Nandito na ako sa pilipinas, hays balik na naman ako dito, parang bumalik lahat akala ko kaya ko na. Hindi pa pala dahil kahit anong gawin ko nandito pa rin ang sakit kahit matagal na, pero sana kayanin kong makita s'ya sana. Narito na ako nag-iintay ng taxi dahil sa hotel muna ako tutuloy hindi naman pwedeng kay Ke, kasi ang dami na n'yang naitulong sa'kin. Nahihiya na ako sa kan'ya nang makasakay ako sa taxi agad kong sinabi ang location nang pupuntahan namin, pagdating namin sa hotel agad kong pinababa kay manong ang mga bagahe ko at binayaran ito. Pumasok naman agad ako sa loob ng hotel kinuha naman agad nila ang mga bagahe ko. Pagkatapos kong mag-check in, pagdating ko sa room agad akong humiga. Sobrang nakakapagod, hanggang sa dalawin ako nang antok maya ko na lang tawagan ang baby b

