Nandito ako ngayon,naghihintay sa pagdating ni Chef Yani. Nang may nagdoorbell ay alam ko na siya ito. Pagbukas ko ng pinto ay natulala na lamang ako sa gwapong lalaki na nasa harapan ko ngayon. “Marie,shall we!” Pag-aya nito sa akin habang nakapaskil ang napakagandang ngiti nito sa kanyang mga labi. Humawak naman ako sa mga kamay nito. “Kanina ka pa ba naghihintay? Pasensya ka na kasi medyo matraffic pauwi kaya ngayon lang ako.” Paliwanag pa nito sa akin. “Ano ka ba,okay lang atsaka it's already seven in the evening kaya hindi pa naman ganoon ka late.” Sagot ko naman dito. Nang makasakay kami sa kotse nito ay doon ko pa lamang napansin na nagpagupit pala ito. “Nagpagupit ka pala?” Tanong ko dito habang iniistart nito ang kotse. “Oo,”tipid na sagot nito. “Saan pala tayo kakain?”

