“Anong ginagawa mo dito chef Yani?” Tanong ko dito ng makatayo ako mula sa pagkakadagan kay Seb na ngayon ay nakaupo naman sa sahig. Ang nakakabwisit pa ay humawak ito sa aking kamay na parang nagpapatulong pa ata ito sa akin. Hinayaan ko na lamang at hindi naman ito nagpabigat habang tumatayo. “Gusto ko lang sana matikman mo itong aking niluto na breakfast Marie, hindi ko naman akalain na may bisita ka pala.”Sabi nito sa akin. “Hindi ko siya bisita,” sabi ko naman dito na naiilang din sa paghawak nito sa akin. Kung makahawak kasi ay tila ba aagawan ito. Masama din ang tingin nito kay Yani ng tumingin ako dito para bumulong dito na bitawan ang aking kamay na hawak hawak niya pa din. “Huy,pwede bitawan muna ako,nakakahiya kay chef Yani.” Sabi ko dito ng pabulong. “Ayaw ko nga, atsa

