Limang taon limang taon na mula nang lokohin ako ng ex-husband ko. Inaamin ko nandito pa rin ang sakit mabuti na lang nand'yan ang baby boy ko at ang taong tumulong sa'kin noong mga panahong lugmok ako. S'ya lagi ang tumutulong sa'kin, hiyang hiya na kaya ako sa kanya dahil ang dami na nitong itinulong sa'kin. Baka kulang pa ang buong pagkatao ko sa kabayaran sa kabutihan n'ya. Binigyan n'ya pa ako nang trabaho sa company ng kaibigan n'ya kasi 'yon company n'ya ay nasa pilipinas lang. "Shairly," tawag sa'kin ng boss ko. "Bakit boss?" "Kailangan mong umuwe nang pilipinas," panimula nito. "Ano'ng gagawin ko sa pilipinas?" marinig ko pa lang ang salitang pilipinas kinakabahan na ako at para na akong bumabalik sa dati. Kaya ko na bang bumalik kung saan ako dating nagsimula? "For busine

