Beshy!” Tawag sa akin ng bestfriend ko na nagpabalik ng aking reyalidad sa kasalukuyan,mula sa unang araw na kinausap ako noon ni Seb.
“Bakit!” Bakit ba sinisigawan mo ako?”Tanong ko pa dito.
“Kanina pa kasi kita tinatawag beshy! Hindi ka naman sumasagot at may pagngiti-ngiti ka pang nalalaman d'yan na para bang naalala ka na nakakapagpangiti sayo!”Sabi pa nito sa akin.
“Ganoon ba, sorry…Anong oras na ba?” Tanong ko pa dito.
“Besh,lunch na at alam mo bang tayo nalang ang nandito kaya naman halika na sa cafeteria ng makakain na din tayo!” Sabi nito sa akin at napatingin naman ako sa aking wristwatch at nakita ko nga past eleven na.
Tumayo ako at sabay na kaming pumunta nito ng cafeteria.
Nag-order na ito at hinayaan ko na din s'ya na mag-order ng para sa akin.
Nang bumalik ito ay dala na nito ang mga pagkain na inorder na pawang lahat ay kinakain ko.
Habang kumakain kami ay panay lang ang kwentuhan namin ng kung anu-ano hanggang sa matapos kami sa pagkain.
“Besh,sa tingin mo makukuha kaya natin ang unang interview with Seb?”Biglang tanong na naman nito sa akin.
“Kaya nga sila Louise muna ang pinapagalaw ko para kapag hindi pumayag sa kanila,ay ako na mismo ang makikiusap sa mokong na iyon,pero hangga't kaya naman ng mga kasamahan natin na kausapin muna ang secretary n'ya ay magpupukos muna ako sa mga tanong na maaring kung itanong sa kanya kapag pumayag na itong magpainterview….At syempre para maging matagumpay na naman ang article na ito ay kailangan din na makita mismo ng aking mga mata kung ano ba talaga ang mga negosyo ng mokong na iyon.” Sabi ko kay Mikee na napapatango-tango na lamang sa aking sinabi,alam kong nag-alala pa din ito sa akin,pero tulad nga din ng kanyang sinabi ay marami ng nagbago sa akin.
“Alam mo Besh,hindi ako magsasawang magpaalala sayo ng mga gagawin mo….Pero this time ay parang nagdadalawang isip pa din ako d'yan sa gagawin mo,para kasing ipinapain mo nalang ulit ang sarili mo sa leon sa gagawin mong makikipaglapit kay Seb ng dahil lamang sa kagustuhan ni ma'am Lofea na makuha ang lahat ng impormasyon tungkol sa isang Sebastian Clyde Fernandez Ferrer.” Wika pa nito sa akin na idinidiin pa ang pangalan ni Seb.
“Besh! Di ba sayo na din nanggaling na iba na ang Natalya ngayon sa Natalya noon na nakilala mo ay ikaw ang saksi sa lahat ng hirap ko para maging ganito ako ngayon.” Sagot ko dito.
“Alam ko naman iyon Besh,ang sa akin lang ay ayaw ko ng masaktan kang muli!’” Sabi pa nitong muli sa akin.
“H'wag ka ng mag-alala dahil, pagkatapos naman ng trabaho natin na ito ay hindi naman na ako makikita ng Seb na iyon muli,kaya naman h'wag munang isipin pa na masasaktan akong muli…Dahil hindi na mangyayari pang muli iyon.”Sabi ko pa dito.
“Huwag na nga ito ang pag-usapan natin Besh! Halika na at tapusin nalang muna natin ang iba pang report!” Pag-iiba ko ng usapan at niyaya na din ito na bumalik kami sa trabaho.
********************************************
Lumipas ang mga araw at ngayon ay pababa ako ng aming hagdan dito sa bahay ng daddy ko na sampung taon ko pa lamang nakakasama,dahil nga sa mahabang panahon itong pinagtaguan ng aking Ina na inakalang niloko s'ya noon ni Daddy na hindi naman pala totoo at pawang pinaglaruan lamang sila ng tadhana noon..
Ngayon ay masaya na kami at ako sa aking propesyon na pinili ay hindi naman ako pinigilan ng aking mga magulang.
Sa umaga din ay maaga ako laging pumapasok sa trabaho,dahil sa umaga ay may show din ako na tumatagal lamang ng halos trenta minutos.
Dito ako lalong nakilala bilang isang magaling na reporter
,na aking pinaghirapan naman.
Pagkababa ko ng hagdan ay dumiretso na ako sa aming dining area at naabutan ko doon ang aking mga kapatid na nakakatanda sa akin.
Kambal ang mga ito at minsan nga ay nalilito ako noon sa mga ito,pero hindi kalaunan ay nalaman ko na din kung paano aking malalaman kung sino si kuya Luke at kung sino si kuya Lucas sa kanilang dalawa
Sila ay lumaki kay daddy at ako lamang ang tanging naiwan noon kay mommy kaya naman matagal din bago ko sila nakilala.
“Bunso! Halika at kumain na tayo,ang daming niluto ni Mommy!” Pag-aya sa akin ni kuya Lucas.
“Oo nga bunso,bilisan muna at baka maubusan ka namin ni kuya.”Sabi pa ni kuya Luke.
“ Good morning! Natalya anak halika na at h'wag munang pansinin ang mga kuya mo at maupo ka na!”Utos naman ni daddy sa akin at lumapit muna ako dito para humalik na madalas kong gawin sa kanila ni Mommy.
Si mommy naman ay lumabas din mula sa kusina at may dala pa ito na aking paborito na sinangag na kanin na ang inilagay ay star margarine na maraming bawang.
“Oh,ito na ang paborito ng aking bunso! Sinangag na may star margarine na maraming bawang at ang nakakapagpasarap pa dito ay ang tuyo na inorder ko pa kay aling Inez…..Dahil alam ko naman na basta galing sa kanya ay maganda ang kalidad ng tuyo!” Wika pa ni Mommy habang nilalapag ang dala n'ya sa mesa.
Agad akong kumuha at sumubo ng nailapag na ito ni mommy sa mesa.
“Wow! Mommy ang sarap po talaga!”Sabi ko kay mommy at napangiti naman ito sa akin.
“Binola mo pa ang Mommy,sige na kumain na kayo at baka malate na kayo sa mga trabaho n'yo." Wika pa ni Mommy sa amin.
“Naku! Mommy kami okay lang na hindi agad umalis,si bunso lang naman ang madalas magmadali dito,dahil na din sa trabaho n'ya!” Sabi ni kuya Lucas.
“Kung sa kompanya ka sana nagtratrabaho Bunso ay hindi mo kailangan na laging magmadali at ikaw ang may hawak ng oras mo,hindi katulad d'yan sa propesyon na iyong tinahak,lagi ka nalang nagmamadali kahit pa gusto ka pa namin makabonding ay hindi maari….Lalo na kapag maraming kang inaasikaso sa department mo na ikaw na halos ang utak kaya lalong gumaganda ang article na inilalabas ng kompanya na pinagtratrabahuhan mo.” Mahabang litanya ni kuya Luke.
“Pero h'wag kang mag-alala bunso,dahil suportado ka naman namin ni kuya at nila Mom at Dad… Ang sa amin lang ay kung sa sariling kompanya ka sana natin nagtratrabaho ay hindi ganyan ka hectic sana ang schedule mo!” Dugtong pa nito sa kanyang sinabi.
“Oo nga IHA,h'wag mo sanang isipin na negative ang mga sinasabi ng kuya mo sayo,dahil kahit ano pang trabaho ang pasukin mo ay nakahanda kaming suportahan ka!” Wika pa ni daddy sa akin.
“Ako naman anak ay alam mo naman na lagi lamang nakasuporta sayo kami ng daddy mo!”Sabi pa ni Mommy na ikinangiti ko naman, Dahil sanay na ako sa mga sinasabi nila at matagal na din na sinasabi sa akin ni kuya Lucas na madalas nga talagang hectic ang schedule ko.
“Salamat! Mom and Dad at sa inyo din kuya sa pagiintindi sa aking trabaho!”Sabi ko sa kanila.
“Naku!Tama na nga ang mga iyan at kumain na muna tayo…Lucas iho,naipadala na ba ng sekretarya mo ang email na sinabi ko kahapon na ipadala n'ya at h'wag kakalimutan?” Sabi ni daddy at may itinatanong din ito kay kuya na hindi ko din naman maintindihan kaya itinuon ko na lamang ang aking sarili sa pagkain.