Nang makakain kami ay kanya kanya na din muna,dahil mga pagod na sa maghapon na byahe. Ang dalawang pasaway ay ipinahatid ko na lamang muna kay ate Edith sa mga magiging kwarto nila dito. Ako naman ay pumasok na din sa aking kwarto matapos makipagkwentuhan sandali kay Mama. Nang makapasok sa aking kwarto ay ganoon pa din ito ang kinatatayuan kasi ng aming rest house ngayon ay ang dati din namin na bahay dito na isang maliit na kubo lamang. Ang mga gamit ko ay dito nakatabi lahat maging ang aking mga gamit noon sa pag-aaral ay dito ko itinatabi simula ng maayos na ni Dad ang titulo nito at ngayon nga ay nakapangalan na ito kay Mama. May kinuha akong box sa ilalim nito at dito kasi lahat nakalagay ang mga bagay na importante sa akin. Mga ala-ala ni Seb noon sa akin na imbes na sunugin

