Araw ng byernes at nakatatlong araw na kami dito sa farm. Sa mga nakalipas na araw ay walang ginawa ang dalawang ito kundi magbangayan. Kahit naman pigilan ko sila ay balewala lamang dahil ang kukulit talaga talaga nila na parang mga bata. Ngayon ay magkakasama kami na maghaharvest ng mani na,tutulong kami sa mga trabahador nila Mama at ewan ko na lang sa dalawang ito kung kaya ba nila ang trabaho sa farm. Nasa isang gilid lamang kami at ang mga trabahador naman ay tinatambakan lamang kami ng mga pupuknitin na mga mani. “Aaaahhh!” Nagsisigaw si Sebastian na patalon-talon pa habang may pinapagpag sa katawan niya. “Mr.Ferrer anong nangyayari sayo?” Tanong ko dito na natatawa sa hitsura nito para kasi itong maskuladong bakla kung makatili. “May uod,may uod!” Sabi nito na ang tinutukoy

