Nang matapos kami na kumain ay nagmamadali na din akong umalis.
“Mom!Dad,at sa inyo mga kuya kong pogi na hindi ko maintindihan kung bakit mga wala pa din kayong mga girlfriend hanggang ngayon..Aalis na po ako!” Paalam ko sa kanilang lahat.
“Alam n'yo naman na sabado ngayon at kahit ganitong araw ay dapat maaga ako dahil sa morning show ko tuwing Saturday morning.
Sumakay na agad ako sa aking kotse.
Habang nagmamaneho ay binuksan ko na din ang radio at sakto na kanta ng sikat na SB19 ngayon ang pinapatugtog ng DJ ng radyo.
Iba din ang pinagdaan ng limang ito bago pa nila makamit ang kanilang tinatamasang kasikatan ngayon.
Kaya nga mula ng magsimula sila ay lagi na akong updated sa mga ganap nila.
Noong nga na unang interview pa sa kanila ay may mga bashers pang dumating at maging ang kanilang visuals ay napuna pa ng mga ito,marami din ang dumating na pagsubok sa kanila na muntik ng magkahiwa-hiwalay sila.
Dahil nga kahit anong gawin nila noon ay hindi sila napapansin ng mga taong mas gusto pa ang ibang lahi kaysa sa sariling atin.
Iyon ang nakakalungkot na dapat ay mas suportahan natin ang mga kababayan natin na gumagawa ng kanilang mga pangalan sa larangan ng musika.
Sinabayan ko ang kanta hanggang sa matapos ito,napakagandang pakinggan nito at kung pakikinggan mo na mabuti ang bawat liriko ng kantang ito ay masasabi mo na tagos sa puso.
Habang nasa spotlight ng katanyagan ay kailangan pa din na magpahinga.
Hanggang sa makarating na ako sa opisina ng broadcasting station kung saan ay naghahanda na ang lahat para sa aking pang-umaga na show kung saan ay tinatalakay ko ang mga buhay ng mga kilalang businessman sa buong mundo at syempre bago namin inilalabas ang mga ito ay kinakausap namin ng mabuti ang bawat taong gusto namin mafeatured sa aming program.
“Miss Natalya nandyan na pa pala kayo! Halika na at ng ikaw ay maayusan ko na.” Sabi sa akin ng makeup artists,agad naman akong sumunod dito at naupo sa harap ng salamin.
Tumagal lang naman ng halos fifteen minutes ang pag-aayos nito sa aking mukha at buhok na sadyang light makeup lamang ang inilalagay nito sa aking mukha,dahil ang labi nitong sinasabi sa akin ay hindi ko na daw kailangan ng makapal na makeup dahil sa natural na ang ganda ng aking mukha.
Nang matapos ay agad na akong pumunta sa aking designated na upuan dito sa studio.
“Magandang umaga sa ating mga televiewers at maging sa ating mga tagapakinig sa radyo!” Paunang sabi ko na sadyang aking pinapasigla ang boses ko.
Habang umeere ang aking show ay akin ng sinabi ang lahat ng tungkol sa aking napili na ifeatured para sa araw na ito na isa din na multi millionaire na si Mr.Aidan Sho Cullen at ang asawa na nito na si Ms.Beatrice Luigi Samonte Cullen na alam kong sa article na ginawa ko para sa kanilang mag-asawa ay tiyak na macu-curious ang tao sa kanila.
Minabuti ko din na ihide ang ibang maseselan na bahagi ng artikulo na aking ginawa para sa kanila.
Hanggang sa natapos ang buong segment ng aking show ng maayos at may mataas na ratings.
Actually sa halos isang taon ko na ginagawa ito ay aking nakasanayan na din na bawat negosyante na gusto ko ifeatured ay may mga pahina ng kanilang buhay na dapat lamang na manatiling sagrado,kaya naman ginagawa naman n'ya ang lahat para lamang maging good feedback palagi ang makuha n'ya.
“At dito na nagtatapos ang aking nakalap na mga chika sa pamilya ng taong ating natunghayan ang mga buhay ,at kung paano n'ya nagawa na makuha ang lahat ng yaman na kanilang tinatamasa ngayon. .Sana ay muli n'yo akong samahan sa susunod na sabado para sa isa na naman na taong ating mapipili na maifeatured ang buhay sa aking programa na Morning Chikahan,at ako po ang inyong lingkod,Miss Natalya Marie Clarkson na laging naghahatid ng mga eksplosibong at nakakaantig na mga kwento ng buhay ng mga taong nagsikap na marating ang kanilang tinatamasa na karangyaan sa buhay.
Pagkatapos ng aking huling segway ng programa at nakapag-paalam na din ako sa aking mga televiewers ay agad na akong bumaba ng platform.
“Good job Miss Natalya,grabe naman ang mga chika na iyong sinabi ngayon,maging kami na mga nandito sa gilid at nagbibigay ng instructions sayo ay nagugulat sa buhay ng mga taong nafeatured mo ngayon.” Sabi sa akin ng mga tao dito sa set at ang production team maging ang mga team ko ay lagi din nandito para sa kanilang suporta sa akin.
“Salamat sa inyo,pero syempre palakpakan n'yo ang mga sarili n'yo,dahil hindi din magiging matagumpay ang segment ko na ito kung wala kayo at ang ating magagaling na crew.”Sabi ko sa kanila ng nakangiti.
“At syempre sa aking team na walang sawang tumutulong sa akin sa bawat taong gusto ko na maifeatured ay sila din ang aking mga kaagapay.” Dugtong ko pa sa aking sinabi at lumapit na sa aking team.
“Congrats again Besshyyy! Grabe simula ng mag-umpisa na mag-air ang morning show mo na ito ay hindi man nakaranas ng rating na baba,laging hot topic ang iyong programa na tinatangkilik ng marami mong tagahanga.” Sabi ng aking bestfriend na si Mikee na para na naman nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses nito.
Pagkatapos namin dito ay kailangan pa din namin na magpunta sa opisina.
Mahirap man ang aking trabaho ay nag-eenjoy naman ako sa bawat taong aking nakakasalamuha at dahil din sa kanila ay napakarami ko ng natutunan na aking ipinagpapasalamat sa mga taong aking nakakapanayam, katulad na lamang ng mag-asawa na sila Mr.and Mrs. Cullen na grabe at naantig talaga ako sa kanilang kwento na kung ako siguro ang nasa sitwasyon ni Miss Beatrice ay maaring bumitaw na ako sa hirap ng mga pinagdaanan n'ya.
Natapos ang buong araw ko na naman sa trabaho kaya aking hindi din masisi ang mga kuya ko kung bakit gusto na nilang sa kompanya nalang ni Daddy ako magtrabaho.