Episode 12 Angel Masaya akong gumising. Hindi ko na naabutan si Blake sa kusina. Ano’ng oras na rin kasi. Malamang ay nasa biyahe na niya ‘yun papuntang trabaho niya. Paano kaya kung magtrabaho rin ako? Wala namang magbabantay kay Simoun kapag nagtrabaho ako. Wala ring maghahatid sa kan'ya sa school kapag nagtrabaho na ako. Kaya okay na rin siguro na hindi na muna ako magtrabaho. Binibigyan naman kami nina Mama at Papa ng pang-gastos namin. Naiipon ko na nga ‘yung binibigay nila Mama kasi si Blake ang gumagastos ng lahat dito sa bahay. Ginising ko na si Simoun para kumain ng almusal. Almusal namin na niluto pa ni Blake. "Mama, pwede ba 'kong hindi pumasok ngayon? Ilang lingo pa lang naman po simula noong nagsimula ang pasok" "Bakit naman baby? Yun na nga e simula pa lang ng pagpas

