Habang isinasayaw ako ngayon ni Chef,ay bakit tila pakiramdam ko ay kanina pa may nagmamasid sa amin o baka guni-guni ko lamang ito. “Napakaganda mo Marie,”sabi nito sa akin. “Bolero!” Nakangiting sagot ko naman dito. “Bakit ba ayaw mong maniwala,ang ganda mo nga lalo na ngayon.” Muling saad pa nito. Nahampas ko naman ito sa kanyang balikat at napasandal na lamang sa kanyang dibdib. “Salamat Chef sa napakagandang gabi na ito.” Wika ko dito at habang nakasandal ako dito ay may bigla na lamang kaming narinig na kalabog ng isang nahulog na tila takip,mula sa isang janitor ata ng restaurant na may hawak pa nga ito na map. Ang aking pinagtataka lamang kung bakit may dala itong takip. Nakakadistract tuloy ang ingay na ginawa nito. Ang ganda-ganda na ng musika na nagmumula sa isang violin

