Kabanata 194 Harvey’s POV Nauna pa pala akong dumating kay Ella sa mall na napag-usapan naming dito magkikita. Wala akong galaw-galaw sa aking kinauupuan, ayaw kong may makapansin sa akin, baka kasi may magtaka kung bakit ako palakad-lakad. Mas magandang isipin nilang baliw ako at taong-grasa sa suot ko ngayon. Maluwang na may mga gusot-gusot ang suot kong jacket, pinailaliman ko ng puting t-shirt na sinadyang pinasuot sa akin ni Tope ay iyong hindi na gaanong maputi na t-shirt, para raw hindi isiping nagbihis ako ng hindi mukhang simpleng tauhan lang. Hindi nawawala ang sombrero na may tatak na tsek sa harap. Sapatos ko naman ay lumang rubber shoes ni Tope. Hindi na ako umapila sa kanya kanina nang pasuotin niya ako ng mga gamit na ito ngayon. Kasi n

