Episode 18 Angel Sinalubong ako ni Blake at niyakap ng mahigpit. "Baby ko," hindi niya ako binibitiwan. Sobrang higpit ng yakap niya. Gusto kong suklian ang yakap niya sa akin. Sobrang namiss ko siya. Ilang linggo ko rin siyang hindi nasilayan. "Miss na miss na kita, baby ko. Bumalik na kayo sa 'kin ni Simoun, please," "Blake," pinilit kong alisin ang yakap niya ngunit hindi ko magawa. Hinayaan ko na lang na yakapin niya muna ako. Hindi ko alintana ang ilang tao rito sa restaurant. Ang inaalala ko lang ay kami ni Blake. Kumusta na siya? Bakit parang pumapayat ata siya? Bakit lubog ang mata niya? Lumalaki ang eyebag niya. Hindi ba siya nakakatulog ng ayos? Hindi ba siya nakakakain ng ayos? Bakit pinababayaan niya ang sarili niya? Makalipas ang ilang segundo ay pinaupo na niya ako. "

