Kabanata 152 Bernardo’s POV “Anong plano mo, Bernardo?” “Tatawagan ko muna si Haro, para mapag-usapan naming dalawa ang maari naming gawin.” Seryoso ako sa mga oras na ito, nakompirma na nga namin na magkakasama nga sila sa mga pinakaaayawan kong mga kalakalan, wala talagang takot sa batas ang Dizon at Nuevo, kahit na pinaghahanap ng batas ay nakukuha pa ring magliwaliw. Humanda talaga kayong lahat, hinding-hindi namin kayo tatantanan hangga’t hindi kayo nabubulok sa kulungan. “Maiwan na muna kita, para makapag-usap kayo ni Haro.” “Salamat, Sweetie,” Umalis na nga sa tabi ko ang aking asawa, wala akong sinayang na oras at kaagad tinipa ang numero ng aking kaibigan. Calling Haro…

