CHAPTER 41 MHADELENE'S POV "Why don't we take her to the hospital to have her checked? Mas maganda sana kung dadalhin sya sa professionals." tanong ni Lawrence habang nakatanaw sa walang malay na si Shane. Lahat kami ay nandito sa loob ng kwarto nila at binabantayan lang sya. Hindi pa rin sya nagigising hanggang ngayon. Ilang oras na syang tulog at wala pa rin syang binibigay na sign na gigising na sya, and I couldn't be more happy to see that. All of the people here with me are obviously worried about her, habang ako ay gustong gusto ko nang ngumisi at tumawa nang malakas dahil sa mga nangyayari. "We can't. Ayaw na ayaw ni Shane na pumupunta ng hospital. I just have no any other choice nung unang dating namin dito, nung nalaman naming buntis sya. I don't want to risk her trauma." Je

