Nang makaalis ang dalawa ay naupo muna ako sa sofa. Iniisip ko kung pupunta pa ba ako sa opisina o magpahinga nalang muna ngayon. Nakakaluka naman kasi ang dalawang iyon,ang aga-aga para silang mga bata na nagbabangayan sa harapan ko kanina. Habang nakaupo ay napapaisip din ako sa mga sinasabi ng lalaking iyon,para bang may kahulugan ang sinabi nito kanina. Nagpunta na lamang ako sa kusina para ligpitin ang mga pinagkainan namin tatlo kanina. May natira pang ulam at inayos ko naman ito, hindi naman kasi ito madumi kahit pa nasubsob na ako dito kanina at pinagtawanan pa ako ng dalawa na mokong na iyon at nagturuan pa kung sino ang may kasalanan ng makita nilang nagagalit na ako. Habang naglilinis ay may nakita akong susi ng kotse at ng basahin ko ang nasa keychain ay chef Yani ang aki

