw na ang palaging nakikita kong umiintindi sa kaniya. Ikaw ang laging nag-aadjust. Ikaw ang sumusubok na ayusin ang pamilya natin. Ikaw ang gumagawa ng lahat para mapasaya siya. And what do you get in return?” Napahagulgol ako sa gitna ng mapait na tawa. “Nothing! You get absolutely nothing!” “Lucresia...” mahinang tawag ni Daddy. “No, Daddy. Please, let me finish. For once, hayaan mo naman akong sabihin ang lahat.” Nanginginig ang boses ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak o sa bigat ng mga emosyong matagal kong pilit na itinatago. “Bata pa lang ako, alam ko nang hindi ka niya mahal gaya ng pagmamahal mo sa kaniya. Nakikita ko kung paano mo siya alagaan. Kung paano mo siya intindihin kahit wala naman siyang ginagawa para suklian ka. Kahit anong gawin mo, kahit gaano ka kabuti sa kaniya, parang wala lang sa kaniya ang lahat!” “Anak, hindi mo naiintindihan ang relasyon naming mag-asawa.” “Then make me understand!” sigaw ko. “Ipaliwanag mo sa akin kung bakit hanggang ngayon, ikaw pa rin ang naghahabol sa pagmamahal niya! Bakit kailangan mong makuntento sa babaeng hindi man lang kayang ibigay sa iyo ang pagmamahal na deserve mo?” Napatingin ako sa kaniya. Kahit malabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa mga mata ko, malinaw sa akin ang lungkot sa mukha ng aking ama. At iyon ang lalong nagpasakit sa akin. Dahil kahit nasasaktan siya, ipinagtatanggol pa rin niya ang babaeng dahilan ng lahat ng ito. “Hindi ko kailangan na kaawaan mo ako, Lucresia,” mahinahon niyang sagot. “Mahal ko ang mommy mo. Sarili kong desisyon na manatili sa tabi niya.” “Pero paano naman ako?” napahawak ako sa dibdib ko. “Paano naman ako, Daddy? Hindi mo ba naiisip kung ano ang nararamdaman ko habang lumalaki akong nakikita kang nasasaktan? Akala mo ba hindi ko napapansin? Akala mo ba hindi ako nasasaktan para sa iyo?” Wala siyang naisagot agad. At sa katahimikan niyang iyon, lalo akong nanghina. “Alam mo kung ano ang pinakamasakit?” Mahina na ang boses ko ngayon. “Hindi ko naman hinihiling na mahalin niya ako nang sobra. Hindi ko hinihiling na maging perpekto siyang ina. Gusto ko lang maramdaman na mahalaga rin kami sa kaniya. Na kahit minsan, kami naman ang piliin niya.” Napalingon ako kay Mommy. “Pero hindi. Kasi ang nasa isip niya, si Ren lang.” Napakagat ako sa labi habang pilit na pinipigilan ang panibagong pag-agos ng mga luha ko. “Ren dito, Ren doon. Ren ang unang pag-ibig niya. Ren ang lalaking hindi niya nakatuluyan. Ren ang lalaking hanggang ngayon ay hindi niya kayang kalimutan.” Huminga ako nang malalim, ngunit parang may nakadagan sa dibdib ko. “Puro na lang si Ren! Kailan naman kaya kami, Mommy? Kailan mo naman kaya mamahalin si Daddy? Kailan mo naman kaya kami mamahalin nang hindi namin kailangang makipagkompetensiya sa isang lalaking wala naman dito?” Naghintay ako. Hindi ko alam kung ano ang inaasahan kong marinig mula sa kaniya. Siguro kahit isang simpleng pagtanggi. Kahit isang salitang magsasabing mali ako. Kahit isang paliwanag kung bakit ganoon na lamang kahirap para sa kaniya na mahalin ang sarili niyang pamilya. Pero wala. Nananatiling blangko ang mukha niya. Hindi siya nagsalita. Hindi man lang niya ako tinawag sa pangalan ko. Para bang hindi niya narinig ang bawat salitang binitiwan ko. Para bang hindi niya nakita ang anak niyang halos hindi na makahinga sa kaiiyak. “Mommy...” mahina kong tawag. Hindi galit ang laman ng boses ko. Puro sakit na lang. “Wala ka bang sasabihin?” Tahimik pa rin siya. “Please. Kahit ano lang.” Wala. Tuluyan nang tumulo ang mas marami pang luha ko. Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya, pero bigla akong nawalan ng mga salita. Sa loob ng dalawampu't dalawang taon, ilang beses ko nang sinubukang unawain kung bakit ganoon ang mommy ko. Ilang beses ko nang sinubukang kumbinsihin ang sarili kong baka may dahilan kung bakit hindi niya kayang mahalin kami nang buo. Pero nakakapagod palang laging umunawa sa isang taong hindi man lang sumusubok na unawain ka. “Enough, Lucresia.” Muling lumapit sa akin si Daddy. “Lasing ka. Huwag mong bastusin ang mommy mo. Kung may sama ka ng loob, sa akin mo sabihin. Huwag mo siyang saktan sa mga salitang hindi mo naman pinag-iisipan.” Napatawa ako habang pinupunasan ang mga luha ko. “Hindi pinag-iisipan?” ulit ko. “Daddy, I've been thinking about this my entire life!” “Anak, please.” “Hindi ako bulag! Nakikita ko kung paano mo siya mahalin. Nakikita ko kung paano ka niya balewalain. At ang pinakamasakit sa lahat, ikaw mismo, alam mong ganoon siya, pero patuloy mo pa ring ibinibigay ang lahat ng pagmamahal mo sa kaniya.” “Dahil mahal ko siya.” “Then what about us?” halos pabulong kong tanong. Napatitig ako sa kaniya. “What about your daughter, Daddy? Paano naman ako? Kailangan ko bang maghintay habang buhay para lang maramdaman na buo pa rin ang pamilya natin? Kailangan ko bang panoorin kayong dalawa habang ikaw ay nagmamahal at siya ay naghihintay sa isang lalaking hindi naman niya kasama?” Napailing ako. “I don't want this kind of love. Ayokong maging katulad ninyo. Ayokong gugulin ang buong buhay ko sa paghihintay na mahalin ako ng isang taong hindi naman ako kayang piliin.” “Lucresia, hindi mo kailangang intindihin ang mga bagay na hindi mo pa nararanasan.” “Then stop making me live through them!” Natahimik si Daddy. Nakita kong gusto niya akong lapitan, pero hindi ko na hinayaang makalapit pa siya. Dahil sa totoo lang, hindi ko na alam kung paano tatanggapin ang pagmamahal niya nang hindi nasasaktan para sa kaniya. Mahal na mahal ako ni Daddy. Alam ko iyon. Hindi ko kailanman kinuwestiyon ang pagmamahal niya sa akin. Pero kahit gaano niya ako kamahal, hindi niya kayang punan ang puwang na iniwan ng isang inang naroroon nga sa harap ko, pero tila hindi naman talaga naging bahagi ng buhay ko. At pagod na pagod na ako. “I'm done,” bulong ko. Kinuha ko ang bag ko sa sofa at mabilis na naglakad patungo sa pinto. “Lucresia, saan ka pupunta?” tawag ni Daddy. Hindi ako sumagot. “Anak, bumalik ka rito. Hindi ka puwedeng lumabas nang ganitong kalasing!” Patuloy akong naglakad. “Lucresia!” Napahinto ako nang marinig ang boses niya. Sa isang iglap, gusto kong bumalik. Gusto kong yakapin siya at humingi ng tawad sa lahat ng masasakit na salitang binitiwan ko. Pero nang maalala ko ang tahimik na mukha ni Mommy, muling nanumbalik ang galit ko. Hindi ko na kayang manatili sa bahay na iyon. Binuksan ko ang pinto at lumabas. “Anak, please! Huwag kang umalis!” Iyon ang huling narinig kong sigaw ni Daddy bago ko tuluyang isinara ang pinto. -- Malamig ang hangin sa labas, pero hindi nito kayang palamigin ang init ng ulo ko. Sumakay ako sa kotse at mariing isinara ang pinto. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang, ayaw kong bumalik sa bahay na iyon. Pinaandar ko ang makina at nagsimulang magmaneho. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha ni Daddy. Ang lungkot sa mga mata niya. Ang paraan ng pagmamakaawa niyang huwag kong bastusin si Mommy. At ang katahimikan nito. Bakit ba hindi niya kayang magsalita? Bakit ba hindi niya kayang sabihin kay Daddy na mahalaga ito sa kaniya? Bakit ba hindi niya kayang piliin kami kahit minsan? Napahikbi ako habang mahigpit na hinahawakan ang manibela. “I'm so tired,” bulong ko sa sarili ko. Lalong bumigat ang aking mga talukap. Malabo na ang mga ilaw sa kalsada, at tila umiikot ang lahat sa paningin ko. Sinubukan kong ituon ang atensiyon sa daan, pero hindi na maayos na nakakasunod ang aking mga mata sa mga sasakyang dumaraan. Biglang may liwanag na sumilaw sa harapan ko. Napapikit ako. Nang imulat ko ang mga mata ko, isang sasakyan ang mabilis na papalapit mula sa kabilang direksiyon. “s**t!” Mabilis kong inikot ang manibela, ngunit huli na ang lahat. Isang malakas na kalabog ang yumanig sa buong sasakyan. Tumilapon ang katawan ko pasulong, at naramdaman kong tumama ang ulo ko sa kung saan. Nabingi ako sa lakas ng impact. Nabasag ang salamin, at umikot ang mundo sa paligid ko. Hindi ko na alam kung nasaan ako. Ang tanging naririnig ko ay ang mahinang tunog ng busina at ang sarili kong paghinga na unti-unting humihina. Masakit ang buong katawan ko. Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko, pero hindi ko magawa. May mainit na likidong dumadaloy mula sa aking noo, at unti-unting lumalabo ang paningin ko. Daddy... Biglang sumagi sa isip ko ang mukha ng aking ama. I'm sorry. Gusto kong humingi ng tawad. Gusto kong bumalik sa bahay at yakapin siya. Gusto kong sabihin sa kaniya na mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang panoorin siyang masaktan. Pero hindi ko na alam kung paano. At si Mommy... Kahit sa huling sandaling iyon, umaasa pa rin akong baka sakaling tawagin niya ako. Baka sakaling sa pagkakataong ito, hanapin niya ako. Baka sakaling maramdaman niyang may kulang sa buhay niya kapag wala ako. Ngunit walang boses na tumawag sa pangalan ko. Walang kamay na humawak sa akin. Wala akong narinig kung 'di ang sariling paghinga na unti-unting nagiging mahina. Dahan-dahang pumikit ang mga mata ko. At bago tuluyang lamunin ng kadiliman ang aking paningin, isang huling tanong ang namutawi sa isip ko. "Would she even care if I never came home?" -- Akala ko katapusan ko na. Pero hindi pala. Nang imulat ko ang mga mata ko, ang una kong in-expect ay isang puting silid. Ospital. Iyong may nakakasilaw na ilaw sa kisame, amoy ng alcohol, tunog ng mga makinang nakakabit sa katawan ko, at mga doktor na magtatanong kung naririnig ko ba sila. Iyon ang normal na nangyayari sa mga taong naaksidente, right? Pero bakit ganito? Ilang segundo akong nakatitig sa kisame bago ko tuluyang napansin na hindi ito ang kisameng inaasahan kong makita. Sa halip na makinis at puting kisame ng ospital, kahoy ang nasa itaas ko. May mga bahaging kupas na ang pintura at may maliit pang bakas ng tubig sa isang sulok. Napakurap ako. Wait. What? Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at nilibot ng tingin ang paligid. May dalawang bintanang natatakpan ng makakapal na kurtinang may disenyong maliliit na bulaklak. Sa tabi ng mga iyon ay isang lumang aparador na gawa sa kahoy, habang sa kabilang sulok naman ay may maliit na mesang may pitsel ng tubig at basong salamin. May electric fan din sa paanan ng kama. Kulay berde ang katawan nito, pero halatang matagal nang ginagamit dahil kupas na ang pintura. Mabagal pa itong umikot, kasabay ng mahinang ugong ng makina. Napakunot ang noo ko. Anong klaseng ospital ito? Hindi ito mukhang ospital. Kahit sa mga lumang pelikulang napapanood ko, hindi ganito ang itsura ng isang kuwarto sa ospital. Muli kong sinuri ang paligid. Malapad ang kama, gawa sa kahoy ang frame, at makapal ang kutson na natatakpan ng puting kumot na may burdang maliliit na bulaklak. Maging ang punda ng unan ay kapareho ng disenyo ng kurtina. Parang kuwarto ito sa lumang bahay ng kung sinong may edad na. Pero bakit ako narito? Ang huling naaalala ko ay ang malakas na kalabog, ang pagkabasag ng salamin, at ang sakit na naramdaman ko nang tumama ang katawan ko sa kung saan. Naaksidente ako. I was driving when it happened. Naalala ko rin ang mukha ni Daddy bago ako umalis ng bahay. Ang paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko habang pilit niya akong pinipigilang umalis. Napapikit ako. Damn it. Sana hindi ko na lang siya iniwan nang ganoon. Pero teka, bakit wala akong nararamdamang matinding sakit? Hindi ba dapat may mga sugat ako? Hindi ba dapat nakabalot sa benda ang ulo ko o kaya ay may nakakabit na kung anu-ano sa katawan ko? Dahan-dahan kong hinawakan ang noo ko. Wala. Maayos ang balat ko. Wala ring benda sa mga braso ko. Nang tingnan ko ang mga kamay ko, wala akong nakitang anumang sugat. What the hell happened? Sinubukan kong bumangon. Medyo nahilo ako kaya napahawak ako sa gilid ng kama, pero makalipas ang ilang segundo ay naging maayos din ang pakiramdam ko. Saka ko napansin ang suot ko. Isang maluwag na pantulog na kulay krema. Hindi iyon ang damit na suot ko nang maaksidente ako. Napatitig ako sa sarili ko. Someone changed my clothes? Biglang uminit ang mukha ko sa naiisip, pero agad ko ring ipinilig ang ulo ko. Hindi iyon ang dapat kong problemahin ngayon. Mas importante na malaman ko kung nasaan ako at kung sino ang nagdala sa akin dito. Baka may nakakita sa aksidente at dinala ako sa pinakamalapit na bahay. Baka nasa probinsya ako at walang malapit na ospital. Possible naman, right? Kailangan ko lang makahanap ng taong puwede kong tanungin. Tumayo ako at maingat na naglakad patungo sa bintana. Kumapit muna ako sa gilid ng kama dahil medyo nanghihina pa ang mga tuhod ko. Nang mahawi ko ang kurtina, bumungad sa akin ang isang malawak na bakuran. May mga halamang nakatanim sa mga paso at isang lumang bangkong kahoy sa ilalim ng punong mangga. Sa may bakod ay may nakasandal na bisikleta, habang sa kabilang bahay naman ay may isang babaeng nagwawalis sa harapan nito. Sa di-kalayuan, may mga batang nagtatakbuhan habang may hawak na mga plastik na laruan. May maliit ding tindahan sa kabilang kalsada, kung saan nakasabit sa harapan ang mga sachet ng shampoo, kape, at kung anu-ano pang paninda. Simple lang ang paligid. Tahimik. Walang matataas na gusali o ingay ng mga sasakyang nakasanayan kong marinig sa siyudad. Pero may kakaiba sa lahat ng ito. Hindi ko maipaliwanag kung ano, hanggang sa mapansin ko ang isang lalaking nakaupo sa harap ng tindahan. May hawak itong lumang radyo habang may inaayos sa loob nito. Napakunot ang noo ko. Bakit parang ang luma ng lahat? I mean, hindi naman ako maarte. Alam kong may mga lugar na hindi ganoon kabilis umunlad. Pero may kakaiba sa itsura ng paligid. Para bang nanonood ako ng lumang pelikula at bigla na lang akong naisama sa eksena. Napailing ako. Lucresia, get a grip. Baka epekto lang ito ng aksidente. Baka naguguluhan pa ako dahil sa nangyari. Hindi naman imposibleng may mga bagay akong hindi maalala. Huminga ako nang malalim at tumalikod sa bintana. Kailangan kong hanapin ang cellphone ko. Kapag natawagan ko si Daddy, saka ko malalaman kung ano ang nangyari sa akin. Pero nang tingnan ko ang mesang nasa tabi ng aparador, wala akong nakitang bag o cellphone. May isang maliit na suklay, isang bote ng pulbos, at isang lumang salamin lamang. Seriously? Nasaan ang gamit ko? Lumapit ako sa aparador at sinubukang buksan ang isang drawer. May ilang nakatiklop na damit sa loob, puro mga bestida at pantulog na mukhang matagal nang uso. Sa ilalim ng mga iyon ay may maliit na kahon na gawa sa kahoy. Wala pa rin akong makitang kahit anong makatutulong sa akin. Napabuntong-hininga ako at napatingin sa dingding. Doon ko napansin ang isang lumang kalendaryo na nakasabit sa likod ng pinto. At dahil wala na akong ibang mapaglibangan habang iniisip kung paano ako nakarating sa kuwartong ito, lumapit ako para tingnan iyon. May larawan ng isang tanawin sa itaas, at sa ibaba ay nakalimbag ang mga petsa. Una kong napansin ang pangalan ng buwan. February. Pagkatapos ay ang taon. 1993. Natigilan ako. I blinked. Muli akong lumapit sa kalendaryo, halos idikit na ang mukha ko rito. Hindi ako nagkakamali. Napatawa ako nang mahina. Hindi dahil may nakakatawa sa sitwasyon, kung 'di dahil hindi ko alam kung ano ang iba pang puwede kong gawin. “Okay. This is ridiculous.” Ipinilig ko ang ulo ko at muling tiningnan ang kalendaryo. 1993 pa rin. Paano nangyari iyon? Ipinanganak ako noong 2003. Ibig sabihin, sampung taon bago ako isinilang ang petsang nakasulat sa kalendaryo. Hindi ako puwedeng narito. Impossible. Baka naman lumang kalendaryo lang iyon na hindi pa pinapalitan. Oo, iyon ang mas makatwirang paliwanag. Baka hindi lang nila napansing luma na iyon. Pero paano ko ipaliliwanag ang buong bahay? Ang mga kagamitan? Ang paligid na para bang hindi pa umabot sa modernong panahon? Napahawak ako sa sentido ko. Please tell me this is just a dream. Dahil kung hindi, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sitwasyong ito. Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang isang mahabang pasilyo na may sahig na kahoy. Sa dingding ay may ilang lumang litrato ng isang pamilya, lahat ay nakasuot ng simpleng damit at nakangiti sa harap ng kamera. Mula sa ibaba ay may naririnig akong mahinang tunog ng radyo. May nagsasalita tungkol sa balita, kasabay ng kalansing ng mga pinggan at amoy ng bagong saing na kanin. May tao sa bahay. Thank God. Baka may makapagpaliwanag sa akin kung ano ang nangyayari. Baka malaman ko rin kung sino ang nagdala sa akin dito. Maingat akong naglakad patungo sa hagdan. Medyo nanghihina pa rin ang mga tuhod ko, pero mas kaya ko nang kumilos kaysa kanina. Bago pa ako tuluyang makababa, may narinig akong boses ng isang babae mula sa ibaba. “Gising na pala siya.” Napahinto ako. Sumunod na narinig ko ang yabag ng mga paa na papalapit sa hagdan. Hindi ko alam kung sino ang makikita ko. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta sa bahay na ito. Pero isang bagay ang sigurado ko. Akala ko katapusan ko na nang maaksidente ako noong 2025. Pero bakit, sa halip na magising sa ospital, narito ako ngayon sa isang bahay na puno ng lumang kagamitan, habang ang kalendaryo sa kuwarto ay nagsasabing taong 1993? What the hell is happening to me?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yüzbaşının Cerrahı

read
1.8M
bc

The Silver Wolf

read
669.8K
bc

The Billionaire’s Intern

read
1.2M
bc

Chosen, just to be Rejected

read
924.8K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
1.2M
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.3M
bc

Unscentable

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook