Kabanata 185 Lee's POV Naiintindihan ko naman kung saan nanggagaling ang pagbabawal ni kuya sa akin, pero hindi ko naman kayang manatili na lang na walang ginagawa habang sila ay napakabisi sa mga kanya-kanya nilang misyon. Ngayon na lang ba niya ako pagbabawalan? Gayong ang dami na naming napagdaanan? Nakasilip ako ngayon sa aking pintuan nang narinig ko kanina ang pagdating ni papa. Babalik nga sana ako roon sa salas kanina para magmano kay papa, ngunit narinig ko naman na pinag-uusapan nila ako, kaya mas pinili ko na lang na manatili rito sa loob ng aking silid. Baka mamaya na lang siguro kapag maghahapunan kami ako magmamano kay papa. Nawala kahit kaunti ang aking inis kay kuya dahil sa naging tugon ni papa sa kanya, pabor si papa na makisali sa misyon, at may tiwala siya sa akin,

