Chapter 1

1018 Words
CHAPTER 1 SHANE'S POV Nakatanaw ako ngayon sa harap ng mansion kung saan kasalukuyang nakikipaglaro ang aking anak na si Seth kasama ang kanyang ama. Napangiti ako ng malawak. Napakasaya nilang pagmasdang dalawa. Napatawa ako ng mahina nang mapansin ko nanaman na napipikon na ang aking anak sa pang aasar ng kanyang ama. "Papa you're so mean. I said I'm a grown up now! Stop calling me a baby boy!" natawa din si Jethro sa sinabi ni seth. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makitang tinapik tapik ni Jethro sa kan'yang ulo si Seth. Nakasimangot na'man si Seth habang ginagawa ni Jethro 'yon sa kan'ya. I can't agree that he's a grown up now. He's still a 5 year old kid. Pero ayaw na ayaw nya ng bina-baby sya ng kahit sino. Para s'yang adult na kung magsalita. "You're still a baby boy to me." Nakakalokong sabi ni Jethro kay Seth. "Mommy oh!" Iniwas ni Seth 'yung ulo n'ya kay Jethro at saka tumakbo palayo. Sinundan na'man s'ya ni Jethro at naghabulan slang dalawa. Natawa nalang ako sa kanila. I can't explain the overwhelming happiness that I am feeling right now. I'm very thankful. After what had happened before, ilang buwan din akong na-trauma dahil sa mga nangyari. Hindi ako maka-move on sa pagkawala ng mga mahal ko sa buhay. My family are the reason why I got to recover. Sana nga lang ay tuloy tuloy na ang magagandang pangyayari na 'to. Natigil ang pagmumuni muni ko nang marinig kong tawagin ako ni Courtney. Lumingon ako sa kinaroroonan ng boses n'ya. Nginitian ko s'ya at kinawayan habang papalapit s'ya sa direksyon ko. "Best!" Nakangiti din s'ya habang nakatingin sa akin. She ran towards me na naging dahilan para manlaki ang dalawang mga mata ko. "Courtney!" Sigaw ko sa kan'ya. Tignan mo 'tong babaeng 'to. Napatayo ako sa kinauupuan ko. "Wag ka ngang tumakbo! Napaka ligalig talaga mong babae ka! Te baka nakakalimutan mo buntis ka? Maawa ka d'yan sa inaanak ko baka umaalog alog na yan d'yan sa loob ng t'yan mo." Sunod sunod na sabi ko sa kan'ya. Napatigil sya sa pagtakbo at napatingin sa tyan nya. "Ay! Oo nga pala, buntis nga pala ako. Sorry nakalimutan hehe." sabi nya sabay nag peace sign. Napakamot nalang ako sa ulo ko sa kan'ya. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to. Tumuloy sya sa paglapit sa akin habang ang lawak lawak ng ngiti na nakapaskil sa labi n'ya. Nangunot ang noo ko nang mapansin 'yon. Anong problema nito? "Oh, ang saya natin ah? Anong meron?" Nagtataka kong tanong sa kan'ya nang tuluyang makalapit s'ya sa akin Nakita kong namula yung magkabilang pisngi nya na ipinagtaka ko. Anong meron dito at kung mamula ang pisngi ay akala mo dalaga pa? Pa-virgin ka, 'te? "Ah.. eh ano kasi.. ahm." nauutal na sabi n'ya. Sinamaan ko s'ya ng tingin. Parang tanga lang. "Ano nga?" Tanong kong muli. Tinaas n'ya 'yung paningin n'ya sa akin at saka nagsalita. "S-s Xyrith kase. Uhm, may nangyari sa'min kanina. Alam mo 'yun yung parang ginawa n'yo ni Jethro kagabi. Yung chugchugan." nauutal pang sagot n'ya sa akin. Naramdaman kong namula yung buong mukha ko dahil sa narinig ko sa kan'ya. Paano nya nalaman 'yun?! Oo may nangyari kagabi, si Jethro naman kase napaka hilig! Halos gabi gabi ako ginagapang! Well.. gusto ko din naman. Napapikit ako ng mariin nang mapagtanto ko kung ano ang iniisip ko. Diyos ko Shane! "P-paano mo nalaman?" pabulong kong tanong sa kan'ya. Humagikhik muna sya bago sumagot. "Paanng 'di ko malalaman eh ang ingay ingay n'yo kaya! Pati pag alog ng kama rinig ko.." sabi nya sabay tawa na naging dahilan para mas lalong mag init ang mukha ko. Luminga linga ako sa paligid upang tignan kung may maaaring makarinig sa pinaguusapan na'ming dalawa. "Yung bibig mo nga! Mamaya may makarinig sa'tin dito!" paninita ko sa kan'ya. Nginitian n'ya na'man ako. Natawa nalang ako sa kan'ya. Si Courtney na talaga ang naging matalik kong kaibigan simula pa nung mga nangyari. "Sorry na'man HAHAHA. So, anong meron kung may nangyari nga sa inyo ng asawa mo? Natural lang naman 'yon sa mag asawa. Ayieee nadiligan." panunuksonkong sabi sa kan'ya sabay sundot sa tagiliran n'ya. "Gaga ka talaga!" Sigaw n'ya sa akin. Pulang pula na yung pisngi nya tapos ako tawa lang ng tawa. Napatigil ako sa pagtawa nang may mapagtanto ako. Nanlaki yung mga mata ko sabay hampas kay Courtney sa braso n'ya. "Ikaw ang gaga! Buntis kana nga! Laki laki na ng tyan mo nagpapasundot kapa." Sigaw ko pabalik sa kan'ya. Sa pagkakaalam ko kase bawal na yung s*x pag malaki na yung tyan nung buntis. Ang laki laki na ng tyan nya! 6 months na ata yan or 7 months, kung hindi ako nagkakamali. "Yun nga eh, may mangyayari ba sa baby ko dahil do'n?" Ramdam ko yung kaba sa boses n'ya. Napangiti ako ng nakakaloko. What if i-prank ko to? Wala kasi syang alam sa pagbubuntis kaya baka 'di nya alam yung bagay na yon. "Oo may mangyayaring masama sa baby mo. Yan! Pasundot nang pasundot laki laki na nga ng tyan. Feeling 'di buntis ka sis?" Pang-aasar ko sa kan'ya. Nanlaki yung mga mata nya at napahawak sa tyan nya. Ako naman ay pinipigilang matawa ng tuluyan. "Halaaa! Ano mangyayari sa baby ko?! Si Xyritch naman kase inaakit ako e lalabas labas ng banyo ng walang brief kitang kita alaga nya sinong 'di maaakit!" Mangiyak ngiyak na sigaw nya sabay lakad papunta sa asawa n'yang kausap ng asawa ko ngayon. Nakita kong pinaghahampas s'ya ni courtney samantalang ako tawa lang ng tawa sa kinauupuan ko. Siguro pinaliwanag na sa kanya ni Xyritch na 'di naman mapapano yung baby nya kasi natigil na sya kakaiyak. Napatingin sya sa gawi ko, para akong papatayin sa tingin nya. Tawa lang ako ng tawa. Sana talaga ganito nalang, puro saya. Nawala ang ngiti ko. Pero alam kong imposible yon lalo na't bukas na bukas din, babalik na kami sa kasalukuyang mundo. Napayuko ako. Babalikan ko na kung saan nangyari ang lahat ng mga 'yon. Handa naba ako sa mga posibleng mangyayari pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD