Kabanata 184 Harvey's POV "Dad, puntahan ko lang po si Lee sa school niya, oras na kasi ngayon ng uwian." tawag ko sa pansin ni daddy nang seryoso ang pag-uusap. nilang dalawa ni tito. "Oh, sige. By the way, babalik ka pa ba rito?" aniya. "Bakit, dad?" taka kong usal. "Maaga kasi akong uuwi ngayon ng bahay, magpapahinga ako. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Saka itong si tito mo naman, babalik muna sa LIT at may gagawing importante." mahinang tugon ni dad sa akin, kasabay nang paghinga niya ng malalim. "Okay ka lang ba, dad?" "Oo, pagod lang siguro ako. So, ano? Babalik ka pa ba rito mamaya? Dahil kung hindi, ipapa-lock ko ito kay Miguel kapag umuwi siya sa kanila." napatingin naman ako sa gawi ni Miguel. "Uuwi ka?" "Yes po, sir. Birthday kasi ng kapatid ko. Babalik n

