Prologue
BECOMING A REAL PSYCHOPATH
- I'm A Psychopath? SEQUEL
Written by: yumeqt
SUSPENSE/THRILLER - FANTASY
WARNING: This story contains violence and mature contents. Readers discretion is advised. May contain scenes that are not suitable for minor readers. Read at your own risk.
This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious matter. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.
All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means. That includes recording, photocopying, or other electrical or mechanical methods without the permission of the author.
All of my works are originally made by myself and only by myself. This story is not really recommended for MINORS under the age of 15 because this story will most probably include matured contents including violence and other matter that are not suited for sensitive readers, which I mentioned on the top of this note.
If you have any questions about me or the story itself, feel free to leave me a message on the comment section. I'll try my best to answer them. Thank you!
PLAGIARISM IS A CRIME!
PROLOGUE
Never have I ever believe in something that is related with demons or other entities, even fairies and super powers.
I just find them, too good to be true?
Ewan ko ba. Simula pagkabata ko kahit na ilang beses na akong nakanood ng mga ganoong klaseng movies, clips or even books tapos tungkol sa mga ganoon, I couldn't find myself getting interested to them.
Even about things like killing or hearing someone speaking inside you na parang may ibang tao sa loob mo, hindi talaga ako naniniwala sa mga yon.
Pero nagbago ang lahat ng yon nang mangyari ang isang bagay na kahit kailanman ay hindi ko naisip na mangyayari sa 'kin.
Who would've thought na yung mga bagay na akala ko dati ay gawa gawa lang, ipaparanas sa akin para lang maniwala ako?
Who would've thought either na ang isang babaeng katulad ko na walang ibang ginawa dati kundi gumala lang kung saan saan, mararanasan ang mga bagay na yon?
"Nakatulala ka nanaman." napatigil ako sa pagiisip ng kung ano ano nang marinig ko ang boses ni Jethro sa may bandang likuran ko.
Hindi ko sya nilingon pero ramdam ko ang unti unting paglapit nya sa akin. Nanatili lang akong nakatitig sa labas ng bintana habang tinatanaw ang mga liwanag na nanggagaling sa mga alitaptap na nagkalat sa labas ng palasyo.
Ang ilaw na nagmumula sa kanila at ang liwanag na nagmumula sa buwan ay napakaganda kung pagmasdan.
Hindi ko akalaing sa kabila nang lahat ng nangyari ay magagawa pa naming makatira sa ganitong klaseng lugar.
Lugar kung saan nagpamukha sa akin na ang mga hindi ko pinaniniwalaan noon ay totoong pala. I felt his body touched the back of mine. He hugged me from behind.
Napapikit ako sa sensasyong hatid ng init na nanggagaling sa katawan nya.
"What was my wife have been thinking? I want to know..." pabulong na sabi nya sa may bandang tainga ko. Napaigtad ako nang kaunti dahil bahagya akong nakiliti sa init ng boses nya.
"Nothing. Gusto ko lang tumanaw sa labas." pagsisinungaling ko sa kanya. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nya mula sa likod ko pero hindi na ako nag abala pang sawayin sya.
Mahilig nga lang talaga syang maglambing. Parang cuddle weather na din kasi dito sa Underworld.
Pero ang lamig na hatid ng lugar na ito ay pawang mali ang pinagkakaiba sa lamig na nararamdaman ng ibang mga tao sa kasalukuyang mundo.
"Something's bothering you. You know you can tell me everything, right?" pagpupumilit nya haban nakayakap pa rin sa akin.
Bumuntong hininga ako at sabay humarap sa kanya dahilan para mapabitaw sya sa pagkakayakap sa akin.
Nakita ko ang mukha nya at napangiti nalang ako nang mas mapagtanto kung gaano ka-perpekto ang mukha nya.
I could stare at his face for eternity. Hinding hindi ako magsasawang titigan yon.
Oo, ganoon ako ka-baliw sa asawa ko to the point na kahit itsura nya lang ang makita ko habang buhay, papayag pa ako.
I cupped his face and tiptoed, tyaka ko dinampian ng halik ang matangos nyang ilong.
Nakatitig lang sya sa akin ng diretso habang ginagawa ko ang mga bagay na yon.
"You know, natural naman na sa akin ang maging tulala nalang bigla bigla. But believe me, I'm fine. My mind's at ease." nakangiting sabi ko habang nakatitig ng diretso sa mga mata nya.
Tinantya ko ang ekspresyon na ipapakita nya sa akin pero walang kahit na anong mababasa na emosyon sa mga mata nya ng mga oras na yon.
He's just staring at me blankly. Nanatili naman ako na bahagyang nakangisi sa kanya.
Sanay na sanay na ako sa ganyang mga ekspresyon ng mukha nya kaya hindi na ako nagiisip pa ng kung ano.
"Okay, fine... You're okay. You're not thinking about anything. I believe you." pabuntong hiningang sabi nya pero ramdam ko pa rin na hindi pa rin sya ganoon ka-kumbinsido.
Nginitian ko nalang sya sabay hawak sa magkabilang braso nya.
Humarap akong muli sa may bintana at ipinulupot ko ang mga braso nya sa likuran ko. Alam nya siguro ang gusto kong ipahiwatig kaya sya na mismo ang naghigpit at naglapit ng likod ko sa kanya.
Bumalik ako sa pagaaliw sa mga mata ko sa tanawin na nasa harapan.
The ambiance of this place is just mesmerizing. Kung p-pwede nga lang na habang buhay na kami dito sa lugar na 'to ay hindi ako magdadalawang isip na manatili nalang dito.
But I know to myself that even if that's what I truly desire, hindi pwede ang kagustuhan ko na yon.
"You do know that I'm not yet fully convinced, right? Hindi mo ako madadala sa mga pagpapa-cute at pagpapa-ganda mo na yan." pagbasag nya sa katahimikan dahilan para mapatawa ako ng mahina.
The way he said those words are is just entertaining. Halatang nauubusan na sya ng pasensya sa akin dahil sa hindi ko pagsabi pero wala syang kahit na ano pang choice kundi maniwala nalang.
Bahagya akong tumango tango bilang sagot sa kanya at hindi na nagsalita pa.
Nanatili lang ang bahid ng ngiti sa mga labi ko sa mga oras na yon.
"If only Mom could see this, she'll always be here in front of the window. She will trade anything just to have a sight on this beautiful and breathtaking view." biglaang sabi ko habang bahagyang hinahawak hawakan ang braso ni Jethro na nakapulupot sa akin. Hindi naman sya nagsalita kaya nagpatuloy ako.
"I remembered how much she's captivated by the nature's beauty. Noong pumunta kami sa states, kada umaga nakikita ko syang nasa terrace lang at umiinom ng tsaa habang nakatanaw sa tanawin." unti unting nawala ang saya sa mga ngiti ko at napalitan yon ng malungkot na ngiti.
I am longing for her. I missed her.
Naramdaman siguro ni Jethro yon kaya mas lalong humigpit ang pagkakayakap nya sa akin.
Napapikit nalang ako at dinama ang mga yakap nya na yon.
If my Mom would trade anything just for a beautiful view, then I would trade everything just to have a peaceful life.
But how will I be able to do that if the thoughts of blood and evil still reeks in my head?