Wala akong choice kundi ang kausapin muna ito. Dahil sa tingin ko ay wala itong balak na umalis ngayon dito hangga't hindi ako nito nakakausap. Napatingin naman ako kay Chef Yani. “Pwede ba na iwan mo muna kami!” Pakiusap ko dito. “Sigurado ka ba na okay ka lang naiwan sa isang ito!” Pabulong pa na tanong din nito sa akin. “Huwag kang mag-alala safe na safe si Miss Sungit lalo kapag ako ang kasama niya!” Sabi ni Seb kay chef na dapat ako ang sasagot. Napatingin naman si Chef Yani dito at dahil sa pakiramdam ko ay may tensyon na naman sa dalawang ito ay hinawakan ko na agad ng mahigpit ang kamay ni Yani. Dahil ayaw kong sa napaka-special na gabi na ito para sa amin ay masisira lamang dahil sa mokong na ito na nangungulit ngayon. “Please,mabilis lang naman ang pag-uusapan namin,mau

