Lumipas ang mga araw at ngayon ay maaga akong papasok ulit para ako na mismo ang magpunta sa opisina ni Sebastian.
Hindi na din muna ako umuwi sa bahay at dito nalang muna sa aking condo.
Nagtimpla muna ako ng aking paboritong black coffee na kunti lang ang asukal.
Habang nagkakape ay naalala ko pa ang sinabi sa akin ng isa sa mga kateam ko na s'yang pumunta para kumausap kay Sebastian at ang aking ikinakainis ay umiiyak ito habang nagsusumbong sa akin…Dahil sa masungit daw na pananalita habang kinakausap nito si Sebastian at dahil natakot na ito na bumalik pa ulit doon ay ako na ang nagdesisyon na puntahan ito ng personal.
Napakasama talaga ng ugali nito kaya nga noon ay napaglaruan siya nito ng hindi n'ya agad nalaman kung hindi pa n'ya nahuli ito at ang mga kaibigan nito na nag-uusap tungkol sa kanilang bet na kailangan pala akong paibigin at saktan ni Seb para makuha niya ang isang sports car na premyo nito kapag napaibig at nasaktan s'ya nito.
Flashback's
Habang papunta ako sa cafeteria at hinanap ko din ang aking boyfriend na si Sebastian ay hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit tila sinasabi nito na pumasok ako sa isang pribadong room dito sa campus kung saan ay madalas tumambay ang buong elite league na pawang mayayaman na studyante lamang ang nakakasama sa kanilang grupo….Ako kasi ay scholarship lamang ang tanging dahilan kung bakit nakakapasok ako sa ganito kagandang universe sa Pilipinas na tanging mayayaman lamang na mga studyante ang nakakapag-aral.
Lumapit ako ng dahan-dahan sa may pintuan at hindi pala ito nakalocked at bahagya pang nakabukas ang pinto.
“Grabe ka Sebastian! Ang tinik mo talaga,biruin mo nagawa mo ang bet namin sayo na kailangan maging kayo ng babaeng ubosd ng taba na iyon at napakapanget din,halos isang buwan pa lamang at magagawa muna ang lahat ng aming pinapagawa sayo,,at makukuha mo na din ang premyo na isang sports car na nag-ambagan kami dito brother para lamang mabili ang premyo na inaasam mo!” Sabi ng isa sa mga kaibigan ni Sebastian na si Luke na alam kong certified playboy ng grupo nila.
“Oo nga Bro,kaya bilisan muna at ipahiya mo sa buong campus si batchoy ng matauhan na,dahil feel na feel n'ya kasi ang pagiging boyfriend mo!” Sabi naman ni Harlem isa din sa mga barkada nito at ang hindi nila alam ay dinig na dinig ko ang lahat ng mga sinasabi nila.
“Labas ako sa usapan n'yo na yan at please lang tigilan n'yo na ang ginagawa ninyo guys,dahil nakakasakit na kayo…..At ikaw Sebastian sigurado ka ba d'yan sa mga pinaggagawa mo baka mamaya ay kainin mo lahat ng mga sasabihin mo sa at baka mamaya ay mabaliktad ang sitwasyon ni Ms.Batungbakal at ikaw pa ang maghabol sa kanya sa huli!?” Sabi naman ni Zachary ang kaibigan nila na pinakatahimik sa lahat at ang tagalinis ng mga kalokohan na ginagawa ng kanyang mga kaibigan.
“Hayaan muna sila Bro,kapag iyan si Sebastian ay iyak- iyak sa atin ay sasapakin ko talaga yan!” Si Elias na sa aking palagay ay babaero din pero hindi kagaya nila Luke at Harlem na grabe talaga ang mga ito kung magpalit ng girlfriend.
Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Seb,dahil ayaw kong masaktan ng tuluyan sa mga maririnig ko mula sa kanyang bibig,kaya naman naisipan ko ng umalis at nagtungo na lamang ako sa likod ng bakanteng building kung saan ito na ang naging tambayan ko noon pa man lalo na kapag nabubully.
Naupo na lamang ako sa paborito ko na pwesto dito.
Kinuha ko na ang aking diary at nagsulat na lamang dito ng mga nangyari ngayon sa akin.
Ilang oras na akong nakaupo at natapos na akong magsulat ng may biglang lumapit at umupo din sa aking tabi.
“Bakit,nandito ka? Kanina ka pa hinahanap ni Sebastian!” Tanong nito sa akin at napalingon na din ako sa gawi nito.
Si Zachary pala at nakatingin ito sa langit habang nakapamulsa.
Napakagwapo din ng isang ito,kung titingnan mo silang magkakaibigan ay para silang Greek god sa aking kagwapuhan nila.
“Bakit naman n'ya ako hahanapin!” Sabi ko dito ng patanong din.
“Malamang girlfriend ka n'ya at talagang hahanapin ka noon,dahil bumili pa siya sa cafeteria ng paborito mo at ngayon ay papunta na siya dito dahil tinext ko na nakita na kita…..Kaya mamaya lamang ng kunti ay nandito na iyon.” Sagot nito sa akin.
“Bakit mo sinabi sa kanya na nandito ako!” Sabi ko pa dito at agad na akong tumayo para umalis sana,pero nakakailang hakbang pa lamang ako ay nahawakan na nito ang braso ko.
“Saan ka pupunta Miss,dito ka lang at hintayin muna ang boyfriend mong hindi na mapakali sa kakahanap sayo.” Sabi pa nitong muli sa akin.
“Bitawan mo ako!” Pakiusap ko pa dito.
“No! Miss,hindi kita bibitawan!” Sagot nito sa akin at mas hinigpitan nga ang pagkakahawak ng aking kamay.
Dahil sa ayaw ako nitong bitawan ay no choice ako kung hindi tuhudin ang hindi dapat.
“Araaayyyyy! Bakit mo naman tinuhod ang aking kayamanan!” Sigaw nito sa akin habang hawak ang kanyang alaga na mukhang napuruhan ko ata.
Nabitawan na din ako nito.
“Sorry! Ikaw kasi ayaw mo akong bitawan kaya ayan tuloy!”Sabi ko pa dito habang naka peace sign.
Nakatalikod ako habang naglalakad ng paatras at aking ikinagulat ng may tao akong naatrasan at kahit hindi ko tingnan kung sino ito ay kilalang kilala ko na kung sino ang may ari ng mga kamay na nakahawak ngayon sa aking beywang.
“Chub's,kanina pa kita hinahanap!Mabuti nalang at nakita ka ni Zachary… At bro anong nangyari sayo? Bakit hawak mo iyan?” Sunod-sunod na tanong nito na nakatingin na pala sa kaibigan n'ya na hawak pa din ang gitnang bahagi sa pagitan ng mga hita nito.
“Itanong mo d'yan sa girlfriend mo!?” Singhal nito at umalis na nakasimagot pa din.
“Anong nangyari kay Zach?” Tanong pa nito sa akin.
“Ayaw nya kasi ako na bitawan kanina,dahil daw utos mo na h'wag akong paalisin,kaya tinuhod ko iyong balls n'ya para bitawan ako!” Sagot ko dito.
“Grabe ka naman nagawa mo talaga iyon,paano nalang kung napasama ang pagkakayakap mo sa kanya!” Sabi pa nito sa akin na tila na guilty din ako dahil tama naman ito.
“Kasalanan n'ya din naman ee…”Sagot ko na lamang dito.
“Halika na at may dala ako para sayo!?” Pag-aya nito sa akin na para bang kung magsalita ito ay hindi ito nagpapanggap lamang na gusto n'ya talaga ako.
“Sebastian,babalik na pala ako sa room namin dahil may isang subject pa ako na kailangan pasukan!” Sabi ko dito at tinitigan ako nito ng mataman na para bang pilit nitong binabasa ang kilos ko.
“Galit ka ba sa akin Chub's? May nagawa ba ako na maaring ikagalit mo sa akin?” Tanong pa nito sa akin.
“Wala naman,sadyang may pasok pa talaga ako ngayon sa isang subject namin kaya naman kailangan ko ng bumalik!” Sabi ko pa dito.
“Sige ihahatid na lamang kita,pero bago ka pumunta sa classroom mo ay kainin mo muna ang choco moist cake na ito na alam kong paborito mo!”Wika nito sa akin at inilabas na nga ang paborito ko ngang tunay na cake.
Magpapanggap nalang muna ako sa harapan nito na wala pa akong alam sa bet nilang magkakaibigan.
Kinain ko nga ang dala nitong cake,dahil sayang naman libre na ee!
Inihatid na din muna ako nito sa room ko.
Nang matapos ang klase kinahapunan ay nagtataka ako kung bakit maraming tao na papunta sa court at bigla na lamang akong nagulat sa bestfriend ko na si Mikee na tila hinabol ng kabayo dahil hingal na hingal itong lumapit sa akin.
“Best,halika sa covered court!” Sabay hila nito sa akin kaya naman dalawa na kami ngayon na tumatakbo nito.
Pagdating sa covered court ay para akong bunuhusan ng malamig na tubig sa aking nakikita na si Sebastian ay may kahalikan na ibang babae at nakalagay ito sa malaking screen sa covered court at paulit ulit na nagpe-play, pagkatapos ng halikan nila ng babae ay nagplay din ang naging usapan nila kanina ng mga kaibigan n'ya at hindi ko kinaya ang aking narinig na sinabi ni Seb.
Mabuti na lamang at nasa likod ko ang aking bestfriend kaya naman bago pa ako matumba ay nahawakan na ako nito,,kahit pa napakabigat ko.
Nagtinginan na din sa akin ang lahat ng tao sa covered court.
“” Napakailusyunad kasi ng babaeng yan kaya naman naloloka nalang at napaglalaruan ng basta basta,sino ba naman ang magseseryoso diyan sa tabatchoy na yan na bukod sa napakapangit ay parang manang din kung manamit!?” Sabi ni Faith ang leader ng mga mean girls sa school namin at isa nababalitaan ko din na may gusto ito kay Sebastian at ang babae sa video na pineplay ngayon sa covered court na kahalikan ni Seb ay ito din.
Nagtawanan ang mga tao,kaya naman agad na akong inakay ni paalis na iyak ng iyak ng dahil sa ginawa na panloloko sa akin ni Seb at ang aking pagkapahiya sa harap ng nakakarami.
End of flashbacks.
************************************************”