Nang makababa kami ni Mama ay nandoon na din pala si Dad na kausap ngayon si Chef Yani na tila ba nagkakasundo ang mga ito. “Dad,”tawag ko dito at agad na lumapit dito para magmano na nakaugalian na namin dito sabay yakap na din dito ng mahigpit namiss ko din ito ng sobra,minsan nga ay nasasabihan na ako ni mama na napaka daddy's girl ko na kahit aking hindi naman nakagisnan ito noong bata pa ako ay mabilis din naman na napamahal ako dito napakabuti kasi nitong ama sa akin,at hindi din naman nito ginustong mawalay kami sa kanya ni Mama sadyang lumayo dito si Mama dahil ang akala nito ay niloko lamang siya ni daddy noon. “Mukhang nagkakagaanan na kayo ng loob ni Chef.” Dugtong ko pa. “Natalya anak,mabuti at bumisita ka dito sa amin sa farm.. Madalas kami ang pumupunta sa mansion para lam

