“Kanina pa namin kayo hinihintay?”. Bungad agad sa amin ni chef na mataman pa lang naghihintay sa amin sa labas ng bahay. Binaba naman ako ni Seb sa harapan nito. “Hindi ka na ba makalakad Marie kaya kailangan ka pang buhatin ni Mr Ferrer?” Tanong sa akin ni Yani na ngayon ko lamang narinig na magsalita ito sa akin na tila nanguuyam. “Siguro hindi ko naman kailangan na ipaliwanag pa ang aking sarili sa'yo Chef,dahil wala naman kaming masamang ginawa ni Mr.Ferrer.” Sagot ko naman dito sa nang-uuyam din na tono ng aking boses. “I'm sorry Marie,nag-aalala lang kasi ako kanina pa kayo dito.” Sabi naman nitong muli at tumango na lamang ako. Nakakainis ang mga lalaking ito kaya nga simula noong niloko ako ni Seb noon ay ngayon pa lamang ulit ako nagpaligaw,dahil nga sa sobrang trauma ko noo

