Kabanata 153 Lumier’s POV Wala kaming trabaho ngayon sa LIT kaya malaya kaming gagala o gagawin ang mga gusto naming gawin ngayong araw. Kaya nagdesisyon na lang akong magpunta ng arcade kasama ang sarili ko, yes, sarili ko lang kasama ko. Sobrang bored sa bahay at wala akong ibang magawa, ayaw ko naman isturbohin ang kapatid ko na may ginagawang project. Pasasamahin ko sana, kaso ‘wag na lang at baka tamarin pang gumawa ng kanyang schoo works ako pa ang maging dahilan na bumagsak siya. Graduating students pa naman siya, isang Civil Engineering. “Kuya, saan ka pupunta?” “Sa Mall lang, may ipabibili ka ba?” “Lilibre mo po ako?” “Ayaw mo naman yata, e. Ang dami pang tanong, aalis na lang ako.” Marahas niyang hinabl

