Paggising ko wala na si boss sa tabi ko, ang aga naman n'ya umalis hayst siguro dadalhan ko na lang mamaya nang pagkain si hubby. Siguradong gutom 'yon, marami na naman sigurong trabaho s'ya kaya busy s'ya. Ginawa ko na ang morning routine ko, pagkatapos bumaba na ako at dumeretyo sa kusina para magluto iinit ko na lang mamaya ang dadalhin ko sa kan'ya. Pagkatapos kong magluto kumain na ako nang dumating ang mga kaibigan ni hubby. "Miss kamusta maayos ka na ba?" tanong ni Klint sa'kin, mabuti pa sila nagtatanong jung maayos ba ako, pero s'ya hindi manlang maalala. "Ok bnaman na ako, salamat," sabi ko. "Mabuti naman, " sabi ni Klint. "Miss makikikain kami ha?" sabi ni Mr Cute. "Sige lang kain lang kayo?" sabi ko na may pilit na tawa, kumain naman agad sila. Pagkatapos namin kumain uma

